Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Erwin Tulfo)


Event Media Interview

TULFO:  Magandang umaga, Secretary Harry. Sir, good morning.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  Ngayon, sir, sabi nga ng FDA noong isang araw, medyo 3 out of 10 Filipinos, so 30% daw natatakot magpabakuna, tapos mababalitaan natin ito – pinaiimbestigahan na raw ni Secretary Duque itong gamot na ito – itong bakuna na Sinovac na nanunuhol daw sa ibang bansa para mapadali ang pag-apruba daw doon. So, lalong kakabahan itong mga kababayan natin. So, ano hong gagawin natin dito, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, ang sisiguraduhin ko lang po, lahat po ng bakuna ay dadaan sa masusing pag-aaral ng ating FDA. Buo po ang tiwala ng ating Presidente kay Dr. Domingo at kung nangyari iyan sa ibang bansa, hindi po iyan mangyayari dito. Ulitin ko po, dalawa lang po ang batayan kung maaaprubahan ang bakuna dito: Unang-una, iyong kaligtasan; at pangalawa, iyong pagiging epektibo.

TULFO:  All right. Sir, kambyo tayo, ang Department of Tourism noong isang araw ay nakahuli ng mga local tourist sa Boracay, lima ang nahuli nila na may mga fake na COVID, ‘ika nga, results. Eh nagalit po ang DOT! Ganoon din sa may Batangas, sa Lian, Batangas, sa San Juan ay nag-party-party iyong isang kumpanya. Mukhang akala siguro ng mga kababayan natin sir, biru-biro ito. Mukhang alam nila mapapalabas na ang gamot kaya nagiging kampante na, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, kaya nga po sinasabi namin na talaga pong banta po ito sa kalusugan at karapatang mabuhay. So, sana po ay huwag nating gagawin iyan, dahil ito po ay talagang tungkol sa pandemya at kaya lang naman natin niri-require iyang PCR na iyan ay para sa kalusugan mismo ng tao ng nagpapa-test at saka iyong mga makakahalubilo niya.

TULFO:  Panghuli na lamang, Secretary, tapos na raw po, na-approve na sa bicameral iyong national budget at ang sabi po ng dalawang kapulungan, na kay Pangulo iyan kung mayroon siyang ibi-veto o mayroon siyang babaguhin, pero maghihintay na lamang daw. Natanggap na po ba ng Pangulo iyong, ‘ika nga, report nila na ipinasa sa Palasyo o wala pa, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ito ay kahapon pa lang naman, so inaasahan namin na ngayong araw na ito matatanggap ang soft copy. Pero ganoon pa man ay ipi-print pa iyong hard copy nito ‘no. Pero ang instruction ko po sa opisina ko talaga ngayon is, hanapin kung nasaan na iyong na-ratify at makipag-ugnayan na dito sa mga tauhan ng Office of the Executive Secretary nang malaman kung gaanong katagal na panahon ang kinakailangan para pag-aralan kung mayroong mabi-veto ang ating Presidente.

TULFO:  Na-meet po ba iyong gusto ng Pangulo, kasi may timetable po na binigay ang Pangulo, na-meet po ba ng Senado at kongreso, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, sabihin na lang po natin na kinakailangan pa rin ng panahon ngayon para suriin at tingnan kong mayroon ngang line item veto na gagawin ang Presidente. So, nagpapasalamat po kami na kahit papaano ay may panahon pa po ang Presidente na i-review iyan at mayroong panahon po para maging epektibo itong ating budget pagdating po ng a-uno ng Enero.

TULFO:  All right. Secretary Harry Roque, sir, maraming salamat po! Magandang umaga. Please stay safe and healthy, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po at salamat po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)