Interview

Interview with Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, One Balita with Cheryl Cosim

COSIM: Para po pag-usapan iyan at iba pang isyu makakasama natin live via Zoom Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Magandang tanghali po sa inyo Sec., and thank you for joining us.

CABSEC. NOGRALES:  Magandang tanghali sa iyo Cheryl, at magandang tanghali sa lahat ng mga nanunuod at nakikinig sa One Balita. 

COSIM: Okay. Pag-usapan lang po natin ng maigsi iyon pong pagpapa-booster ni Pangulong Duterte, ‘no. Kasi katulad nga po noong sinabi ng DOH wala pa pong idinedeklarang appropriate booster para sa mga naturukan ng Sinopharm vaccine because of lack of data and studies. Pero, alam ninyo po ba kung nagkaroon man lang ng epekto po nito si Pangulong Duterte, noong nagpa-booster din po ng Sinopharm? 

CABSEC. NOGRALES: Wala naman pong masamang epektong naidulot sa pagkaka-alam namin, again itong mga bakuna ni Pangulong Duterte,is something between him and his personal physician. So, iyong Sinopharm nga po iyong ginamit sa kanya na bakuna.

Primary series ng bakuna niya at we are only going by iyong statement niya doon sa Talk to the People kung saan nabanggit niya sa isang… iyong isang Talk to the People niya na naka-Sinopharm din po siya as booster as part of his mga statement na sinabi doon sa kanyang programa. Again, we reiterate that this is something between the President and his personal physician. 

COSIM: Nagbigay ho ba ng directives man lang ang Palasyo sa DOH po para din… kasi kawawa rin naman Sec. di ba—at least si Pangulo, ay mayroon po siyang sariling doktor at kini–clear po siya to get Sinopharm as booster shot. Paano naman po iyong nakakuha ng Sinopharm na iyon ang kanilang primary vaccines; kailan po kaya inaasahan na magkakaroon ng decision ang ating mga expert? 

CABSEC. NOGRALES: Well, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng ating pamahalaan, ng ating Vaccine Expert Panel, ng DOH sa mga manufactures ng Sinopharm para makakuha ng mga datos or iyong additional data and information na kinakailangan po ng ating Vaccine Expert Panel para malaman po kung ano iyong pinakamagandang booster shots for  Sinopharm. 

So, tuloy-tuloy pa rin po iyong pakikipag-ugnayan, pakikipag-usap at paghingi natin ng additional data and information from the manufacturers ng Sinopharm para sa lalong madaling panahon ay makakapagbigay na po ng abiso ang ating NVOC or National  Vaccination Operations Center kung ano iyong pinaka-mainam na booster shot sa mga nakapag-kumpleto na ng kanilang 2 doses ng Sinopharm.

COSIM: Secretary Nograles, pag-usapan naman po natin iyong plano na bakunahan nga po itong kabuuang 77 milyon adults sa Pilipinas bago mag-election. Nasa 54 million pa lamang po ngayon ang fully vaccinated at higit 20 million pa ang kailangang mabakunahan. By April, kakayanin po ba ito? 

CABSEC. NOGRALES: Iyan po iyong aming isinusulong at itutulak na according to our targets. Kung matatandaan po ninyo iyong preliminary target po natin is 54 million by end of December 2021. Pero nga dahil sa mga challenges dulot noong Typhoon Odette medyo na-delay tayo ng konti kaya inannounce noong isang beses ni Secretary Charlie Galvez na narating na natin iyong 54 million.

So, that’s one of our milestones, ang second milestone po natin is dapat makapag-77 million fully vaxed na tayo by end of first quarter of 2022. So, that’s months before the May elections. So, ito po iyong aming isusulong talaga na marating natin iyon, if not by the end of the first quarter ng 2022, at least before the May Elections na 77 million na target po natin kasama at kabilang na po doon iyong adult population.

Ang adult population means eighteen and up ‘no pero mayroon na rin po tayong mga vaccines na approved for twelve to seventeen ‘no. So, without the twelve to seventeen, ang ating tina-target ay iyong fully vaccinated adult population po natin.

COSIM: Sec., with this po, kasi naging maganda naman po iyong outcome ng ating mass vaccination, may plano ho ba ulit na magkasa ng isa pang mass vaccination?

CABSEC. NOGRALES: Well, pinag-aaralan na po natin iyan ano, iyong binabanggit ninyo na National Vaccination Days.

COSIM: Yes.

CABSEC. NOGRALES: So, it’s something we might consider. Tingnan natin kung ano iyong magiging output nitong vaccination na demand generation na ginagawa po namin ngayon. But if we see the need, halimbawa matatapos na iyong first quarter halimbawa ng 2022 at hindi pa natin nararating iyong 77 million na target natin, then perhaps it is one of the strategies na iko-consider natin.

COSIM: Pinayagan po ng IATF, Sec., ang retroactive testing and quarantine sa qualified travelers na dumating on or before January 13. Ibig po bang sabihin ay hindi na nila kailangang ma-quarantine?

CABSEC. NOGRALES: Hindi naman po. Kaklaruhin ko lang ‘no, iyong pinaka-latest na IATF Resolution natin ay nag-a-update ng ating quarantine protocols for “Green List, Yellow List, at Red List” countries. So, iyong sinasabi naming retroactive effect is para doon sa mga undergoing quarantine on the date or the days na pinalabas namin itong new quarantine protocols for Green, Yellow, and Red List countries.

So, under the new protocols kasi, kapag Green List country ka, hindi ba kailangan apart from the 48-hour swab/RT-PCR before boarding, sa Green List country, kung fully vaccinated ka, hindi na po kailangan mag-quarantine ‘no, self-monitor na lang nang seven days kung fully vaccinated.

So, may retroactive effect iyon. Kapag sinabi naming retroactive effect, ibig sabihin iyong mga naka-quarantine na mula sa Green List then puwede na nating pakawalan because nag-retroactive effect nga tayo. Ganoon din sa Yellow List ‘no na kung fully vaccinated, quarantine ka and then swab ka on the fifth day. Kung negative naman, release ka na. So, it’s shorter quarantine now.

Kaya nag-retroactive effect tayo kasi mayroon pang mga naghihintay ng seven days, eh naka-fifth day na siya, so puwede na namin siyang i-swab not waiting for the seventh day which was under old rules. So, iyon po iyong nagiging effect ng pagre-retroact namin noong new rules namin for Red, Yellow and Green List countries.

COSIM: Opo. So, iyong after January 13, Sec., ayun na, five days na nga lang iyong fifth day, iyon na iyong isa-swab tapos kapag negative, release na, iyon na iyon?

CABSEC. NOGRALES: So, kung galing ka sa Yellow List country, 48 hours RT-PCR before boarding and then pagdating mo sa bansang Pilipinas, then you will undergo a facility-based quarantine, magsa-swab ka on the fifth day at kapag negative, released. Pero mag-home quarantine ka up to the seventh day with day 1 being date of arrival, kung fully vaccinated.

Pero kung partially vaccinated or unvaccinated mula sa Yellow List country, iyong 48 hours swab test before boarding, then swab ka on the seventh day habang nagka-quarantine ka sa facility-based quarantine. And then kapag negative then you just have to complete your home quarantine up to the 14th day if you are coming from the Yellow List.

COSIM: Since napapag-usapan na po natin iyong quarantine, nagbigay po ba tayo ng directive sa Bureau of Quarantine dahil nga po kaliwa’t-kanan iyong reklamo po ng mga kababayan natin na nahuhuli or very delayed iyong pagkuha ng result po nila ng swab or may mga pagkakataon pa po na ilang linggo na nandoon po sila at nauubusan na rin ng pambayad sa mga hotel?

CABSEC. NORGALES: Tuluy-tuloy naman iyong aming pagna-nudge at pagpa-prompt sa BOQ at sa DOTr na dagdagan pa iyong mga accredited na mga swab labs or RT-PCR labs, para mas marami iyong RT-PCR labs then mas maraming options at mabilis iyong pag-release ng results. So every time may IATF meeting, we consistently remind the DOTr  and the BOQ to consistently and constantly increase the number of laboratories accredited para sa ganoon mas maraming options po iyong ating mga passengers.

COSIM: Sec, hingin din po namin ang inyong reaksyon dito sa ginagawang ‘no vaccine, no ride’ policy sa NCR. Sino po ba ang dapat talagang nanghuhuli at sino iyong mga dapat na sinisita? Kasi sinabi rin po ng DOLE ay puwede naman daw po kahit na hindi pa fully vaccinated, kung trabaho naman ang pakay, ay puwede pa rin pong sumakay. 

CABSEC. NORGALES: Klinarify po natin iyan sa ating press briefing kahapon, kung saan guest po natin si Secretary Bello ng Department of Labor and Employment at ipinaliwanag naman po niya na if it is for work, then dapat kasama siya sa ine-exempt. Because simula’t sapol, kapag sinasabi kasi naming essential, kabilang diyan iyong work. So, kapag accessing essential goods 0r services, kabilang iyong work, exempted po iyan sa ‘no vax, no ride’ policy basta mapatunayan lamang na ito po ay… may proof siya of employment.

Kaya iyon, and then sabi nga ni Sec. Bebot Bello, maybe minsan nagkakalituan lang sa enforcement. So, siyempre ang nag-i-enforce niyan sa NCR… well of course, our law enforcers kabilang diyan iyong ating mga pulis, mga kapulisan natin. And this is something na, kaya nga may IATF para lahat po ng mga ahensiya ay well informed dito sa pag-implement ng ating mga policies.

COSIM: Sec. panghuli na lamang po, dito po sa ating sitwasyon natin ngayon, sa kasalukuyang sitwasyon, possible pa bang magdeklara ng mas mahigpit po na Alert Level 4?

CABSEC. NORGALES: Iyan po iyong depende sa nakikita natin na total bed utilization. Saan mang lugar whether it’s NCR or wherever province in the country, ang babantayan natin diyan is siyempre:

  • Iyong two-week growth rate;
  • iyong Average Daily Attack Rate; and
  • iyong bed utilization, total bed utilization.

So, kapag pumalo na po ang lahat nito high, ibig sabihin, it’s been high iyong Average Daily Attack Rate, high iyong two-week growth rate or critical and then high din po iyong bed utilization rate, which is 71% total bed utilization up then that is the time that i-elevate or i-escalate na natin to Alert Level 4.

Sa NCR po, nasa moderate pa po iyong ating total bed utilization. So hindi pa siya aangkop at hindi pa siya tumatama doon sa high level of total bed utilization, kaya nga po nasa Alert Level 3 pa po tayo. But we are also monitoring other areas ‘no, provinces, outside of NCR at binabantayan namin itong tatlong indicators na ito.

COSIM: Pero maliban po sa NCR, mayroon pa rin po ba tayong binabantayan pa na nakikitaan na tumataas ang mga insidente po or iyong mga kaso po natin or masasabi po natin na so far controlled na po or dahan-dahan ng bumababa po iyong ating mga cases?

CABSEC. NORGALES: Iyong report ni Secretary Duque kay Pangulo sa Talk to the People, nakita po natin doon na mayroon tayong regions na binabantayan, maliban sa NCR, siyempre ang Region IV-A, Calabarzon, ang Region III and then ang CAR, ang Region I.

So, mayroon tayong mga regions na na-report nga na nasa critical in terms of two-week growth rate at ADAR. Iyong ibang nasa regions, nasa high.

So, makikita po natin na iyong mga nasa Alert Level 3, ibig pong sabihin ng Alert Level 3 na regions, iyon po iyong… of course binabantayan natin iyon, because matataas po iyong kanilang two-week growth rate at mataas din po iyong kanilang Average Daily Attack Rate. But iyong hospital bed utilization, hindi pa siya tumatama sa high, kaya nananatili pa siyang Alert Level 3. So many of the provinces na makikita ninyo na nasa Alert Level 3, iyon iyong binabantayan natin, because… dahil nga sa mga indicators na iyan.

COSIM: Marami pong salamat sa inyong oras. Thank you for joining us, Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles. 

##

News and Information Bureau-Data Processing Center