Interview

Interview with outgoing PCOO Secretary Martin Andanar by Lourd de Veyra, Patrick Paez, Manny Mogato, Ed Lingao and Jove Francisco ‘Wag po! – DWFM

Q: Mart, parang iba iyong glow mo ngayon. Ito ba iyong glow of finally relief?

Q: Two days na lang.

Q: Maganda iyong kulay ni Martin, buhay na buhay oh.

SEC. ANDANAR: Hindi, masarap ang pakiramdam dahil finally tapos na. Okay, mas okay pa sa all right.

Q: Parang masama ang loob mo, Mart?

SEC. ANDANAR: Mayroon pala akong sombrero, Lourd.

Q: Mart, kulang na lang kabayo saka latigo. Mart, ano ang plano mo sa exact last day?

Q: Nasa Malacañang ka ba ng umaga?

SEC. ANDANAR: Bumili na ako ng tobacco.

Q: Kabayo?

SEC. ANDANAR: Hindi, mahirap kapag kabayo eh, aalagaan mo pa, eh iyong tabako, okay lang, dahil at least relax lang di ba? Saka hinanda ko na rin iyong pantagay.

Q: Eh, makakasundo nito iyong isang kasamahan nating mahilig magtabako. Si Pareng Joe Taruc.

SEC. ANDANAR: Hindi, matagal na akong hindi nagtabako. Iyong last ko, iyong 40th birthday ni Lourd.

Q: My God, parang kailan lang ano. Mart, ang feeling mo ba, parang ang tagal noong past six years or parang where did the time go, ganoon?

SEC. ANDANAR: Parang mabilis, dahil doon sa pandemic siguro, kaya mabilis. Iyong four years medyo mabagal eh, ang bagal noong four years, dahil kaliwa at kanan iyong trabaho, mga isyu na dapat harapin. Siyempre noon dumating iyong pandemic, iyong isang isyu lang, iyong COVID-19 lang. So, ang madali doon, ay siyempre marami kami, ‘di ba, Lourd. Marami kaming sumasagot, si Galvez, si Karlo Nograles.

Q: Harry Roque.

SEC. ANDANAR: Oo, sila ni Duque, si Panelo, Roque, kaya hindi masyado mahirap sa communication in a sense na isang isyu lang iyong sinasagot ko.

Q: Mart, totoo bang may multo sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Ano?

Q: May tikbalang ba doon sa balete tree?

SEC. ANDANAR: Mayroon daw eh, alam mo mayroon. Kasi mayroong istorya noong kinunan daw ng picture iyong isa sa mga bisita noong inauguration ni Presidente Digong. Doon sa may balete, balete iyong nasa likod eh, nakita na ni Patrick iyon, noong photographer, mayroon daw lumabas na ibang element eh. So iyon.

Q: Sino kaya iyon.

Q: May tabako? Baka si FVR iyon.

SEC. ANDANAR: Hindi, talagang iyong balete daw na iyon, talagang may multo.

Q: Mr. Brown di ba, may pangalan.

Q: Iyan iyong mga incisive questioning na dapat tularan ng mga batang reporter.

SEC. ANDANAR: Oo, tapos doon sa New Executive Building, doon kung saan kami nag-opisina nang matagal, eh medyo very gloomy eh, sa opisina ko, walang bintana, walang sunlight.

Q: Totoo iyan, ang daming kanto.

SEC. ANDANAR: Bihira akong pumupunta doon, dahil parang malas eh.

Q: Parang bulag iyong architect noon, ano.

Q: Ang daming kanto.

Q: To think, Mart, bagong building iyon ha. Minulto kaagad.

SEC. ANDANAR: Mayroon daw naglalakad-lakad, pero wala naman akong naramdaman. Dahil noong first few months, noong first year. Late ako umuuwi, wala naman akong naramdaman, pero iyon nga, siyempre iyong kuwento ng mga guwardiya, iba. Iba talaga kapag guwardiya, nakikita nila lahat.

Q: Eh kasi walang ID.

Q: Walang ID iyong multo.

SEC. ANDANAR: Iba pa iyong PSG. Iba pang iyong guwardiya. Pero, hindi ko alam kung ano iyong kuwento ng PSG. Iyong mga guwardiya na nakaputi, iyon ang mga may kuwento.

Q: Mart, saglit lang ha, napaka-unprofessional natin ‘no. Nakakalimutan natin na may mga taga-radyong nakikinig sa atin, hindi natin na-introduce ng maayos kung sino ang kausap natin.

Q: Saka kung sino tayo.

Q: Hayaan mo na iyon. Kami po ay isang programa na malapit ng manalo ng Catholic Mass Media Awards. Kami po ang programang “Wag Po!, alam na ninyo iyon. Pero kausap natin ngayon ay ang dati po nating kasamahan na ngayon ay kasamahan na for the past six years ng buong bayan. Opo, ito po at nasa huling mga hininga ng kanyang araw bilang hepe ng PCOO.

Q: Spokesman, huwag nating kalimutan.

Q: Presidential Communications Operations Office.

Q: Palakpakan po natin, the great Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Iba iyong palakpak ni Rene Requestas.

Q: Si Tito Mart pa-whisky-whisky lang.

SEC. ANDANAR: Hindi, Fundador lang ito.

Q: Lang ha, hindi mautak itong si Tito Mart, alam ko ginawa niya sa bagay niya, may nagbulong sa akin, puntahan natin siya minsan.

Q: Sabihin natin kung si Martin Andanar ang may warrant of arrest. Kapag pumunta doon, wala silang matatagpuan, multo lang.

SEC. ANDANAR: Pero, na-miss ko na iyong mga kuwentuhan natin eh.

Q: Lapit na.

Q: Mart, bakit nagbago ka na?

SEC. ANDANAR: Gusto mo sa June 30, para eksakto, bago mag-12 noon.

Q: Mart, baka puwede mong talupin iyong mga carpet doon, sayang din iyon.

Q: Wala bang iuuwi?

SEC. ANDANAR: Walang maiuuwi, kasi number, property of the government lahat iyon eh.

Q: Correct, may mga sticker eh.

SEC. ANDANAR: Bukod sa mga litrato, tapos iyong desk na binigay ng tatay ko, iyong desk niya dati noong nasa DILG siya.

Q: Madadala mo iyon?

SEC. ANDANAR: Parang pinamana niya sa akin. So, noong namatay siya last year, tapos ibinigay sa akin ng step mother ko, inilagay ko sa opisina. Iyon lang ang iuuwi ko.

Q: Mart, medalya?

SEC. ANDANAR: Medalya, oo iyong ibinigay ni Presidente, iyong Presidential Merit.

Q: Iilan lang kayo sa gabinete na nabigyan niyan.

Q: Lapu-Lapu.

SEC. ANDANAR: Hindi, iba pa iyong Lapu-Lapu, Jove. Iba pa iyon, iyong Lapu-Lapu, bagong award kasi iyon. Iyong Presidential Merit Medal, Medal of Merit, iyon ang medyo matagal na at tradisyon na ibinibigay ng mga Presidente sa mga tauhan nila na sa palagay niya ay karapat-dapat.

Q: Ito ay kaugnay ng inyong naging papel doon sa COVID response, right?

SEC. ANDANAR: OO, sa IATF po. Actually, ano nga iyon eh, very fulfilling, kasi kung anuman iyong ginawa natin noon sa pandemya, iyong Laging Handa, natutunan natin diyan sa channel 5. Hindi ba, nagkaroon tayo ng meeting sa Australian Embassy, tapos mayroong crisis communication, etcetera na hindi natin na-apply. Tapos in-apply natin sa gobyerno, tapos tumulong iyong channel 5, si boss MVP tumulong, kaya iniere ninyo iyong Laging Handa.

Q: Puwede ba nating sabihin iyon na (unclear)

Q: Gusto nang i-cancel ni Jove. Kaso nagri-rate eh.

Q: Pero sobrang nagri-rate siya, Martin. Sabi namin, bakit kaya kahit replay na, nagri-rate pa.

Q: Pero, Mart, kahit niri-replay nila, ini-edit actually mga parts ni Bong Go.

Q: Eh, laging may item.

Q: Mahirap, nasa intro iyon ano. Mahirap tanggalin, nasa intro ni Martin ‘no.

Q: Isa iyan sa ipinaglaban namin, hindi puwede kasi –

Q: Dapat nandiyan si Bong Go.

Q: Serbisyo publiko ito.

SEC. ANDANAR: Oo, iyon.

Q: Pero, alam mo, Mart, pinapanood siya ng tao.

SEC. ANDANAR: Oo, lalo na iyong first 12 months ‘no, grabe, talagang ang taas noong viewership, hindi lang sa on air, pati sa online. Lahat naman na iyon ay natutunan natin diyan sa channel 5. Kaya very symbolic, kumbaga iyong award na iyon, eh because of our experience sa media.

Q: Pero, Mart, sagutin mo iyong tanong ni Manny: Bakit nga ba parating si Bong Go nandoon?

SEC. ANDANAR: May sagot ako. Kasi si Senator Bong Go, siya iyong chairman ng Committee on Health and Demography sa Senado. Alam naman natin na iyong ginagawa ni Presidente, parang grabe iyong foresight ni Senator Bong Go eh, bago gawin ni Presidente, ginagawa na niya.

Q: Tindi! Good answer, palakpakan natin.

Q: Pansin mo, kasi iilang araw na lang, ang lalakas ng loob ng mga kasamahan ko.

SEC. ANDANAR: Congratulations sa award mo ha.

Q: Mart, huwag daw congratulations, nagbayad ng bail, baka puwede mo daw sagutin.

SEC. ANDANAR: May pansangla ka na.

Q: Mga tatlo o apat na araw na puga iyan eh.

Q: Ang question ko ay may koneksiyon doon sa multo na tanong ni Lourd eh. Kasi nagulat ako from Mace na wala na pala kayo sa PCOO ‘no, wala kayo sa NEB, lumipat na kayo ng Otis ‘no. Ano ba ang istorya doon, Mart?

SEC. ANDANAR: Kasi iyong building [ay] for retrofitting. So, nag-decide ang Office of the President na i-retrofit na iyong buong building, so pinalayas kami. Pero mas maganda naman iyong building ngayon, actually, sa Times [Plaza], mas maganda iyong bagong opisina, mas modern. Tapos nasa United Nations, katapat ng World Health Organization. Sa baba nandoon iyong LRT sa baba. Kung nandoon ka sa opisina, kasi bagong building eh, relatively new iyong Times Plaza, parang nasa pambungad na building. Iyong kanto mismo ng Taft Avenue pati UN, tapos katapat ay ang World Health Organization, so kapag nandoon ka sa taas, makikita mo iyong LRT, makikita po iyong World Health Organization.

Q: Pero sa mga nag-cover ng Malacañang dito, iba pa rin kapag…

Q: Kalayaan or NEB.

SEC. ANDANAR: Pero, naiwan naman iyong, of course iyong mga reporter, doon sa New Executive Building. Pero kahit na naiwan sila, eh siyempre nagkaroon ng pandemya, hindi naman sila nakakapasok, so wala rin. Pero maganda iyong nilipatan, may mga pagkain sa baba, may Jollibee, kung anu-anong mga fast food chain. Ang pakiramdam mo nga, nasa Bangkok ka eh, tapos makikita mo iyong US Embassy, tapos makikita mo iyong Roxas Boulevard, Dolomite Beach makikita mo, kaya maganda.

Q: Matindi. Okay, since nasa topic naman tayo ng—ang training mo talaga, Mart, ay dito sa media ‘no, specifically dito sa network na ito. Matanong ko lang kay Tito Patrick, kay Tito Ed, sa kaniyang mga boss dito ‘no. May ibinigay na bang exclusive ever si Martin Andanar sa atin?

Q: Wala. Ibinulong mo pa, naka-mic ka naman.

Q: Nagpapa-solo interview naman.

SEC. ANDANAR: Magbibigay ako ng exclusive, kaso very unorthodox ang style ni Presidente eh. Hindi iyong normal na, iyong mga nakasanayan natin na mayroong press briefing iyong Presidente, etcetera. Ano siya, he keeps his cards close to his chest. So, hindi namin kailangang magbigay, for the entire six years, hindi kami nagbigay ng press briefing sa kaniya in person. Puro padala lang namin iyong aming mga round-up ‘no, sa mga mga nangyayari sa Pilipinas, sa buong mundo, tapos binabasa lang niya. Wala iyong normal na press briefing. Alam ko si President-elect BBM eh, magkakaroon siya ng briefing from his Office of the Press Secretary every morning, Monday to Friday.

Pero sa amin, never nangyari iyan eh. Iyong usual na nangyayari eh, iyon nga hinihintay lang iyong aming report, tapos binabasa niya. Tapos siya iyong nagsasalita. Ayon, wala talagang ano, kaya ang hirap magbigay ng exclusive.

Q: If you don’t mind, medyo noticeable that during the first year, first two years, he was interacting. The President was interacting with media ‘no. I remember, ikaw pa nga ang nandoon sa mic na nagtatawag ng reporters, ‘di ba, you were kind of moderating. But towards the, maybe half of his term, nawala iyon.

SEC. ANDANAR: Well, noong 2019, siyempre elections iyon, ‘di ba, so nakatuon ang pansin ni Presidente sa mid-term elections. Usually, iyong mga times na puwedeng mag-ambush ang media ay during his trips to other provinces at saka iyong mga bansa. Eh noong 2019, 2020 hanggang ngayon wala pa siyang biyahe, wala nang masyadong biyahe. Nagiging istrikto rin ang PSG dahil nga sa banta sa kaniyang buhay, dahil sa war on drugs, dahil sa mga Maute, kaya iyon. And then, aminado naman si Presidente, sabi niya lately, di ba sabi niya nararamdaman na niya iyong sakit sa katawan.

Sabi niya, marunong talaga ang Diyos, dahil nga sumakit ang mga sakit sa katawan, before na bumaba siya sa puwesto, of course may pandemya, siyempre maingat ang PSG, maingat kaming lahat, maingat ang Office of the President na, you know, na nasa crowd si Presidente, dahil baka mahawa siya.

Q: Mart, sa nakaraang anim na taon, ano ang para sa iyo ang pinakamatindi talaga na bahagi ng past six years para sa iyo, to the point na parang, you actually thought of quitting this job, sa sobrang tindi ng krisis na iyon, kung mayroon man? Tayo-tayo lang ang nag-uusap dito, Mart. Anim.

SEC. ANDANAR: Iniisip ko pa.

Q: Puwera lang iyong COVID.

SEC. ANDANAR: Siguro noong bago mag-2019. Bago mag-desisyon doon sa Maguindanao Massacre. Siyempre maraming batikos, left and right, local media, international media, mga kaibigan natin and then, ang pinanghahawakan namin ni Pareng Joel Egco, iyong Presidential Task Force on Media Security, na kumbaga, dahil doon ay nag-improve iyong ating standing sa Reporters Without Borders, tapos iyong sa organization sa New York, iyon nga – CBJ. Na sinabi nga na we were one of the most dangerous countries for journalists. So, noong time na iyon medyo siyempre mahirap, kasi ang tagal ko sa media, tapos kapag hindi namin na-deliver ni Pareng Joel, eh nakakahiya, nakakahiya para sa mga kasamahan natin, during that time.

Pero, you know, nagdesisyon ang korte, pabor doon sa pamilya ng mga biktima. Kaya iyon, nalampasan namin ni Pareng Joel.

Q: Mart, is there a plan? Alam naman natin during the early years of the Duterte presidency, medyo he enjoyed the company of reporters, right? ‘Di ba, gustung-gusto niya napapaligiran siya? Nawala iyon. Now, na patapos na, may balak ba siyang magkaroon ng gathering with the members of Malacañang Press Corps at least?

SEC. ANDANAR: Mayroon akong listahan na binigay sa kaniya. Of course, number one si Ma’am Luchie doon tapos siguro mga apat o anim na ni-recommend natin na interview tapos bukod doon iyong FOCAP nagri-request pa rin. Ka-meeting ko iyong FOCAP last week. And iyong MPC.

Pero hindi kasi tumatanggap si Presidente ng invitation sa ngayon, iyong mga one-on-one interview wala sa ngayon, wala. Kaya siyempre naipit din ako dahil marami tayong kaibigan sa media tapos hindi natin napagbibigyan.

Pero you know as long as nakikita mo iyong Presidente kahit naman after his term I’m sure na gusto pa rin siyang kausapin ng media. I mean being one of the most popular exiting Presidents in the history of Philippine politics.

Naglabas sila ni Malou ng bagong survey na 75% iyong approval rating doon kay Malou Tiquia. Kaya base doon ay ang taas, tapos may lalabas daw iyong isa pang survey company at sinabi nga noong nakakita na mataas din pero hindi raw niya mabanggit kung sino iyon.

Q: Alam ko na, para mapagbiyan iyong interview ninyo sabihin ninyo sabihin ninyo taga-SMNI kayo.

Q: Mart, teka bago ko umalis. May isa pa akong programa eh. Bok, may pahabol lang, iyong kabilang programa papunta ako never kang nag-guest sa amin.

Parang may pagtatampo ka sa amin.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi iyong isang programa mo ay talagang nakikita natin na halos lahat naman kayo doon ay kaibigan ko. Hindi naman ako confrontational. Iyong mga susunod naman sa amin si Lorraine Badoy. Si Lorraine na lang.

Mayroon tayong mga kaniya-kaniyang ano eh, may mga kaniya-kaniya tayong mga istilo. Ito nakuha ko kay Sir Patrick ito iyong kalmado lang at saka kay Sir DJ, kalmado lang. Patrick saka si DJ.

Wala naman mangyayari kapag tumanggi eh. Pero kailangan mayroon ka lang puwedeng ipalit sa iyo.

Q: Parang pinalit mo boksingero eh ano.

SEC. ANDANAR: Bigay ko na lang sa iyo, Ed, iyong ano ko iyong aking diary isulat mo na lang.

Q: Ayun, gagawin pa akong biographer.

Q: Ang tanong, magkano daw iyong [unclear]. Ayan umalis na. Hindi iyan walkout ha. May nilipat lang na ibang programa iyan. Doon siya sa programang iniiwasan mo.

Q: Mart, assessment mo Mart, sa estado ng PTV-4 kasi maraming naniningil. Parang vision mo na maging BBC.

SEC. ANDANAR: Hindi natin nagawa iyon kasi mayroon tayong isinulong na bill, panukalang batas ito iyong People’s Broadcasting Corporation. You know magbibigay ng power, poder sa PTV na maging public broadcasting company tulad ng BBC.

Alam mo sa England, every time you buy a television during that time kasama sa policy nila mayroong share na napupunta sa BBC kapag bumili ka ng television or any gadget technology na mapapanood mo iyong BBC. So, mayroon doon sapat na pondo tapos mayroon din silang sapat na independence para makapag-decide o mapatakbo iyong BBC na kahit na public broadcasting company, parang semi-government na rin ay hindi pa rin pakialaman ng gobyerno. Hindi puwedeng pakialaman ng parliament. Dapat ganoon din ang PTV para marating niya iyong…

So, iyong nagawa na natin iyong bare minimum, iyong nakikita mo iyong technology, camera, mga bago, lahat, building. Pero kung long term palagay ko dapat mayroong batas talaga na gawing public broadcasting company iyon.

Q: Iba iyan sa government TV station o public broadcasting. Iba po iyan?

Pero Mart, ano sa lahat ng iyong nagawa ang pinaka-proud ka diyan sa six years mo? Iyong tingin mo “Ito nagawa ko siguro hindi man napansin ng mga tao pero this is my legacy” ika nga. This is the Andanar legacy. For PCOO for example.

SEC. ANDANAR: For PCOO, hindi napapansin ng tao iyong FOI, iyong Freedom of Information ay tayo naman ang nag-champion niyan kaya naging Executive Order Number 2, may Presidential Task Force on Media Security na AO Number 1. Tapos kumbaga we [unclear] our fingers on the policy making. Iyong Media Workers Welfare Act na pumasa sa Kongreso, hindi napirmahan sa Senado pero sayang iyon dahil bibigyan sana ng magandang proteksyon iyong media na makakuha sila ng permanent work na hindi puro talent etc. Tapos iyong People’s Broadcasting Bill na sana iyon. Tapos itong ano, itong Mindanao Media Hub, Visayas Media Hub, Government Communication Academy. Tapos iyong pag-ISO ng PCOO Proper, tapos pag-ISO ng iba pang ahensiya ng gobyerno.

Kumbaga, iyong ginawa natin ay trabaho ng isang media technocrat and siguro I consider myself as a mid-technocrat kaya naka-focus tayo doon. Iyon pero you know, we can only do so much in six years kaya okay na rin iyon, nakakapagod na.

Q: So, Mart, nakikita namin sa Instagram na panay ang mga liwaliw mo sa mga kanayunan. Is that part of your future plan to get into, let’s say farming or anything like that?

SEC. ANDANAR: Kasi noong iyong usapan namin ni Ernie Abella noong time na nagsimula ako, kami. Siya sa Metro Manila, ako iikot ako sa probinsiya at kausapin ko iyong mga media sa probinsiya, etc. So, nakikita ko iyong ganda ng Pilipinas, tapos iyong affordability ng real estate kaya sabi ko ang ganda ng Pilipinas kung iikutin mo ay napakaganda talaga hindi mo na kailangan mag-abroad para makapunta sa isang malamig na lugar o punta ng beach [unclear]. Hindi mo na kailangan magpunta ng Bali para makakita ka ng magandang rice field na mayroong magandang picturesque na view.

I don’t know, siguro I [unclear] gusto mo rin doon sa tahimik na lugar. Siguro mayroon iyon sa Visayas, mayroon iyon manggahan doon.

Q: Ay wala ini-scam ako ng pinsan ko. Katrina, magbayad ka na.

Q: Hindi ako, sa akin ano lagi natin pinuna iyong mga sitting presidents at saka iyong mga programa, pero ako nagustuhan ko iyong Boracay cleanup.

SEC. ANDANAR: Maganda iyong Boracay. I think that’s one of the iyon nga iyong mga legacies ni Presidente na kahit nga pinasara iyong Boracay ng six months siyempre kailangan ng political will etc. Tapos iyong Dolomite Beach kahit papaano ay luminis iyong buong area na iyan. Maraming may ayaw pero again you know kung ikukumpara mo naman noon, mas maganda na ngayon. Maraming batas you know, kung iisa-isahin natin ay napakahaba, napakadaming nagawa ni Presidente na pati mga estudyante ay masaya sa kaniya dahil libre din iyong tuition ng mga state universities and colleges ng mga estudyante. Kumbaga ano siguro kaya rin napagod si Presidente sobrang ang dami rin nagawa niya. Tayo naman ay trabaho lang din, trabaho lang nang trabaho.

I’m very happy na in the next two days, bukas pa lang magti-turnover na kami nang pormal kay Attorney Trixie sa PCOO kaya excited na ako.

Q: Mart, ipapasarado ninyo ba iyong website ng Official Gazette?

SEC. ANDANAR: Pinapalakas natin iyong…Kailangan kasi may batas na hindi lang hinihintay iyong printed from ng Official Gazette dapat isama na iyong online na kapag na-publish mo online ay doon na magsisimula iyong bilang noong pagsasabatas o iyong IRR para mapatupad iyong IRR.

Sa ngayon kasi very outdated iyong ating batas pagdating sa Official Gazette. That’s one of our responsibilities kasi under the National Printing Office iyon eh. Then, ayun, wala na masyadong nagbabasa ng hardcopy, ng diyaryo; puro online.

Q: Mart, kapag bumalik ka ba sa media if ever mas magiging of course iba iyong kunyari, iba iyong commentary mo noon ngayong nag-six years ka sa public service sa Malacañang.

Gaano kaiba kaya ang magiging komentaryo mo ngayon? I’m sure kasi maraming mga commentaries you’ve made out of siguro pure ignorance ng mga pangyayari sa behind akala natin kasi walang kumplikasyon ang mga bagay-bagay pero it’s actually more complicated than you think at hindi ganoon kadali magpa-enact noong kung anuman ang mga ipinangako.

Would you be treading lightly this time kunyari as komentarista kung babalik ka ng media?

SEC. ANDANAR: Palagay ko, ano eh, palagay ko iyong experience sa gobyerno, makakatulong iyon sa sourcing ng balita, number one, kasi siyempre iyong network na naka-establish sa gobyerno.

Number two, I don’t think na I will be treading lightly kung mayroong ginawang masama o hindi maganda iyong isang opisyales dahil kahit papaano, siguro mayroon tayong experience at alam natin kung ano ang puwedeng gawin o hindi puwedeng gawin sa burukrasya.

At baka nga mas maging harsh pa eh, iyong criticism ko. Kaya medyo kinakabahan din ako dahil alam ko kung talagang bullshit talaga eh, alam ko kung bullshit na talaga. Alam ko naman talagang imposibleng gawin, halimbawa, mga procurement ‘di ba, na napakahaba ng procurement; iyong mga bidding, etc., napakahaba; iyong pag-approve ng mga projects, alam natin mabagal. Alam din natin na iyong chain of command sa military o sa police ay hindi basta-basta at hindi mo puwedeng suwayin iyan eh kaya minsan bumabagal din iyong decision-making sa baba.

Kaya I think I’ll have a more balanced view. I think, ha. Pero hindi naman siya rocket science eh. Ang pinagkaiba lang siguro, ngayon, ang Martin Andanar dati at saka ngayon ay mayroon tayong experience talaga na nagtrabaho talaga sa gobyerno.

But then again, kung nandoon ako sa private sector, sa media—

Q: Ganoon din ‘no.

SEC. ANDANAR: Ganoon din. Pero lahat naman ng ginusto ko na baguhin sa PCOO, sinubukan kong gawin. Mayroong mga bagay na hindi ko kayang gawin dahil nga sa burukrasya, too much bureaucracy. For example, gusto kong buhayin iyong mga press attaché back ‘no sa ibang bansa.

Q: Budget.

SEC. ANDANAR: Oo, 2016, talagang prinoject ko iyon. After ng FOI at saka Presidential Task Force on Media Security, talagang nilakad ko iyon. In-approve ni Presidente, in-approve niya iyong press attaché. Kasi sabi ko, kailangan mayroon tayong press attaché sa Saudi Arabia, sa Middle East, mayroon tayong press attaché sa Europe.

Q: Key areas man lang ‘no.

SEC. ANDANAR: Oo, sa Amerika, Canada, to that area, North America. Pero ano eh, pagdating sa isang Secretary – hindi ko na babanggitin kung sino – he shot the idea.

Q: Banggitin mo. Clue?

SEC. ANDANAR: He shot the idea, tol.

Q: Budget ang problema.

SEC. ANDANAR: Siyempre nakakabuwiset, ‘di ba? Hindi, kasi alam ninyo na napakamahal mag-hire ng PR. Napakamahal mag-hire ng [unclear], mahirap mag-hire. Siguro minimum $500,000 a month ang babayaran, saan ka kukuha ng pera na ganoon? Pero kung mayroon kang press attaché, ang puhunan lang naman ng press attaché, kape lang eh. Kape lang; sasamahan ang isang reporter, magkakape sila. Eh iyong mga western reporters, kahit sinong mga reporter, they pay their own. So siguro ang pinakamahal na siguro kapag nanlibre sila ng lunch, iyon na iyon eh. Kaysa naman magbayad ka ng—kaya medyo nahihirapan din ako sa pagdepensa kay Presidente, sa Amerika at saka sa Europe.

Pero buti na lang ay na-pirate ko si JV Arcena doon sa US Embassy. Kasi he was working under the US Embassy, parang sa digital communication. So he was about to resign tapos pinayrate [pirated] ko siya and then we set up the Office of the Global Media Affairs dito sa Pilipinas. Mas kaunti iyong gastos pero kahit papaano ay nagawan natin ng paraan na ma-engage iyong ating mga kasamahan sa media internationally at locally.

Q: Mart, ilang araw na lang ‘no – ito, serious question ito – puwede pa bang mag-midnight appointment, Mart? May connect ka ba, puwede bang pa-appoint ako sa PDEA?

SEC. ANDANAR: [Laughs] Samahan kita doon, gusto mo? [Laugher]

Q: All right. Mart, alam mo, sa six years, I’m sure ang dami mong experience at sana maisulat mo iyan ‘no. Gawan mo ng isang multi-series na podcast ‘no para magandang—I’m sure, may point na mari-recollect mo lahat iyong tranquility.

SEC. ANDANAR: Mayroon akong ipapakita sa inyo.

Q: Iyon na oh. Baka naman Duterte Legacy Notebook iyan ha, mayroon na si Jove niyan.

SEC. ANDANAR: Hindi. Actually, kahapon, tiningnan ko iyong mga gamit ko, tapos nandito iyong aking diary. So, nandito lahat, lahat ng mga anecdotes, iyong kasama ko si Presidente, iyong mga times na very crucial in our history, iyong mga desisyon that led to—

Q: Iyong mga juicy details, Mart, may potentially libelous ba diyan?

SEC. ANDANAR: Mayroon, mayroon.

Q: Ah, maganda. Eh iyong mga EJK?

Q: Easy! Unity na ngayon.

SEC. ANDANAR: Lahat ng nandito, considered official din ito ha kasi siyempre sinulat ko ito while in office, ‘di ba. Baka agawin sa akin ng NICA.

Q: Baka. Puwede pa iyan, oo. Kasi I’m sure may mga ibang key points din na kapag wala na siya sa gobyerno, mari-recollect niya pa. Doon lalabas talaga ang katotohanan.

Q: Maganda iyong ano, talagang everything was put down ano, Mart. Parang nawala iyong ganiyang disiplina ngayon ano, for a lot of people to put down things in writing, not just in Instagram.

SEC. ANDANAR: Actually, okay nga kasi apart from writing everything – not everything, but every time I had this with me – dahil sa digital platform, lahat ng lakad ni Presidente ay na-record natin, nailagay natin sa platform – sa YouTube, sa Facebook, sa RTVM na kung saan ginawa ni Demic Pabalan. Kasama na si Demic Pabalan doon sa [unclear] before; gumawa siya ng digital archive mula kay Tita Cory hanggang ngayon. Kaya kapag i-search mo lang doon sa archive nila, na website, mayroon kang password, i-search mo lang, makikita mo lahat ng speeches.

Kasi iyong mga tape kasi, Sir Pat, hindi ba nagdidikit-dikit iyon kapag hindi—

Q: Mart, hindi ka ba kinukuha ng SMNI?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Si Panelo ang kinuha ng SMNI.

Q: Iyong sa AM—ano iyon, Tito Jove?

JOVE FRANCISCO: AMBC.

Q: AMBS.

JOVE FRANCISCO: AMBS, sorry.

Q: Oo, iyong kay Manny Villar.

SEC. ANDANAR: Hindi rin. Wala, walang offer.

Q: So magtitiyaga ka na lang talaga sa amin?

SEC. ANDANAR: Alam mo, mas gusto ko sa Kapatid kasi siyempre kahit papaano doon, kung mayroon man akong ipagmamayabang, siguro iyong loyalty.

Q: Ibalik ang tambalang Andanar at Tulfo.

Q: Ayun, Lovebirds. Buong dalawang oras, Lovebirds lang.

Q: May bago na kaming studio para sa iyo.

Q: Walang pulitika. Ganda noon.

SEC. ANDANAR: Pero Lovebirds tapos mayroong ayuda.

Q: Mga henyo ni Martin. Siya lang ang nag-iisip ng mga ganiyan, may konsepto kaagad, kumpleto.

SEC. ANDANAR: actually, digital pa nga. Pero AICS

Q: Hindi natin problema ang pondo – may ayuda at saka Duterte Legacy na notebook.

SEC. ANDANAR: Hindi na kailangan ng ano, kahit na pumila nang pumila diyan sa Pioneer, walang problema. Hindi na kailangang pumila, mayroon kaming AICS dito, never ending.

Q: Iyong Bro mo ‘no, papasok ka ba sa gobyerno ngayon?

Q: Anong payo mo sa kaniya? Si Pareng Erwin Tulfo.

SEC. ANDANAR: Alam naman niya ang gagawin. Alam na ni Erwin kung ano gagawin niya. Basta tayo, nandito lang tayo bilang kaibigan, bilang kumpare. So kapag kailangan, nandito tayo; kapag hindi naman kailangan—at saka nandoon naman Sir Jericho, bahala na si Sir Jericho.

Q: Korek, kontakin si Jericho.

SEC. ANDANAR: Oo, mukhang Usec si Jericho eh.

Q: All right. On that note, Tito Martin, maraming, maraming salamat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center