Interview

Interview with Acting Presidential Spokesperson CabSec Karlo Nograles by Aljo Bendijo (PTV – Tutok Erwin Tulfo)

Event Media Interview

BENDIJO: Maayong buntag, CabSec Nograles, this is Aljo Bendijo, sir.

CABSEC NOGRALES: Maayong buntag kanimo, Aljo. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa Radyo Pilipinas at mga nanunuod. Maayong buntag sa inyong tanan.

BENDIJO: Sec, kailan isasapubliko ng IATF ang bagong alert levels natin na ipapatupad sa bansa para sa NCR. Sinabi ni MMDA OIC GM Artes na possible nilang i-recommend iyong Alert Level 1 kung patuloy na bababa ang cases sa rehiyon, ano po ang inyong masasabi diyan, CabSec?

CABSEC NOGRALES: Well, ganito iyan ano. Tomorrow, mayroon po tayong IATF meeting – full IATF meeting iyan tomorrow – Thursday. Pero dahil a-diyes pa iyan ng February may ilang araw pa bago mag-February 16. So, siguro mga preliminary assessment muna iyong titingnan natin tomorrow ng IATF and then sa weekend, which is February 12 or 13, ay magkakaroon na naman po kami ng pagpupulong IATF para makita iyong latest numbers at data ng iba’t ibang regions kabilang na iyong NCR diyan, ng buong bansa para mas ma-assess namin ng mas malapit sa February 16, ano iyong magiging alert level systems natin para sa iba’t ibang mga lugar dito sa ating bansa. Kasi ang next alert level system na aming ia-announce is for February 16 up to katapusan ng Pebrero.

So, iyon po maaring mag-announce kami ng mga bagong alert levels, either February 13 or February 14, Valentine’s Day. So, abangan na lang po natin. What we want to do kasi sa IATF is the closer to February 16 ang aming assessment, para iyon iyong latest numbers na makikita po natin to make a final decision for alert level system for February 16 hanggang katapusan ng Pebrero.

BENDIJO: Opo. Ano po ang susunod na phase ng National Action Plan against COVID-19, Sec?

CABSEC NOGRALES: Iyong NAP 5 actually kung titingnan natin parang ito na iyong… ang focus natin dito would be on the economic recovery kumbaga pagbalik ng kabuhayan ng ating mga kababayan in light of itong pinaka-latest na variant na Omicron na ito iyong predominant variant natin dito sa buong bansa.

And in light na under that context na marami na po sa ating mga kababayan ang fully vaccinated at mas dadami pa po iyong fully vaccinated diyan at nag-umpisa na rin po tayo noong vaccination ng ating mga kabataan, iyong 12 to 17 at nag-umpisa na iyong five to eleven, pero mas dadami pa iyong rollout natin by February 14 para sa children age five to eleven.

So, under that context, kung iyon po iyong konteksto natin, ang next question diyan: Ano iyong gagawin, ano iyong bagong action plan natin under that context. So, dito po natin makikita iyong National Action Plan Phase 5 kung saan ang focus natin dito would be iyong economic rebound and recovery po natin.

Ang focus po natin dito ay iyong mas marami ang mababakunahan natin kasama iyong full vaccination, iyong boosters, iyong pediatric vaccination. Dapat mas marami po ang makakapaghanapbuhay na, mas marami ang employment, ma-promote natin ang job promotion, investment, catch-up plan natin para sa economy.

And then sa healthcare naman, iyong mas ma-focus na natin iyong telemed, home-based care, i-update natin iyong plans for procurement ng treatment medicines against COVID. So, apart from vaccination, mayroon na pong mga anti-viral treatment or medicines na available na rin po.

So, ito iyong mga magiging kabahagi ng National Action Plan 5 which tinatrabaho ngayon ng mga clusters, different clusters under the IATF.

BENDIJO: Opo. Ano po ang assessment naman ng IATF, Secretary, sa unang araw ng campaign period kahapon? Nasunod ba iyong health protocols o may na-monitor kayong mga sumuway sa mga patakaran at iyong mga posibleng punishment if ever?

CABSEC NOGRALES: Actually, dahil ito po ay election-related at ito ay mga campaign activities, strictly speaking, ang may jurisdiction na po ng mga iyan would be the COMELEC ‘no.

So, in terms of enforcement, in terms of protocols and guideline, dahil nag-umpisa na nga po ang campaign period, February 8, kahapon, under na po talaga iyan, strictly speaking, sa jurisdiction ng COMELEC.

So, ang ibig ko pong sabihin, kung may mga violations po doon sa mga guidelines and protocols including minimum public health standards guidelines ng COMELEC, it is up to COMELEC now to impose sanctions, punishment against the violators.

So, kami sa IATF, ang aming jurisdiction would be iyong mga non-election-related activities, pero kapag election-related activities po iyan, strictly speaking, ang COMELEC po ang magsa-sanction ng any violations and any violators.

BENDIJO: Opo. Reaksiyon ninyo, maiba tayo, Sec., na na-maintain ng Pangulong Duterte itong ‘very good’ net satisfaction rating ng SWS?

CABSEC NOGRALES: Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa sambayanang Pilipino sa patuloy na tiwala at suporta at ipinapakita nila kay Pangulong Duterte, I think this is unprecedented.

Kung ikumpara natin si Pangulong Duterte at this point na towards the last month of his administration, compared to previous presidents at this point also na towards their respective last months in their administration, si Pangulong Duterte po – kung hindi ako nagkakamali – ang highest net satisfaction rating. Ito iyong December 2021, so ipagpalagay na natin six months to go before the end of his term, ganito po kataas ang net satisfaction rating ng ating mahal na Pangulo.

At kami po ay nagpapasalamat, kagaya ng sinabi ko, sa suporta na ipinapakita ng ating mga kababayan. Siyempre, ang tanging isusukli na lang po ni Pangulong Duterte diyan ay ang patuloy niyang pagtatrabaho hanggang sa katapusan na kaniyang termino at gagawin niya po always ‘no, ano ‘yung lagi niyang sinasabi, ano ‘yung ikabubuti ng mas nakararami nating mga kababayan.

What is the best for the greatest number, what is…ano ‘yung public service na nakita na natin kay Pangulong Duterte, ipagpatuloy po niya ‘yan hanggang sa katapusan ng kaniyang termino.

BENDIJO: Ano po ang nakikita ninyong talagang legasiya ng Pangulong Duterte na maaaring tatatak sa isipan at bawat puso ng bawat Pilipino?

CABSEC NOGRALES: Ah, napakarami actually, pero siguro ang simula’t sapul ‘nung campaign pa lang niya pagkapangulo, ang lagi niyang sinasabi tunay na pagbabago which naramdaman po talaga ng ating mga kababayan, ang tunay na pagbabago ng kanilang buhay at ‘yung tapang at malasakit na ipinakita ni Pangulong Duterte all throughout his presidency.

Makikita natin ‘yan unang-una siyempre, sa mga… ‘yung libreng irigasyon, nag-umpisa doon sa libreng irigasyon, and then nagkaroon tayo ng libreng higher and technical education, libreng college, libreng higher education hanggang technical vocational, libre po ‘yan.

Doon sa napunta rin sa Universal Health Care. Napakaimportante ng Universal Health Care, lalo na pagdating nitong COVID, at siyempre itong pagtugon ni Pangulong Duterte sa mga challenges beset by this COVID-19. Na naging decisive at mabilis po ‘yung aksyon ni Pangulong Duterte at ng kaniyang administrasyon dito sa laban against COVID-19 at ang mamanahin ng susunod ng administrasyon ay mas marami siguro ang 90 million na mga Filipinos ang target natin na fully-vaccinated.

So, mas magkakaroon tayo ng mas magandang laban against COVID-19, if not, by the end of the administration halos ‘no, we hope, halos wala na rin itong COVID at nabalik na po tayo sa new normal, and then of course, ‘yung anti-drugs, peace and order, anti-insurgency, which nararamdaman po natin hanggang ngayon.

Marami na pong barangays ang drug cleared, marami na rin po ang barangays na insurgency cleared, insurgency free. Patuloy na bumababa ang crime rate natin dito sa Pilipinas, which nararamdaman din po ng ating taumbayan, and para sa mga taga-Mindanao, parehas nato ‘no, ‘no na mga taga-Mindanao, ang tunay na kapayapaan na nangyari under the term of Pangulong Duterte, ‘yung peace efforts nag-materialize, and we now have a BARMM Region, more autonomy para sa ating mga kapatid na mga Muslim sa BARMM, at ito na nga po ang dividend, ang peace dividends po ‘yan nararamdaman natin dahil sa Mindanao, tulad ng dati, halos wala na ‘rin bakbakan doon ‘di ba. So, narating na rin po natin ang tunay na kapayapaan na matagal na nating minimithi para sa Mindanao.

BENDIJO: Daghang kay salamat, CabSec Karlo Alexei Nograles! Amping, Sec., thank you so much!

CABSEC NOGRALES: Amping… amping kanunay, Aljo! Daghang kay salamat sa opportunity, ug maayong buntag sa tanan. Good morning!

BENDIJO: Maayong buntag, daghang salamat! Si CabSec Karlo Alexei Nograles.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)