Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his Visit to the to the Wounded-In-Action Soldiers in Cagayan de Oro City
Camp BGen. Edilbert Evangelista Station Hospital, 4th Infantry Division, Cagayan de Oro City
20 June 2017

[start of livestream] 

Tausug pati Marawi hirap na magsama. The fact na si [Hapilon] dinala doon at recognized nila, ibig sabihin may common ideology na sila, ang pwesto nila is ISIS.

Kanang rebelde-rebelde lang, hindi ‘yan magpayag. Sabihin niya, “Sige diyan ka sa…” “Tausug, kayo diyan sa Jolo, sige.”

Kayong mga Moro, alam ninyo ‘yan. Alam ninyo na hindi talaga magkalapit ‘yang dalawa.

But the fact that they were united, doon ko nasabi ko “Delikado na ‘to.” Ang hindi talaga natin nalaman all these years, kasi nga ayaw natin maghanap ng friction, [inaudible] ba, sa mga MI pati MN, magdala-dala sila ng armas, sabihin lang nila MI sila, MN.

Tayo naman kasi may peace process, “Hayaan mo na lang, tutal may usapan”. Eh, alam mo, ‘yan si Murad, si Jakiri o si Nur ang kanila Mindanao issue lang.

Itong ISIS, Maute nag-umpisa ito sa droga. Pinakamalakas ang droga dito. Kaya every raid ng droga dito, ang maraming patay hindi pulis, Army. Hindi kaya ng pulis eh.

‘Pag papasok pa lang, M-16 na ang kalaban mo. All these years, marami ng ano, mga isang taon na, mas maraming patay na sundalo.

Kaya itong nag-question-question ng martial law, akala siguro ng mga g***, mga g*** na ang gulo dito lang. Dito sa Basilan, pumuputok ngayon. Binomba natin the other day, talagang bino — kasi nag-grupo-grupo na sila, may kampo na eh. So ‘yan ang problema.

Kasi ‘pag mag-spillover ito, punta ka ng Zamboanga, punta ka ng Jolo, punta ka ng Cotabato, tapos ang malakas na…

Ang malakas na driving force nila mapalitan na itong nationalism o ‘yung paghinakit nila nawalaan sila ng lupa at malipat doon sa ISIS na philosophy, gulo na ‘yan.

Gulo na ‘yan kasi ang mga Kristiyanos sa Mindanao, mag-a-armas rin.

Iyan ang ating hindi na pwedeng payagan kasi ‘pag ang mag-armas na ang civilian rin, it will be a civil war.

So ang trabaho natin dalawa na: How to hold itong mga Kristiyanos na may armas at ito namang IS sa Maute.

Kaya ang pag-asa natin diyan mapabilisin natin ang peace talks tapos sabihin ko sa kay Murad pati sa MI, “Kayo na ang bahala diyan. Tutal kung ‘yan ang gusto ninyong lugar, Central Mindanao — Lanao, Cotabato, Sultan Kudarat, ‘yan inyo. Huwag na lang tayong mag-away.”

Kasi kung mag-civil war, patayan na. Hanapan ‘yan. Eh dito sa Mindanao, mas maraming Kristiyano sat may mga baril na mas maganda.

Nagbibili eh. Iyong mga mayaman, nag-i-stockpile ng mga baril ‘yan, collection. Iyon ang delikado — to prevent a communal —- community ba, communal war.

Well, kailangan pigilan talaga natin ito. Pero itong Maute pati ano, matindi, talagang matindi. Hindi ko akalain na aabot itong ating casualty, patay.

So I share with you, magkasama tayo dito sa pagluluksa sa ating mga sundalo. Ang unang masaktan niya, ako. Ako ‘yan kay ako ang nag-declare ng martial law.

Kung ‘di naman ako mag-declare ng martial law, aabutin tayo ng problema patong-patong, baka hindi na natin masolvan (solve).

So pasasalamat ako sa serbisyo ninyo at ganoon lang man ang mga… Puro rocket ano ‘yan ano? Sa mga… Iyong namatay natin mga kapatid, kasama na ‘yung sundalo, gusto kong puntahan isa’t-isa ‘yung mga pamilya pero hindi ko lang talaga kaya kasi busy ako.

But I want to just express to them my sincerest condolence. At ako man ang unang [nahango?], nasasaktan diyan. Ako ‘yung Commander-in-Chief ninyo.

Ayaw ko. Ayaw ko talagang mag-martial law. Napipilitan lang ako dahil kung hindi, ang gulo sa Mindanao become widespread. Mahirapan na tayo.

But ako, bilib ako sa inyo. Sasaludo ako. “Yes, sir. Ang bigat ninyo.” 

— END —