
"Maligayang Pambansang Araw ng mga Kababaihan, Juana! Ngayong ika-8 ng Marso, ipinagdiriwang ang National Women’s Day na bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month. Ating kilalanin sa araw na ito ang mga kontribusyon ng mga kababaihan sa kaunlaran ngayong makabagong panahon na nagiging daan din para sa pagsulong ng pantay-pantay na karapatan para sa lahat."
