Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his Visit to the Evacuation Center National School of Fisheries
Brgy. Buru-un, Iligan City
20 June 2017

Maayong… Magandang hapon po sa inyong lahat. Nandito po ang mga kasama ko sa gobyerno na tumutulong sa atin.

Se Secretary Briones sa Department of Education, [applause] siya ‘yung — mabalik na kaagad ‘yung mga eskwela sa bata at sa lalong madaling panahon.

Nandito po si Secretary Lorenzana sa National Defense. [applause] Hindi ho ninyo kalaban ‘yan, Ilocano ‘yan, taga-Cotabato ‘yan, lumaki ng Cotabato. Alam niya ang kultura at least ng Maguindanao.

Si Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial sa Health. [applause] ‘Yung pang-lawas at… Ang Secretary ho, ah Chairman ng Mindanao Development Authority ho, galing sa inyo si Secretary Abul Khayr Alonto. [applause]

At ang isang classmate ko noon sa law school, brod ko sa fraternity at kinuha ko at makatulong lang naman sa pagpapatakbo ng gobyerno si Abdullah Mamao. [applause]

Si Undersecretary Jalad, ito ‘yung sa mga crisis committee. [applause] Mga kasama ko sa gobyerno, mga mahal kong kapatid na Maranao, magandang hapon po sa inyong lahat. [applause]

Ako ho, I felt betrayed. Talagang nasaktan ako at medyo galit. Kasi ho ako naman, nagtingin kami — kaming mga brod-brod na mga Moro. Maski noon sa eskwela pa kami nila Dab, pinagusapan na namin itong mga ganito.

At we agreed na malaman ninyo na nauna kayo ang Islam sa Mindanao. Bago dumating si Magellan, ang Mindanao Islam na. Pero tayong lahat ho ay magkakapatid, kasali ang Indonesian, Malaysian, we belong to the Malay race.

Ang problema kasi noong nakuha na ng mga missionaries ng Islam galing sa Middle East, hindi kaagad sila naabot ng Mindanao.

So 1521, dumating si Magellan kasama niya ang mga sundalo pati ang relihiyong Kristiyanismo.

Kami ho, kung basahin ninyo sa mga libro sa archives sa Malaysia, nandoon ‘yung istorya ng — kwento ng Sabah pati ‘yung ating Mindanao.

Ngayon, tandaan ninyo, hindi kasalanan ng Visayas pati Luzon at kinuha ‘yan, ipinilit ng mga Español. At kung alam lang rin ninyo kung anong pinaggagawa nila sa mga Kristiyanos noon.

They were also brutalized. ‘Pag ayaw mong mag-convert ng Katolisismo, papatayin ka ng guwardiya sibil at lahat noon nagbibigay rin ng bigas.

We were under Spain for 400 years. Isipin rin ninyo kung gaano kami pinarusahan. At dumating ang Amerikano for 50 years. Doon nag-umpisa ‘yang gulo kasi ipinilit nila.

Ang Mindanao may isang saling — isang may buong bayan. Lahat tayo dito lakad ito ng mga imperyalismo.

Kagaya rin ng sa Middle East. Ang oil ng Arab ang nagpalambo ng mga industrial states. They were using the Arab oil, pagkatapos noong yumaman na sila, sa negosyo lahat, pinaghati-hati nila ang Middle East.

Kaya ngayon giyera. Hanggang ngayon. Libya bagsak. Syria bagsak, ininvade (invade) ng Amerikano.

You know, sana tingnan ninyo sa perspekto ng ating history. Walang gustong pumatay ng Pilipino o Malay.

Pare-parehong mukha natin kaya ‘yang relihiyon nagkaiba lang kasi nauna nga ang Islam dito. Eh ipinilit.

Ba’t akala mo ba tinanggap ng mga Bisaya ‘yang relihiyon na ‘yan kaagad? Patayan rin muna.

And that is the history, the sordid history of itong Far East, pati ‘yung… Alam ng mga Dutch kasi ang nag-conquer sa kanila ang Dutch. Ang Malaysia kinuha ng Britain. Ang Pilipinas kinuha ng Español.

Kaya kung tayo magpatay-patayan sa galit ng relihiyon, ano ba naman ang kasalanan ng mga taga-Luzon?

Kay ‘yung mga lolo nila pinugot ang liog kasi ‘yung leeg nila kasi ayaw mag-Kristiyanismo.

Same.

Ganoon din sa Middle East. Ipagpilit nila, dinivide (divide) nila kaagad ‘yung Middle East. Ang nag-divide, hindi ang taga-Middle East, ang Amerikano, Britain, France, Italy.

Sila ang nagsabi — itong Libya, “O Italy, ito ‘yung amin ha. Divided by tayo sa mga oil-oil diyan.” Eh ‘di hanggang ngayon.

Ito namang mga Maute, ay ewan ko kung ano ang gusto nila. Bakit mo sisirain ang bayan?

Ako, pumayag na. Kaagad ako nakiusap kay Murad, kay Jaafar, pati kay Nur.

Kita mo si Nur, sabi niya, “Maghintay lang ako hanggang matapos ‘yung sa MI. Tapos tingnan natin Mayor kung magkasya dito sa aming mga pangarap sa buhay, mag-usap tayo.” O ‘di good.

I did not deny na may rebellion. MI, grupo ni Murad, Jakiri tapos itong si Nur. Alam natin ‘yan kaya nag-rebelde, naintindihan ko. Iyong rebelde nila was the rising nationalism sa Mindanao.

Nakataya ‘yung pag-aaway nila na ayaw nila dahil ang Mindanao ay kanila. Naiintindihan namin ‘yan. Pero nung maliit kami, kaming mga anak, ang tatay ko pumunta dito, abogado. Nakapag-asawa ng anak ng isang Muslim na babae.

Kung gusto niyo dalhin ko kayo sa lumang bahay namin diyan sa Iligan. May-ari kami ng bakery eh. At alam mo naman ‘pag mag-asawa ka ng isang Moro, Muslim — eh kaya sumibat, diyan lang rin.

Kaya naintindihan ko. Kaya ‘yung rebolusyon, maski ako ‘yung sa Mindanao.

Pabor ako diyan sa rebolusyon, hanapan natin ng solusyon. Pabor ako sa hinihingi ni Murad, hanapan natin ng solusyon.

They want to carve out a territory, payag ako. Sa federal type, payag ako. Ibigay mo kay Nur ‘yung gusto niya, ibigay mo kay MILF ‘yung gusto nila.

Pero ‘yung sabi… Masama ang loob ko kasi hindi naman niyo sinabi na malakas na ang pasok.

Armas, wala ‘yan. Lahat ng tao dito nagdadala ng armas. Ba’t hinayaan ninyong pumasok ‘yung ideolohiya na walang ginawa doon sa Middle East, kung saan-saan, pinagpapatay nila ang kasama nilang Muslim?

Makita ko man sa CNN. Ilagay diyan sa gate buhusan ng gasolina, susunugon. ‘Yung sa…

Alam mo, kayong mga Tausug, maganda ba ‘yan? Paano tayo…? If you have… Kung may kausa ka, paano ka manalo na pati ‘yung mga Muslim, kapwa mo, makita mo na ginaganon mo ‘yung tao? Wala, walang gusto ng ganon.

Alam mo, may anak tayo eh, may kapatid tayo. Eh kung gawain sa iyo ‘yan? Eh kung luglugin ‘yung… Wala na ‘yan buong buhay. Masakit na ‘yan at walang katapusan.

Kaya ‘yung mga Kristiyanos na ginaganon nila, gaganti ‘yan. Ngayon kung walang mag-hold. Eh biro mo naman kung lahat Kristiyanos mag-armas. Eh ‘di dito sa Iligan lang, ubusan kayo dito, o sa Zamboanga.

May mga pera rin ‘yan magbili. O ‘di papaano? ‘Pag may makitang Muslim pikhan; ‘pag may makitang Kristiyanos, tadtarin. Ah ‘yun ang gustong buhay ninyo, ah patay tayo. Walang mangyari.

Iwasan na lang natin ‘yan, usapan na lang. It took several years before a Moro with blood ties na naging Presidente.

Sinasabi ko sa inyo, ibigay ko ‘yan. Ibibigay ko ‘yan kasi ‘pag hindi ko naibigay sa inyo, mahirapan na kayo balang araw ‘nung iba na ang Presidente kasi wala nasa kanya ‘yung paghinakit.

Huwag kayong pumayag na mga ganong Maute na ang ginawa kung gusto lang maraming armas, maraming shabu, sisirain mo ‘yung anak mo tapos mag…

Ako nakabasa ako ng Qur’an, pero outline. Show me. Iyong ipinagbibigay ni ano — sa Saudi Arabia ng out — nandiyan. Ang title is: “Muhammad.”

Saan doon sa Qur’an nagsabi na pwede mong gawin ‘yan? Mahirap ‘yang… ‘Pag naglipas itong 5 years, walang nangyari, mahirapan na. Mahirapan na ‘yang federalism.

So ‘yang [inaudible] babalik na naman ‘yung ano ni Nur pati ni Murad. Wala pala ito kasi hindi man natapos. Gulo pa rin.

Kaya ako ito, mga rebelde ‘to sila pero I am reaching out to them to talk about peace.

If you want an infrastructure, ‘yung parang federal type, ibibigay mo sa kanila kung anong gusto nilang gawin sa lupa nila. Marami man kayo, ibigay lang ‘yan sa malaking kumpanya, pwede na kayong mag-upo lahat eh. Mabubuhay na kayo.

Iyan ‘yang mga investors, China. Magtrabaho na lang kayo sa kanila. Wala pa… Wala pa tayong problema.

Wala akong nakitang magpasok diyan, magdala ng armas, nag-stockpile. Kita mo ngayon, nanalo sila. Eh ‘di halos ubos.

Kasi naman tayo, hindi tayo malaking bayan. Pero ang ating mga sundalo, kasali na ang mga Moro diyan. Maraming Moro na sundalo pati pulis. Sanay na ‘yan sila. Walang katapusan ang away dito. Tayo ang pinakahabang civil war.

Wala nang pahinga ‘yan. Recruit nang recruit. Panahon pa ni Misuari, Jolo — sa Zamboanga, kung saan-saan, sa Davao.

Eh magsabi pa itong mga g*******. Itong mga puti talaga galit ako. Kung magsalita akala mo sino. Sila ‘yang numero unong nagsira ng bayan natin.

Ngayon, sasabihin sa atin, “Ito ang dapat gawain natin”. Kung hindi ba kayo mga p****** i** kayo. Tinuturuan pa ninyo kami. Kayo ang nagsira sa bayan namin tapos ngayon, tinuturuan kami kung papaano.

G****** eh. Kaya ako gusto ko… Ang gusto ko, makipag-giyera sa inyo. Lahat kami, ke ma-Kristiyanos, ke Moro. Sa k***** ninyong ilang taon kami ninyong inuupuan dito. Inubos ninyo ‘yung mga kahoy namin. Inubos ninyo lahat ng…

May mga mina kayo noon. Diyan sa Davao, limang minahan. Naabutan ko pa ‘yan kasi ang tatay ko noon gobernador. Galit siya sa pinakamaraming mining sa Davao — Apex, klase-klase. Sila ‘yung nauna. Tayo ‘yung iniwan, tapos ang iniwan, gulo.

Kung hindi mga p***** i**. Tapos tinuturuan pa tayo ngayon.

Ang totoo talaga, bakit ba tayo mag-away? Tutal kung maibigay ‘yang gusto ni Nur, eh ‘di ‘yun na ‘yon. Kung hindi kayo kuntento, eh ‘di mag-usap tayo ulit.

Bakit tayo magpatayan? At bakit kayo mag-import ng ideolohiya na ang ginagawa…? Ano ba ang sinasabi? Tingnan mo ang turo nila sa kanilang leaflets: “Sagasaan mo ang lahat ng non-believers.” Diyan, sa truck, kung merong palengke diyan niratrat lahat ganyan, sagasaan niya lahat tao diyan. Paputok ganon.

Kung ganon ang sundin natin, nako.

There is no future for the Philippines and your children and our children. Either mag-surrender na lang tayong lahat, maghanap tayo ng bayan na tatanggap sa atin, sabihin, “Isali mo na lang kami, hindi na bale gawain kaming alipin kasi wala kaming bayan, sinira namin.”

Kaya ang sama na lang talaga ng loob ko sa mga taong nagpasok ng itong Maute, pinapasok niya ‘yung IS.

Itong rebolusyon ni Murad, tama ‘yan. Kasi nga naman napunta sa tabi-tabi na lang ang mga Moro kung saan-saan.

Ngayon, ang pangako ko federalism. Ibibigay ko ‘yan kakatapos lang nila. Tomorrow, ibigay nila ni Murad ‘yung kopyang ginagawa nila.

Iyan ang pipirmahan ko the day — mga two days after ngayon. Kung magkita-kita kami sa — at itulak ko na sa Congress. Iyon talaga ang totoo. Hindi ko kayo bobolahin.

Wala akong obligasyon na magbobola sa kapwa ko tao, lalo na sa inyo mga Moro. [applause] Wala ako. Kaunting pasensya lang, five years. On the third year, InShAllah, InShAllah, meron na ‘yan. At makita na ninyo kung paano natin gawain ang ating bayan.

Dalawang choices lang kayo, natin sa Mindanao: Mag-ubusan tayo? Kasi itong mga Kristiyanos ngayon, ninenerbyos na rin. Eh biro mo kung ganoon ang style na patayan lang, sunog dito patay doon, hindi papayag ‘yan, lalaban talaga ‘yan. Eh may mga pera rin ‘yan.

O ‘pag ang civil war hindi na ma-control ng Armed Forces ‘yan pati pulis. Kung lahat na lang tayo magdala ng baril at kung sino ang unang makita ng Kristiya — paputukan niya, gaganti rin, ganyan ang buhay natin.

Ito ang nangyari sa atin. Kaya we pray to Allah na bigyan tayo ng solusyon. Huwag kayong sumunod diyan ng patayan, nako. Walang mangyari diyan.

Alam mo bakit? Kita mo si Nur, nag-slow down siya. Look at Murad, sabi niya, “Usap na tayo.” Bakit? Noong una, ganoon ba ang istorya? Hindi ba patayan?

O kita mo ‘yan. Iyong mga lider natin si Nur, si Murad, sila Jaafar, Jakiri, all, they want to talk. Talks naman na hindi sila malugi, that they will not be shortchanged.

Ako ‘yung pagador diyan na hindi mangyari ‘yan. Dahil nga ang koneksyon ko sa inyong mga Maranao, sa lola ko at ang tatay ko naman Kristiyano.

Alam ninyo ‘yan, ang kalahati sa pamilya ko puro Moro. ‘Yan kay si Lovely, isang kulay ‘yan sa Jolo. Ang nanay si [inaudible] taga diyan sa Marawi. Maranao, Maguindanao, so may apo ako na isang linya na nanganak na, puro na Moro.

So paano niyo — mag-away tayo, saan ninyo na ako ilagay? Kaya ganoon na lang ang sama ng loob ko, nagpapasok kayo ng mga terorismo.

Hindi pa atin. Hindi pa ‘yung love of Mindanao na aming lupa. It’s a foreign ideology kagaya ng komunista, itinapon diyan sa NPA at ayan.

How many years ang NPA nakipag-away sa atin? 50 years na ngayon. Sabi ko sa mga NPA, “You want another 50 years?” Ito, dito pumutok ang [“black shirt”?] Cotabato, sila [Matalam?] 1972 — 72, 73, 74… 72, 82, 92, 2002… Hanggang kailang away na ito? Until when shall we fight and kill each other?

Ako, mag-neutral ako. Mag-akyat ako doon sa Mt. Apo, bahala kayo. Ayaw niyo maniwala, eh ‘di huwag.

Huwag kayong magpapasok ng ideolohiya na hindi atin. Ang ideolohiya ng Moro o Muslim, okay ‘yan. Kasi ‘yang dalawang relihiyon, ayaw naman talaga ng bastusan, ng patayan, pugutin ‘yung ulo, kung anu-ano. Eh ‘di talagang magtagal.

Binobomba na sila ngayon doon ng ano — ginagamit nila talaga ‘yung eroplano. Ipinagbawal ko ‘yan noon, eh wala akong magawa, sabi ng military, “‘Pag hindi, kawawa rin kami. Pati kami damay, maubos kami.”

I never allowed it ever since. Ngayon, napipilitan tayo. Ipit sa panahon na eh. Kapag hindi, maubos din ‘yang sundalo.

Ang problema nga dito, mag-civil war. Kasi sabihin ng mga sibilyan, mga Kristiyanos, “Hindi pala kaya ng Army ito, kanya-kanya na lang.”

Kita mo kung anong mangyari kung walang pulis pati Army diyan, magsalpukan kayong lahat dito. Anong mangyari sa buhay natin?

May prepared speech ako, pero… At saka, bakit tatlo lang man ang binigyan ng P1,000, ma’am? O, bakit lima lang? [applause]

Maranao talaga o. [applause] [Saan ‘yung bag ko?] [applause] Ako, baon ko… May nakabaon talaga ako. Hala, nawala. [laughter]

Hindi ko man mabigyan kayong lahat. [applause] Pa yehey-yehey kayo diyan, tapos magpapapasok ng mga…

Ito ibigay ko… Sinong maaasahan? Mag-party na lang kayo. Bukas magdala din ako ng ganito party tayo araw-araw. Mag-bili kayo ng magandang pagkain. Kanino ko ibigay ito? [People shout: Maraming salamat!]

Sino? Siya ang… Kung mag-kasya, okay, kung hindi, mag-party nalang kayo. Ubusin ninyo ‘yan ha. Party? Makabili ka na ng baka dito ng tatlo. [laughter]

Wala na, sunglass na lang. [Ano pang nandito?] Wala na. Hello, love? [laughter] Postponed ang date natin, naubos dito sa mga Maranao. [laughter]

Ganito na lang ha, usapang ano, ako humingi, may rebolusyon kayo, ang tunay na rebolusyon because it is driven by a rising nationalism sa Moro dahil nito, lupa na kanila, tama?

Pero na-conquer na tayo, sabi nga kagaya ng Middle East, “Nandito na kami.” Ang mga anak ko Moro, ‘yung iba Kristiyanos. Tapos magpata…

Pag-usapan na lang natin ‘yung legitimate aspiration ninyo. Homeland for the Moro people. Gawain natin ‘yan. [applause]

‘Pag kami, hindi na kami makialam kung ang gobyerno kung anuhin ninyo. Ipasok ninyo sa Middle East ‘yung mga Arab na mayaman okay lang ‘yan. Hindi na ako, after five years na-realize ko ‘yang dream na ‘yan, okay na.

Ang akin lang is matapos itong giyera. Ang aking tinatangnan na kalaban ko, itong — kalaban sa negosasyon, itong MI pati MN. BIFF kung papayag sila, basta mag-usap tayo, ‘wag kayong madala ng init.

Alam mo ang init ng isang tao, ganun din sa isang tao. Hindi ka man makalamang na ikaw lang mainit kasi ikaw ang Moro nawalaan ng lupa, itong mga Kristiyanos marami rin nandito na walang lupa.

So pag-usapan na lang natin. Huwag na ‘yang mag-import kayo ng ideolohiya, puro patayan ang alam, puro sunog, ‘yan ang Marawi o.

But this I will promise you, I will set aside initially 20 billion para maumpisahan, ‘yung mga mahirap ang unahin ko. [applause]

Iyong may mga ari ng building, mayaman na ‘yun sa shabu, pabentahin mo siya uli para patayin ko sila.

P****, ako mag [applause], magkamali kayo nang magkamali ‘wag lang talaga shabu. Because shabu funded itong panggastos nila sa terrorism. It fueled terrorism.

‘Wag lang ‘yan. ‘Wag lang ‘yang shabu. Mga alahas, magbili kayo. Gawain lang ninyo parang totoo, mga Maranao mahusay diyan. [laughter]

Pati ‘yung coins, bilib ako. [laughter] Sayang hindi ako dito naging gobernador, p***** i** eh ‘di mayaman na sana ako. Mahusay mag-imprenta pati pera. Maranao pa.

The most important thing is that matulungan ko kayo. Huwag kayong mag-alala, tutulungan ko kayo, hindi ko kayo pababayaan, hanggang relocation. [applause]

And then we will rehabilitate ang Marawi. Gaganda ‘yan ulit, gaganda ulit ‘yan.

[applause]

Hindi pa man natapos ang Ramadan. I would like to say to the Maranao people that I am very, very, very sorry na nangyari ito sa atin.

Sana kung madaling panahon, you will find in your heart to forgive my soldiers, ang gobyerno, pati ako for declaring martial law.

Wala akong choice eh sinisira na ang Marawi. I have to drive them out. But I am very sorry.

Paki-abot na lang doon sa mga kapatid nating mga Maranao na ang aking paghihinanakit rin sa nangyari na ito. Patawarin ninyo po kami.

Maraming salamat po. [applause]