SEC. ANDANAR:
Good morning, Francis. Good morning sa lahat po ng nakikinig sa programa mo.
FLORES:
Salamat sa pagtanggap mo ng tawag. Ikaw ba’y nakatulong nang mahimbing, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Opo, eh nakatulog ng ilang oras.
FLORES:
Ilang oras na naman. Bigyan mo nga kami ng detalye Secretary Martin Andanar, tungkol dito sa paparating na 18-man UN Team, United Nations Team. Ito ba, ito iyong resulta ng imbitasyon ni Pangulong Duterte na, “Sige na nga. O sige nga, kayo’y magpunta rito at mag-imbestiga nitong sinasabi ninyong—tsina-charge ninyong extra-judicial killings.”
SEC. ANDANAR:
Oo, iyong parating na from high commission you mean?
FLORES:
Yes, iyong United Nations magpapadala sila ng 18-man team sa Pilipinas. Darating daw September 28 to 29?
SEC. ANDANAR:
Oo, ang alam ko rin dito Francis ay kailangan magkaroon ng isang formal invitation mula sa bansa natin, with proper protocol channels bago ito maging opisyal.
FLORES:
O tama ka, kasi ang susunod na tanong, kung sila’y matutuloy na sapagka’t mayroon nang report dito sa Philippine Star. ‘Di ba sinasabi nilang September 28 to 29, kaya lang, ano ang dapat nilang (unclear), mayroon bang protocol, sa sinasabi mong protocol na procedure at kailangan dapat sundin? Iyon ba ay inihahanda na ng Malacañang upang kanilang sundin bago ang kanilang investigation na gagawin?
SEC. ANDANAR:
Ito po ay tatanungin natin sa ating Department of Foreign Affairs, kung anong mga hakbang na ang kanilang ginagawa.
FLORES:
In other words, hindi pa nakapag-usap ang—at hindi pa nakapagbibigay ng protocol. Pero dito sa ating sinasabi na aking binabasa, mukhang sa impormasyon, ang Department of Foreign Affairs nga ay maglalatag nitong protocol na ito, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR:
Opo. Opo. Kailangan po talagang maglatag ng tamang imbitasyon with the proper channels, using the proper protocol. At alam natin pagdating sa mga protocols sa bansa natin, ito po ay mayroong—ito’y dapat dumiretso sa Department of Foreign Affairs.
FLORES:
Oo, iyan ay sa pagdating nila dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR:
Opo, at kailangan iyong invitation… invitation ay dumaan sa Department of Foreign Affairs, at sila dapat ang mangangasiwa diyan. Kaya—at aalamin ko sa DFA, Francis, kung nasaan na sila sa stage ngayon.
FLORES:
Hindi pa ba nakakapagpadala ng imbitasyon or sulat, dahil ayon sa sinasabing pagkaka-announce ni President Duterte na, “sige…” inaanyayahan itong UN Team upang—sinasabi nilang magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing isyu on extra-judicial killings.
SEC. ANDANAR:
Alam ko everyone is reacting to the speech of our President at doon sila nagbase ng kanilang desisyon, siguro, na pumunta dito. Pero, hindi naman ito—hindi naman dapat natin tanggalin iyong proseso na dapat talaga dumaan sa tamang protocol. So kaya, aalamin ko sa Department of Foreign Affairs kung nasaan na sa stage ngayon ang imbitasyon para pumunta dito ang mga taga-UN at mga taga-EU.
FLORES:
Secretary Martin, seryoso ba si Presidente na pati si President Obama ay iimbitahan niya upang makilahok o makisali dito sa pag-iimbestiga ng extra-judicial killings sa ating bansa?
SEC. ANDANAR:
Opo, iyon ang sinabi niya sa kaniyang talumpati. Anything that the President says is public policy.
FLORES:
I see. Eh, in other words, talagang tototohanin—“O sige, paimbitahan ninyo nga pati si President Barack Obama.” Who will issue an invitation, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR:
Ganoon din po, dadaan din sa tamang protocol iyan kasi it falls under the diplomatic affairs, iyong kausap natin ay ibang bansa at ibang international organization. So iyan po, dadaan sa tamang proseso. Pero dapat tandaan natin na sinabi po naman ni Pangulo na after they investigate ay they have to also submit themselves to questioning with the President in an open forum.
FLORES:
Yeah, nabanggit mo iyong open forum. Nakahanda ba ang inyong team, Secretary Martin, upang i-cover ito ng live?
SEC. ANDANAR:
Oo naman, sa palagay ko lahat ng network siguro interesado dito dahil kukuwestiyunin ho ni Presidente ang human right records ng mga bansang kumukuwestiyon sa atin.
FLORES:
Along this line, Secretary Martin, mayroon din akong binabasa ngayong report na pinadadala din naman ni President Duterte si General dela Rosa sa Amerika at upang makilahok din as a reporter doon sa nangyaring pagkamatay noong mga black Americans?
SEC. ANDANAR:
Sa Charlotte.
FLORES:
Yes. Ito ba’y seryoso din ba ang ating Pangulo upang makilahok as a reporter, to prove killings of African-Americans?
SEC. ANDANAR:
It is a response to the comment of the United States about the human rights and extra-judicial killings reports in the Philippines ‘no. In other words Francis, along those lines, it seems to us in the administration na pinanghihimasukan tayo ng ibang bansa sa ating sariling mga ginagawa at government policy against illegal drugs. They paint a very sordid picture about it. So therefore, it is a response to that ‘no. Kung panghihimasukan mo kami (unclear) na rin, padala natin si General Bato doon at tignan din natin kung anong nangyari doon. Paimbestigahan natin para fair lang ‘di ba?
Because wala namang bansa ang gustong pakialaman sila, ‘di ba? Since when did our country interfere with the internal issues of a foreign land? Iyon lang naman Francis, ‘di ba? I’m sure you would agree that hindi naman tayo nakikialam, at ayaw din naman nating pakialaman tayo.
FLORES:
Pero I’m sure, hindi ba ito ay magbibigay ng signal na parang… o sige, iyong sistemang gagawin ng UN dito ay sige, gagawin ng Pilipinas na sistema, pupunta sa Amerika. Will that not… as a signal of… riyan po’y parang sige, balikan na lang ng sistema?
SEC. ANDANAR:
Yeah, it’s a signal that mind their own business.
FLORES:
Okay. So iyon ang iyong basa dito? Anyway—
SEC. ANDANAR:
Oo kasi—hindi, kasi nga, ‘di ba Francis, it’s always been a question of interference ‘no. Internal issues that we have in our country, it should be solved internally. There are issues also internationally in different countries that shall be solved by their own government in their own sovereignty. It’s a respect of our sovereign rights, our sovereignty as an independent country, and it’s a respect also of their sovereign right as an independent, as a free country. Ganoon lang iyon, hindi tayo nakikialam sa kanila, huwag din silang makialam sa atin; it’s as simple as that. We have our own independent foreign policy, huwag ninyo nang pakialaman iyan, independent foreign policy ‘di ba (overlapping voices)—
FLORES:
Yeah. Maputol kita Secretary Martin. Mayroon ka na bang impormasyon kung kailan din papupuntahin ni President Duterte si General dela Rosa sa…?
SEC. ANDANAR:
Well, I have to ask the President kung kailan, at kung how serious the extent of the message to us. A statement, or it (unclear), parang masasabi niya lang na alam mo iyan, it’s really just a political (unclear) iyong tao. Iyon nga, punta rin tayo’t kuwestiyunin din natin. You know, alam mo iyong mayroong preponderant na mga statements. So, I guess all Filipinos understand also kung ano ibig sabihin, kasi kung pakialaman, o ‘di magpakialaman na tayong lahat.
FLORES:
On another note, Secretary Martin, mayroon kang in-issue na isang statement sa mga media at saka mga social media users, at tungkol dito sa sinasabi nilang pagla-lambast o kaya pagba-bash sa mga foreign media. Eh ito, ano ang direksiyon nito? Talaga bang lumawak, dumami ang mga ating mga, sabi, supporter ng ating Presidente na siyang bumibira naman sa mga foreign media?
SEC. ANDANAR:
This is the case of the Al Jazeera reporter at Gretchen Malalad, if I’m not mistaken .
FLORES:
Ito nga—
SEC. ANDANAR:
Ito iyong bina-bash. Ano kasi iyan Francis, it’s a free space sa social media. It is very popular because everyone is given their own and space to vent their anger or (unclear) on any matter. So, hindi natin mapipigilan lahat na magkUmento, especially that the war or the politics of this all has been brought to the social media space. Mayroon pong mga diehard supporters ang ating Pangulo, mayroon din pong diehard supporters anG ibang mga political parties, at nagkakabanggaan dito sa Facebook, Twitter, lalo na iyan dalawang platform na iyan ano. So, hindi natin maiiwasan na nagagalit itong mga supporters ng ating Pangulo dahil sa palagay nila ay inaagrabyado sila ng ibang mga partido, so nagagalit sila. Minsan feeling nila naagrabyado sila ng media. So what I’m saying really, Francis, it’s just an encouragement to be on the moral high ground. Huwag na natin patulan ang mga sumisira sa atin, o (unclear) mga away, mga (unclear), mga ganyan, but at the same time, we should protect our President. Kaya (overlapping voices)
FLORES:
And you’re saying to respect… you’re saying to respect the freedom of speech?
SEC. ANDANAR:
Well, respect the freedom of speech, at the same time respect each other for humanity’s sake.
FLORES:
Yes, yes.
SEC. ANDANAR:
Huwag tayong… let us not threaten our own.
FLORES:
Yeah.
SEC. ANDANAR:
The reporters, ganoon din, let us not (unclear) other people. Let’s make this an intelligent platform.
FLORES:
Yeah. Sec. Martin, mayroon po—
SEC. ANDANAR:
They’re asking—
FLORES:
Yeah, I can understand what you’re saying. Puwede bang i-hold kita sandali? Mayroon lang isang—alam mo bang mayroong lindol na nangyari sa Davao Oriental? Pakikinggan ko lang itong flash report, o hold kita—
SEC. ANDANAR:
Sige po.
FLORES:
Babalikan kita Sec. Martin.
(Interview Cut).
FLORES:
Secretary Martin?
SEC. ANDANAR:
Yes. So iyon nga, so noong kay Bato, sinabi ng Presidente ay parang in reaction lang din iyon na, kung ikaw ay papakialaman ninyo kami e sige ipapadala ko si Bato doon. So, iyon nga, it’s preposterous; it could be a preposterous statement.
FLORES:
Hindi, tama ka, iyong ating katatapos na sinasabi mo iyong reaksiyon naman. Eh, you were depenfing — at sinasabihan mo ang mga supporters in President Duterte na… o huwag namang lambast o kaya pag (unclear) sa social media ang mga foreign media. You will respect the freedom of speech, right, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR:
Opo, opo. Ito naman now that it’s gained the moral high ground, let’s not hurt each other, and to take—we’re human beings ‘no, Filipinos. Pero alam mo, hindi mo rin tanggal din na ang bansa natin ay very political. So magkakasakitan talaga sa salita ‘no.
FLORES:
Eh, tama po iyan. Eh, lalong lalo na ang social media. Eh, puwede ko bang i-connect itong susunod na itatanong ko? Mayroon bang ipinalabas nga ba ang Malacañang o ang inyong tanggapan, na binabawalan ang mga Cabinet secretaries or Cabinet 0fficials under President Duterte na magsalita sa media ng iba’t-ibang, kung ano mang itatanong sa… ng media. Is this a (unclear) order?
SEC. ANDANAR:
Hindi, hindi (unclear) order. Nililinaw lang po ng memorandum order na lahat ng official statements mula sa Pangulo ay i-course through sa Presidential Communications Office. Tapos, may ginawa din na order na kapag mayroon namang mga issue na mas may kinalaman doon sa departamento o ahensiya ng ito ng gobyerno o ibang kalihim, eh, siya na ang sumagot. Pero malinaw na kapag galing po sa Pangulo, ang Presidential Communications Office ang magsasalita.
FLORES:
In other words, iyon namang inyong memorandum ay nagsasabi lamang na mag-clear lamang sa Presidential Communications Office kung ano ang kanilang mga reactions, tama po ba?
SEC. ANDANAR:
Opo, opo, tama po.
FLORES:
So this is not a gag order to Cabinet officials o Cabinet men of President Duterte dito sa mga issues na nangyayari ngayon?
SEC. ANDANAR:
Tama po, tama po iyan. Kasi kailangan nga natin ma… kailangan natin ma-manage iyong expectation ng kababayan natin, so one way to manage that is to clarify the roles of each department. The Presidential Communications Office, its official role is to explain, expound or deliver the (unclear)message of the President.
FLORES:
Alright, maliwanag iyan. Finally, on the—itong trip ni Pangulong Duterte sa Vietnam, may mga karagdagan po kayong detalye Secretary Martin?
SEC. ANDANAR:
Wala pa ho tayong nakatatanggap na official ano. Kasi maraming agenda iyan, ‘di ba, Francis? So, hindi muna ako magkukumento hangga’t hindi ko natatanggap iyong talagang magiging activity po ng ating Pangulo sa Vietnam.
FLORES:
Well, initially itong mga report na binabasa na namin ngayon ay ang pag-uusapan, ay may kaugnayan sa sea row diyan po sa Japan and China, itong pong kanyang visit sa Vietnam. But anyway, I will respect that.
SEC. ANDANAR:
Opo, opo.
FLORES:
I will respect dahil ang sinasabi mo, at hinahantay mo pa iyong mga karagdagang detalye.
SEC. ANDANAR:
Oo, oo.
FLORES:
Well, salamat ulit sa pagtanggap mo ng aming tawag Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR:
Maraming salamat, Francis, sa pagkakataon na kayo’y makausap at makausap ang inyong mga listeners. Mabuhay po ang inyong programa. Mabuhay po ang DZBB.
FLORES:
Salamat din sa pagtanggap niyo ng aming tawag.
|