Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWIZ – Ratsada Balita by Alex Santos
20 September 2016
 
SANTOS:
Secretary, good morning, Alex Santos po sa DWIZ.

SEC. ANDANAR:
Good morning, pareng Alex.

SANTOS:
Secretary, unang-una, tanungin ko ho kayo, ito po ay tungkol po sa nabanggit po ninyo kahapon with regard po dito sa … mayroon daw hong mga nangyari daw hong usap-usapan na pinapatalsik daw ho si Pangulong Duterte ng ilan po sa mga Fil-Americans. Paano ho iyan nangyari po, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Hindi, ito ho ay ini-report sa atin ng ating kasama—mga kasama, hindi lang kasama mula ho sa Estados Unidos. Intelligence reports ho na mayroong mga mangilan-ngilang influential na Filipino-American businessmen doon na nag-uusap-usap – businessmen and leaders. At ito naman ay natanong lang sa akin kahapon, at sinasabi ko, “Oo, meron.” Mayroon akong mga natatanggap na reports na ayaw na nilang mag-atubili ‘no at gusto nila ay bago pa man mag-January 1, 2017 ay bago na ang Pangulo.

SANTOS:
Wow! Pero ano naman ho ang kanila pong kapangyarihan para maisakatuparan po iyong kanila pong mga plano, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko alam, Alex. Basta ito, narinig ko lang. Mayroon ding mga pangalan na sinabi sa akin pero just like any journalist eh hindi naman natin babanggitin muna iyong mga iyan, dahil of course these are all ano, reports. Although, mayroon namang nagsasabi sa atin na mayroon talagang nakirinig doon sa mga meeting, mga komperensya, ganoon. So, you know, we take it with as a grain of salt, but at the same time we work hard and we protect our President.

SANTOS:
Oho. Kapag may mga ganito pong mga usap-usapan at mayroon pong mga ganoon pong plano, puwede ho ba silang managot po dito, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Depende ho, depende. Kung mayroon talagang direktang ebidensiya na magtuturo na kung sino iyong mga taong involved dito, eh of course. Parang nagpa-plot ka rin ng kudeta eh, di ba, to destabilize a country and rebellion, inciting to rebellion, may mga kasong ganyan. We’ve seen it in the past, Alex, ‘di ba?

SANTOS:
Opo. So, ito pong mga sinasabi ho ninyong mga personalidad na ito, bagama’t sila po ay nasa Amerika ay—mayroon na ba hong utos ang ating Pangulo na imbestigahan po sila at sila po ay dapat ho ay matanong kung sino po ang nasa likod ng kanila pong mga plano?

SEC. ANDANAR:
Wala pa naman, Alex. Ito’y nag-uusap kami ng isang Cabinet member, at kaming dalawa ay we are talking about this, we are confiding with each other, at the same time nangangalap tayo ng mga karagdagan pang mga ebidensiya at mga taong nakarinig doon sa Amerika. And this is not something that is settled to be laughed about; it’s a very serious matter. Ninety-one percent of the population of this country supports our President. At mayroon lang talagang, siguro, ilan-ilan na hindi makapaghintay nang anim na taon.

SANTOS:
Okay. Dako ho tayo dito po sa nangyari po sa Senado, I understand, our President is gusto ho niya ay talagang magkaroon ng independency ito pong Senado. Pero mukhang ang basa po ng ilan nating kababayan ay mukhang may utos daw ho ating Pangulo. Anong masasabi ho ninyo, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Alex, ano kasi …the Senate is a very independent body ‘no … [LINE CUT]
SANTOS:
Secretary, naputol ho tayo. Pasensya po.

SEC. ANDANAR:
Opo, oo. The Senate is a very independent body. And iyong mga imbestigasyon na hindi lang naman pro o anti-government, it is just like saying na kung ganoon talaga kalakas ang power ng Pangulo sa Senado, eh di ibig sabihin ang Pangulo din ang responsable sa sarili niyang—sa imbestigasyon ni Senator De Lima.

Mayroon silang liderato sa Senado, they are very independent, and they decide among themselves kung ano ang dapat gawin. So, iyon na lang muna siguro. Let’s leave it at that, Sir Alex.

SANTOS:
Opo. Mamaya po sa House of Representatives naman po, ang isa po sa mga kabahagi po ng Executive Branch, ito pong Justice Department ay nakahanda na po sa pagpapalabas po ng mga ebidensiya para patunayan iyon pong nangyari pong illegal drug trade diyan po sa loob ng Bilibid. How confident are we, especially sa Malacañang, na ito pong imbestigasyon dito po sa House of Representative ay magiging smooth sailing po at mayroon po tayong mauungkat po diyan na matitindi pong mga detalye?

SEC. ANDANAR:
Oo. Mabigat ho iyong dala-dala ni Secretary Vit Aguirre na mga testigo na magbibigay ng testimonya. Bahagi po ito ng ating giyera kontra iligal na droga. Walang humpay ho ito. Walang puknat, tuluy-tuloy ho itong [hearing] it is set at 9:30 [am]. I understand, mayroon din tayong kausap ko kagabi, si Atty. Ferdinand Topacio. At sabi nga niya eh, “do not even blink.” Dahil marami silang dalang mga… marami silang dalang mga ebidensiya or testigo.

So ito ay isa rin sa mga bahagi din ng imbestigasyon ng House, and House is also an independent body. At ito siguro ang magiging main event for the day, Alex.

SANTOS:
Okay, lastly po, Secretary. Kailan po ba ilalabas po ng ating Pangulo iyong kaniya pong huling listahan po, iyong narco list po niya? Eh may pahapyaw na po siya noong weekend. Kailan po ba ninyo makukumpleto at mababanggit po iyong mga involved po dito sa illegal drug trade?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko ho kasi alam kung ano iyong eksakto na petsa na ilalabas ng Presidente ito, Alex. Again, I don’t want to preempt the President, anong plano niya. Basta kami, sa Presidential Communications Office, ay nakahanda na lang po kung anuman ang sasabihin ng Pangulo.

SANTOS:
Okay, with that, Secretary, thank you so much po for your time dito po sa DWIZ. Thank you, sir. Good morning.

SEC. ANDANAR:
Daghang salamat, Alex. Good morning.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)