Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
by Ely Saludar and Rhea Mamogay, Public Service, RMN (DZXL)
16 September 2016

SALUDAR:
Samantala mga kasama, at sa pagkakataong ito nasa linya na natin ito pong si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Secretary, good morning po.

SEC. ANDANAR: 
Good morning, Ely at Rhea, at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa inyong programa dito sa DZXL.

SALUDAR:
Okay, kasama natin dati iyan dito sa DZXL partner ha kaya ipagmamalaki natin iyan. Tignan mo, cabinet secretary na.

SEC. ANDANAR: 
Ako iyong unang gumamit ng ano diyan, radio booth nang lumipat tayo mula sa Ugong.

SALUDAR:
Oo nga. Opo. So Secretary siguro maganda, at bagama’t kahapon mayroon na rin kayong paglilinaw diyan sa Malacañang, pero para rin po sa kaalaman pa ng ating mga listeners, kasi iyong iba nagkakagulo at kung anu-ano nang mga isyu oh, lalo na kapag ang isyu po ay siyempre gustong linawin iyong kung ano mang naging pahayag ng Pangulong Duterte. So, iisa na lang po ang magiging opisyal na tagapagsalita sa pangalan po ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: 
Tama ka, Ely. Right from the very beginning, iyon naman talaga iyong Standard Operating Procedure. Dapat ‘no, si Spokesperson Ernesto Abella lamang ang pangunahing tagapagsalita ng ating Pangulo. Kaya pinaalala po natin sa Gabinete noong Tuesday na—pinaalala ko po sa kanila na sabi ko ay mayroon tayong mga criticisms na natatanggap, heavy criticisms dahil nga parang lumalabas na napakadaming spokesperson po ang ating Pangulo. Ngayon sabi ko sa kanila, pinaalala ko na as far as I know isa lang ho ang itinalaga ng Pangulo na spokesperson, iyan ho ay si Ginoong Ernesto Abella. At ang inyong lingkod po ay papasok lamang kapag wala si Spokesperson—

SALUDAR:
At kung hindi available si Secretary Abella, kayo ang puwede naming interview-hin.

SEC. ANDANAR: 
Yes, sir. O kaya halimbawa ngayon, si Ernie ay nasa Washington D.C. kasama siya ni Jun Yasay, so ako iyong tagapagsalita. Now, depende rin iyon sa topic—

SALUDAR:
Yes sir, depende sa issue.

SEC. ANDANAR: 
—kung puwede lang po ay bigyan natin ang PCO ng unang opportunity to answer all of the clarificatory questions ng ating media. Now kung sa palagay ho namin ay hindi sapat ang aming kaalaman para sagutin lahat ng tanong ng media, that is the only time that we refer or… we defer to a cabinet official who has the field of expertise ‘pag doon po sa paksang pag-uusapan. So iyon malinaw ho iyon, malinaw iyon and the President also approved the move na I raised at the cabinet ‘no. Ang sabi ng Pangulo, okay sa kaniya iyon.

Now ang pakiusap ko din po sa media, bago ho tayo magtanong sa ibang mga cabinet members din, dito kayo diretso sa PCO dahil it is only the Presidential Communications Office who will give you the official presidential pronouncements. Unless we say so, halimbawa kahapon nagkaroon ho ng—

SALUDAR:
Halimbawa iyong sa Senate, halimbawa ganoon. Sino ang dapat kausapin doon? Si…

SEC. ANDANAR: 
Nag-heads up ako sa lahat ng MPC. Sabi ko, “MPC, ang magsasalita lamang sa isyu na ito ay si Secretary Vitaliano Aguirre.” Nag-usap-usap na kami. So iyon, ‘di dumiretso iyong MPC doon kay Vitaliano Aguirre sa kaniyang pronouncement, at iyon ang official line ng Palasyo.

SALUDAR:
Opo. Halimbawa, at siyempre may mga iba’t ibang mga isyu ito Secretary. Halimbawa kukuha ng legal opinion sa Malacañang, pupuwede namang—eh sino pupuwedeng magsalita kapag legal? Si Secretary Panelo, parang ganoon? 

SEC. ANDANAR: 
Hindi—

SALUDAR:
O idadaan muna sa inyo, na kung sinong ang dapat magsalita sa ganoon? Papaano?

SEC. ANDANAR: 
Oo sa amin muna, kasi kami iyong nakikipag-ugnayan sa mga senior cabinet officials like Executive Secretary, the Cabinet Secretary, sila ni Secretary Esperon, sila ni Secretary Jesus Dureza. Ang ginagawa po namin ay, we all huddle to get—mayroon kasing ano Ely, mayroon kaming Communications Core Group sa loob ng Gabinete.

SALUDAR:
So iyon, at least maganda, malinaw ‘no para hindi rin po magkakaroon ng kalituhan. Kasi sa mga nakaraan, talagang iba-iba ho iyong nagiging… ‘di ba, iyong pahayag at mga nagiging interpretasyon, so mali pala iyong taong dapat na pagtanungan.

SEC. ANDANAR: 
Opo.

MAMOGAY:
Opo, at iba ang dating sa publiko.

SEC. ANDANAR: 
Opo, so tinukoy ko nga po sa press conference sa Malacañang Press Briefing Room na ganito ang sistema. Alam naman natin Ely, na ito ay—we are still adjusting, kasi hindi naman lahat ng pangulo ay pare-pareho ng estilo ‘di ba? So for example, mayroong mga pangulo na dumidepende sa sinulat na speech, isinulat na press release. At ang Pangulo ngayon ay ano, diretso ho ito, wala nang speechwriter-speechwriter, depende na lamang sa—pero most of the time, the President really speaks off the cuff ‘no, kung anong kaniyang nasasabi. Kung anong kaniyang naiisip ay sinasabi ng ating Pangulo, at hindi siya komportable doon sa teleprompter ‘no. You know, and we have to adjust ‘no, hindi naman lahat kasi—I mean, different strokes for different…

SALUDAR:
Kasi ako Secretary ang dami ko ring na-cover-an ‘no, nag-Malacañang Press Corps mula kay FVR. Dati may advance copy kami, iyan ba kay FVR, advance copy kami ng speech. Kung anong nasa speech niya noon, minsan may adlib nang konti—

MAMOGAY:
Kokonti lang.

SALUDAR:
May kaniya-kaniyang ano eh, tama iyong sinasabi mo Secretary – may kaniya-kaniyang estilo ang bawat presidente.

SEC. ANDANAR: 
Oo, kaya nga I receive every criticisms Ely ‘no, and I accept them constructively ‘no. At kaya pinaliwanag ko sa Malacañang Press Corps, pinapaliwanag ko sa inyo ngayon na of course, iyong mga nagki-criticize sa atin ay ito naman, they are coming from the norm of delivering messages from the Presidential Communications Office from the Palace. And… at iyon na nga, kaya pinapaliwanag ko sa lahat din na iba ang estilo ng ating Pangulo, and we are adjusting to the President. Hindi naman ang Presidente mag-a-adjust sa atin eh. Sa amin sa PCO, kami ang mag-a-adjust sa Presidente kaya we are fine tuning everything. And rest assured na Ely ‘no… na I am personally accepting criticisms constructively. At we are improving our communications processes daily, as in… and we speak ‘pag may mali, we are fine tuning it. And tayo naman ay hindi perpekto ‘no, tayo’y nagkakamali din, pero Inaayos natin itong mga pagkakamali na ito.

ELY:
Opo. Pero Secretary… tsaka wala pa namang 100 days ah, wala bang ano, walang ceasefire o honeymoon period dyan?

SEC. ANDANAR:
(laughs).

ELY:
Hundred days wala pa eh.

SEC. ANDANAR:
Kayo ang makakasagot niyan. (laughs).

ELY:
Kaya pala eh. Si Pangulong Duterte rin nga mismo wala pang hundred days, eh di ba, ang dami ng—busy ka agad.

RHEA:
Dami ng—

SEC. ANDANAR:
Oo—

RHEA:
Sa ngayon nga lang eh—

SEC. ANDANAR:
Ganoon talaga, Ely ‘no at Rhea.

RHEA:
Opo.

SEC. ANDANAR:
Dahil alam naman natin na marami ho tayong kalaban ng ating Pangulo. Marami hong masasagaan na mga illegal na negosyo, mga—matapang kasi ang ating Pangulo at iyon ang ipinangako ng ating Pangulo sa taong bayan noong siya ay tumatakbo na bibigyan niya ng isang malinis na gobyerno ang ating mamamayan at bibigyan din tayo ng malinis na kalsada sa pamamagitan ng pagsawata ho ng illegal na droga.

ELY:
So sa nakaraang Cabinet meeting, Secretary, kasi maraming nagtatanong sa amin kasi mahirap iyong puro kung ano-anong kontrobersiyal na isyu. Eh, ano ho ba iyong mga pangunahing napag-usapan doon? Kasi marami ngayon… ngayon medyo marami ang natutuwa dahil sa iyong mga bagong opisyal ng PCSO at nangako ng mas mabilis na serbisyo. Kasi ang dami-dami pong nangangailangan ng tulong, mga pumupunta sa PCSO, pero ang mismong Pangulo ang sabi niya 20 million a day—

SEC. ANDANAR:
Oo.

ELY:
Nalulugi. Matindi po iyong katiwalian diyan. So, napag-usapan din po iyon, ‘no, sa Cabinet meeting?

SEC. ANDANAR:
Napag-usapan, Ely, ang small time lottery. Kasi nagbigay ng report si Secretary Vitaliano Aguirre tungkol nga sa small time lottery kung papaano ito naaabuso, kung papaano—eh dapat kumikita ng malaki ang gobyerno, pero lumiliit ang kita dahil hindi nga accurate at hindi maganda ang proseso sa pagre-remit ng pera sa gobyerno. Kaya hahayaan ko na lamang po si Secretary Vitaliano Aguirre na magpaliwanag sa inyo kasi siya iyong nakaka-alam talaga. So, napag-usapan iyon, so—STL is part of PCSO, ‘di ba? STL PCSO ba ito?

ELY:
Opo, PCSO.

RHEA:
Opo.

SEC. ANDANAR:
PCSO, tapos mayroon ding ano—napag-usapan din iyong convening of the LEDAC—

ELY:
Iyon—

SEC. ANDANAR:
Naghihintay tayong mga reporter dito sa convening of the LEDAC, dahil pagkakaalam ko dalawang beses lang kino-vene ito noong panahon ni Pangulong Aquino at—ipinaliwanag din ni Secretary Adelino Sitoy, iyong bagong kalihim ng PLLO ‘no.

ELY:
Opo.

SEC. ANDANAR:
At ipiniliwanag niya sa Gabinete iyong mga priority bills ng ating Palasyo.

ELY:
Opo. Maganda ho iyon kasi kapag may LEDAC meeting, napag-uusapan na, eh iyong mga bills, kasi maraming naghihintay sa Death Penalty Law, iyong emergency powers para lutasin iyong problema sa daloy ng trapiko. So, siguro makakasama iyan—

SEC. ANDANAR:
Itong BBL.

ELY:
Oo. Pati iyong sa BBL, lahat to ‘no, marami yung priority.

SEC. ANDANAR:
Oo.

ELY:
Priorities ho ng administrasiyon—

SEC. ANDANAR:
Oo. Nandiyan iyong sets ng program ni Secretary Dominguez.

ELY:
Opo.

SEC. ANDANAR:
Iyong taxation. Iyong modernization ng AFP, oo. Iyon, so talagang ano, talagang—ito’y mapapaliwanag din sa atin ng husto. In fact, nagkaroon ng press briefing kahapon si Secretary Adelino Sitoy doon sa Malacañang.

ELY:
Pero Secretary ito, maraming nagtatanong. Kasi marami na ring nag-aabang dito sa ‘Narco List’ — iyong final ‘Narco List’ ng Pangulo sa 1, 000 local officials, judges, iyong mga police. Kailan ho ba ito ilalabas ng Pangulo, mayroon na ho ba kayong ideya?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko masasabi kung anong petsa ilalabas ng Pangulo. Mahirap naman na pangunahan ko ang ating Pangulo pagdating diyan. Basta ang alam ko lang eh isanlibo iyong nasa listahan at kung ano iyong manner ng pagpalabas ng Pangulo at kung ito ba ay installment basis o one-time big time na ilalabas, nasa Pangulo na po iyan, Ely.

ELY:
Opo. Okay, partner may tanong ka pa?

RHEA:
Secretary, makiki-update lang ako dito sa binuksan niyong ‘8888 hotline.’ Gaano na karaming mga calls ang natanggap niyong may kinalaman nga dito sa korupsiyon at iyong may mga kinalaman sa ilegal na droga?

SEC. ANDANAR:
Wala pa akong report sa harapan ko, pero aalamin ko sa Cabinet Secretary dahil sila po ang namumuno dito sa 8888. Iyan ang tanong mo ‘di ba?

RHEA:
Yes, sir.

ELY:
Oo, iyong apat na otso—

SEC. ANDANAR:
Iyong 8888, tsaka 911 sila ho iyong lead agency dito. And the moment I get an update, ipapasa ko po sa inyo iyong datos.

ELY:
Opo. So Secretary, baka mayroon kang huling panawagan sa ating mga listeners, sa taong bayan, at ngayon eh tuloy ang kampanya sa ilegal na droga pero ang dami, kung ano-anong mga isyu na lumalabas at bagamat salita na wala po hong 100 days si Pangulong Duterte, o iyon pong administrasyon?

SEC. ANDANAR:
Ely at Rhea, nagpapasalamat ako sa programa ninyo sa pagkakataong ito, at pinapasalamatan ko iyong mga supporters po ng ating Pangulo at iyong mga supporters din na nakakaintindi sa mga ginagawa po ng ating gobyerno ngayon. Sana po eh tuloy-tuloy niyong suportahan ang pagbabago na ating ginagawa, sa Executive Department, at iyong pagbabago ho na ginagawa din ng mga katuwang natin sa Lower House at sa Upper House. At ito pong kampanya na ito na laban sa ilegal na droga, patuloy po nating suportahan. Mayroon po tayong declaration of state of lawlessness, ibig sabihin ho nito hindi natin alam kung nasaan ho iyong mga kalaban nating terorista. Let us cooperate with our police force and our Armed Forces of the Philippines para mas mapadali po iyong kanilang trabaho dahil alam po natin na kapag ang isang bansa po ay mapayapa, mas madali pong umunlad pagdating po sa ekonomiya.

Marami pa hong mga proyekto, polisiya ang ating Presidente. Tuloy-tuloy ho ang ating trabaho. Kami ho sa gobyerno, tumatanggap ho kami ng kritisismo ‘no, ito ho ay constructive lamang. Pero kahit na po ay maraming bumabato sa atin na kahit na faceless na po, huwag po kayong mag-alala, lalong-lalo na po iyong naniniwala sa ating Pangulo. Kami po ay hindi magpapatinag ‘no at kami ay magta-trabaho lamang para sa taong bayan. Para sa bayan po ito. Maraming salamat, Ely, at Rhea. Mabuhay kayo!

ELY:
Salamat. Maraming salamat kay Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)