Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Saksi sa Dobol B by Melo del Prado
12 September 2016
 

MELO:
Secretary Andanar, magandang umaga po sa inyo and welcome to DZBB.

SEC. ANDANAR:
Good morning. Thank you, Idol Melo. Good morning sa lahat ng nakikinig po sa DZBB.

MELO:
Secretary, alam ko na bising-busy ka kaya umpisahan na natin ito dahil sisibat ka pa papuntang Malacañang. Galing ito sa Unang Hirit po si Secretary – huling hirit ito sabi ni Mike Enriquez. Pagnag-guess doon sa Unang Hirit, huling hirit dito sa DZBB. Kumusta ba si Presidente matapos—kasi dumating na si Presidente ano?

SEC. ANDANAR:
Oo.

MELO:
So ano ang mai-uulat niya sa atin, sa mga kababayan natin, na nangyari doon sa ASEAN? Nabasa na natin iyong iba diyan. Ano pa ba iyong hindi namin alam?

SEC. ANDANAR:
It ended in a high note doon sa Jakarta, Indonesia, naging maganda iyong working visit ng Pangulo. Alam mo working visit siya sa Indonesia pero iyong pagtanggap sa kanya katumbas ng isang state visit; lahat ng honors na katumbas nung state visit ay binigay kay Pangulong Duterte ni Presidente Widodo.

Doon pala sa Indonesia, dahil okay iyong usapan ni Presidente Duterte at Widodo doon sa mga issues na kailangan nilang pag-usapan at mayroong mga—for example, iyong maritime security ng Indonesia at ng Pilipinas ay napag-usapan. Nagpirmahan sila ng maritime security doon sa mutual lanes ‘no dito sa may Sulawesi at Sulu Sea. At nandoon din iyong usapan na nagkakaintindihan po ang dalawang pangulo na kailangan na sabay nilang solusyunan ang problema ng piracy at iyong illegal fishing. Kahit iyong—

MELO:
Border patrol.

SEC. ANDANAR:
Border patrol, illegal—lahat na, kidnapping. Napakaganda po ng kuwentuhan at nang napagkasunduan ng Pangulo—

MELO:
At saka iyong sa drugs yata, nabasa ko ngayon. Sa drugs ay may pinag-usapan din yata sila doon?

SEC. ANDANAR:
May napag-usapan. In fact, iyong hepe ng kanilang anti-drugs department doon sa Indonesia ay sinabi na bilib na bilib na siya sa istilo ni Presidente Duterte, at gusto nilang gayahin.

MELO:
Pero mas mahigpit sila nung una, bago pa tayo, ‘di ba?

SEC. ANDANAR:
Actually, mas mahigpit sila kasi mayroon silang death penalty, may capital punishment. Ang problema sa bansa natin sabi ni Presidente during the ano is… tayo lang ang bansa sa ASEAN na walang capital punishment pagdating sa droga.

MELO:
Although, ngayon ay pinag-uusapan iyon kung maibabalik iyon.

SEC. ANDANAR:
Oo, pinag-uusapan iyon.

MELO:
Ngayon, isa pa doon sa pinunta ni Presidente roon ay iyong tungkol kay Mary Jane Veloso. Drugs din ang kaso noon, ‘di ba?

SEC. ANDANAR:
Oo. Iyong kay Mary Jane Veloso, doon sa kaso niya, ayaw banggitin sa amin ng Pangulo kung ano ang napag-usapan, kaya silang dalawa lang ni Presidente Widodo. And of course, sabi nga ni Presidente doon sa arrival speech dito sa Davao, na mahalaga na makausap muna ng Presidente ang pamilya ni Mary Jane.

MELO:
Whether good or bad—

SEC. ANDANAR:
Whether good or bad, basta … para lang respeto sa pamilya. Kaya he did not elaborate more baka ma-telegraph daw iyong kaniyang punches.

MELO:
Pero sa isang balita na nakalap namin, ang Department of Foreign Affairs nagsabi na. Ito na ba iyon iyong ayaw na malaman muna ng tao? Nabanggit ng Department of Foreign Affairs iyon daw pagdi-defer ng parusa na kamatayan kay Veloso, iyon na ba iyon, iyon na iyong magandang balita?

SEC. ANDANAR:
May sinabi si Secretary Jun Yasay na indefinite ‘no, suspended.

MELO:
Pero hindi pa iyon?

SEC. ANDANAR:
Hindi pa yata iyon. Parang iyong indefinite suspension, iyon ang noon pa iyon, ‘di ba? Hindi muna nilabas eh. So, Secretary Jun Yasay, he reiterated that decision. Mukhang dati na iyong desisyon na iyon eh.

MELO:
Pero noong—wala kaming mabasa kasi kay Presidente kung …

SEC. ANDANAR:
Hindi. Kasi mahirap, boss, eh. Kasi pagdating naman sa mga ganiyang isyu, although kasama ako doon sa delegation na nakipagpulong sa grupo ni Presidente Joko Widodo, mayroon din namang ibang meeting pa silang dalawa ni Presidente na sila lang—

MELO:
Ah, wala ka doon. Wala ka doon.

SEC. ANDANAR:
Iyong silang dalawa lang. Kasi parang state dining hall iyon eh, state meeting room, tapos mayroong mga kwartu-kwarto – parang Malacañang din eh – kwartu-kwarto sa loob tapos nandoon lahat ng mga secretaries na dala ni Presidente Duterte, nandoon din at kaharap namin iyong mga counterparts namin. Tapos doon sa mga mas sensitive na issues, pumasok sila sa kuwarto.

MELO:
Noong banggitin iyong tungkol kay Veloso, wala ka na doon?

SEC. ANDANAR:
Wala ako doon, wala. Actually, walang tao—I understand, si Presidente Widodo lang pati si Presidente Duterte – one-on-one sila.

MELO:
Oo, so iyon ang aabangan natin.

SEC. ANDANAR:
Oo.

MELO:
Okay, sige. Sabi din ng Pangulo na doon sa ipinunta niya sa ASEAN, hindi naman daw tayo napahiya. Actually, may bumilib pa. Ano ba daw ba iyon?

SEC. ANDANAR:
Totoo naman, sabagay na ikuwento na ni Presidente ito sa arrival at doon pa sa Indonesia naikuwento ni Presidente Duterte kung ano iyong sinabi ni doon sa ASEAN East Asia Meeting, at binanggit nga ni Presidente na hindi niya binasa iyong kaniyang talumpati. Kung anuman iyong official na talagang binanggit ni Presidente doon, iyong extemporaneous, this will come out officially later once the ASEAN Chair releases this according to Secretary Jun Yasay.

Pero kung sinabi po ni Presidente na napabilib… na he did us something that will make us proud, totoo iyan. Kasi doon po, ako’y nakikinig doon sa listening room at nakita ko talaga na our President eh tumayo siya sa sariling paa at ipinaglaban niya iyong mga pagmamalupit ‘no, talagang inulit niya.

MELO:
Iyan ba iyong nagpakita siya ng mga pictures noong panahon ng mga Amerikano?

SEC. ANDANAR:
Kasi si UN Secretary General Ban Ki-moon ay siya iyong unang nagsalita, tapos mayroon siyang mga binanggit about extrajudicial killings, about human rights violations. So kaya si Presidente – after Ban Ki-moon, siya iyong tinawag, si President Duterte – hindi niya naman pinayagan na ganoon-ganoon na lang. So kaya ang ginawa ni Presidente, ipinaliwanag niya po iyong history ng Pilipinas mula kay Magellan — pumasok iyong mga imperiyalista — hanggang Amerikano, at ipinaliwang kung ilan iyong mga namatay during that time, na kung pag-uusapan lang natin iyong human rights ay dapat pag-usapan natin iyong human rights violations during the turn of the century.

MELO:
Noong una pa.

SEC. ANDANAR:
Noong unang-una pa. Kaya parang, if I may paraphrase it, parang ano ito past tense. Parang ganoon. Hindi naman past tense ito, it’s not water under the bridge, napag-usapan din natin human rights. So it’s really a question, Melo, of moral ascendancy.

Kung ang pag-uusapan natin human rights sa buong mundo, eh tingnan natin kung sino ang nagsasalita.

MELO:
Oo nga.

SEC. ANDANAR:
Sino bang unang human rights violator?

MELO:
Anong reaksiyon ni Ban Ki-moon nung si Presidente—

SEC. ANDANAR:
Kasi ano yun eh… the first part nasa listening room ka, may video iyon eh. Mayroon kang earphones, pakinggan mo. Kasi doon sa earphones ay mayroon mga translations, iba’t ibang dialect eh. Iyong video ay naka-focus kay Presidente, so hindi mo makita iyong…

MELO:
Kung sa atin sa TV, walang reaction shot.

SEC. ANDANAR:
May reaction iyong nasa loob ng listening room.

MELO:
Pero hindi mo nakita?

Hindi. Hindi. Nakita ko. Nakita ko iyong iba’t ibang mga banyagan doon na nandoon, present doon. Nung sinabi ni Presidente, ‘Hindi ko babasahin iyan. Binigyan ako ng script ng mga bata ko, hindi ko babasahin iyan.’

MELO:
Anong reaction?

SEC. ANDANAR:
Nagtawanan lahat.

MELO:
Nagtawanan.

SEC. ANDANAR:
Oo. Nagtawanan lahat, tapos I could see in their faces na bumilib sila sa ating Presidente. I think the President when going to ASEAN, ang isa sa pinaka-naging achievement ni Presidente doon sa ASEAN is, number one, he was able to communicate to all of the ASEAN leaders na ito iyong interes ng Pilipinas, magtutulungan tayo, people-to-people relationship. Nandiyan din iyong economic trade. Nandiyan din iyong partnership para masawata itong illegal drugs. Pero ang pinakamahalaga, palagay ko, is the President was able to communicate the idea that he is a leader to contend with in the ASEAN region at siya ay tumatayo sa sariling paa at ipinaglalaban iyong ating karapatan.

And if you remember na during the tail end of the visit sa Davao, sinabi ni Presidente na we will have an independent foreign policy, na wala tayong susundin at tayo ay isang sovereign nation. Kung anuman iyong dapat na trato ninyo sa akin, sa isa’t isa, dapat ganoon din iyong trato ninyo sa akin na ako ay Presidente, sovereign nation, independent foreign policy. That’s the most important thing that was telegraphed doon sa ASEAN. And bumilib iyong mga lider doon kasi siguro for the longest time, ngayon lang sila nakakita ng Presidente ng Pilipinas na talagang ipinaglaban iyong karapatan nating Pilipino, na talagang kinuwestiyon iyong mga bansang kumukuwestiyon sa kung anuman iyong mga ginagawa natin sa ating illegal drugs campaign.

MELO:
Sa madaling salita, noong pumunta si Presidente doon, ang tingin sa kaniya “may asta siya.”

SEC. ANDANAR:
May asta at talagang lider na—

MELO:
Lider.

SEC. ANDANAR:
Lider talaga na tumatayo sa sariling paa, na ipinaglalaban iyong interes ng ating bansa, na hindi lang—

MELO:
Hindi tayo subservient lang.

SEC. ANDANAR:
Hindi subservient sa mga interes ng mga former colonial masters. So iyon ang sinasabi ng Presidente na you will be proud of what I said.

MELO:
At saka mayroon din na lumabas na balita na nagkita pala si Presidente at saka si Barack Obama.

SEC. ANDANAR:
Oo, nagkita sila, talagang nag-usap sila.

MELO:
Nabanggit ba iyong tungkol doon sa, alam mo na, iyong bago siya umalis dito?

SEC. ANDANAR:
Hind ko kasi ano eh—kasi silang dalawa lang iyon, sa holding room. Mga leaders lang iyon eh, siyempre mga ministers, labas kami lahat ‘no. At sila lang iyong nag-usap doon. At hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawang Pangulo. But ang alam ko lang, they shook hands, they talked for about three minutes.

MELO:
Kung may opportunity, was there an opportunity maipaliwanag iyong—kasi although si Presidente Obama nagsabi na na hindi niya tini-take personally iyong banat ni President Duterte.

SEC. ANDANAR:
Well ano naman eh, iyong bilateral talks with the US President or with the United States ‘no, matutuloy naman iyon sa takdang panahon. Hindi naman puwedeng hindi matuloy iyong mga ganiyang klaseng pag-uusap. Mayroon interes ang Amerika sa atin, mayroon din tayong interes sa Amerika so parehas na may mutual interes iyan eh. And iyong pagkakaibigan ng dalawang bansa, we’re allies ‘no. So, talagang ano… it’s just a minor hiccup.

MELO:
Oo, okay, maliit na bagay.

SEC. ANDANAR:
Maliit na bagay.

MELO:
Pinalaki lang

SEC. ANDANAR:
Oho, ganoon talaga ‘di ba.

MELO:
After this… galing na siya sa Indonesia, galing siya sa ASEAN, mayroon pa bang mga kasunod na—mapupuno ba ang schedule ni Presidente ng mga biyahe pa? May mga parating pa nga ba?

SEC. ANDANAR:
Mayroon isa o dalawang bansa, Melo, na maaaring puntahan ang ating Pangulo ngayon, bago matapos ang buwan. “Maaaring” sasabihin ko, hindi ko sasabihing sigurado na pero it was discussed na isa o dalawang bansa. Hindi ko lang masabi kung anong bansa iyon.

MELO:
Iniimbita siya ng Japan, ‘di ba?

SEC. ANDANAR:
Actually lahat, Melo, ini-invite siya. Ini-invite siya ng Singapore, ini-invite siya ng Japan, ini-invite siya ng Vietnam, Thailand – ini-invite siya ng lahat ‘no. Well, I guess, it’s the same also for the other countries na kapag may bilateral meetings, i-invite mo rin sila sa bansa natin. Pero doon sa mga napansin kong mga meetings ng Pangulo, naka-attend ako sa dalawa – Singapore pati Vietnam – ay si Presidente iyong unang ini-invite.

MELO:
Siya kaagad.

SEC. ANDANAR:
Oo, siya kaagad. Well, of course, si Presidente siya iyong pinakabagong lider eh, ‘di ba, sa ASEAN, and then next year chairman sa ano and then… hindi mo naman maipagkakaila na talagang malakas iyong dating ng ating Pangulo eh, lalung-lalo na iyong mga statements ni Presidente ‘no before he left for Laos. Na iyong sinabi niya sa ASEAN East Asia, eh mas lalong bumilib iyong mga heads of states sa ating Pangulo at sa Pilipinas.

MELO:
So puwedeng mangyari ang mga biyahe na iyan bago tayo mag-host ng next ASEAN Summit dito?

SEC. ANDANAR:
Oo. Kaya exciting iyong 2017—sabi nga noong isang Singaporean diplomat, nabasa ko sa kaniyang Facebook Page, sabi niya na bumilib siya sa sinabi ni Presidente doon sa loob ng ASEAN East Asia dahil finally may Presidente sa Pilipinas talagang tumayo para sa Pilipino. Sabi niya, ‘I’m looking forward for ASEAN 2017.”

MELO:
Sabi ni Prime Minister Abe, sikat daw si President doon sa Japan. Popular daw siya doon.

SEC. ANDANAR:
Oo, sinabi ni Prime Minister iyon.

MELO:
At saka nakakuha pa tayo ng ano … magbibigay yata sila ng …

SEC. ANDANAR:
Frigate.

MELO:
Iyon.

SEC. ANDANAR:
Frigate, iyong malaking—

MELO:
At saka eroplano.

SEC. ANDANAR:
Dalawang frigate ang ibibigay tapos—I’m not sure about the airplane. Pero alam ko iyong barko, mayroon na yatang isang parating na.

MELO:
So in terms of material gain, mayroon din tayo. May masasabi si Presidente, ‘Oh, mayroong nai-pangako sa akin. Mayroon tayong maipapadala dito.’

SEC. ANDANAR:
Oo. Ang mahalaga naman doon ay nagkaroon ng magandang exchange ang ating Pangulo at iyong ibang mga state leaders. Nakilala tayo, at nagkaisa sila sa panawagan na kailangang palakasin pa iyong ASEAN relationship with China, ASEAN relationship with US, with India, with Australia. At iyong economic trade na nangyayari, kailangan ma-binding pa, pati iyong people-to-people relationship, iyong fight against terrorists and illegal drugs ay napagkasunduan nang halos ng bansa. Kaya maganda iyon.

At iyong nabanggit mo, Melo, na mayroong mga naipangako ang bansang Japan na tulong ‘no, iyong dalawang barko—actually, may nauna pang sampu diyan, ‘di ba, iyong mga Coast Guard ships na ipapadala ng ano … Coast Guard boats na naipadala ng Japan, tapos itong dalawang frigate o malalaking barko. Tapos mayroon din iyong pangako ng China na tutulong sila sa—

MELO:
Pati China ha?

SEC. ANDANAR:
—mga drug rehabilitation ng bansa, mayroong ganoon ‘no.

MELO:
Oo, napag-usapan na iyon doon.

SEC. ANDANAR:
Oo, so ano talaga eh, it was a very, very positive, productive, fruitful first trip of the President overseas na as President of the Philippines.

MELO:
Teka, mukhang… uusisain mo raw iyong nangyari doon sa Presidential News Desk?

SEC. ANDANAR:
Oo.

MELO:
Tungkol ba iyon doon sa seating arrangement?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko alam ang problemang iyon. Oo, seating arrangement. Kasi alam mo, Melo, ganito lang iyan ano, iyong mga ganoong klaseng mga seating arrangement na iyan, hindi naman dapat binu-broadcast iyan eh, hindi naman dapat niri-release iyan ng Presidential News Desk. So… mayroon kasing dalawang pagkakataon na puwedeng naging magkatabi si Presidente Obama at Presidente Duterte. Iyong una diyan, iyong ASEAN-US Meet, pero alam natin na nagkaroon ng sakit sa ulo si Presidente.

MELO:
Oo, nagka-migraine.

SEC. ANDANAR:
Oo, migraine. So hindi siya nakadalo doon sa India, pati sa US. So iyong US na iyon, dapat magkatabi iyon. May listahan ako, nakalagay doon. It’s a list that I cannot divulge… I cannot release ‘no.

Ang pangalawa doon, is iyong unofficial na ministerial… iyong mga minister staff na nag-uusap-usap na puwedeng magkatabi doon sa dinner. Kasi nga as the incoming chairman ng ASEAN sa susunod na taon, so iyon daw iyong ano—but you’re not supposed to release that. Naging overzealous po iyong ating Presidential News Desk, iyong reporting—

MELO:
Walang imprimatur mo iyong—

SEC. ANDANAR:
Wala. Wala. Kaya noong tinanong ako nung media the next day—

MELO:
Hindi mo alam ang isasagot mo.

SEC. ANDANAR:
Hindi, actually, noong Wednesday ng hapon, tinanong ako ng media, ng MPC pati ng international press, nagulat ako. Sabi ko, “Anong seating arrangement?” “Hindi, sir, kayo ang nag-release.” Hindi ba sinabi ko, well… sabi ko, “it’s difficult to speculate.” Ito ang sinabi ko talaga, pakinggan mo iyong tape, “It’s difficult to speculate the seating arrangements of the heads of states. But one thing is for sure,” sabi ko, “they will be eating and drinking together,” sabi ko. Kasi siyempre, kakain ang mga heads of states, sama-sama, pero hindi—

Kaya nga sabi ko kay Undersecretary Enrique Tandan na head ng Presidential News Desk, sabi ko—

MELO:
Dati na ba siya diyan?

SEC. ANDANAR:
Hindi, bago. Kasama ko. Bale under niya iyong editor-in-chief, dapat imbestigahan niya iyong nangyari. So nung over the weekend, nag-investigate na siya. Tapos siya ay papasok bukas, lalabas iyong kaniyang resulta ng investigation. But then again, of course, I take full responsibility for what happened, being the head of the agency, and I regret the fact that it happened, and it should never have happened. As a former media man, iyon ang pinaka-ayaw natin — makuryente, ‘di ba?

MELO:
Malaking kasalanan iyon, nakukuryente.

SEC. ANDANAR:
Oo, malaking kasalanan iyon. Kaya I really felt bad. I had a sleepless night because of that. Sabi ko, this should never happen again, kaya pina-investigate ko na, Melo.

MELO:
Okay, Secretary, alam namin na holiday ngayon, may pasok ba kayo doon sa—

SEC. ANDANAR:
Meron, meron.

MELO:
Ah, meron pa rin.

SEC. ANDANAR:
Mayroon kaming special Cabinet meeting mamayang hapon. Mayroon kaming pag-uusapan about agrarian reform.

MELO:
Kumusta na si Presidente? Maayos na iyong pakiramdam niya?

SEC. ANDANAR:
Oo. Pag-uwing pag-uwi dito, haping-happy si Presidente dahil nga naging fruitful yung kaniyang dalawang working visit – iyong sa ASEAN sa Lao, at iyong sa Indonesia. At talagang nakita namin talagang nagkasundo si Presidente Widodo at Presidente Duterte, kumbaga sa merkado talagang stand out pareho.

MELO:
Halos pareho pala ang mga pinagmulan nitong dalawang ito ‘no? Parehong mayor dati ito eh.

SEC. ANDANAR:
Oo, parehong mayor, parehong local chief executive.

MELO:
So nagkakaintindihan sila.

SEC. ANDANAR:
Oo, at saka matapang. At saka iyong action man, talagang gawa kaagad, wala nang pabukas-bukas.

MELO:
Antabayanan natin iyong isang malaking balita, siguro — ano iyong pinag-usapan tungkol kay Mary Jane Veloso sa mga darating na araw.

Thank you so much, Secretary Andanar, and nice to see you again.

SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka, Melo.

MELO:
Nandun ka sa Malacañang, wala ka na sa media pero nakakausap ka pa rin namin na parang okay lang. May title ka lang – Secretary.

SEC. ANDANAR:
Oo, may title. Wala naman nagbagong masyado. Mas maliit lang ang suweldo. [LAUGHS]

MELO:
Thank you. Thank you. Inumin mo na iyong kape mo, dala mo yata iyan eh.

SEC. ANDANAR:
Thank you, boss.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)