ARNOLD CLAVIO:
Ano na iyong bilateral meeting nila ni Pangulong Obama at anong naging reaksiyon rito na—ang pinagbatayan yata iyong ano eh ‘no, iyong mga lumabas sa International media na tinawag siya ng isang hindi magandang bagay?
SEC. ANDANAR:
Noong paglapag ng eroplano sa Lao ay mayroon nang mensahe iyong US State Department, na gustong makipag-usap sa amin, sa tauhan ni Presidente, dahil nga sa nangyaring pre-departure statement ni Presidente. So, noong gabi pa lang na iyon eh nasabihan na kami na posibleng makansela iyong bilateral.
ARNOLD:
Dahil doon
SEC. ANDANAR:
Dahil doon.
ARNOLD:
Pero ‘di ba parang may mali naman na interpretasyon?
SEC. ANDANAR:
Well, ipinaliwanag namin doon sa US Assistant Secretary at iyong dalawang mga taga White House ‘no — in fact, umabot pa iyong meeting namin ng alas-tres ng madaling araw — ipinaliwanag namin at tinanggap naman nila iyong aming paliwanag na medyo may mali doon sa pagiintindi, pag-unawa doon sa sinabi ng Pangulo.
ARNOLD:
Pero may isa pang insidente, ano ba kinamayan ba o hindi? Kasi mismo si US President Obama sinabi niya na, ‘di ba, nagkaroon sila ng maikling paguusap ni Presidente Duterte?
SEC. ANDANAR:
Oo. Bago iyong Gala Dinner, nagkaroon po ng pagkakataon ang dalawang Pangulo na magkausap doon sa loob ng holding room at nagkamayan naman sila. Iyon ang kuwento ni Presidente sa amin, of course, wala kami doon sa loob kasi ito’y mga leaders holding area eh.
RHEA SANTOS:
Kamayan? Walang palitan?
SEC. ANDANAR:
Kamayan. They had a brief chat, about two to three minutes.
IVAN:
At more or less, kaya na ease yung tension over those words mentioned—
SEC. ANDANAR:
Oo, iyon. Pero of course, kung ano man iyong nangyari doon sa usapan nila ni Presidente Duterte at Obama eh sa kanila na lang iyon kasi—
RHEA:
Oo.
ARNOLD:
Pero ito may sinasabi na sa artikulo ng Inquirer na ang opisina ninyo raw ay miscommunication at disinformation?
SEC. ANDANAR:
(laughs). Well, nilinaw ko iyan, Igan, kahapon sa DZBB. Sabi ko naging overzealous lang po iyong aming kasamahan sa Presidential News Desk sa paglabas ng impormasyon tungkol sa seating arrangement ng mga Heads of State during that Gala. As a matter of fact, hindi dapat nire-release iyong mga ganyang klaseng impormasyon whether it’s official or unofficial dahil nga it’s a o number 1: It’s a multilateral meeting, it’s a multilateral dinner. Dapat iyon doon lang sa event mismo nalalaman ng media kung anong nangyayari so the PND Acting EIC — editor-in-chief was overzealous. So sabi ko nga doon sa Head noong PND na si Usec. King Tandan na kailangan imbestigahan iyong kung ano ang nangyari. Kasi wala namang—
ARNOLD:
Sino ang source?
SEC. ANDANAR:
Oo. Kasi wala namang akong go signal na ilabas iyong ‘no. In fact, noong Wednesday ‘no, nung in-interview ako ng International Press at ng Malacañang Press Corps, ang sabi ko sa kanila na, “it’s difficult to say kung saan uupo iyong mga Presidente” ‘no. Mahirap iyan—
RHEA:
Pero kanino daw nakuha iyong impormasiyon?
SEC. ANDANAR:
Mayroong mga ministers’ staff, mga meeting, na nababanggit ito — na posibleng magkatabi si Obama—
RHEA:
Siguro kasi—
SEC. ANDANAR:
Magkatabi si Lao Prime Minister, at magkatabi din si Ban Ki Moon at si Presidente Duterte dahil nga outgoing ASEAN Chairman iyong Lao at incoming ASEAN Chairman ang Pilipinas. Napag-uusapan iyan.
ARNOLD:
Possible but unconfirmed?
RHEA:
Baka posible.
SEC. ANDANAR:
Oo, posible. So mayroong mga ganyan. And you know, itong kasamahan namin sa PND naging overzealous kasi galing naman siyang… kasi dating anong iyan, writer ng Manila Bulletin eh. Siguro iyong mindset niya, “Ay, naka-scoop ako.” (laughs).
RHEA:
Oo, oo—
SEC. ANDANAR:
Kaya sinulat niya. Kaya sabi ko, “We don’t write those things. And don’t become overzealous now you’re with the Presidential News Desk. Dapat iyong mindset mo hindi scoop. Ang mag-i-scoop lang sa lahat eh iyong mga nasa media, sa private sector.” It’s unfortunate. It’s unfortunate.
ARNOLD:
Alin doon ang hindi totoo?
SEC. ANDANAR:
Ang totoo doon eh dapat magkatabi ang Presidente natin at si US President Barack Obama doon sa ASEAN-US Meet, ASEAN-US Meet. Pero… but then again hindi dumating si Presidente dahil may migraine so hindi nangyari iyon.
ARNOLD:
Sabi mo, pero noong ini-interview niya sabi niya wala. Ano namang totoo doon?
SEC. ANDANAR:
Hindi, hindi. Iyong—mayroon kasi kaming booklet na binigay sa amin.
ARNOLD:
Okay.
SEC. ANDANAR:
Tapos nandoon iyong official na mga seating arrangement. So iyong booklet na iyon hindi namin puwedeng ilabas.
ARNOLD:
Hindi siya migraine, sabi ng Pangulo wala—
SEC. ANDANAR:
Hindi iyong migraine, iyong migraine doon sa—mula doon sa India hanggang sa US meeting. So, noong kinausap ko iyong… nag-uusap na kami kung bakit hindi a-attend during that morning, ang sabi niya masakit ang ulo, may migraine. So—but then again, we had to pick up the President and sabi naman eh… ni Foreign Affairs Secretary Yasay na kailangan talagang um-attend doon sa East Asia.
ARNOLD:
Okay.
SEC. ANDANAR:
In fact, doon sa East Asia medyo late kami ng kaunti kasi talagang masakit ang ulo.
IVAN:
Secretary, ito na bang pagpapakita daw ng litrato ng American-Moro War ni Pangulong Duterte doon sa East Asia Summit, I understand. What do you know about this?
SEC. ANDANAR:
Nandoon ako sa listening room eh, kasi wala ako doon sa pinaka-official room. So nakikinig ako at pinanuod ko at nandoon din, pinakita talaga. I just don’t have the exact photos with me. Hindi ko alam kung alin doon sa mga litrato, pero ito iyong nasa mga litrato na inapakan ng mga sundalong Amerikano iyong mga nakahubad na Pilipina tapos puro patay, iyong mga ganoon. Ito specific—
RHEA:
Pero aware ang Communications group? Kasi baka dati—
SEC. ANDANAR:
No, we weren’t aware. Kasi like for example that time sinabi nga ng Presidente na… mayroon siyang speech na hawak, hindi na niya babasahin. And then the President went on an extemporaneous doon sa loob ng ASEAN—
IVAN:
But these pictures nag-instruct siya na ihanda ito?
SEC. ANDANAR:
Hindi. Well, iyong mga pictures na iyon talagang dala-dala iyon ni SAP Bong Go ‘no, iyong mga dokumento. Just like any normal attaché case ng isang CEO, and may dala-dalang attaché case parati si Assistant—Special Assistant to the President Bong Go, doon sa mga kailangang mga dokumento ni Presidente, na mga dokumentong mahalaga sa kanya.
ARNOLD:
So bukod sa inyo, may iba pa palang nakiki-alam, parang… ‘di ba? Kasi kagaya ninyo may handa kayong speech, pero pag nag-Q and A na, ibang Pangulo na iyong… ‘di ba?
SEC. ANDANAR:
No, of course, we—
ARNOLD:
Kasi lumalabas na iyong natural niya eh—
SEC. ANDANAR:
Sa amin Igan, we play by the playbook ‘no, by what we should do as Communications Team ‘no, lahat na sinusunod namin iyong ABCD. But of course at the end of day, if the President changes the game last minute, we follow what the President ano—
ARNOLD:
Pero paano iyong iba, ang isa sa mga damage control lagi eh kasalanan ng media. So kumusta na naman ang relasyon ni Pangulong Duterte sa media? Alam ko iyong huling speech niya noong dumating siya, maganda eh, ‘di ba? “Batikusin niyo ako, punahin niyo ako kung may nagawa akong mali dahil katungkulan niya sa bayan iyan,” ‘di ba, pero be responsible din naman.
RHEA:
Be professional sabi niya.
ARNOLD:
So, papaano iyong relasyon niya ngayon with media?
SEC. ANDANAR:
Okay naman. Sabi nga ng Pangulo eh handa siyang ano, magpabatikos. He’s ready for the attack by the media, as long—when he does something wrong, pag mali siya handa niyang tanggapin iyan.
ARNOLD:
Pero ang media naman ‘di ba humingi ng paumanhin naman doon sa ilang maling reports?
SEC. ANDANAR:
Kaya nga, I think, iyon iyong nagpalambot din sa Pangulo. Kasi kinakausap niya ako during that time in Lao, at sabi nga niya na nag-sorry si Ed Lingao about his sa report na bastos… na sinabi daw ng Pangulo na bastos, tapos binawi ni Ed Lingao, humingi siya ng pasensiya. Kaya it’s all good between the President and the media.
Q:
After this episode magkakaroon ba ng pagbabago sa pagpapa-interview ng Pangulo, siguro lilimitahan, didisiplinahin ng kaunti o pipilitin, at least?
SEC. ANDANAR:
Hindi naman kasi, Ivan, noong pabalik kami galing Indonesia, so mayroong arrival speech ang Presidente, tapos noong habang papalit na ng microphone sabi ko, “Mr. President, may question and answer ba tayo o wala?” sabi ko. “Hindi, mayroon may question and answer tayo. Okay, okay.” Kasi during that time we were also—we decided na every time na mayroong speech ang Presidente, we have to ask him, “Gusto mo ba ng question and answer or wala?” Kasi usually noong panahon ni Gloria halimbawa — GMA, Presidente GMA — walang question and answer eh. Bihira, kung mayroon mang question and answer, mayroong advanced copy ang Pangulo ng mga tanong—
ARNOLD:
Mga tanong—
SEC. ANDANAR:
Oo, ganoon. Pero alam mo si Presidente Duterte wala eh. Kahit walang advance-advanced, sasagot talaga eh.
IVAN:
Oo, maiba tayo, itong ano—
ARNOLD:
Iyong balita natin kanina—
IVAN:
Oo. Umani ng batikos kahapon iyong naging tribute ng Official Gazette sa 99th anniversary ni—o birth anniversary ni dating Pangulong Marcos at tinawag pa itong “historical revisionism” at may hashtag pa nga, ‘superficial gazette.’ Anong masasabi niyo dito?
ARNOLD:
Parang bawing-bawi ‘no?
SEC. ANDANAR:
I got wind of that report about 12:20, at iyon na lang, madaling araw. So when I was saw that, at binasa ko lahat, sabi ko nga sa—kay Assistant Secretary Mon Cualoping ng Stratcoms ng PCCO. Sabi ko sa kanya, “you don’t have change history.” Sabi ko, “kung ano iyong nandoon, kung ano man ang mga nagawa ng martial law hindi mo babaguhin, martial law iyan eh.” So right then, after 10 minutes, sabi ko, “You have to pull it back, you have to put back martial law and you have to put back na na-exile si Presidente.” And which… which something that they did. Our Undersecretary for Administration, si Noel Puyat, will be talking to the group… to the Stratcom group by Tuesday.
RHEA:
Alright.
ARNOLD:
Secretary, maraming salamat. Good luck sa PCO. |