Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM/All Ready by Orly Mercado
02 September 2016
 
ORLY:
Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR:
Good morning Ka Orly. Good morning po sa lahat ng nakikinig ng Orly All Ready dito sa Radyo Singko. Pasensiya na sa past few days because I was down with a very bad strain.ORLY:
Ay naku, sabi ko na sa iyo nung araw, pag kinakailangan meron kang ano eh… pero walang ano iyan—para kang nasa pressure cooker na tuloy-tuloy—walang ano. Nung araw ginagawa ko nga iba-ibang grupo, sige ganito muna ang problema mo, ipahinga mo na iyang kabila, sa iyo lahat ang problema. Araw-araw para kang nasa boxing na walang tigil pag-bell, mamaya panhik ka na naman.

SEC. ANDANAR:
The only positive ano—and at least ‘no, kahit papano ay maganda ang aming relasyon ni Spokesperson Abella ano kaya kapag absent ako siya iyong ano; kapag siya naman iyong wala ako naman ang nandoon.

ORLY:
Ganyan talaga kasi magbe-burnout kayo. Anyway, ang tawag namin unang-una naawa ako rito sa—well, hindi naman nakakapagtaka merong balita tungkol sa assassination plot pero ‘bat… President Duterte has been a governor, has been in the middle of reform and changes nagawa niya doon sa Davao. Sinasabi nga ni Secretary Abella, ina-almusal niya lang iyong mga death threats, death threats, iyong mga assassination plot. Ano ba ang comment mo roon?

SEC. ANDANAR:
Ito kasing nahuli na mga piyesa ng baril ‘no. Eh kung ia-assemble ito sabi nila abot ng isang daan na M16 rifles at gagamitin daw ito dapat sa assassination. Pero meron ding mga reports na naglalabasan na ito pala iyong assassination — this was during the campaign.

ORLY:
Aah, I see.

SEC. ANDANAR:
Pero just the same, siyempre kung may plano ka nung kampanyahan eh, what stops you from continuing your plan after the campaign. You know, and lalo na ngayon at napakadami pong mga kalaban at imminent dangers ‘no ang ating Pangulo dahil sa kampanya laban sa droga dahil nga dito sa unang sigwada. The first phase sa drug campaign has been very successful ‘no. Iyong pag-surrender ng halos pitong daang libong tao at iyong pag-aannounce doon sa mga pangalan na diumano’y involved dito, daan-daan din na mga LGUs, merong mga Chief Executives din, mga miyembro ng Kongreso at sa Senado at mga drug lords. So talagang ganoon, Ka Orly, at meron pa tayong isang warfare ‘no, itong laban sa mga Abu Sayyaf.

ORLY:
Yeah, talagang massive ang campaign din diyan dapat.

SEC. ANDANAR:
Massive ang campaign. So itong mga assassination plots na ito, although araw-araw naman nakakatanggap ang ating Pangulo ng assassination threat at ito naman ay mimatyagan ng ating Presidential Security Group and of course, malaki din ang tulong ng taumbayan, Ka Orly, kung tayo ay magsilbing mga neighborhood watch. Kumbaga, tulungan din natin iyong ating mga kapulisan, dahil alam naman natin na kulang pa rin ng numero ang ating mga pulis kung ikukumpara natin ang dami ng ating populasyon, 104 million.

ORLY:
But this does not bother the President, nor does it affect iyong kanyang schedule or travels?

SEC. ANDANAR:
This is part of the territory, itong mga nangyayari sa ating Pangulo ‘no, itong mga death threats na ito. Hindi naman natin ito babalewalain lang. We will also take extra ordinary steps para mas lalong masiguro ang seguridad ng ating Pangulo.

ORLY:
Okay. Meron din siyang… hindi lang travels within the country, even in this—regular din nagpupunta sa Mindanao. Pero pati international travels. Merong mga nagtatanong dito kung may plano ba si Presidente na magbisita, papunta riyan sa Indonesia, doon kay Mary Jane Veloso na isa sa mga—hanggang ngayon ay nasa death row.

SEC. ANDANAR:
Death row. Possible ito, Ka Orly, depende sa oras. Kasi kung titignan natin iyong kanyang itinerary mula Laos papuntang Indonesia ay ilang oras lang ho iyong kanyang—actually, it really less than 24 hours, kasi pagdating from Laos, I think it’s September 8 ‘no, bibiyahe ng Indonesia. So nung pagbiyahe na iyon, that’s the tail-end of the ASEAN. So after that pagdating ng Indonesia, siyempre pagod na ang Pangulo niyan, so magpapahinga na iyan. Depende sa kanya kung gusto niya pang umiikot. Pero most likely ang magiging rekomendasyon ay magpahinga na. The next day, he will have break ice with the President Widodo in Indonesia, Jakarta. So kung—kaya pang isingit, isisingit iyan eh, tapos meron pa tayong event with the OFWs in Indonesia. So, it really depend on the time of the President.

ORLY:
Itong unang pagbisita niya bilang Pangulo at marami nga ang nagsasabi na, because he is the newest kid on the block doon sa ASEAN Leaders Summit eh importanteng-importante na, you know, magkaroon ng—kasi excited sila eh. They really want to know him eh. I’m sure they must be reading a lot of things about what is happening.

SEC. ANDANAR:
Opo.

ORLY:
Ano ba ang attitude ng ating Pangulo tungkol dito?

SEC. ANDANAR:
Ang Presidente naman natin, as long as mabigyan siya ng pagkakataon na maipaliwanag iyong konteksto ng giyera kontra illegal na droga, wala namang problema and lahat naman ng bilateral talks between state heads ay meron namang ganoong klaseng pagrespeto sa isa’t-isa, na pinapakinggan din iyong kabilang panig. At lahat talaga intrasado na makausap si President Rodrigo Duterte dahil nga sa kanyang kakaibang style at kung titingnan mo iyong leaders ngayon, the world Leaders, our President stands out in his ways. The way he talks, the way he commands. At iyong—the sheer popularity, 91% in the Philippines, siguro na siya na siguro iyong may pinakamataas na popularidad na Pangulo sa isang estado sa buong mundo.

ORLY:
Okay, thank you, Martin. Maraming salamat Secretary Martin sa pagsagot ninyo sa aming tawag. Thank you. We appreciate it.

SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka, Ka Orly. Salamat po.

 SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)