Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

ALJO BENDIJO: Magandang umaga/maayong buntag, Pilipinas; ngayon po ay araw ng Sabado, ika-labindalawa ng buwan ng Pebrero. Estado ng ekonomiya, trabaho overseas at update tayo sa mga bakunahan at ipinatutupad na hakbangin kontra COVID-19 – iyan po ang mga usaping ating hihimayin sa loob ng isang oras na talakayan kaya manatiling nakatutok.

Sa ngalan po ni Undersecretary Rocky Ignacio, ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa mga nagbabalak magtrabaho sa abroad/sa overseas magandang balita – ilang mga bansa kabilang ang Taiwan sa muling nagbukas ng kanilang pintuan, ng kanilang border para sa mga migrant workers. Para himayin ang ilang paalala at guidelines ng Philippine Overseas Employment Administration sa mga Overseas Filipino Workers na tutulak sa abroad, makakasama natin si Sir Bong Ventura Plan, ang Deputy Administrator ng POEA.

Magandang umaga po, Sir Bong!

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Magandang umaga naman Sir Aljo at magandang umaga naman sa mga nanunood at nakikinig po dito sa ating programang Laging Handa, Public Briefing. At unang-una po, magpapasalamat din po ako sa pagkakataon na binibigay po ninyo sa amin para ma-discuss po iyong mga iba-ibang concerns at issues po ng ating mga OFWs.

ALJO BENDIJO: Opo. Maitanong ko lang, Sir Bong, ha. Mataas ba ang demand pa rin sa OFW sa gitna ng banta ng Omicron surge, Sir Bong?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Well, sir, overall po mas mababa pa rin po ang demand po sa atin ngayon dahil po dito sa—compared po doon sa pre-pandemic deployment po natin. But unti-unti na rin pong tumataas ang ating deployments po ngayon since 2021. But basically po, ang talagang medyo mataas na ngayon at mas madaling naka-recover ay iyong sa ating seafaring industry po – iyon po ay iyong mga deployments natin ng mga marino po sa iba’t ibang mga ships po. Iyon basically ang mas kaagad na naka-recover dito sa ating pandemic na nai-experience po natin.

But with regards naman po doon sa land-based po natin na deployments, medyo nakaka-recover na po tayo but it is much slower po, mas mabagal po. At anyway po dahil din po dito sa pandemic na ito, nagkakaroon po tayo nang mas maraming opportunities particularly sa mga professionals natin like mga nurses, mga truck drivers din po kailangan na kailangan po natin and of course sa IT sector natin marami na rin pong demand po pagdating po sa overseas employment po natin.

ALJO BENDIJO: Opo. Sa inyong datos, gaano karami ang nawalan ng trabaho na puwede na ulit makalabas ngayon, Sir Bong?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Actually po medyo marami-rami rin po. It’s almost 700,000 po ang na-repatriate natin na mga workers na bumalik po dito. Kaya po malaki po ang trabaho po namin para maibalik po sila especially those who are interested to go back overseas para magtrabaho – iyon po, malaki po ang trabaho po natin doon.

At doon po naman sa mga ayaw na pong bumalik, mayroon naman pong mga DOLE programs po natin para mabigyan po sila ng mga opportunity para makapagtrabaho dito o makapagnegosyo po dito.

ALJO BENDIJO: Uhum. Ano naman po ang guidelines para sa mga papaalis nating mga kababayang OFWs?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Well depende po kasi sa mga country of destination ‘no, kung saan po sila pupunta. But basically po iyong mga health protocols na sinusunod o quarantine protocols na sinusunod is:

  • Number one, iyong mga 72 hours na RT-PCR test or 48 – it depends po sa country po na pinupuntahan po nila.
  • Tapos pangalawa po, kailangan po natin iyong vaccination certificate. So ang presumption po dapat po vaccinated ang ating mga OFWs na pupunta sa iba’t ibang bansa.
  • At of course iyong mga OEC, iyong regular po na pinu-produce po nila pagdating po sa Immigration po natin o paglabas po dito po sa ating bansa.

ALJO BENDIJO: Uhum. Anong tulong naman daw po ang puwedeng gawin ng POEA para sa mga OFWs na napaso na ang kanilang mga visa? Saan din po sila puwedeng lumapit o ‘di kaya’ tumawag, Sir Bong?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Actually po, marami naman po tayong programa para doon po sa mga nawalan po ng trabaho na ating mga OFWs:

  • Number one po, may mga online job fairs po tayo na ginagawa para makita po ng ating mga OFWs na na-repatriate kung mayroon silang mga ibang trabaho na puwede pang puntahan.
  • Pangalawa po, ini-endorse po namin sila, iniendorso natin sila sa mga iba’t ibang mga recruitment agencies or manning agencies para kunin ho sila at makapagtrabaho muli.
  • Pangatlo po ay mayroon po tayong tinatawag na retooling po sa ating mga OFWs. Ang kagandahan po nito makapag-aral po sila na libre at the same time po mas mapataas po nila ang kanilang kaalaman at hopefully makakuha sila nang mas magandang trabaho overseas.

So ganoon po ang mga programa po namin ngayon.

Kung gusto po nilang malaman kung ano pang mga available jobs, puwede lang po silang pumunta sa POEA website po natin which is www.poea.gov.ph – iyon po ang ating website. At puwede rin po silang tumawag sa ating hotline number which is 8722-1144 or 8722-1155.

ALJO BENDIJO: Opo. Follow up lang po sa usapin ng bakuna. Mayroon bang mga bansang nagri-require ng booster shots/booster dose?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: So far po ngayon, wala naman pong nag-inform sa amin na mga embassies o mga countries of destination natin na nagri-require po ng booster shot. Ang niri-require lang naman po nila is iyong regular vaccination natin which is iyong two shots for—iyon nga po, para sa iba’t ibang mga vaccines at siguro one shot para doon sa Janssen po yata iyon. So basically iyon lang po ang kailangan nila.

ALJO BENDIJO: Ngayong pinapayagan na ulit ang pagpasok ng ating mga kababayang OFWs sa Taiwan, ano ang mga bagong guidelines at ilang OFWs din ang expected na idi-deploy sa Taiwan?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: It’s a really good news for us po, Sir Aljo, kasi this February 15, mag-o-open na po ang Taiwan sa atin para sa deployments po natin. Kaso lang po may mga niri-request sila – one of these is iyong guidelines po pagdating po sa mga quarantine protocols at saka mga additional requirements po para sa ating mga OFWs na pupunta po sa Taiwan.

So ang ginawa namin, agarang gumawa kami ng memorandum circular para sa mga guidelines ng mga resumption para sa deployment po natin sa Taiwan. Ang medyo kaibahan po nito is: Number one, mayroon na po tayong checklist na kailangang pirmahan at saka kailangan pong i-monitor kaya medyo ma-kuwan po ito—it’s quite complex but since iyon po ang request po ng Taiwan government po sa atin, agaran naman po nating ginawa para lang makapag-deploy po tayo doon.

At saka pagdating naman po sa number of OFWs na kaya po nating ipadala doon, estimated po is about 40,000 po. But as of now, mayroon na po tayong mga on the pipeline na about 5,000 workers going to Taiwan. Kasi po ito po ‘yung mga 5,000 na workers na na-hold po iyong mga visa nila prior po doon sa deployment ban na in-impose po ng Taiwan. So ito po ang mauunang mai-process natin, about 5,000 pagbukas po ng Taiwan this February 15.

ALJO BENDIJO: Opo. Paano po sinisiguro ng POEA na talagang compliant ang mga OFWs sa mga requirements na iyan ng mga bansang pupuntahan nila? And at the same time, Sir Bong, sinasagot ba ng mga employers nila ang ilang gastusin sa protocols?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Sir Aljo, magandang tanong po iyan. Actually nilagay at very clear po sa aming memorandum circular na wala pong babayaran ang ating workers pagdating dito sa mga additional requirements na niri-require ng bansang Taiwan. So very clear po doon sa guidelines natin – it’s either iyong employer, iyong Philippine Recruitment Agency or iyong Taiwan Recruitment Agency ang dapat magbayad dito sa mga additional na requirements na ini-impose po sa atin ng Taiwan. Kaya iyon po ang magandang news po pagdating dito sa memorandum circular po na ginawa po namin.

Pagdating po naman sa mga other requirements, aside from this po, kaya nga po gumawa kami ng special guidelines on this because we are the ones responsible pagdating po ng monitoring po ng ating mga pinapadalang workers sa Taiwan. Importante po kasi na tayo ay maging strict pagdating po sa mga health and quarantine protocols natin sa mga pinapadala doon [na mga workers]. Kasi pagdating po sa Taiwan, very strict din po sila. Aside from the seven days na self-monitoring po dito sa atin, mayroon pong additional fourteen (14) days monitoring pagdating po sa Taiwan. So bale almost a month din po silang maku-quarantine – seven (7) days here at saka 14 days po sa Taiwan. Pero iyon, wala pong gagastusin ang ating mga workers.

ALJO BENDIJO: Okay. Are we expecting na tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong umaalis para magtrabaho sa ibang bansa sa mga susunod na buwan lalo’t marami na po, Sir, ang nababakunahan at nagbubukas ng border ang ilang mga bansa?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Yes, Sir. Actually, dumadami na po ang mga demands/request coming from the different countries po of destination. For example iyong UK marami na rin po silang demand sa atin pagdating sa mga health care workers natin particularly iyong mga nurses and caregivers. This is the same with Germany and Japan.

Kaya iyon, marami pong demands kaso nga lang po, we have to consider also our personal demands here in the Philippines also kaya medyo mayroon pa tayong kaunting deployment [cap to follow]. Up to 7,000 lang po ang puwede po nating i-deploy na health care workers kaya medyo limitado pa rin po pagdating sa mga nurses and health care workers.

Pero pagdating po sa mga truck drivers, pagdating po sa mga seafarers open po tayo. At basically based on our data and our projected data, mas dadami po ang demands natin pagdating po dito sa logistics area po natin.

ALJO BENDIJO: Opo. Kaugnay naman po nang nagpapatuloy na deployment suspension ng household service workers at mga construction workers sa Saudi Arabia, nasa ilang kababayan na po natin so far ang apektado nito? At may update na rin daw ba tayo sa dayalogong isinasagawa ng Pilipinas with Saudi Arabia regarding po doon sa settlement agreement, Sir Bong?

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Ah, yes. Actually po continuous naman po ang ating dialogue with the Saudi government. In fact po, two weeks ago nagkaroon na po ulit tayo ng initial discussions with them. Dumalaw po ang grupo ng embassy, Ambassador po ng Saudi sa DOLE to discuss on these issues po. Hopefully we could have an early settlement on these issues para makapagpatuloy na po tayo ng deployment po ng ating mga household service workers.

ALJO BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po, Sir Bong, sa ating mga OFWs.

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Okay po. Maraming salamat, Sir Aljo, for giving us this opportunity to discuss the different issues po pagdating po sa ating mga OFWs.

So ang masasabi ko lang po, para matiyak kung totoo ang alok na trabaho, tumawag po lamang sa aming hotline which is, kagaya ng sabi ko kanina – 8722-1155 and 8722-1144 o dili kaya bumisita sa ating website – www.poea.gov.ph.

So ang reminder ko lang po kapag mag-a-apply, laging i-ensure po na sa opisina lang ng ahensiya sila pumunta at makipag-usap at mag-apply at hindi po sa saang fast food or mall. Kapag sa fast food or sa mall kayo imi-meet, it’s a warning sign for all of us also at huwag basta maniwala sa mga alok na trabaho particularly sa direct hiring. Limitado lang po ang ganiyang mga paraan pagdating po sa paghanap ng overseas deployment. Huwag po bigyang-daan ang mga manloloko at maging matalino po tayo. May kasabihan po tayo na walang maloloko kung walang nagpapaloko.

Maraming salamat po.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat sa inyong panahon, Deputy Administrator Bong Ventura Plan ng Philippine Overseas Employment Administration. Good morning again, thank you so much.

POEA DEP. ADMINISTRATOR PLAN: Maraming salamat po, Sir.

ALJO BENDIJO: Opo.

Mahigit kalahati o fifty-one percent (51%) ng mga Pilipino ang umaasang matatapos na ang COVID-19 crisis ngayon pong taong 2022. Ito ang lumabas sa national survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong December. Forty-five percent (45%) naman ng mga Pilipino ang naniniwalang magwawakas ang pandemya pagkatapos ng 2022. Lumabas din sa survey ang tatlong sentimyento ng mga Pilipino sa proposals at policies tungkol sa pandemic: Kabilang na riyan ang vaccine mandate for all; by weekly RT-PCR testing para sa mga empleyadong unvaccinated at no dine-in policy para sa mga unvaccinated customers. Pinakamarami sa nagsabing matatapos na ang COVID-19 pandemic ngayong taon ay mula sa Mindanao.

At bilang paghahanda sa unti-unti nating pagharap sa new normal, anu-ano nga ba ang bagong strategies ng pamahalaan para sa tuluyang pag-recover ng ekonomiya? Iyan po ang ating pag-uusapan kasama si Undersecretary Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority. Magandang umaga po, Usec.

NEDA USEC. EDILLON: Yes. Magandang umaga sa iyo at sa lahat ng mga nanunood at nakikinig sa atin ngayon.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec., this is Aljo Bendijo sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio. Opo. So far, kumusta po ang pagbabalangkas ng NEDA sa fifth phase ng National Action Plan bilang paghahanda natin sa pag-shift ng Pilipinas sa new normal? At ano po ang mga focused areas nito at magkakaroon ba nang malaking adjustments, Usec., mula sa pinakahuling phase?

NEDA USEC. EDILLON: Yes. First of all, maraming salamat for this opportunity ‘no na makapagpaliwanag.

Actually nito lang nakaraang linggo, sunud-sunod na araw na nagkaroon ng meeting/pagpupulong ang mga ahensiya ng gobyerno. Kasama namin dito ang DOH siyempre, kasama namin ang OCD natin – Office of Civil Defense, tapos full force po ang NEDA rito ‘no, kasama rin natin iyong DOST and DSWD. Actually, lahat po talaga ng ahensiya isinama natin dito.

Tungkol naman po doon sa ano iyong magiging malaking kaibahan dito ‘no. So as you know, we are trying to—parang play out the scenario na paano kung endemic na nga itong ating COVID-19 na first of all we defined ‘no, ang DOH nag-define sila, ano kaya ibig nating sabihin kapag endemic?

So, isang nakikita namin doon is kapag nakikita namin na halimbawa iyong kaniyang case fatality rate, iyong mga namamatay ng dahil sa COVID kung halimbawa na mababa na talaga ito na kasing baba na lang ng parang flu ganiyan then probably endemic na siya.

Pero, hindi ibig sabihin nito ay wala na iyong panganib ng COVID-19; so, kailangan pa rin talaga iyong ating pagiging careful, pag-iingat dito. So, in terms of focus may nakita kaming tatlong areas na kailangan i-focus itong NAPP5, National Action Plan Phase 5:

  • Unang-una is, to make sure na maproteksiyunan natin ang mga kababayan natin against this current pandemic. So, we are talking about keeping them well informed.
  • Number two, iyong vaccination pa rin na as you know patuloy iyong ating roll out ng vaccination hanggang sa ngayon mayroon na tayong pediatric. Sana nga madagdagan pa iyong puwedeng mabakunahan.
  • And then third one is to ensure the health system capacity natin.

Tapos iyong susunod na focus area namin is to ensure iyong mga safe and healthy settings na were talking about schools, were talking about transport, iyong mga work places, iyong mga malls natin, domestic travel and then international travel.

Iyong pangatlo naman, na aspeto ay about building resilience. So kasama na dito iyong digital transformation ng lahat ng aspeto, actually ‘no business and government tapos iyong pakikipag-ugnayan namin with… makikipag-ugnayan kami with Congress para magkaroon tayo ng pandemic flexibility bill so that government can respond in a timely manner at ang panghuli dito, importante talaga is maggawa na tayo ng medium term pandemic resiliency plan. So, iyon po, thank you Aljo

ALJO BENDIJO: Opo. Pero, so far USec., ano po ang assessment ng NEDA sa mga nakaraang implementation ng mga naunang National Action Plan; masasabi ba nating naging effective ito?

NEDA USEC. EDILLON: Kung patungkol po sa National Action Plan Phase 4, kasi ito po iyon ginawa namin na score card ‘no na every month iniri-report po namin sa ating mga mamamayan kung ano na iyong naging accomplishments natin.

We focus on three things, I think itong sa NAP4, ito talaga iyong sinubukan natin na babalansehin natin, babalansehin natin iyong at the health objective and then the economic objectives.

So with respect to the score cards, we are looking at the three major things, major aspects:

  • One, is on infection management kasi nakikita natin na kailangan pa rin nating itong asikasuhin,
  • Next is the vaccine roll out.
  • And then third, iyong socioeconomic recovery.

Now, on the basis of this three aspects and looking at… iyong scores natin mula September hanggang December tumataas naman po ang latest natin na score is 7.6 out of 9 coming from September po na 4.1.

So, malaki po talaga ang ini-improve natin ‘no, while we do expect na baka mayroon tayong konting pagbaba nitong January pero ang tingin namin naging maayos naman iyong ating pagsunod sa mga alituntunin.

Iyong maganda rin naman iyong nakita naming socioeconomic recovery actually no, kaya gusto namin maipagpatuloy iyon and iyon din ang isa rin sa main goals namin dito sa National Action Plan Phase 5.

ALJO BENDIJO: Opo. USec., follow up: Kailan daw inaasahang mailalabas ang alituntunin na ito sa publiko?

NEDA USEC. EDILLON: Opo. Next week magtutuloy-tuloy na naman kami ng meetings. Ang plano namin, ang target namin is early March mailabas na ito. Unang-una, mai-report muna sa IATF siyempre at kay Pangulo at kapag naaprubahan nila puwede na namin i-disseminate sa public siguro mga middle of March siguro po ito.

ALJO BENDIJO: Opo. Sa ibang usapin USec., base sa Philippine Statistic Authority pumalo sa 3.27 million o 6.6% iyong pong unemployment rate noong December 2021. Tingin ninyo posibleng tataas ito sa buwan ng Enero lalo’t nakaranas tayo ng mahigpit na restrictions dahil sa surge ng Omicron last month?

NEDA USEC. EDILLON: Tingin po namin may konting ano… magkakaroon din ng konting pagbabago dahil nga sa ano ‘no sa surge ng Omicron at dala na rin ng typhoon Odette na nangyari din noong December.

Pero, ito na rin iyong una naming sinasabi na dati pa, iyon pa rin na dancing with the virus na sinasabi namin. Talagang kailangan na at this time nagma-manage pa tayo we are still trying to come-up with the system para mai-manage natin itong risk.

Ang tingin namin naging effective actually iyong ating ginawang granular lockdown at saka iyong alert level system. So, kailangan lang talaga na mas masusi siguro iyong pag-comply natin especially doon sa alert level system at saka nakita din natin with the Omicron surge ‘no pagdating ng siguro mga third week of January iyon.

Ito na, nakita na namin na naging mas aktibo ulit ang LGU sa pag-implement ng mga granular lockdowns and so right after that nakita natin iyong pagbaba ng mga kaso. So, tingin namin ito ang isa sa mga ipagpapatuloy natin.

Kailangan lang siguro masanay iyong ating mga mamamayan sa ganoong klaseng alert level system. Iyong parang sabi nga namin parang typhoon signal ba na kapag halimbawang ganitong typhoon signal alam mo na iyong gagawin mo. So, we hope to get to that point.

ALJO BENDIJO: Paano nakakaapekto ang Omicron surge sa takbo ng economic recovery USec. at ano iyong projected economic recovery rate natin sa first quarter ng 2022?

NEDA USEC. EDILLON: Yes, Aljo, wala kaming quarterly target ‘no for the GDP growth rate. For the year 2022 [signal cut]. So, ang ano dito, ang isa na nakita namin is nagkaroon nga tayo nitong setback in January but we are really hoping that it is very temporary and that’s one.

And then number two, kaya hindi rin kami nag-adjust ng mga growth targets natin dahil sa bago pa lang siya – I mean, bago pa lang ng taon no, January pa lang siya. Tingin namin marami ano, makakabawi pa tayo and I think isa rin ito sa nagpa… kung baga tingin ko nagpa-dagdag din ng confidence din sa ating mga kababayan na nakita naman nila nagkaroon ng surge ng Omicron pero hindi natin naranasan na na-overwhelm iyong hospitals natin.

Ito dahil sa naging mataas iyong naging vaccination rate natin in areas na where very densely populated nagkaroon ng ano – tingin namin nagkaroon na ng population protection. We hope that is really the case and would stay that way para magpatuloy talaga iyong ating socioeconomic recovery.

ALJO BENDIJO: Sa pagbubukas ng bansa USec., sa mga fully vaccinated foreign tourist, mga banyaga, ano ang inaasahang impact nito sa ating economic recovery at ano ang dapat gawin o strategy para agad na makabawi mula sa epekto ng Omicron surge ang bansa?

NEDA USEC. EDILLON: Yes, malaking bagay iyong pagbubukas ng ekonomiya specially sa mga foreign tourist. Una sa lahat makikita nila na we’re okay, na nakakapag-recover na tayo. Magandang ano iyan, magandang aspeto iyon but of course ang isang importante talaga doon is iyong ma-encourage natin ang ating tourism ulit dahil talagang malaki ang naging epekto nito not just Omicron no but the entire COVID pandemic malaki ang naging epekto sa ating tourism industry.

So, ang tourism sector natin, Aljo, contributes 12% to GDP ‘no, pati halimbawa tiningnan namin iyong mga workers in the tourism industry kasama na lahat-lahat, travel agent, iyong mga nasa hotel, iyong mga nasa resort, mga interpreters, mga ganoon, nasa 12% din of total employment. So, malaking sector ito.

So, malaking bagay din iyong pagbubukas ng ating ekonomiya but ang isa pang inaano namin dito is also the domestic tourism ‘no kasi mas malaki actually iyong domestic tourism natin sa buong file ng tourism industry.

So, sana nga magkaroon ng kumpiyansa ang ating mga kababayan, tapos pati na rin iyong mga foreign tourist magsibalikan sila but of course ang gusto natin i-maintain pa rin iyong minimum health standards and siyempre dapat vaccinated sila again iyong mga minimum health standards na avoiding the crowds, iyong mga masking still important iyan. Thank you.

ALJO BENDIJO: Opo. Kung NEDA ang tatanungin, pabor ba kayo na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila?

NEDA USEC. EDILLON: Siyempre po ano, kung kami ang tatanungin talagang kailangan. Kaya mas maganda, ang gusto namin talaga na buksan. Pero, ang gusto namin is iyong safe re-opening.

Kasi, kung halimbawa magbubukas ka nga tapos bigla na lang magkaka-surge, parang mahirap iyong ganoon ‘no, na napaka-unpredictable. Hindi rin maganda para sa mga negosyo na akala nila nagbukas na, nag-stock up na sila ng inventory tapos bigla na namang magsasara.

So, ang dapat talaga dito, even as we open, iyong mga kababayan natin lahat ng mga lalabas will strictly observe iyong health protocols para hindi tayo iyong urong-sulong ba, bukas-sara, bukas-sara kasi hindi rin maganda iyong ganoong volatility.

So, yes we want the de-escalation of the alert levels but only when it is safe to do so. So, ang tingin namin dito, kasi member din po ako ng Data Analytics TWG ‘no, so inuobserbahan din talaga namin na kapag halimbawa, kasi nagbaba tayo ng alert level, so, ibig sabihin dadagdag iyong mga mobility, kailangan nating obserbahan for a few days, actually two weeks actually ‘no, para makita natin kung magkakaroon ng increase in cases at kung ang cases na ito ay magiging severe and critical.

Pero if it something na hindi, una sa lahat, sana hindi na tumaas iyong cases. Pangalawa, actually tingin namin kung bakunado kahit tumaas ang cases, hindi naman tataas iyong [kaso], hindi mau-overwhelm ang hospitals natin. So, kung ganito ang mangyayari, I am sure made-deescalate na rin po ang ating alert level.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec, ayon sa NEDA on track ang Pilipinas na maabot ang target nito na maging upper middle income country by this year, 2022. Ano ang indicators nito, Usec. At ano ang dapat gawin para ito ay ma-sustain?

NEDA USEC. EDILLON: Opo. Ang tinitingnan po diyan is iyong gross national income natin, per capita. Gross national income tapos kinu-convert pa ho ito into purchasing power parity, actually ang World Bank po ang nagdi-determine niyan ano, hindi naman po kami.

So, ang World Bank ang nagsasabi kung upper middle income country ka na. So, ang tinitingnan po nila doon iyong sabi ko, iyong national gross income which actually iyong GDP tapos kasama po iyong mga nagiging income ng mga nasa labas natin na workers and investors, iyon.

Kasi mayroon po tayong mga kababayan na may investments din sa abroad. So, kung halimbawa, kumita sila doon iyon nagiging dagdag din iyon sa ating national income. Pero, divided by the number of people po natin iyan. So, per capita income tapos kinu-convert po ito into what we call purchasing power parity na ang isang malaking factor naman po doon is iyong inflation rate natin.

So, para ma-achieve natin iyong upper middle income status, number one, siyempre kailangan natin mag-grow, iyong GDP ng pinaka-malaking bagay doon. Pangalawa naman, magkaroon din ng growth sa global economy kasi ito rin naman ang magpapalago sa mga naging investments ng ating mga kababayang negosyante sa labas, sa abroad na makakatulong din sa ating ekonomiya dito, pati na rin po iyong ating mga OFW remittances, makakatulong din po, at iyon nga mai-tame natin iyong inflation.

Iyon po iyong mga kailangang magawa natin for this year, so kung halimbawa po na mangyayari po lahat iyon. So importante po talaga ang pinaka-malaking bagay po talaga is makapag-recover ang ating ekonomiya.

ALJO BENDIJO: Alright, maraming salamat sa impormasyon Undersecretary Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority (NEDA). Mabuhay po kayo at mag-ingat, Usec. Thank you.

NEDA USEC. EDILLON: Maraming salamat din po.

ALJO BENDIJO: Samantala, narito ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong kapuluan: Base sa ulat ng DOH kahapon, a-onse (11) sa buwan ng Pebrero taong 2022 nadagdagan ng 3,788 ang bilang ng mga bagong nahawaan ng virus sa Pilipinas kaya umabot na sa 3,630,637 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas; nasa 5,652 naman ang new recoveries para sa kabuuang bilang na 3,484,636; 72 ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 54,854 ang ating total death tally. Samantala, 91,147 ang nananatiling active cases.

At samantala, kumustahin natin ang ikatlong araw ng nationwide vaccination drive at ang inaasahang panuntunan sa ilalim ng ‘ika nga ay new normal. Makakasama natin ngayon mula sa kabilang linya si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Sir. Good morning po sa inyong lahat.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec, unahin ko lang muna na kumustahin ang vaccination turnout kahapon, and so far kumusta po iyong update sa nagpapatuloy na nationwide vaccination roll out ngayong araw?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Sir ‘no. So, tuluy-tuloy po iyong ating Bayanihan Bakunahan Program 3 kung saan ay i-extend na po natin hanggang February 18 ang atin pong target date para po mas marami tayong mabakunahan na kababayan. For the past two days we were able to vaccinate about 1.3 million individuals. Ito po ay mababa pa doon sa ating target na babakunahan na limang milyon.

Maaari ang mga rason ay siyempre dito sa NCR tayo po ay nag-u-ubos na lang dahil mataas na po ang bakunahan ngunit ang atin pong mga teams where mobilized already para galugarin talaga, magbahay-bahay doon sa mga ibang lugar na mabababa po ang vaccination rates.

ALJO BENDIJO: Isusunod ko pong itanong sa inyo mula po sa ating kasamahang sa media. Mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN News. Tanong niya: Kumusta raw ang initial rollout ng bakuna sa edad five to eleven (5 – 11) years old at kailan inaasahan ang rollout sa iba pang mga lugar?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Sir no. So, ito pong ating Bakunahan Resbakuna Kids for five to eleven (5 – 11) years old. We now have a total of 52,262 children five to eleven (5 – 11) years old that were vaccinated. And now out of this 52,000 plus children apat lang po iyong nagkaroon ng reactions and all of those were minor.

Mayroon pong nagpantal, mayroon hong sumakit ang ulo at ito naman po ay agad po nating na-manage at nakauwi naman po ang ating mga kabataan. We are expected to roll it out this week. Tayo po ay mag-uuna siyempre doon sa malalaki po nating na lugar – sa Region VII, sa Region XI at sa iba pa. And then after next week, we will further roll it out to the other areas po.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec, ano po ang mga dapat i-expect ng ating mga kababayan sa unti-unti nating paglipat sa new normal?

DOH USEC. VERGEIRE: Wala. Unang-una, Sir, tayo po ay nagpiprepara. The government is preparing for us to transition into this new normal na tinatawag natin. So, kailangan ang ating mga kababayan, iyong mindset natin nandoon din.

Pero, hindi po porke na magta-transition tayo sa new normal ay mawawala na iyong ating safety protocols. Ang pinaka-importante po, kapag nag-shift tayo sa new normal natin ay iyong tinatawag po nating self- [AUDIO INTERRUPTION] … na palagian pa rin tayong susunod sa minimum public health standards – we still wear mask, we still do physical distancing, always washing our hands at hindi pa rin po tayo pupunta sana, iiwas sa mga matataong lugar and siguraduhin lagi may adequate ventilation iyong pupuntahan.

So, government is now preparing, hindi lamang po para sa komunidad kung hindi para po sa pangkalahatan, pati po mga establishments natin, we are preparing para maging safe spaces po sila para po sa ating mga kababayan. So, lahat po iyan ay pini-prepare ng ating national government and slowly in the coming weeks and months we will transition to our new normal kung magtutuloy-tuloy po ang pagbaba po ng kaso natin.

ALJO BENDIJO: Usec., ia-allow na ba ang full capacity sa mga establishments at maging sa public transportation?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, ‘pag nag-Alert Level 1 tayo, Sir, ‘yun naman po ‘yung nasa ating pamantayan ano, that’s our protocol, na ‘yung restrictions talaga for establishments and even public transport, mawawala po ‘yan. Kaya nga ang sinasabi natin, Alert Level 1 really is our new normal. Pero kailangan katulad ng sabi ko prepared po tayong lahat ‘no, na ang mindset natin, we will still be practicing the safety protocols kahit na wala na pong restrictions sa ating mga pupuntahan.

ALJO BENDIJO: Opo, isunod ko rin pong itanong ito pong tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune, Usec., ang tanong niya: How soon will the Philippines shift to Alert Level 1 or the new normal at ano po ang parameters set by the Department of Health for this possibility?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Sir, katulad po ng sabi ko, ang ating new normal is equated or equivalent to our Alert Level Number 1. So, para ang ating buong bansa ay mag-shift sa Alert Level 1, kailangan mayroon po tayong minimal to low risk na case trend. Ibig sabihin, ang mga kaso po na ating pong naitatala sa bawat lugar sa Pilipinas, dapat po nasa minimal to low risk lang. So, mababa lang po siya dapat, ang ating average daily attack rate should be less than 7, dapat po ‘yung ating pong mga health care utilization, ‘yung atin pong paggamit ng ospital nasa low risk din po para maging Alert Level 1 tayo.

Hindi lamang po natin titingnan ‘yung talaan na ‘yan para mag-new normal tayo; kailangan makita rin natin na ang bakunahan sa lahat ng rehiyon sa ating bansa ay mataas na, more than 70% among the targeted individuals and additionally kailangan lahat po ng spaces natin, public spaces, private spaces, workplaces, schools, establishments, dapat po nakakasunod sa ating safety protocols, that’s why we have the safety seal implementation.

ALJO BENDIJO: Opo, tanong ni MJ Blancaflor pa rin ng Daily Tribune, Usec.: Is Metro Manila ready for a more lenient alert level so we could re-open more establishments? The business sector is citing the high vaccination rate in the region in pushing for Alert Level 1 in the region.

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, well sa ngayon po, ang National Capital Region kasi, moderate risk pa rin po ang ating classification. It’s because, even though are hospitals are not full ano, low risk tayo sa sating health care utilization, our case trends ‘no, nasa moderate risk pa rin po tayo.

Ang atin pong current na average daily attack rate sa National Capital Region is still at 10.5, ibig sabihin, ganito pa rin po kadami ‘yung mga nagiging new cases across the different cities and lone municipality in NCR. So, we will be closely observing po, monitoring kung makikita po natin na baba pa ‘yung case trends in the coming days or weeks para masabi natin kung tayo ay puwedeng mag-deescalate. Pero katulad nga ng sabi ko aside from vaccination na mataas sa NCR, kailangan ay makita rin po muna natin na ‘yung ating environment, ‘yun pong ating mga establishments, ang ating mga eskuwelahan, ang ating mga public spaces, ang ating mga work places, will be able to enable that environment kung saan magiging safe para sa ating mga kababayan na puntahan sila.

So, therefore, iyung safety seal po ay napaka-importante na maging pamantayan pa rin para masabi po natin na maaari na po tayo mag-ease ng restrictions dito sa National Capital Region.

ALJO BENDIJO: From Patrick De Jesus ng PTV News, ang tanong niya po ay, Usec.: Ano ang reaksyon ng Health Department sa SWS survey na nagsabing 51% of Filipinos ay naniniwalang matatapos na ang crisis sa COVID-19 this year, 2022; factors din ba ito para sa paghahanda sa transition to new normal?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah well, Sir, that is the hope of everybody ano, even internationally, ‘yan po ‘yung parang nagiging mindset ng mga tao that the pandemic ends by the end of the year of 2022.

Tandaan po natin doon po sa definition ng endemic state, when we talk about epidemiologic terms, isa po sa criteria would be the acceptability of the society. If acceptable na sa kanila na ganito kadami ‘yung ang namamatay with this kind of illness in a given year, kung acceptable na sa kanila kung ganito kadami ang nao-ospital in a given year.

So, katulad ho ng lagi naming sinasabi kailangan cautiously optimistic tayo lahat. Lahat tayo gusto natin makarating diyan pero kailangan may caution pa rin tayo. Dahil alam natin, in any given time, puwede pa ring lumabas ang mga bagong variants at maaaring mag-cause pa rin ng pagtaas ng kaso.

So, we are now preparing, the government is preparing kung saka-sakaling dumating tayo sa punto na ‘yan, para ‘pag dumating nga if and when that happens, lahat po tayo prepared. Not just government but also the community is prepared to shift into this new normal.

ALJO BENDIJO: May follow up question si MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ano ang assessment ng Health Department so far sa campaign sorties held this week, cause of concern ba ang dami ng taong pumupunta sa mga political gatherings?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Sir, ‘no so this is really a cause of concern. Ang lagi po nating tatandaan, even though ang cases natin ay bumababa na, tatandaan po natin that the virus is still here, the variants are still here, hindi lang po Omicron, nakakapag-detect pa rin po tayo ng Delta variant dito sa atin although mas marami na talaga ang Omicron.

So, having said that, ito pong mga mass gatherings po, hanggang sa ngayon, hindi po rin ho natin ‘yan ina-allow. But we have seen that these campaign sorties have resorted ‘no, o nakapag-produce ng mga ganito kadaming gatherings at gusto lamang ho namin magpaalala sa aming mga kababayan na pumupunta sa mga ganitong gatherings, mag-iingat po tayo dahil maaari pa rin po tayo makakuha ng sakit dulot niyan. Pinapaalalahanan natin ang local governments, tulungan po natin ang national government to enforce and to monitor these kind of activities so that we can prevent further increase in cases if ever. And to our campaigners, ‘yun pong ating mga kandidato, sana po tayo po ‘yung maging modelo para maipakita natin sa mga tao na dapat tumutupad po tayo lahat sa safety protocols.

ALJO BENDIJO: Mula naman kay Red Mendoza ng Manila Times, Usec., may isang pag-aral daw ang tanong niya: Sa bansang United Kingdom na nagsasabi na ang pangmatagalang paggamit ng paracetamol ay maaaring magdudulot ng high blood pressure. Ano ang inyong payo sa mga Pilipino na minsan ay gumagamit ng gamot na ito para mag-self-medicate.

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Sir, ‘no so unang-una, ‘yan pong mga artikulo na ‘yan o mga pag-aaral, ito po ay patuloy na pinag-aaralan ng ating mga eksperto. Wala pa hong concrete na sinasabi, it’s the Food and Drug Administration in-charge of this dito sa ating bansa para ma-monitor po ‘yung mga pag-aaral na ‘to at makapagbigay ng abiso sa ating mga kababayan.

Ang isa lang gusto ko lang hong ipaalala, tama po, ‘yung self-medication hindi po ‘yan tama. Every time that we feel something, kailangan po naisasangguni natin sa mga health professionals bago tayo uminom ng gamot. Huwag ho natin ugaliin na inom tayo nang inom ng mga kahit na anong klase gamot, because sometimes, itong mga gamot na ito, may mga epekto rin po ‘yan sa ibang organs natin, which can cause damage kapag po inappropriate ang gamit natin sa mga gamot.

ALJO BENDIJO: Opo, dagdag na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times, Usec.: Sa tingin ba ng DOH, ang pagluwag sa mga foreign arrivals kasama na mga turista ay maaaring makakaapekto sa kaso ng COVID-19 dito sa atin, sa Pilipinas, at hindi ba nag-aalala ang Health Department sa posibilidad ng surge?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah well… unang-una po, pinapayagan naman po ang mga foreign nationals na pumasok, pero mayroon pa rin naman ho tayong protocols. Unang-una na diyan, ang papayagan lang na foreign nationals are fully-vaccinated. Pangalawa, ‘yung atin pong four-door policy na ipinapatupad, sabi nga natin, we have eased the restrictions for door 1, dahil alam po natin nakapasok na ang variant na binabantayan natin, so no need to compromise our economy anymore.

Pero kailangan, ‘yung ating doors 2 to 4, which happens in our community, dapat malakas ‘yan. So, dapat po, ang local governments natin, mayroon po tayong enforcement and monitoring mechanisms kung saan nakikita po natin at nababantayan ang mga pumapasok sa ating lugar para hindi ho tayo magkakaroon ng pagtaas ng kaso.

So ayun pong mga pumapasok dito, they have their 48 hour pre-departure test and according to our experts that is a safe guard for us already to determine ‘no at mapigilan ang pagpasok ng mga nagpupositibo sa ating bansa at katulad nga ng sabi ko, ang mga papasok lang, even foreign nationals, should be fully-vaccinated at alam po natin kung sakaling may sakit sila, ang kanilang viral load ay napakababa na po.

ALJO BENDIJO: Opo, Usec., ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan lalo’t heto na, umaarangkada na ang election campaign?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes po. So, gusto ko lang ho magpaalala sa ating mga kababayan, alam po natin, campaign period is here at ito naman po talaga ay isinasagawa dahil kasama naman po iyan sa mga dapat mangyari because of our Constitution.

Pero kailangan lang ho alalahanin natin, may virus pa ho tayong nilalabanan hanggang sa ngayon. Mayroon pa rin po tayong mga pamilyang uuwian pagkatapos po natin um-attend sa mga gatherings na ito at alam ho natin na bagama’t bumababa ang kaso, may transmission pa rin pong nangyayari sa ating komunidad.

Sa amin pong pinapaalala lang sa ating mga kababayan, patuloy pa rin po tayong mag-iingat. Hindi po porke at bumababa ang kaso ay hindi na po tayo mag-iingat. Palagian pa ring maghugas ng kamay, magsuot ng mask, magsuot po tayo ng face shield kung kinakailangan, maintain the physical distance at kung marami na po ang taong nakikita ninyo sa pupuntahan ninyo and there is no adequate ventilation, tayo po ay mag-isip nang maraming beses bago po natin ituloy ang activity na iyan. Patuloy po ho tayong mag-ingat para po tuluy-tuloy tayo, para maatim natin o ma-achieve natin ang new normal dito sa ating bansa.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon dito po sa Laging Handa. Mag-ingat po kayo, Usec. Mabuhay!

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

ALJO BENDIJO: Samantala, higit isang daang mga manggagawa sa Bacoor, Cavite, binigyan ng ayuda ng outreach team ni Senador Bong Go. Ang DSWD ay namahagi rin ng livelihood assistance para sa mga piling benipisyaryo. Narito ang ulat:

At para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan na natin ngayon si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas. Aaron…

[NEWS REPORT]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.

At dumaan po tayo ngayon sa Davao City, kung saan naobserbahan ang pagbaba ng COVID cases. May report si Regine Lanuza ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

ALJO BENDIJO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Health Department at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio, ako po inyong lingkod, Aljo Bendijo. Hanggang sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center