Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez with Office of Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno, DOST-PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan and NIA Acting Administrator Engr. Eduardo Guillen

Event PCO Press Briefing with OCD, NIA and PAGASA

MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, at welcome sa ating press briefing ngayong araw, April 18.

Sa sectoral meeting kanina na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinalakay ang magiging epekto ng El Niño sa ating bansa, at ang paghahanda na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para matugunan ito.

The President also tasked select government agencies to come up with a campaign to generate public awareness to conserve water and energy among others to mitigate the effects of the El Niño phenomenon.

Joining us today to give us more information on this are Undersecretary Ariel Nepomuceno, Administrator, Office of Civil Defense; Deputy Administrator Esperanza Cayanan of DOST-PAGASA; and, NIA Acting Administrator Engr. Eduardo Guillen.

Let’s start with Usec. Nepomuceno. Good morning.

OCD USEC. NEPOMUCENO: Thank you. Good morning po.

Nagbigay po kanina ng malinaw na instructions or utos ang Pangulong Bongbong Marcos na palakasin pa ho natin iyong paghahanda doon sa inaasahang masamang epekto ng El Niño. Ang ibig sabihin, iyong mga ahensiya na dapat maghanda kaagad ay ang sa Department of Health, paghandaan natin iyong mga usual sicknesses or mga sakit na madalas na dumarating at hinaharap ng bansa tuwing mayroong phenomenon ng El Niño o iyong kakulangan ng ulan.

So, pangalawa naman po, iyon pong paghahanda sa kakulangan ng tubig. Inaasahan natin iyan so inutos niya kanina na dapat magkaroon tayo ng public awareness campaign at immediately lalo na simulan dapat noong mga government agencies, institutions including mga public institutions na mga eskuwelahan or schools na magtipid na talaga ng tubig bago pa lumala iyong problema natin na inaasahan according to PAGASA. Nararamdaman na ngayon iyan pero maaaring mas lumala pa sa last quarter of the year or early next year.

So iyong water conservation inuutos niya iyan at iyong health preparations sa Department of Health at ang energy conservation. Dapat ngayon pa lang, again, bago pa lumala iyong problema ay magtipid na tayo ng consumption natin ng kuryente para hindi lumala ito, at kapag dumating iyong talagang masamang epekto ng El Niño ay handa po ang bansa.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Let’s hear from Deputy Administrator Cayanan of DOST-PAGASA.

DOST-PAGASA DEP. ADMINISTRATOR CAYANAN: Maraming salamat po at isang magandang umaga sa ating lahat.

Actually po kanina ay nag-present po ang DOST-PAGASA kung ano po ba talaga iyong sitwasyon ngayon at iyong nakikita nating impending El Niño. So if you will allow, we would like to present to you iyong mga forecast natin para sa occurrence ng El Niño. So, I have a Power Point presentation so maybe we could show some of the slides particularly doon po sa ano iyong probability ng El Niño occurrence this coming June, July, August until the first quarter of 2024.

And makikita po kasi natin ngayon na—actually sa ngayon po, nasa El Niño watch tayo. Ini-issue po ng DOST-PAGASA ang El Niño watch kung mayroon pong above—nasa watch advisory po tayo ngayon, unang level ng El Niño warning system at dito po ay mayroon pong above 55% probability na mayroong El Niño for the next six months. And ang posibleng impacts po nito in some areas of the country ay iyon pong drought or dry spell but this will be felt towards the last quarter.

Ang makikita natin ngayon ay—may bagong release po kasi just yesterday afternoon na bagong forecast na tumataas na po iyong probability of occurrence ng El Niño, tumaas na po ito into 80% this coming June, July, August and the probability increased to about 86% for the month of November, December and January. So from El Niño watch, by next month, May, we will be issuing the second level which is El Niño alert kung saan mayroon po tayong above 70% of probability of El Niño occurrence for the next two months, so iyon po ‘yung nakikita natin.

But then again bago po natin maramdaman iyong epekto nitong El Niño, which is less amount of rainfall in most areas of the country ay mayroon pa po tayong tag-ulan. So in your screen right now is iyong probability of El Niño occurrence. So nabanggit ko nga po na for the month of July, August and September ay tumaas na po iyong probability ng 80% and for the November, December, January, it’s about 87%. So based on the report, ang analysis, ay mayroon tayong around a week to go na moderate El Niño at ito po iyong hazards na puwedeng idulot ng El Niño – above normal temperature and less rainfall or magkakaroon po tayo ng dry spell.

And then iyon pong nandoon sa right hand corner or side, posible po tayong magkaroon ng heavy rainfall events before natin maramdaman iyong impacts ng El Niño na kakulangan sa ulan kasi nga papasok na po tayo ng rainy season or iyong Habagat season this coming June, July, August up to September. And from previous experience po natin, puwede po tayong maka-experience ng extreme rainfall event kagaya po ng isang example noong Ondoy noong 2009 wherein nagkaroon po kasi tayo ng El Niño 2009, 2010. Pero bago natin naramdaman iyong kakulangan sa tubig, naka-experience po tayo ng extreme events.

So, ipakita ko po sa inyo iyong forecast maps natin ng rainfall and ito po iyong ginagamit nating color coding: For yellow, way below normal iyong rainfall so may kakulangan po ng about 60% reduction sa ating nari-receive na ulan for the month. And kapag yellow po, below normal iyong reduction po ng tubig or noong ulan is 20 to 60 percent; at kapag green naman po iyong kulay sa mapa, ito po ay nasa normal condition – it could be +20 or -20 percent doon sa normal na ulan; and if it is blue, that would be above normal rainfall.

Ito po iyong monthly forecast rainfall natin for the month of April: The first map is iyong normal rainfall which is the average of the monthly rainfall from 1991 to 2020 so ito iyong average or normal natin. And ang forecast po natin, iyong second map, is the forecast for April – at kung kukunin po natin iyong percentage from the normal, makikita natin iyong mga areas na nakapula, ito po iyong way below normal ang mari-receive nilang ulan for the month of April. So we have three provinces, kung mapapansin ninyo, I think it’s Ilocos Norte, Bataan and Cavite; and we have below normal rainfall na 26 provinces na dilaw. But in Mindanao, we have normal rainfall and some areas with above normal rainfall.

For the month of May, wala po tayong nakikitang below normal conditions but rather generally iyong normal na ulan na natatanggap natin. So tag-ulan po tayo, papasok sa last week of May iyong tag-ulan. Iyong makikita po natin, we could have that dark—iyong blue is around 100 to 200 millimeters of rainfall for the month. So may ulan po tayo ng May, for the month of June ganoon din po tayo dahil po papasok na iyong habagat or southwest monsoon, iyong western section po natin ay makaka-receive ng mas maraming ulan kaya ito po iyong posibleng magkaroon tayo ng mga pagbaha doon sa kulay blue.

Next po is July, nasa normal conditions pero kung titingnan po natin, tag-ulan po talaga ang July kaya kung nakikita natin iyong mga dark areas, ito po iyong mga makaka-receive ng maraming-maraming ulan, pero ito po iyong normal natin na tag-ulan. But during our normal condition, mayroon pa rin po tayong mga flooding events na mararanasan dito sa western section of the country. Mayroon tayong isolated na below normal na Tarlac but this is very isolated.

So, sa the month of August po ay mayroon pa rin tayong enhanced southwest monsoon or habagat over the western sections ng ating bansa. But there areas over Bicol, Visayas and Northern Mindanao and Zamboanga Peninsula kung saan makaka-receive po ng below normal rainfall for August.

And for September which is our sixth month forecast ay iyong Bataan area lang po ang nakikita natin na above normal rainfall; and may isang probinsiya – Camarines Sur – ang makakaranas ng below normal rainfall.

So generally, up to September, may mga ulan po tayong inaasahan, malalakas na pag-ulan over the western section. And kung tatanungin po ninyo, iyong peak ng maraming bagyo for El Niño events ay nangyayari po during the month of July.

So iyan po ang ating nakikitang rainfall forecast for the next six months, pero this is just a tabulated form of the maps presented, then iyong amount. And siguro next slide po, tingnan natin kung ano iyong temperature na inaasahan natin for the month of May.

Next please. Sa Northern Luzon, ang pinakamataas po na temperatura na ini-expect natin is about 40, I think it is 40.9, tama po ba? And for Metro Manila, it’s around 37.9 ba iyon? So iyan, iyan po iyong nakikita natin na mas iinit pa ang ating temperatura hanggang Mayo. And—Mayo, opo, Mayo.

So for tropical cyclones, we have one this April. And sa ngayon, wala po tayong nakikita na may parating na bagyo. So for May and June, we will be expecting one or two tropical cyclones. July, August and September, we will be having about two to three tropical cyclones per month. So iyan po iyong inaasahan natin.

And with the impending El Niño, marami po tayong ginagawang activities and iyong regular climate forum natin and engagement with our different agencies para po sa information nitong El Niño Watch. And next month, we will be issuing the El Niño alert/warning para po makapaghanda ang ating mga kababayan.

Maraming salamat po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you, Deputy Administrator Cayanan. Just to sum it up, usually, the effects of El Niño is known to have extended dry spell, right? However, in the months of July to September, we may expect increase rainfall as effect of habagat, is that right? And all of this will have an impact on … may have an impact, of course, on our health, power, water and agriculture. And to give us a little bit more insight on that, may I call in Engineer Guillen of the NIA.

NIA ACTING ADMIN. GUILLEN: Thank you, ma’am. Well, sa side naman po NIA, mayroon po tayong short-term, medium-term and, of course, long-term solution para dito. In fact, itong short-term and medium-term, matagal na po itong pinaghahandaan ng NIA. In fact, mayroon po kami iyong tinatawag na cropping calendar na kung saan pinaplano po namin kung ilan ba talaga iyong mapatubigan. And dito, pina-prioritize po natin iyong mga areas na malapit sa source para sa rice planting.

And ang plano ho natin ngayon, in close coordination po dito sa DA, iyong mga … para mabawi natin iyong kakulangan doon sa ating area na matataniman, kapag dry season, magko-concentrate po kami sa hybrid, hybrid rice, kasi talagang times two po iyong output nito kapag dry season.

And then, iyong sa mas malayo po sa source, concentrate naman po kami sa mga high-value crops. Ito po ay … iyong mga inputs sa high-value crops ay sinu-source out din po namin sa DA. Mayroon kaming … laging nagmi-meeting, may close coordination kami. Ang maganda po kasi sa NIA, mayroon kami nung tinatawag na institutional development division, so direct po ang aming link sa ating mga farmers. Alam po ng NIA iyong precise na area, iyong natataniman; alam po namin iyong specific needs ng ating mga farmers. Eh ang hiling lang naman po ng mga farmers natin ay maiparating sa kanila na … at ang gusto ng Pangulo natin po ay maiparating sa ating mga farmers iyong tama at napapanahon na assistance kasi like in the case of hybrid rice, alam po naman natin na mahal iyong inputs diyan. Pero alam naman din po natin na may mga assistance po, mayroong mga subsidy ng pamahalaan diyan. Eh kung maibigay po natin nang mas maaga, mas magaling naman po, ano ho.

And pagdating naman po dito sa long-term solution, ang problema po kasi natin dito ay iyong paano natin ba mai-manage itong water resource natin, eh napakarami kapag tag-ulan tapos … iyon ho. So ang gusto ng Pangulo po natin ay convergence effort po ito.

Actually, kung titingnan natin iyong delivery ng NIA sa ating irrigation facilities ay iyong natitira pa po na possible na puwede nating i-irrigate ay aabutin po kami ng mga 80 years. Pero ang gusto ng Pangulo, madaliin po ito, ano ho. So sa papaanong paraan? Una, puwede kasi nating dagdagan iyong pondo ng NIA; pangalawa, makikipagtulungan iyong ibang agencies like DPWH, ano po. Paradigm shift, sabi nga ng ating Pangulo. Paradigm shift tayo from flood control to water management. Ang pinakamabisa po kasi na flood control project is water management. So ito iyong pag-construct po ng mga impounding dams, small river impounding projects. And in the case naman po ng NIA, kapag mag-construct kami ng high dams, ano po, eh baka puwede na rin nating tingnan.

Kanina nga, sa usapan, nandoon din iyong LWUA. Baka puwede kapag nag-construct kami ng high dams, dagdagan mo lang pala ng ilang meters iyong dams, puwede nang source ng bulk water. You know, again, ang gusto po ng ating Pangulo is iyong convergence of effort para iyong ating meager na budget ay mas malaki po ang kapupuntahan.

So hindi lang iyan, sa public works, hindi lang po iyong ating mga flood control projects ang pinag-uusapan po natin diyan kung hindi pati na rin iyong mga drainage. Alam po naman natin na ang daming drainage facilities ng highways at sa mga national roads nila. Kung kukunin lang nila sa amin, makikipag-coordinate sila, ibigay namin iyong elevation na gusto namin, magamit ng highway sa drainage, magamit ng NIA sa kanal. So kapag nagtutulungan, mas marami po tayong magagawa.

MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you. We are now open for questions. Eden Santos, Net 25.

EDEN SANTOS/NET25: Kay Ma’am Deputy Administrator Esperanza. Nabanggit ninyo po kanina na nararamdaman na natin ang El Niño effect. Pero sa mga susunod na buwan until early next year po ay mas titindi po iyong epekto. Papaano po natin maa-assure iyong water supply sa Metro Manila na lang po muna para … kasi ito iyong kadalasan nagkakaroon ng pila-balde? Bukod doon sa pagtitipid po ng ating mga kababayan, mga paalala na ganiyan, paano po maa-assure ng ating pamahalaan na hindi po mauulit iyong mga nangyari before na talaga naman mula madaling araw hanggang anong oras po ay nakapila iyong ating mga kababayan, hindi makaligo, hindi makapasok sa opisina?

Anyone can answer din po, iyong binabanggit ng Pangulo na convergence of effort, ano na po ang ginagawa ng mga ahensiya para po matugunan iyong posibleng epekto ng El Niño hindi lamang sa ating mga kababayan kung hindi maging po sa mga magsasaka? Marami na po kasi ang nagrireklamo na tuyot na iyong kanilang mga rice field, tama ba iyon, kanilang mga bukirin? Thank you po.

DOST-PAGASA DEPUTY ADMIN. CAYANAN: Ako po muna. So tungkol po diyan sa pagpaplano natin sa ating katubigan, kaya nga po maagang ipinalabas ng PAGASA iyong El Niño Watch kahit hindi pa po talaga … nakikita pa lang na tumataas iyong probability para magkaroon po tayo ng maagang paghahanda. Dadaan pa po iyong tag-ulan. Mayroon pa tayong ini-expect na ulan kaya kung mako-conserve natin ito, kung kahit may ulan ay nagtitipid tayo ng gamit ng ating tubig ay mapi-preserve pa natin, mapapahaba natin itong maiimbak na tubig sa darating na tag-ulan.

Kasi po, sa nakikita natin, ang pinaka-epekto nito or impact would be towards the last quarter. And iyong mas magiging serious na impact nito ay iyon pong first quarter hanggang papasok ng tag-init next year.

So habang may ulan tayo ngayon, mag-conserve tayo. Lahat siguro tayo pati iyong mga ordinaryong Pilipino sa ating tahanan, ayusin natin iyong paggamit ng tubig para naman iyong consumption natin ay hindi lumaki and later on, kukulangin tayo.

So siguro po mas maraming maiko-contribute iyong … from our OCD-NDRRMC. Thank you po.

OCD USEC. NEPOMUCENO: There are two specific instructions given by the President, dalawa po iyon: Unang-una, pinasigurado sa amin iyong sinasabi nating whole-of-government or whole-of-nation approach. So through the mechanisms of the NDRRMC, he specifically instructed to form an El Niño team immediately. So, the concerned government agencies who will handle the response and the mitigation activities will be immediately formed. So, iyon po iyon. So, siguro iyon po iyong kasagutan sa tanong ninyo, Ma’am Eden, na iyong mga concerned government agencies mag-uusap-usap at iisa iyong aksiyon nito para maiwasan po iyong paglala ng El Niño.

Ang susi dito ay iyong maagang paghahanda, kaya ngayon pa lang ay pinapagawa na sa amin iyan even though we understand that the possible worst effects will happen during the last quarter of the year or the first quarter of next year, kung mangyayari; at pangalawa po sa instructions niya, siguraduhin na mayroon tayong long-term processes na magiging protocol-based and scientific while we have to—of course, mas maganda na maghanda tayo base sa posibleng mas malalang scenario o iyong worst case scenario subalit kailangan ay scientific din naman iyong approach natin. So, malaki ang gagampanan ng DOST, particularly PAGASA para iyong ating gagawing aksiyon ay may pinagbabasehan na scientific.

Ngayon, partikular doon sa tanong kung ano iyong puwedeng paghahanda naman sa Metro Manila – there are issues on sharing of water resources. So sa ngayon ay ongoing iyong pag-uusap and it was committed during the meeting this morning na ibig sabihin iyong 40 cubic meter ba – I may not be correct with the figure – additional supply of water from one concession to another, kailangan magtulungan po iyon para iyong kulang na concession ay makukuha doon sa kabilang concessionaire. So isa po iyon. Plus lastly, the President instructed that, of course, there’s a long list of infrastructure projects with regard to increasing the capacity o iyong mga reserba po nating tubig – 450 plus iyong sinabi kanina ng DENR subalit ang gusto ng Pangulo ay tingnan kung alin iyong dapat bigyan ng priority dahil binigay na ng PAGASA kung ano iyong mga mas posibleng mas may malalang epekto kaagad namely Bataan, Cavite and Ilocos Norte yata.

So, unahin iyong mga mas delikado na doon sa 450 plus projects na funded naman according to the DENR. So, iyon ang specific actions – go to the projects, prioritize and then iyong sharing of resources, madaliin.

NIA ACTING ADMINISTRATOR ENGR. GUILLEN: Well, sa side naman po ng NIA of course sa aming agency may mga programs po kami sa mga water pumps na distribution ano po. With specific naman po doon sa convergence efforts, mayroon din pong fund ang DPWH sa mga solar pumps and sinasamantala na rin namin ito na talagang i-fast track iyong ating construction ng ating mga canals, ng ating mga projects para may income pa rin iyong ating mga farmers kasi ang agreement po namin sa field is that i-employ po nila talaga iyong mga irrigators associations natin na talagang affected. Tapos may mga programs na rin po kami, convergence namin with DOLE, iyong kanilang TUPAD kasi ang problema po kasi natin iyong communal irrigation systems ay under na po ito, because of the EO 138, sa mga LGUs po ito. Pero dahil nga kulang ang pondo ng LGUs kinausap po natin iyong DOLE na iyong kanilang TUPAD ay puwede ring gamitin natin para sa mga farmers sa paglinis ng kanilang at pag-desilt ng kanal and same is true with DSWD sa kanilang cash for work program.

So iyon ho. In fact, pati itong DA—Ang key ho kasi diyan iyong distribution ng needs ng ating mga farmers, iyong pag-identify kung ano talaga iyong needs nila at doon po talaga pumapasok itong irrigators association natin, iyong IDO (Irrigators’ Development Officer), pinpointed po namin kung ano iyong needs nga ting mga farmers po.

EDEN SANTOS/NET 25: Clarification lang po, last na. Ito pong ating mga binabanggit na ito is not to cause panic sa ating public kasi knowing na ito po ay napapanood nationwide, itong programa po na ito, kundi we are just telling our people na maghanda nang maaga for any eventuality po, not to cause panic sa ating mga kababayan.

OCD USEC. NEPOMUCENO: Actually, specifically sinabi po ng Pangulo iyon – ingatan po iyong pagbibigay noong information habang naghahanda po tayo huwag naman iyong …kaya nga sinabi niya po maging scientific, kaya lang ang susi nga ay agahan iyong paghahanda.

NIA ACTING ADMIN. ENGR. GUILLEN: At saka sa atin naman sa NIA naman po you know in time of crisis lies the opportunity, makikita ng mga farmers natin ngayon doon sa mga high-value crops na mas malaki ang kita sa high-value crops so mas lalo namin silang ma-convince ngayon for crop diversification. So, iyon lang po iyon, ma’am.

MS. OCEÑA-PAEZ: Thank you. Allan Francisco, PTV 4.

ALLAN FRANCISCO/PTV 4: Hi, ma’ams. Hi, sirs. Magandang umaga po. Question to PAGASA po: With the probability of this possible El Niño in the coming months, can you please compare, ma’am, to the previous year or years?

DOST-PAGASA DEPUTY ADMIN. CAYANAN: Actually, there are no two El Niño events that are similar pero kung titingnan po natin, kasi ang nakikita po ng mga climatologist natin is as of now it’s going to be a weak to moderate El Niño. So, kung moderate El Niño po iyong titingnan natin ang isang example is iyong 2002 and 2003. So, iku-compare po natin doon iyong mga areas na posibleng maapektuhan – so during those event noong 2003 ay nagkaroon pa rin po talaga ng malakas na pag-ulan nitong Habagat season and nag-umpisa na po iyong dry doon sa mga areas na nagkakaroon ng drought o kakulangan ng tubig for the month of November, December and mas na-enhance iyong effect towards warm and dry season sa mga February, March – so ito po iyong nakikita natin.

So, sa ngayon ay moderate and comparable to 2002, 2003 but hindi po natin inaalis iyong posibilidad na magpunta ito sa strong. So, kung strong po iyong nakikita, kasi ang sabi nga mag-prepare tayo for the worst, so puwede rin nating tingnan iyong strong. The last one that we have a strong El Niño is iyong 2015, 2016 – actually, almost three years iyon, so last part of 2014 hanggang 2015 and 2016 ito po iyong medyo mahabang El Niño na marami tayong naapektuhan. So, iyong worst po ay iyong kung makikita natin na magiging strong, ito po iyong comparable – 2014, 2015, 2016 El Niño event.

And another strong event is the 2009, 2010 na pagkatapos noong Ondoy ay nagkaroon tayo ng malaking drought iyong susunod po na mga buwan particularly 2010 na dry season.

ALLAN FRANCISCO/PTV 4: Thank you, ma’am.

MS. OCEÑA-PAEZ: Okay. Next we have Vince Lopez, Manila Standard.

VINCE LOPEZ/MANILA STANDARD: Good morning po, sirs and ma’ams. Question ko po is for the NIA: Sapat po ba ang supply ng ating tubig para po sa ating mga irigasyon sa mga sakahan at hanggang kailan po iyong projected supply ng ating tubig po para sa mga bukirin?

NIA ACTING ADMIN. ENGR. GUILLEN: Well, iyong reduction lang kasi lately ng ating supply sa palayan, kakaunti na po kasi iyong standing crop kaya talagang nag-reduce po tayo ng requirement ng patubig. Now, sinasabi po natin doon sa forecast ng PAGASA, kaya doon sa aming cropping calendar ay pinaplano na po namin talaga kasi hindi naman lahat ng area ay pare-parehas. Nakita nga natin doon sa Mindanao areas iyong ano nila maganda iyong weather doon, so puwede rin naming ilipat or hindi naman ilipat kundi dagdagan pa iyong ating production doon.

At iyon naman pong talagang medyo may drought tayo ay again high-value crops or samantalahin po natin ito na pag-construct ng aming mga kanal para mabigyan po natin ng trabaho ang ating mga constituencies doon – so case by case basis po kasi ito. Maraming salamat po.

MS. OCEÑA-PAEZ: Okay. Any further questions? Chona Yu of Radyo Inquirer.

CHONA YU/RADYO INQUIRER: Kay Acting Administrator Guillen. Sir, ilang ektarya pa or how many percent ang wala pang irigasyon na farmland dito sa buong..?

NIA ACTING ADMIN. ENGR. GUILLEN: Nasa 1.2 million hectares pa po ang wala pang irigasyon natin. So, kaya nga ini-explain ko po kanina, at the rate we’re going ay aabutin tayo ng 80 years na magawa po lahat iyon ‘no. Pero may instruction na po sa atin ang ating pangulo na—actually, kaya kasi naming i-compress iyon ng 10 years lang eh.

So, paano natin gagawin iyon? Una, of course, dagdagan natin ang ating budget – kung madagdagan lang ang budget ng NIA, magawa lang sanang nasa 100 billion per year iyan. Tapos iyong remaining—you know, makapag-contribute din ang DPWH at saka iyong iba ay PPP, kung makagawa tayo ng around 200 billion projects a year ay sa loob ng [garbled] ma-irrigate po natin lahat iyong potentially irrigable areas po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Leth Narciso…

LETH NARCISO/DZRH: Sa NIA po at sa OCD. Kasi ang sinasabi ng PAGASA, bago tumama iyong El Niño, mayroon pang malalakas na pag-ulan at bagyo. May plano po ba tayo para sa water harvesting? Mayroon ba tayong mga pasilidad para magawa ito?

NIA ACTING ADMINISTRATOR ENGR. GUILLEN: Well sa NIA po, nandito na iyong ating mga dams ano po. So sa short term na solution, again, kung tulungan kami ng Public Works dito at iyong kanilang mga project ay gawin sanang water management like iyong mga Sabo dams po nila ano – iyong Sabo Dam kasi nila, puwede na nilang lagyan ng diversion dam doon mismo sa baba ng Sabo Dam. So hindi na kami gagawa ng istruktura doon, makakatipid na po kami. So, iyon ‘yung sa short term.

At you know, puwede rin tayong gumawa ng mga small impounding—iyong mga swift projects, dapat [garbled] mga swift projects natin. So ito iyong mga pang-medium term solutions natin.

But, again sa long term, dapat talaga high dams because when you have high dams, hindi lamang iyong El Niño ang pini-prevent mo, pati La Niña kasi mga flood control projects po ito eh. Again, uulitin ko ano po, ang the best flood control project is water management – iyon po ‘yung pagku-construct ng mga dams. Kung mayroon po tayong series of dams sa ating mga major and principal river basins, wala tayong problema—hindi masyadong problema ‘pag baha at wala tayong problema pagdating sa El Niño. So, ito ho iyong sinasabi ng Pangulo na long term solution po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Phone-in question from Eden Santos.

Q: Phone-in question lang po. Magkano raw po iyong proposed project to mitigate the effects of El Niño at saan po ito manggagaling? From Sam Medenilla.

NIA ACTING ADMINISTRATOR ENGR. GUILLEN: Salamat po. Actually ang natitirang potential irrigable areas natin, iyong mga 1.2 million hectares, kailangan niyan mga two trillion pesos. Pero ang proposal lamang po natin is sana 200 billion a year. Para naman ito madaling ma-attain, ang proposal po namin is 100 billion a year na pondo sa NIA and then iyong pondo ng DPWH sa flood control, gawin lang water management projects instead of mere flood controls ano, at iyong iba PPP na po ito.

May ginagawa na po kami sa—may proposal kami sa NIA, iyong design build scheme, mapaigsi po namin ng anim na buwan iyong implementation ng project instead na one or two years. So, iyon po ‘yung aming mga proposals po. At saka mas maganda iyong design build kasi maiwasan mo doon iyong mga maraming change orders – mayroong magdi-design ng project ay iyong mismong mga proponent.

OCD USEC. NEPOMUCENO: Ma’am, if I may?

MS. OSEÑA-PAEZ: Go ahead, sir.

OCD USEC. NEPOMUCENO: Just to share a good news naman. According to the—hindi naitatanong kung sapat ba iyong kuryente sa mga susunod na panahon. Oo, kasi according to the Department of Energy, ang sagot is sapat naman although manipis sa ngayon iyong reserba pero pagdating ng June or July, it was reported July madadagdagan or mabubuhay muli iyong Ilijan LNG Power Plant at madadagdagan din ng isa pa, iyong First Gen Power Plant totaling at least additional 1,200 megawatts of additional supply.

So pagdating sa usaping kuryente, ang good news nga, covered naman iyan – kumpleto iyong supply.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you very much.

On that note, may I also reiterate again the message of the President which is to save energy, save water and prevent Dengue. Okay.

So, thank you very much Usec. Nepomuceno, Deputy Administrator Cayanan and Engr. Guillen. Have a good afternoon. Thank you.

 

###

 

News and Information Bureau – Transcription Section