Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
All Ready by Orly Mercado – Radyo 5
11 October 2016

ORLY:  Good morning, Secretary Martin

SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly. Good morning sa lahat ng nakikinig ng inyong programa.

ORLY:  Anong reaksiyon ng Palasyo dito sa mga artistang sinasabing psychopath ang ating Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Ang alam ko—si Agot Isidro ba ang nagsabi nun?

ORLY:  Oo, si Agot. At mayroon yatang … sinasabi yata ni Cherry Pie Picache, “she stand behind her fellow actress.”

SEC. ANDANAR: Number one, Ka Orly, nung lumabas iyong balita na iyan and then maraming nagkomento. Pero ang tanong ko diyan is that—hindi ko nasundan iyong ano masyado… iyong sagutan diyan, Ka Orly, dahil busy tayo masyado kahapon sa Kongreso. Ang tanong ko ay galing ba talaga kay Agot iyan, kay Agot Isidro? As in, Facebook page niya ba talaga iyan? Mayroon na ba siyang pag-amin afterwards? Mayroon na ba siyang follow up to that comment? So iyon ang tanong ko.

Number two, kung talagang sa kaniya manggaling talaga iyong komentong iyan ay hindi ko na po papatulan ang komento ni Agot Isidro. She is entitled to her own opinion – kung talagang sa kaniya galing iyan.

At number three, hahayaan ko na lang po si Mocha sumagot diyan.

ORLY:  Pero mayroon mga paniniwala kasi ay mayroong—dito, nakalagay dito sa some of the articles na sinupil natin, nagsasabi there are myths about psychopath: One, is that all psychopaths are violent. Sabi sa University of Alabama, si Randall Salekin, hindi naman daw totoo iyan. Myth din iyong sinasabi all psychopaths are psychotic. At myth din iyong sinasabing ang pagiging psychopath is untreatable. Kasi may mga notorious killers na katulad nina Manson, sila Berkowitz – iyon ang mga sina-cite dito. Yun ba ibig sabihin na hinihilera mo ang Pangulo doon sa mga serial killer.

SEC. ANDANAR:  Eh baka nasobrahan lang ho si Agot sa kapapanood ng Alfred Hitchcock. (unclear) pelikula. Alam mo, si Agot is entitled to her own opinion. Kung iyon ang exact words she voiced, it’s okay, bahala siya sa buhay niya. Basta ang mahalaga po sa atin ay may lumabas po na bagong survey ang SWS ngayong araw na ito, ito po ay Business World-SWS—

ORLY:  What does it say?

SEC. ANDANAR: Ang nakalagay po dito, Ka Orly, ay halos hindi nagbago ang net trust rating ng ating Pangulo mula noong huling nag-survey po ang SWS. If I am not mistaken, noong nakaraang Hulyo. Dahil lumalabas po sa survey na excellent pa rin po ang rating ng ating Pangulo, Ka Orly.

ORLY:  (Unclear)

SEC. ANDANAR:  Oo, kasi nandito sa harapan ko, nakalagay dito ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay nasa 76 pa rin, o +76. Ito po ay mula doon sa +79 noong Hulyo. Ang ibig sabihin po nito ay minus three points ang pagbaba nito sa plus ten minus three na margin of error. Kung titingnan din po natin iyong survey po na ginawa noong September 24 to 27, 83% of adult Filipinos with “much trust”; 8% with “little trust”; and, “9% undecided”.

So siguro kung iyon ang paniniwala ni Ms. Agot Isidro, siya ay napasama doon sa walong porsiyento. Pero iyon nga, halos lahat ng mga kababayan natin ay naniniwala pa rin sa Pangulo.

ORLY: Thank you very much, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay po kayo, Ka Orly.

                                                            ##

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)