President Roa Rodrigo Duterte’s Speech during a Get Together with the Filipino Community
AOI Function Room, 2f Palace Hotel Tokyo, Maranouchi, Chiyoda-Ku Tokyo, Japan
25 October 2016

Kindly sit down.

Salamat po. (applause/crowd cheering “Duterte, Duterte!”)

Nandito po sa kamay ko ang listahan ng mga kasama kong opisyales sa gobyerno natin, pero marami sila masyado. Ang importante sa akin, kayo, hindi sila. So, may I just present to you the Cabinet members of my administration helping me run the country. (applause)

First of all, I’d like to extend my gratitude to the Japanese people and government for his hosting so many Filipinos and providing them work, gainfully employed in the country of Japan. Maraming salamat po sa inyo. (applause)

Ang Japan ho ang pinaka-number one na tumutulong sa bayan natin. (cheers) Bilyun-bilyon po ang binibigay para makatulong sa ating bayan. Kaya again, I said, for the second time, salamat po sa inyo. (applause).

Now, let me just give you a few—hindi ako masyadong marunong ng Tagalog ho. (crowd cheering) Nawawala ako minsan, I ramble on for just being a Bisayan and then I forget then I shift to English. So, may I just say that ganito ang ginagawa ko para sa bayan natin.

Noong tumakbo ako na presidente, siguro wala kayo doon at that time, you were here, I promised three fundamental issues sa ating bayan.

One is, graft and corruption. (applause) Ang analogy ko ho diyan is parang eroplano tayo na nandiyan sa runway, bumu-buwelo na pero all these years, hanggang runway lang tayo, talagang hindi tayo naka-take off. And one of the things that I blame for this entire— whatever, eh Filipino tayong lahat, is because of corruption has really pulled down the country considerably.

Second ho, I promised you, itong drugs kasi mabigat na problema sa bayan. (applause)

And third, criminality.

So, mag-umpisa ako sa graft and corruption. Sabi ko ho, wala na iyan at sa lahat ng bagay; sa gobyerno, ngayon po; I ordered them, online na lang kung maari. Huwag na hong magpipila pa, then wait for so many hours. I hate to see Filipino queing under the heat of the sun or rain. (applause/cheering crowd) At sabi ko, kaya naman talaga niyan na pagka marami ng computer na nabili ng gobyerno, libu-libo na po at pahirapan pa rin.

So, sabi ko, ease up the burden of the Filipino. Kaya dito kay Secretary of Labor, kay Bebot Bello, (applause) he was the Secretary of Justice noon iyon sa panahon ni Arroyo. Sinabi ko sa kanya: I want a place; isa lang tapos, nandiyan na iyong booth ng NBI; kiosk ng BIR; booth ng police; at kasi sabi ko, kung computer man pala ang pag-uusapan at it expedites everything, why don’t you make use of it? So, kayo next time, gusto ko, sa isang building lang po. Doon kayo sa NBI, doon maghintay. Eh, tulbok-tulbok lang iyan yawa na bakit di bilhin. (applause).

Why do you have to—I don’t want you to wait. Pero ito, kung nandiyan; computer man kaya iyan, super fast; eh di lalabas iyan kung anong record mo. Kung ikaw ba ay NPA, kailangan ng trabaho eh di bigyan ng Visa, okay naman. Kung ika’y holdaper, pumasok ka sa iyang door na iyan, so tuloy-tuloy ka na, wala nang problema. (laughter/applause). Iyan ang gusto ko po, One Stop Shop. Talagang one tap or One Stop Shop.

Iyan ang gusto kong mangyari sa—pati iyong maritime, iyong sa mga sailors natin, ganoon rin. But I’m thinking really seriously now, dito na magkaroon kayo ng sariling bangko ninyo. (applause) Maybe iyong postal bank ng gobyerno, wala namang sumusulat ngayon sa sulat, “my love, dadating na ako dyan.” Eh puro load lang naman iyan. Load-load lang iyang love ngayon, hindi na sulat. So, I want to make life comfortable for you. (applause)

Kaya maasahan ninyo talaga iyang korapsyon. Mag-uwi kayo ng Pilipinas, huwag na ho kayong matakot; do not worry. (applause) At kung—ito, hindi ako nagbibiro, pagpunta mo ng Pilipinas; may pulis, Customs o Immigration; at humihingi sa iyo ng pera; sampalin mo. Sampalin mo. Sabihin mo, sabi ni Mayor doon sa Japan pagpunta niya, putang-ina, huminto talaga kayo. (applause)

Sampalin mo, tapos, you create a scene. Magsigaw ka, bastusin mo, tapos malalaman yan, marami namang media diyan. Eh di makukuha nila, tapos sa radyo mayron dito, nagkagulo. Kasi bakit? Hiningian mo. Hiningian ka ng pera o kinuha iyong mga bagay-bagay mo. Iyong nasa bagahe mo, huwag naman tonelada. Siguro mga sampung bag siguro, okay na iyan. (applause) Eh kung commercial quantity, ika nga, iyong sobra-sobra, ipagbili-bili mo, medyo mabigat iyan, kasi ako naman agrabyado dyan, kasi ang taxes o buwis. Pero kung iyang sa bag mo at kunin iyong mga bagahe, huwag kang pumayag. Pagka kinuha iyan, kunin mo uli; sabihin mo, “hindi yan para sa iyo.” (applause) Iyan lang kasi ang paraan na ma-disiplina ko lahat eh. (applause)
Alam mo, during my time, be assertive sa mga karapatan mo. Huwag ka lang pa-assert-assert sa akin, tapos durugista ka pala, putang-ina. (laughter)

Pero kung sa mga ano ninyo sa buhay: BIR, lahat; be assertive. So, huwag mong kunin iyan. Tapos iyong mga—may isang—well, many years ago; I was still mayor, iyong kaisa-isang TV set na dala-dala niya; may nangyari doon sa airport, kasi hindi ako nakapigil sa—pati ba naman iyan; sabi ko, putang-ina; ang liit-liit niyan, pakialaman mo pa.

So pakilala ako, sabi ko, “si Mayor Duterte ako, putang-ina mo, sipain kita dito ngayon.” (laughter) Kasi ganun yan, pahirapan na talagang walang ka-kuwenta kuwenta. Diyan lang kasi tayo, diyan kayo makatulong sa akin para mawala ang katiwalian. (applause) Kayo na mismo para pagpasok mo sa airport, parang ano ka na, parang mayor ka na rin. (laughter) Iyong astang mayor na, paganun ba. Tapos, eh marami ito. Bakit marami? Marami akong bigyan. Ilang maleta? O tatlo, apat, okay lang ito. Iyong mga ganoon. Ano bang— what’s really the value of this—alam ko, pag may nakita siyang bala, sabihin mo: “Kainin mo. Kainin mo.” Putang-ina. “May bala, oh.” “Galing sa iyo iyan, kainin mo yan, putang-ina yan. (laughter/applause) Pag hindi mo kainin, kainin kita buhay dito.” Just be assertive. Tapos, kung sa publiko ka, create a scene. Iyong magwala ka, tapos sabihin mo, “Bakit?” Nang ngayon pag ano, may number.

Nagyon sa Pilipinas, di may PTV4 tayo? After the news sa umaga, I will require, basta mga one hour, text lang kayo. Text mo lang, 888 man iyan text. If you want to name the official, fine. Sabihin, ito si Alejandro Martinez, empleyado dito, hiningian ako ng ganoon. Lalabas iyan sa atin. So the people of the Philippines would know, anong ginagawa nitong ulol na ito. Lahat yan: pulis, military, Customs, lahat.

Ngayon, in fairness and in obedience to the rule of the right to be heard, bigyan ko siyang panahon. Sagutin din niya doon sa text, limited to a few sentences, “hindi po totoo iyan.” Ngayon, kasi wala namang taong magwala ng— puwera na lang kung ang nire-report mo, inano mo, kasi walang sustento sa iyo. (applause) Ganun iyang mga ulol na iyan eh. Iyan ang ayaw ko diyan, mag-iwan ng asawa, tapos anopa, galit.

Eh ako, ako ang iniwan, ako pa ang susustento. (laughter) Baliktad. Itong mga unggoy na ito, iniiwan ang asawa, sumasama sa bata, ayaw pang magsustento. Ang nangyari sa buhay ko, iniwan ako ng asawa ko, ako ang nagsusustento hanggang ngayon. (laughter/applause) Okay lang, di ba? Kaya noong—patawa ito, pero—pasaway, pero mabuti lang naman.

Noong nag-oath ako, president, Pilipinas; asawa kong number one, nandito. Iyong number two, nandito. Saan ka nakakita na ganung style? (laughter) You know, there are things which you cannot avoid in life, but you have to be fair. Iyan ang ginagawa ko sa lahat ng bagay sa gobyerno: Just be fair to your fellowmen. Ngayon, kung hindi mo talaga kaya iyong suweldo mo, maliit naman talaga ang suweldo mo. Kaya sabi ko, ako po iyong nagsisikap that we will earn more so that by the time—ito ang pangako ko, at sana naman sa Diyos, na ang pagtrabaho niyo sa labas, hanggang diyan na lang. Next generation, sa Pilipinas na. (applause)

So we will do away with so many things, corruption, then drugs. Alam mo, mayor po ako, at noong mayor ako sa Davao, alam ko ang problema ng droga. Kaya pa noon, binibira na ako ng Human Rights. Kasi naman po, sinabi ko noong mayor ako, “if you are a kidnapper here staying in my city; if you are a hold-upper, kung wala ka naman magawa sa buhay mo; kung ikaw, durugista; get out of my city.” Yes. Kayong taga-Davao, alam ninyo iyan. Sinabi ko talaga, “umalis kayo, kung hindi patayin ko kayo.” So iyon ang—do not destroy the generations to come because I will not take it just like that. Talagang hihiritan ko kayo.

O di sa Davao, we progressed not only by leaps and bounds, but we overtook all cities sa Pilipinas in the early stages. The growth rate was about four; we’re hitting seven at one time. Kaya lang, you know, there’s always a limit sa space pati ang pangyayari sa bayan natin. But we were the highest.

Ngayon, ganito rin sana ang gusto kong mangyari sa Pilipinas. Early on, I gave the same warning, na huwag ninyong sirain ang bayan kong Pilipinas kasi hindi ko matanggap iyan, talagang papatayin kita. (applause) At huwag ninyong sisirain iyong mga anak namin, kasi iyon ang magsubo ng lugaw kung ako’y inutil na. The reason why we protect children is because pagdating natin sa edad, sila na iyong bibili ng medicine. Hindi naman tayo—sila na iyong pag magpakain, oxygen, hospital lahat. So we take care of them. We gave a premium, ang importansya talaga sa tao.

Ngayon, itong mga kalaban ko; well, kami sa local, iyong nag-umpisa talaga ng garbage na iyan— Sabagay, iyong iba totoo, but hindi naman lahat. But anyway, kung saan diyan ang totoo at hindi, basta’t sinabi ko, ayaw ko. So that started itong droga-droga, tapos patayan.

Noong naka-presidente ako, alam ninyo sa totoo lang, mag-prangkahan tayo. Tignan ninyo ako sa mata. (laughter) It was not until I became the President na lumabas na ang totoo sa bayan natin, (applause) hundreds of thousand, pati ako, natulala. Alam ko sa Davao, problema; but when I started to squeeze everybody, lumabas ang totoo, the naked truth was that, we are a nation na napakaraming addict.

Itong Amerika, itong mga EU, itong mga progressive countries; they kept on hammering the issue against me. Sabi nila, marami na, 3,000 na daw ang patay. Hindi na lang inisip ng mga ulol na ito. (laughter) Putang-ina nila. (laughter) Hindi nila alam 3 million, that was a figure that was given by General Santiago when he was a PDEA Chief 3 years ago. Pag-umpisa ko ng presidente, hindi ko sinali iyong akin, because every day may nagsu-surrender pa, and I am very sure that by the end of the year, I would have reached the million mark, 7, 800, 800-something na tayo. So kung idagdag ko iyan lahat, that’s about 4 million drug addicts in my country, spread around the entire Republic of the Philippines. At ito ang dapat isipin ninyo.

And I don’t know about—sabi ko sa military pati pulis, gusto ninyo kayong—mukhang hindi ko kaya. Ganito iyan, halos lahat ng mga barangay captains, nag—sa negosyo. Madali ang negosyo, madali ang pera eh. Police, wala masyado sa military, a few. Pulis, barangay captain, mayors and governors, judges. We are already into the narco politics. Kasi iyong mga barangay captains are elected, mga kagawad, councilors, mayor, governors. Kaya ako hindi pumayag ng eleksyon. Sinabi ko kay Speaker Alvarez, nandito po si— Speaker, paki-pakilala ho, ayan. (applause) Huwag ka lang magalit ha, siya pati ako pareho, dalawa ang— (laughter/applause).

Totoo man? So, what am I supposed to do with 4 million? Eh tres mil na nga ang namamatay eh. Tapos iyong garbage—you know, you were around during the campaign. It was never an issue against me about drugs. It was not until after I was hitting the rating, na dumikit na ako doon sa 32, 33, 34, tapos 27, last minute na basura. Ako raw may deposito sa bangko, eh kung may deposito akong bilyon, ba’t pa ako kaharap sa inyo dito? Wala na, dun na lang ako sa ibang— papasyal pasyal na lang. So lumabas iyong issue but iyon ang ibinasura sa akin.

Ngayon, pinatuloy nila, tang-inang yellow fever. (laughter/applause) Ang problema nito, ulitin ko, ayaw ko kasing makipag-away. Eh tarantado itong mga Amerikanong ito. Alam mo, the Americans are really a bully. Yang sa Bisaya, dawdaw; sa Tagalog, api-api. Ma-api-api itong mga yawa na ito. Ang unang bumira sa akin, isang lalaki, based in Manila sa human rights, wina-warningan ako. Pinagpasensiyahan ko lang. “Okay lang,” sabi ko. Sabagay totoo naman eh. (laughter)

Tapos, binibira ako ng State Department, then there’s this is lady sa Office of the President, then Obama. Alam mo, nung mayor ako, binibira na nila ako. But that was different because mayor lang ako. Ngayon, kung ganun lang ang tingin nila sa akin, if that is how insignificant my existence in this planet is to them, okay lang. Kasi mayor lang ako eh.

Nung naging Presidente , I carried the burden of sovereignty. (applause) So kung talagang—mapapahiya ang Filipino eh, sa labas, sabihin mo, pinatay pala niya, killer pala yang Presidente. Maski na yellow yan o blue or black; mapapahiya yan in public. Mas lalong magalit nga tuloy sa akin but then, it will put everybody in a very awkward position outside.

Dito sa Pilipinas sige bakbakan tayo, pulitika eh. Alam ninyo, alam kaya niyo taga— basura lahat iyan. Okay lang. But to chastise me, to reprimand me; tapos, takutin ako, dito ako pumutok. Kaya ako nagpuputang-ina, alam ninyo bakit? Alam ninyo kung bakit? Alam ninyo kung bakit? Binabastos kasi tayo. Pag sabi ng Human Rights, “I’d like to remind the President that if we find out there is violation he can be—” Tatakutin pa akong ipakulong, putang-inang kulong. Ikaw ang putulan ko ng ulo. Tapos, sabihin pa, “then, we’ll begin to cut aid and assistance.” That’s a demeaning statement.

Ano? Para akong aso na on leash na magtapon sila ng pan diyan, pipigilan ang aso; ako naman, tahol ng tahol; hindi maabot yung— (applause) yun ang gusto ng mga— (laughter/applause) If you have the evidence go ahead and file the case. Wala akong problema, I can rot in prison for my country. (applause) I am not a Filipino for nothing. Maski ganito lang kami kapobre, puta—do not fuck with our dignity. (crowd cheering/applause)

Eh, sabihin nila si Duterte is not a statesman. He behaves like a hoodlum. Tama ka. Ulol ka pala eh. (laughter/applause) Ngayon mo lang nalaman? (laughter) Ganoon ako, ganito, ganoon, ganoon. Eh, hindi na bale, basta— Ganito iyan eh, para sa lahat and this is really for all of you, Filipinos and for the entire world. Maski anong bagay, magka-diperensiya. Huwag lang basta bayan na ang pag-usapan, tang-ina, hindi talaga tayo magkaintindihan niyan. (applause)

Drugs, 4 million narco politics na, with the election of De Lima, (crowd cheering) the national—the national portals of narco politics has entered the political life of our country. Kaya sabi ko, “How do you solve now the 4 million?” Iyan ang hindi tinitignan ng Amerikano. Ang tinitignan lang niya iyong mga namamatay na mga drug addict, if at all. Ang iba doon, talagang sinalvage, ewan ko kung sino. (laughter) Iyong iba, binabalot pa ng plaster. Sabi ko, “We are not manufacturing mummies.” (laughter) Eh, parang mummy ng Egypt eh. (laughter/applause) Sabi ko, “If you really want to stop the guy, just shoot him with one bullet in the head and that’s it.” Bakit man tayo magbalot-balot pa diyan? Ano ito, suman? (laughter/applause).

Kaya ako maligaya kasi wala man akong ibang masumbungan sa Bisaya. Saan ako magreklamo? Eh di sa inyo. (applause) Inaapi-api tayo, but you know, in this course of my—sabi ko, separation. It is provided in the Constitution, Section 7, Article— wala na. Sabi doon, “Our country must formulate an independent foreign policy.” (applause) Ang ayaw ko diyan, kasi iyong mga Amerikano nandiyan, sabihin naman ng military, “Sir, kailangan natin ng equipment.” Ganoon. You know, sabi ko nga sa military, “I am not a war time president.” Remember that. I am a President seeking peace for my country. (applause) Kaya noong nag-presidente ako, wala pa—inuna ko na ang komunista. Sabi ko, “we have been fighting for 45 years. Do you mean to say that you want another 45 years of fighting?” Eh, magkasama kami, Left po ako, sa Left ako. Hindi ako kandidato sa mga oligarch, pati mayaman. Left talaga ako. Kaya kami nagkakaintindihan, kaya kita mo iyong overtures ko, pumayag sila, nag-uusap na tayo. Wala ng giyera ngayon sa ating bayan, NPA versus government. (applause)

We are talking in Oslo at nandito iyong negotiators natin as we go along. Si Perfecto Yasay, the Foreign Secretary. (applause) Maniwala ka o hindi, sa dormitoryo kami noon, kami ang magka-roommate. Bright ito, salutatorian ito nag-graduate. Then, the—ang kaharap namin sa kuwarto, si Bebot Bello, taga-Isabela. (applause) Ilokano ito, okay. Okay ito. Magka-classmate-classmate kami but they are the brilliant ones.

Sonny Dominguez, iyong ating Finance Secretary. (applause) Kindergarten to high school, kasi napaalis ako sa Ateneo, second year; siya na lang but they graduated, iyong klase namin. He was the valedictorian. (applause). Alam mo itong si ating Secretary of Agriculture, si Governor Manny Piñol is a Magna Cum laude graduate iyan. Sa totoo lang, graduate Magna— puro iyan sila mautak.

Senator Cayetano, (applause/crowd cheering) nandito; nandito si Ma’am Lani, Mayor ng Taguig, asawa niya. Ma’am, kita mo, maganda si Ma’am, guwapo si Cayetano. Pero kung ako, kasing gwapo niya, naku, ubos! (laughter) Pakyaw, ibig sabihin. (laughter)

Si—nga pala, si Mark Villar sa DPWH; (applause) and Defense Secretary natin from Cotabato City, si General Lorenzana. (applause) Alam mo itong si General Lorenzana, ang may sabi pa sa akin eh taga-Cotabato City ito, Ilokano pero Cotabato iyan. Iyang mga Cota—mga Ilokano, Ilonggo sa—tapos si Pastor pa nga ang may sabi sa akin, “Alam mo—hindi mo ba alam iyang Secretary mo of Defense, classmate ko iyan,” sabi niya, “Valedictorian namin iyan.” (applause). Kita mo naman ang buhok, naubos kaka-aral.(laughter)

Si Secretary Pernia ng NEDA, bright from UP. (applause) And, totoo lang ha, hindi ako nag-aano, kilala ninyo, Art Tugade (applause). Alam ninyo classmate ko sa San Beda ito, valedictorian namin, College of Law, 1972.

Si— sa DTI, sa Go Negosyo, ito yung—and si Senator Estrada—ah! Ejercito Estrada.

Ang ating National Security at—pareho iyan sila, Estrada iyan pero sa ano, ganung mukha, parehong-pareho iyan sila.

Si General Esperon, ang National Security adviser ko. (applause)

Si Cabinet Secretary, si Jun Evasco. (applause). Alam mo ang istorya nito, Jun Evasco pati—isang pari na gagong iyon, (laughter) kasama niya, si Father—at dalawa ito silang pare.Eh fiscal ako noon, nahuli ito ng military sa Libungan, Cotabato ‘no, nag plenum-plenum ito sila, na-tsambahan. Ngayon, eh ako iyong fiscal eh, ako iyong inquest. Ako lang iyong nag-iimbestiga doon ng— takot kasi lahat ng—sa rebelde eh.

So, sabi ng—si Estares, kung kilala niyo iyon, “may nahuli kami diyan, dalawang pari.” Tapos, sabi ko, “Sir—haharap talaga ng fiscal iyan kasi ang sabi, “Itong bang sinasabi mo dito, totoo ito?” Tapos, sabi ni Estares, i-salvage na lang namin ha, walang kuwenta ‘to,” (laughter) tang-inang pari na—. (laughter) Padre Tison; yung isa, maliit. Sabi ko, “Pari.” Tapos sabi ko, “Taga-saan ka?” Sabi niya, “taga-Maribojoc ako— Bohol, Maribojoc.” Eh, siya eh taga-roon iyong Lola ko sa Tatay ko noon, puta—baka pinsan ko pa iyong— mga gago kayo. Pari, sabi ko, …. Ba’t mo patayin? Hayaan mo na lang.

So, noon nanalo si Cory, wala silang trabaho, pumunta sa akin nanghingi ng trabaho, binigyan ko naman. Sabi ko, “diyan, technical assistant.” Eventually, he became my Chief of Staff, then to become the Mayor of Maribojoc for 9 years, tapos sa Cabinet na.

Na star-studded ito sila: Medialdea, si Andanar, (applause) Sal Panelo. (applause) Ang ating guwapo na Congressman sa Bohol, Arthur Yap. (applause) Si—kayong taga-Davao, if you remember, pastor ito siya sa Victory Chapel, taga-Davao ho. Pastor Ernie Abella. (applause). Ito si Energy, si Al Cusi. (applause) si Wanda Teo, ang ating Tourism. (applause) Saan si Sal, ito iyong abogado ng mga artista, totoo. Kung gusto mo ng— kung anong nangyari talaga, dito kay—Sal, tumindig ka nga. (applause).

Itong si Sal, hard working, yumaman lang ito sa mga away ng mga artista, noong mag-asawa. Iyong magka-kaso-kaso. Ako po ay ordinaryo lang kagaya ninyo, 75, 76 ganoon lang iyan. Hindi naman masyado akong nagmamadali kasi. (laughter) I finished my high school, 7 years. Sabi ng nanay ko, “Rodrigo, matapos ka kaya?” Sabi ko, “’Ma, wala man tayong pagmadalian sa buhay na ito.” Eh, sige lang billiard, minsan nahuli pa ako ng nanay ko, iyong talagang tako, ipinalo sa— nag-ganun-ganun ako. “Aaaarrk.” (laughter) Kaya iyong nanay ko, kung buhay ngayon, idemanda ko ng child abuse. (laughter) Talagang— tapos kayong mga Bisaya, alam ninyo iyan.

We have this colloquial term na, ‘hanggang pantalan ka lang,’ di ba, iyong ayaw nating magtrabaho, mga kapatid niyong mga lalaki, magalit iyong tatay sabihin, “Ikaw letse ka, hanggang pantalan ka lang,” di ba? It’s a colloquial or idiom developed all of the years. Eh, sabi ng Tatay ko na, “Ikaw, letse kang anak ka, hanggang pantalan ka lang.” Sabi ko, “Sige lang ‘Pa, basta bayaran lang ako sa kinakarga ko, okay lang.” (laughter) Pero sa totoo lang ha? Itong lahat ng narito, ito— Art Tugade, ito bilyonaryo na ito. Huwag ninyong sabihin magnakaw pa, bilyonaryo ito. College of Law pa kami, CEO na iyan ng Delgado Shipping. (applause) Puro mayayaman, Yasay sa—he’s a Professor sa Western side sa US, University of Hawaii Pero sa awa ng Diyos ha, ito trabahante ko ito lahat. (laughter/applause) Kagaya ng sinabi ko, law school kami. Magkaklase kami doon sa— kami naman doon sa College of Law, magtinginan lang sa mata. Eh, kung mag-aral ka noon ng libro, ganoon ka talaga, kasi oras na gumanoon ka, tapos kaharap mo iyong ulol na— pssst. (laughter) Sige, wala na. Pagdating ng 5:30, tuloy na lang natin ang inom. (laughter)

Sa awa ng Diyos okay ako four years na. Ganoon lang ang buhay. So—then, para inspirasyon, not really because na ano, ayaw ko kasi yung—mayroon kasi akong sabihin pero it is—I do not want to— sabihin ko na lang. (laughter) Pero hatiin ko. Mas komportable ako dito sa Japan, (applause) and even China if I mention the state, kasi hindi na ano ng—may ano ako diyan eh. Huwag na baka, mamura ko lang iyon. Iyong the other side of the world. Hindi magandang tratomento nila sa mga kababayan ko. Mahirap na, pag mapaumpisa ako dito, puro mura matatapos ang salita ko. (laughter)

So, we have to improve on the economy because that is the only—iyan lang ang paraan. That’s the only way really to— balang araw na hindi mo na kailangang bumalik pa dito. At least, kung magbalik-balik ka dito, bakasyon ka na lang. (applause) Hindi na sabihin na ano. Sana, I can improve on the economy and in the fullness of God’s time.

Alam mo ang pinaka-maano sa atin is isang Japan. Japan talaga ang pinakamalaking tulong natin. (applause) Airport, iyong mga roads natin, it’s about 6 billion iyong kanilang ano diyan, naka-program. Eh, 6 billion and times it by 40—48, 47 that’s trillion. Grabe ang tulong nila ng— I don’t know but Japan is very attached to us. And to the fact that, they are really so very kind. Wala akong ma-ano sa Japanese people except na, so in return, kaya tayong mga Filipino pag napunta sila doon, gusto ko nga iyang protektado sila. (applause)

Ayaw—ngayon po, puwede ka ng lumabas kasi ang ayaw ko, lalo na iyang iba is nagtra-trabaho kayo dito, nagpapakamatay kayo sa pagod para kumita lang, pagdating noong ipadala ninyo iyong pera ninyo, either gamitin ng isang ulol at i-hold up iyong mga—ito nga, iyong… i-hold-upin. Iyan ang ayaw ko. Iyan kasi ang hindi ko talaga matanggap, (applause) kaya sa Davao, ikaw mag— (applause). Mag-rape ka ng 1 year old, mag-rape ka ng 18 months old, wala na tayong pinag-usapan diyan. I’m ano, o kayong taga Davao, pagka-ganoon ang istilo mo sa buhay mo. I mean, caution ….

So, gusto ko ngang ibalik kaya— ganito iyan eh. Para maintindihan ng mga putang-ina, (crowd cheering) pero walang puta— itong pari, pero hindi sila kasali sa putang-ina. Alam mo, hindi naintindihan nila. Sabi nila, “Duterte, may death penalty noon, wala man nangyari, ganoon rin. Bakit mo gustong ibalik?” Ulol, (laughter) kung hindi ka naman tarantado, hindi ako ang Presidente noon. (laughter) Kasi kung ako ang Presidente noon. Wala tayong pinag-uusapan dito. Eh, kasi wala daw nangyari, mayroong Death Penalty nga, anong ginagamit niyong utak? Ilagay mo ako—ilagay mo ngayon iyan. Eh, sabi nila, “hindi na kasi marami na ngayon, sa kulungan 1,000. Eh di mag-ihaw tayo, mga lima araw-araw. (laughter) Hindi na problema iyan. Totoo.

You know, sandali ha, ganito iyan. I will end because mayroon pa akong— marami akong— hindi kasi, nakakahiya naman paghintayin sila. Ganito na lang. Kalimutan mo na iyong—the Universal Declaration of Human Right. Kalimutan mo na iyang batas natin. Let’s just—iyong pag pinanganak ka sa mundong ito, tapos trabaho ka. Pamilya mo, Grade 1 pa lang. Alam ko, tatay ko noon, mag-loan; ang nanay ko to her retirement days, in the dying days, maghihiram pa iyon ng 5-6. Lahat ng pulis; maestra ngayon; pati army, nanghihiram, 5-6. Tapos ubusin—maubos na yung pera ko, halos hindi ako kakain. Tapos, i-rape mo kasi drug addict ka, sira-ulo ka, patayin mo. Tanungin kita, gusto mong mabuhay? What gave you the right to rape and kill my daughter? By what law itong universe na ito, sa mundong ito, sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na patayin mo ang anak ko, i-rape mo? (applause)

Dito sa kabila, ito, makinig kayo Amerikano, putang-ina, bugokski. (laughter) Ito dito, anong kasalanan ko sa iyo? Kayong mga gangster, kayong nasa Pilipinas. Makinig kayong mga putang-ina ninyo makinig kayong mabuti. Kaya kayo namamatay ganito. Anong kasalanan ng Pilipino? Anong kasalanan ng mag-asawa sa iyo, na magluto ka ng shabu at ipakain mo sa mga anak namin? But, what right in this Universe that you do that. (applause)

Huwag na tayong mag-isip ng batas-batas. Sagutin mo lang ako. By what right? Anong kasalanan namin at bakit gawin mo iyan sa amin? Masagot mo iyan, buhayin kita. Putang-ina mo, pag wala kang masagot, papatayin talaga kita. (applause) Na-bwi-bwisit na ako eh. Iyan lang sagot, huwag na iyang batas. Eh, sagot ng mga batas eh makukulong ka o mamamatay ka. Just answer me the question. Who gave you the right to destroy the life of my daughter, raping her, after ravishing her, killing her?

But what right do you have? Na kayong taga-labas kung ganoon na lang ang pawis at hirap, saving every—tapos pagdating doon, ibili— pabili lang sa anak mo para pagdating mo doon, basag na pala. And you know what? Dysfunctional na nga eh. Nandito kayo, may maiwan, mga anak. Mabuti’t na lang kung dala mo. It is by itself a dysfunction already, to be frank with you. Wala na nga ang nanay, tatay o iyong mga sailors. Tapos, lagyan mo pa ng—it becomes really a total dysfunctional family. Magnakaw ito, hindi na mag-aral, so hindi ninyo—you simply overlook the things in life.

My American friends, we stick to the fundamental issues about human life. You want to protect—we do not want to—whoever wants to kill people. You cannot build a nation over the bones of the criminals if that is what you want to do. (applause) But then, I have to do something. By the sheer magnitude of 4 million, instead of helping me, you are criticized, you chastise me publicly. Insulting, because as a matter of fact, every time you mention about human right violation, there’s always a few words added and that is the assistance. You can have it. It’s all yours, we will survive. I’m sure, I would be a villain to— (applause) ngayon lang, maybe at this time, not all Filipinos would talk low— too kindly about my stand. But in the years to come, in next generation, they would know that there is such a thing in this world as ‘the dignity of the Filipino people.’

Maraming salamat po. (applause)