Oct. 24, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo |
24 October 2016 |
|
TULFO: Sec., magandang umaga.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Partner. TULFO: Kasi, Sec., marami ang nag-ngangawa, pero iilan lang naman sila at napapansin ko, medyo mga nasa alta sociedad ang iyong mga nagrereklamo. Itong kaliwa’t kanang patayan, itong foreign policy ng Pangulo atras-abante at ang hirap daw intindihin ng Pangulo. Pero ikaw, Sec., kasama mo araw-araw ang Pangulo, anong assessment mo dito kay Pangulo? Is he on the right track? SEC. ANDANAR: Ang Pangulo po natin ay he is definitely on the right track at right course. Dahil alam naman natin na—halimbawa, doon sa nabanggit ng Pangulo na ‘separate,’ Partner, alam naman natin, Pareng Erwin, na in fact tayo po ay talagang isang soberenya. Independent country and therefore we do not have any external control from outside controlling us. In fact, in law and in spirit; but in practice, hindi naman totoo dahil ang ating polisiya pagdating sa military at pagdating sa ekonomiya is very much dependent on the west. We are tied by the western institutions like the IMF and the World Bank. At ang ating pag-iisip pagdating sa ating ekonomiya ay sinusunod natin kung ano ang gusto ng Amerika. At pagdating sa military, we are very dependent on them. So ‘pag sinabi po ng Pangulo na we are separating, I am separating myself, ang ibig sabihin po niyan – I am now carving an independent military policy, independent of other states like the United States; and independent economic policy. Ganoon lang po ang ibig sabihin niyan. TULFO: Pero ang ibig sabihin ba, Sec., because a lot of people are asking, does it mean to say that we are still friends? We are not, actually ang sabi nila, galit-galit muna tayo. So, we are still friends with the United States and the European Union? SEC. ANDANAR: Oo. We are still friends with them. We still respect the treaties – the Mutual Defense Treaty, the economic relationship. Wala naman tayong pinuputol. The President is not severing ties. He is not cutting, hindi niya pinuputol iyong ties natin with our friendly western country brothers. In fact, ang ginagawa—we are just separating and we just want to manage our own business. TULFO: At saka ang tingin din ng ibang eksperto, Secretary Mart, of equal footing naman. Huwag na iyong habambuhay na lang na ‘little brown brother’ tayo. Eh parang hindi na tayo umasenso doon sa pagiging little brown brother. Kumbaga sa kuwan eh, parang boy-boy na, ‘Psst, pumunta ka nga doon. Pssst, halika dito.’ SEC. ANDANAR: Oo, hindi naman ganoon. Halimbawa, nabanggit ni Presidente, kapag ang Amerikano pumunta sa bansa natin, wala silang visa. ‘Pag tayo pumunta sa bansa nila, may visa tayo. TULFO: Korek. SEC. ANDANAR: Mga ganoon ba na … ano ba naman ito, akala ko ba magkaibigan tayo, akala ko ba co-equal footing. Eh iyon pala ay parang mga little brown brothers pa rin tayo kasi parang may discrimination. So, iyon lang naman. Kaya ang Pangulo natin ay nakakapagsalita nang ganiyan. So all of us Filipinos should be happy na mayroon tayong Pangulo na tumatayo at itinatayo ang ating sariling bandila proudly. TULFO: Alam ko ang ating Pangulo ay talagang tumatayo at matigas ang ating Pangulo – all aspects. SEC. ANDANAR: Ay, very ano siya talaga … nationalist itong ating Pangulo. Iyon kanyang major— TULFO: Iyan ang gusto kong tularan, iyong talagang matigas ang ating Pangulo at tumatayo. At saka malaki ang kaniyang puso. SEC. ANDANAR: Oo, kasi nakita mo naman kahapon sa Cagayan Valley, nagpunta ang Pangulo. Talagang malaki ang kaniyang puso sa ating mga kababayan na sinalanta ng bagyo. At pagdating naman sa paninindigan din para sa ating bansa – patriotism, nationalism – eh ganun din, matigas din. Talagang ipinaglalaban niya po ang ating— TULFO: Ang gusto ko rin sa kaniya ay madulas ang kaniyang dila, iyon namumutawi sa kaniyang mga bibig, iyong mga salita na lumalabas. SEC. ANDANAR: Parang iba na iyang sinasabi mo eh. [Laughs] TULFO: Anyway, Sec. Mart, ikaw ba ay sasama sa Japan kay Pangulo? SEC. ANDANAR: Oo, bukas na iyon, Partner. TULFO: Anyway, Sec. Mart, salamat na lang sa panahon mo with us this morning again. Tawag na lang ako mamamaya, mayroon akong itatanong, Sec. Mart. Thank you very much, Secretary Martin Andanar ng PCO. |
SOURCE: NIB Transcription |