Interview with Assistant Secretary Ana Marie Banaag of the Presidential Communications Office for Legal Affairs
News @ Six, PTV-4
19 October 2016

Q:  (Recording cut)… para sa paghahandang isinasagawa ng pamahalaan sa paghagupit ng bagyong Lawin. Magandang gabi po sa inyo, Asec. Marie.

ASEC. BANAAG: Hi, magandang gabi po. Magandang gabi sa lahat ng ating mga tagapakinig.

Q:  Okay. Asec., ang Pangulong Duterte po ay nasa China ngayon. How is he keeping tabs of what is happening in our country with respect to this super typhoon; and ano po ang kanyang direktiba sa ating mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan?

ASEC. BANAAG: Okay. Tulad ng babala na ipinapaabot sa atin ng PAGASA tungkol sa bagyong Lawin, at ito’y isang super typhoon nga. Ngayon nakataas sa Signal Number 5 sa Cagayan at Isabela, hinihiling po ng ating Pangulo sa ating mamamayang Pilipino na magbantay, mag-ingat at maghanda sa paparating na bagyong Lawin. At sa panahong ito, kailangan po natin na magtulungan, magmalasakit at kailangan natin ng bayanihan upang tayo ay magdamayan, magtulungan para sa mga kababayan nating masasalanta po ng bagyo lalong-lalo na sa Cagayan at sa Isabela po.

Q: Okay. Sinabi po ng NDRRMC na handang-handa na po iyong mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan. How about the funds po? Is it enough, do we have enough for contingency funds for this calamity?

ASEC. BANAAG:  Yes. So far, we’ve been monitoring sa DSWD and sa local government unit. Every now and then, every hour actually we call on the governors of Cagayan and Isabela to monitor kung kumusta na po sila, nakapag-evacuate na ba, may mga enough po bang tubig, supply ng tubig, pagkain at iyong mga kinakailangan nila. So far, sana po ready tayo, reding-ready po iyong ating mga LGUs because tayo rin po at sila ay ninerbiyos sa isang super typhoon kasi bago po ito.

Q: Yes. Asec., ito po iyong pinakamalakas na bagyo na dumating sa ating bansa ngayong taon, at sinabi nga po nila na iyong strength po nito is close to what we’ve experienced back in 2013, noong sa super typhoon Yolanda. Ang experience po natin matapos pong dumaan ang bagyo, ay mahirap pong i-restore iyong kuryente, iyong tubig at iyong telecommunication. Mayroon na po ba tayong paghahanda para sa pagpapabilis ng pagbabalik noong mga serbisyong aking nabanggit?

ASEC. BANAAG: Yes. Sa NDRRMC po, pinaghahandaan po natin iyan and we are coordinating with other government agencies for any eventuality, na may mangyaring ganiyan. Meantime iyong mga immediate muna, iyong mga generators muna and then we’ll see how the damage would be after ng bagyo. However, we are already coordinating for possible na damages para hindi po mangyari iyong mga… sana po, at ipagdasal natin hindi mangyari iyong nangyari doon sa Yolanda kasi iyon po ang kinatatakutan nating mangyari.

Q: Yes, we are hoping po na hindi po ganoon kalaki iyong damage. Asec. Marie, also, mayroon pong storm surge warning na kaakibat itong ganitong kalakas na bagyo, and base na rin po sa naging experience, minsan po iyong mga evacuation centers na pinaglilipatan ay mababa kaya rin po marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan at dumami po iyong casualty specifically with super typhoon Yolanda. Sa ganitong pagkakataon po na-experience na po natin, ano po ang ginawa ng mga local government units para mas mataas po iyong paglipatan ng ating mga kababayan?

ASEC. BANAAG:  Yes. Sa mga coastal areas sa Isabela, si Governor Dy po ay pinalikas sila sa mas matataas na lugar. Kung puwede nga sa medyo mabundok na mga lugar, especially sa mga coastal areas natin sa Isabela. So iyon ang ginawa nila sa Isabela this time. So every—actually this time, every 30 minutes na, before 11 P.M. we would monitor kung kumusta na po sila. And even in Cagayan, nilagay sila sa mga—iyong mga evacuees natin nilagay sila sa mga two-story high na mga buildings at malayo sa dagat especially doon sa mga coastal areas natin para somehow masigurado natin na safe iyong ating mga kababayan doon.

Q:  Okay Asec., mensahe ninyo na lang po o panawagan o anumang anunsiyo sa ating mga manonood.

ASEC. BANAAG:  Sa ating mga kababayan, for any eventualities… sana po magmalasakit po tayo at handa tayong tumulong sa mga kababayan nating masasalanta ng bagyo, madadaanan ng bagyo sa Cagayan, sa Isabela, sa Ilocos, sa Kalinga, sa Apayao, saan mang parte ng Pilipinas ‘pag nangyari po ito, inaasahan po namin na hindi lang ang ating pamahalaan ang tutulong kundi lahat po ng ating mga mamamayan na gustong tumulong. Makikiusap po kami na magtulungan po tayo para ipakita natin ang pagiging Pilipino, ang pagmamalasakit sa ating kapwa po.

Q:  Maraming salamat po sa inyo at magandang gabi, Assistant Secretary Marie Banaag ng Presidential Communications Office.

—–

Source: NIB (News and Information Bureau)