Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Radyo 5 / DWFM – All Ready by Orly Mercado
13 October 2016

MERCADO: Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly.

MERCADO: Pinasasaya lang kita dahil sa alam kong… alam ko iyong mga trabaho ninyong … kumbaga sa daluyong, walang tigil iyan eh.

SEC. ANDANAR: Oo, walang tigil. Tama ka, Ka Orly.

MERCADO: Parang alon na talagang hindi mo matiis. Akala mo hihina na, mamaya hampas na naman iyan.

SEC. ANDANAR: Especially with the proliferations of social media. Talagang walang tigil eh.

MERCADO: Totoo iyan. Iba noong panahon namin, talagang radio, TV, print lang eh.

SEC. ANDANAR: Eh ngayon, kahit anong oras, Diyos ko, lalabas iyong istorya; magte-trending ng ala-una ng madaling araw, then it wakes you up, then you have to craft an answer.

MERCADO: And there is no such thing as local news or small bit of … small news item eh. Talagang lumalala, lumalaki.

SEC. ANDANAR: Globalized na lahat.

b Okay, pakipaliwanag mo sa amin itong ano … ang sinasabi ng Pangulo na iniimbita niya itong UN Rapporteur na imbestigahan iyong tinatawag na extrajudicial killings sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Ito ay sang-ayon doon sa imbitasyon ng ating Pangulo sa Rapporteur from the Human Rights—

MERCADO: EU.

SEC. ANDANAR: Oo, (unclear) I’m looking for it eh. I’m looking for it, iyong kopya ng sulat. But anyhow, after na nag-speech iyong Pangulo ay inatasan niya agad-agad si Executive Secretary Bingbong Medialdea na magbi-birthday bukas—[Laughs]

MERCADO: Happy Birthday, Secretary Bingbong.

SEC. ANDANAR: —kaya inatasan niya si Executive Secretary, at iyon nga, after that ay sumulat kaagad si Executive Secretary ng imbitasyon.

MERCADO: Invitation para sa isang pagbisita sa ating bansa, a country visit, sinasabi?

SEC. ANDANAR: Oo, yes. So aantayin na lang natin ang magiging sagot po ng Rapporteur. I’m trying to look for the exact ano eh…

MERCADO: Oo, si Agnes Callamard.

SEC. ANDANAR: Callamard. Oo, siya iyong bago. And mayroong mga nakasulat doon na provisions na gusto pa rin ng ating Pangulo na—

MERCADO: Nakita ko iyong … nandito sa akin iyong press statement. Ito, sinulat ni Secretary Medialdea, “Since it is this administration that is maligned as being behind these extrajudicial killings, due process requires that the President of the Republic of the Philippines be given the opportunity to propound his own questions which have been nagging him for some time.” Kasi doon sa sulat niya, doon sa invitation sa foreign country visit, sabi niya, the President should be allowed to ask Callamard about the investigation also.

SEC. ANDANAR: Tama. At sinasabi nga sa sulat na bigyan din ng pagkakataon na magtanong ang gobyerno. Tapos, nandoon din iyong … sentence doon na kailangan under oath.

MERCADO: I see. Okay, okay.

SEC. ANDANAR: Oo, kailangan under oath. Kasi siyempre kapag under oath ka sa ilalim ng batas natin, hindi ka puwedeng magsinungaling. Kailangan may patas sa ilalim ng ating batas. Kaya mahalaga … maganda iyong letter na iyon. At sana pumayag po ang EU para mas maganda iyong exchange ng kanilang imbestigasyon. And at the same time, iyong ating imbestigasyon din, ang mga katanungan ng ating Pangulo ay masasagot.

MERCADO: Tama rin naman, may question din naman dapat si … may right naman na mag-question ang Pangulo. Because parang ang linya yata niya ay bakit tumira sa Pilipinas ang iniimbistigahan ninyo, what about the others. Why is there such a focus on the Philippines, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, it’s a valid question na bakit iyong Pilipinas lang ang tinututukan samantalang napakadami po, napakadami rin ang mga human rights or mga EJKs na nangyayari sa ibang bansa. Kaya iyon din naman ay para lang po malinawan tayong lahat. Ito, ito: Dr. Agnes Callamard
Special Rapporteur
Office of the United Nations
High Commissioner for Human Rights

Iyon iyong ano niya, official designation.

MERCADO: So, Secretary Martin, ito namang … ano ba ang reaksiyon ng—of course, I think the Palace is invigorated and happy na even this latest Pulse Asia Survey ay nagpapakita na talagang malaki pa rin ang approval rating ng ating Pangulo?

SEC. ANDANAR: Oo, ang ating Pangulo naman sinabi na niya na hindi masyado siya naniniwala sa mga ratings-ratings. He deals with reality. Kaya, of course, ang mga miyembro po ng Gabinete at ng administrasyon, this will serve as our barometer and a guidepost para to remind us that iyong ginagawa po ng administrasyon ay nasa tamang direksyon. At ang gagawin natin dito ay this will serve as an inspiration to the government, or the new government, to continue what it’s doing, and we even work harder para mas tumaas pa ang pagtingin o paniwala ng taumbayan sa ginagawa ng ating Pangulo.

Sa atin naman, Ka Orly, trabaho lang tayo. At ang pakiusap lang din po natin sa mga mamamayan ay tuluy-tuloy na pagsuporta. And of course, pinapasalamatan natin ang mga mamamayan sa kanilang tuluy-tuloy din na pagsuporta at tiwala sa ating Pangulo.

MERCADO: Parang, in a way, it’s also a confirmation. Sinasabi ng taumbayan, we agree with your priority. Ito ha priority: drug cases, criminality. Pero mayroon pa ring ginagawa ang gobyerno, iba’t iba. Napakaraming mga departamento na wala namang kinalaman tungkol sa drugs at saka sa kriminalidad, hindi ba, pero tuloy pa rin ang trabaho niya.

SEC. ANDANAR: Oo, tuluy-tuloy pa rin. Napakadami pong ginagawa ang ating Pangulo bukod sa kampaniya laban sa iligal na droga. Nandiyan po iyong poverty alleviation program ng ating Pangulo; nandiyan din po iyong roadmap to peace. In-address po iyong usapan sa Oslo, Norway. Ang MILF, MNLF, ito ang bagong—

MERCADO: Oo, iyong ano, oo.

SEC. ANDANAR: I’m just trying to pull out … ito, mayroong bagong balita, Ka Orly, in case hindi ninyo pa natingnan ito sa Business World. I just can’t pull out the data, but ito po ay dahil sa … ito, ito na: Iyong self-rated poverty according to the SWS, ay bumagsak. It’s a record low. Ito po ay magandang survey ulit ng Business World at SWS. Nakalagay po dito, “The percentage of Filipinos considering themselves poor hit a fresh record low last quarter, according to results of a Social Weather Stations (SWS) survey that signaled a good start for the new Duterte administration’s push to slash official poverty rate to 16-17% by the time it steps down… he steps down in mid-2022 from 26.3% as of the first half of 2015.”

So bumagsak po ang self-rated poverty ng ating mga kababayan. At ginawa po itong survey noong September 24 to 27. Kaya this is also one guidepost that tells us that na tama nga ang ating ginagawang mga reporma, mga fiscal reforms, ating mga tax plan reforms by Secretary Sonny Dominguez. At ganoon din po iyong ginagawa ng DSWD pati na DAR; ginagawa ng DTI. Ito, Ka Orly, ay nangangahulugan na talagang ramdam ng ating mga kababayan ang mga pagbabago at pagsisikap natin, bagama’t nasa 106th day pa lang ang ating Pangulong Duterte.

MERCADO: And also marami pang gagawin because mahaba pa iyong target niyan para totally ma-wipe out ang poorest of the poor o kaya mawala iyong kanilang kahirapan.

Anyway, thank you very much, Secretary Martin. Thank you very much for answering our call.

SEC. ANDANAR: Mabuhay kayo, Ka Orly. Salamat po.

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)