Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRH – Rapido Hataw Balita by Angelo Palmones and Henry Uri
11 October, 2016 
Q: Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Good morning. Good morning sa inyong lahat, Henry, Angelo.

Q: Ano ho ang pakay talaga para sa bayan, ano ang pakay ng Pangulo sa China?

SEC. ANDANAR: Ang pakay po ay para doon sa sinasabi ng Pangulo na soft landing pagdating sa bilateral relations na pag-uusapan din iyong iba pang mga bagay na dapat na pag-usapan pagdating sa negosyo, kalakalan – trade and industry. Pag-uusapan din iyong ating mga karapatan diyan sa West Philippine Sea.

Q: Ah, kasama sa pag-uusapan iyon ha.

SEC. ANDANAR: Oo. Mayroon din mga—I just don’t want to throw the… telegraph the punches pero, of course, mayroon ding mga konting pag-uusapan doon. Hindi naman mawawala iyon.

Q: Ano ang magiging expectation kaya natin pag-uwi ng Pilipinas ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Ang magiging expectation po natin ay mas magiging bukas po ang ating pintuan para sa trading relations with China at iba pang mga oportunidad na puwede nating pakinabangan mula sa China; marami po. Mayroong pong mga infrastructure projects, mga railway projects, iyong mga kaya nilang gawin, puwede nilang itulong sa bansa natin.

Henry, Angelo, mayroon tayong magandang balita ‘no, sa kalalabas lang balita ng SWS at Business World na ang trust rating ng ating Pangulo ay nananatili pa rin sa excellent. Ang survey po ay ginawa noong September 24 to 27, at lumalabas po na 83% doon sa sinurbey [surveyed] na nagsabi na they trust the President or much trust; 9% iyong nagsabing undecided—

Q: Ano ito, kakaiba pa ito sa dati, doon sa dating lumabas na survey?

SEC. ANDANAR: Naalala ninyo noong Hulyo, naglabas ng survey ang SWS sa trust rating ‘no. Ngayon ay ganoon pa rin po, excellent pa rin po iyong grado ng ating Pangulo, 83%. But ang net trust rating po ng Pangulo ay nasa +76, bumaba po ito nang bahagya ng tatlong puntos mula 79 pero pasok po ito sa plus and minus margin of error at excellent pa rin po ang grado ng SWS at 76%–

Q: Nationwide po ito, nationwide survey ito?

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Nandito po iyong survey sa harapan ko. Noong panahon po ng nakaraang administrasyon, si PNoy nung sinurbey [surveyed] noong September 10 ay nasa +67. So very good iyong kay PNoy at ang ating Pangulong Duterte ngayon ay excellent po ang kaniyang grado.

Q: Okay. So hintayin natin kung ano ang magiging—kailan ba iyong biyahe papuntang China?

Q: Next week na.

SEC. ANDANAR: Yes, yes, next week na po ang biyahe. So I will update you, Angelo, Henry, sa kung anuman ang mga pag-uusapan.

Q: Thank you. salamat.

SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong dalawa.

SOURCE: NIB – Transcription