Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
RMN / Government in Action by DK Zarate and Einjhel Ronquillo
10 October, 2016 

EINJHEL: Magandang umaga po, Secretary. Welcome po sa Government in Action sa DZXL.

DK: Magandang umaga, Secretary.

SEC. ANDANAR: Good morning Einjhel at DK. Congratulation on your new radio program.

EINJHEL: Secretary, maraming-maraming salamat po sa pagpapaunlak, kayo po ang buena mano ano dito po sa aming programa. Gusto po naming malaman para sa kabatiran ng ating mga listeners kung ano po ba ang mandato ng Presidential—ng tagapagsalita po ng Palasyo ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Ang mandato ng Presidential Communications Operations Office ay para ihatid sa taumbayan ang mga polisiya ng gobyerno at maipaliwanag ito ng husto.

EINJHEL: Kailan po ito nabuo, natatag, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Matagal na itong Presidential Communications Operations Office. Dati ang tawag dito iyong Office of the Press Secretary. Matagal na ito at nakausap ko na rin iyong mga legends tulad nila Kit Tatad, nila ni Secretary Teddy Boy at itong opisina na ito ay malawak po kasi maraming hawak na ahensiya tulad ng PIA, Philippine News Agency, nandiyan iyong Bureau of Communication Services – iyong taga-imprenta ng mga yearbook at ng mga speech Pangulo – nandiyan din po iyong PTV4, Radyo ng Bayan, nandiyan din po iyong ating printing offices tulad ng National Printing Office at iyong APO Production. Ito po iyong GOCC nag-i-imprenta rin ng mga government para sa paraphernalia, receipts, etc; dahil tatlo lang iyong nag-i-imprenta eh, kasama iyong Bangko Sentral ng Pilipinas.

DK: Secretary, sino-sino ba iyong miyembro ng kasalukuyan sa Presidential Communication Office?

SEC. ANDANAR: Sisimulan natin doon sa Presidential Communications Operations Office proper dito sa Malacañang. Alam po natin na nung kasalukuyang administrasyon ay dinivolved po ng dating Presidente Noynoy Aquino ang Office of the Press Secretary at ginawang tatlong dibisyon. Una, iyong PCOO sa pangunguna ng dating Secretary Sonny Coloma; pangalawa, iyong PCDSPO sa pangunguna po ni dating Secretary Ricky Carandang; at iyong pangatlo po ay iyong Presidential Spokesperson sa pangunguna ni Secretary Edwin Lacierda.

So noong pumasok ang ating bagong administrasyon sa pangunguna ni President Duterte ang sabi niya sa akin i-collapse iyong tatlo at ibalik doon sa dating Office of the Press Secretary structure na isa lang iyong Secretary, lahat ay—iyong mga sumunod ay Undersecretary tapos may mga ASec. Bahagi na rin ng right sizing o iyong tinatawag na streamlining para mas makatipid ang gobyerno at pagdating sa pampasuweldo ng tao at pagpapatakbo ng mga opisina.

So ngayon ang aking Undersecretary ay si Atty. Noel Puyat, siya po ang in-charge sa admin and finance. Ang pangalawa po na Usec ay si Undersecretary Ernie Abella na siya ring kasalukuyang Spokesperson ng ating Pangulo at pangatlo po ay si Undersecretary Enrique Tandan na siya pong Legal Affairs Undersecretary at iyong pang-apat po ay si Undersecretary George Apacible na siyang tagapangasiwa ng lahat ng ahensiya at GOCC ng Presidential Communications Operations Office.

Sa ilalim po nila, meron pong mga Assistant Secretaries at iyong mga USec level heads of the agencies. Tulad sa PIA, nandiyan po si Harold Clavite na galing sa United Nations, siya po ay kinuha natin doon at kumbaga pinirate kumbaga; at nandiyan si Rizal Aportadera na siyang Director ngayon ng Radyo ng Bayan at kinuha rin po natin siya sa private sector mula sa Vera Group ng kanilang Quest Broadcasting Corporation. Iyong dito po naman sa PTV 4, so ang ating kinuha diyan para maging General Manager ay si Dino Apolonio na pinirate din po natin mula sa pribadong sector or TV 5, siya po ay Vice President ng TV 5 engineering ano. At bago po iyan siya ay naging executive ng ABC sa America, CNN, marami hong pinasukan itong Dino sa international broadcast. At ni-retain po natin si Director Manalili dito sa Bureau of Communication Services.

EINJHEL: Secretary, kanina nabanggit ninyo iyong tungkol sa PTV4, kasi itong mga press conference, mga talumpati, mga speeches po ng ating Pangulo ay talagang ine-ere po ano at diyan natin hino-hook up, oo iyong kanyang mga soundbytes. So ngayon kumusta nap o pag-u-upgrade, Secretary Andanar, diyan po sa PTV4?

SEC. ANDANAR: Tuloy-tuloy po naman ang upgrading nito at buhat ng umalis si Secretary Sonny Coloma, nagturnover po kami, ay tuloy-tuloy po iyong proyekto nung nakaraang administrasyon. Hindi po natin ito pinutol kung ano iyong mga plano ni Secretary Sonny at ang ginagawa natin ay tinututukan natin ng husto para talagang matapos iyong mga nasimulan.

And then of course the continuity of the project is very important, kaya tayo ay humihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para mas lalo pang mapabilis iyong reform ng PTV, hindi lang po sa Metro Manila kung hindi sa buong Luzon at lalung-lalo na po sa Mindanao at sa Visayas. Sa ngayon tayo po ay depende doon sa budget na ginawa nung nakaraang administrasyon, so ang ating pakay po ngayon ay makakuha ng supplemental budget from DBM para masimulan natin iyong ating Mindanao Broadcast Hub. Iyong pagpapagawa ng isang state-of-the-art broadcast facility tulad nitong PTV dito sa Manila. Dahil kapag makikita nyo po n’yo po iyong PTV ngayon sa Manila, na natapos na po iyong project ni Secretary Sonny.

Maganda, maganda, maganda, kagagaling ko lang ngayon. Iyong DOC digital na nakahanda, bagong newsroom, bagong opisina at doon sa supplemental budget na hiningi natin ay magiging—mangyayari na iyong Mindanao Broadcast Hub, tulad nung PTV4 Visayas, magkakaroon din po ng high-tech broadcast doon. At ganun din po sa ating Radyo ng Bayan, ay humihingi din tayo ng supplemental budget sa DBM para madagdagan po at ma-improve iyong equipment ng Radyo ng Bayan in time for the People’s Broadcasting Corporation Charter na ngayon ay nasa Lower House sa pangunguna ni Congressman Alfred Vargas at sa Senado ang ating napakasipag na Senadora Loren Legarda ang principal sponsor ng pagbago nitong Charter.

Ano po ang ibig sabihin ng pagbago ng Charter? Ipaliwanag natin sa mga kababayan natin. Ang Radyo ng Bayan po kasi ay isang 100% government agency, habang ang PTV ay isang Government Owned Controlled Corporation. Kaya po ang PTV ay mas mabilis ang kanyang pag-asenso dahil nga GOCC siya. So ang Radyo ng Bayan ay government agency, so napapabayaan po ang Radyo ng Bayan. So ang gagawin po ng PBC o Philippine Broadcasting Corporations ay pag-iisahin itong ahensiya para maging busy iyong broadcasting corporation. Parang ABC, Australian Broadcasting Corporation, at iyong iba pang government station sa ibang bansa.

EINJHEL: So kailan po to inaasahang mangyayari, Secretary Andanar?

DK: Kailan kaya?

SEC. ANDANAR: We are very confident na bibilisan po ng Kongreso dahil nasa kanila po ang bola.

EINJHEL: Iyong budget?

SEC. ANDANAR: Well, bukod sa budget, pagbago ng Charter.

EINJHEL: Ayon, kailangan, dumaan sa Kongreso.

SEC. ANDANAR: You have to enact the new Charter… it becomes a law and then pangalawa iyong budget.

DK: Mga makano kaya, Secretary, iyong budget na kailangan dito?

SEC. ANDANAR: Iyong hinihingi po naming sa DBM as supplemental budget for PTV or PTV-Davao or the Mindanao Broadcast Hub is mga nasa 1.2 to 1.4 billion. So iyon ay kumpleto na ho iyon, matatayo na iyong—tapos iyong hinihingi naming supplemental budget para doon sa Radyo ng Bayan naman na mabuo po ito sa Mindanao, mapa-asenso natin iyong Radyo ng Bayan Mindanao, at kasama na rin na po iyong bagong frequency na 87.5 nationwide.

EINJHEL: Nasa FM siya ha.

SEC. ANDANAR: Oo FM. Itong 87.5 ay dagdag po ito sa kasalukuyan nating FM station na 1o4.3. Kasi meron tayong 104.3 Business Radio dito sa Metro Manila. Ang gusto po nating mangyari ay madagdagan po natin, gamitin natin iyong 87.5 frequency FM, hindi lang ito Metro Manila.

EINJHEL: Nationwide.

SEC. ANDANAR: Oo.

EINJHEL: Aba parang RMN pala iyan, Secretary ano.

SEC. ANDANAR: Wherever you go, sa 7,100 island.

EINJHEL: Tama.

SEC. ANDANAR: 87.5 FM is a government-owned frequency. So, kasama po ito sa budget nung mga 80 million na hinihingi ng Radyo ng Bayan. So, we are already preparing and laying down the groundwork and foundation of PTV and Radyo ng Bayan bago pa man ito maging Peoples Broadcasting Corporation. 

EINJHEL: Secretary, dating po noong mga unang panahon po ano, noong bagong araw pa lamang po, ilang buwan pa lamang po itong si Pangulong Duterte, parang gustong niya pong mag-ano ‘di ba, iyong sa isang radio program especially po diyan po sa Davao City nang sa ganoon ay malaman iyong problema ng bawat kababayan po natin. Kumusta na po ang development dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Nabanggit ito ni Presidente na sisimulan na niya ang kaniyang “Mula sa Masa, Para sa Masa Program.” Pero kakausapin ko pa siya at aalamin ko kung kailan talaga ang plano niya na magsimula dahil nakakasa na ang RTVM, PTV at Radyo ng Bayan na simulan ito. So, antabayanan ninyo na lang iyong development at iyong plano kung kailan ito magro-roll out. Pero kami, excited na rin.

EINJHEL: Yes, we are also. Nationwide po ito, Secretary, ano?

SEC. ANDANAR: Nationwide. Tapos ito po ay ie-ere sa Channel 4, Radyo ng Bayan. Well, ie-ere din sa Facebook ‘no. Tapos sa mga private sector na gusto pong maki-hook up ay walang problema, usap lang ho tayo para at least tayong lahat ay synchronized sa mga plano natin kasi mahalaga po ang sasabihin ng ating Pangulo sa kaniyang programa.

DK: Nababanggit siyempre na maririnig iyan sa Luzon, Visayas at Mindanao, at tayo—may mga problema din kasi, Secretary, na sa mga government offices na sabihin natin, halimbawa, sa iba’t ibang tanggapan na may pagkakataon na mabagal. Mayroon bang plano iyong Presidential Communications Office para maiparating o kaya—nababanggit din dito kasi na posibleng banggitin mismo sa telebisyon at sa radyo iyong mga … sabihin na nating tiwaling mga government officials.

SEC. ANDANAR: Ayaw kong pangunahan ang ating Pangulo sa kaniyang programa. Antayin na lang natin kung ano ang magiging laman—

EINJHEL: Iyong format.

SEC. ANDANAR: Oo, iyong format. Kung papanoorin mo iyong “Gikansa Masa” sa Davao, ganoon ang format niya eh. Hindi ko lang alam kung anong gusto ni Presidente na mangyari ngayon sa bago niyang programa. I leave it to the President.

EINJHEL: Oho. Pero sa mga susunod na buwan, Secretary, siguro bago matapos po ba ang taon, maririnig na po natin kasi excited tayong lahat po dito sa programa po ng ating Pangulo?

SEC. ANDANAR: We are hopeful, Einjhel, na ito’y mangyari. Antabayanan na lang. Basta kami sa opisina, sa PCO, ay handa po kami na i-launch ito anytime, any day. Pero kakausapin ko muna si Presidente sa ilalatag namin. Ilalatag po muna at aalamin ko kung ano ang gusto niyang mangyari.

EINJHEL: Secretary, mapunta naman tayo kasi ‘di ba nag-100 days na po ang Duterte administration. Para sa kabatiran ng ating mga nakikinig, gusto nating malaman kung ano po iyong mga accomplishment ng Duterte administration in his first 100 days?

SEC. ANDANAR: Marami po. Mula sa PCO, nandiyan iyong pagpirma ng Freedom of Information Executive Order. At tapos sa dakong DENR, maraming napasara si Secretary Gina Lopez na mga iresponsableng mining firms. Pagdating po naman sa Department of Health ay malapit na pong matapos iyong drug rehabilitation center dito sa Nueva Ecija. Pagdating po sa OPPAP ay successful po iyong kanilang second round of peace talks with the CPP-NPA-NDF sa Oslo. Successful din po ang pakikipag-usap ng OPPAP sa MILF, MNLF. Pagdating po sa DTI ay maganda iyong plano at marami pong nahihikayat na mga negosyante ang DTI para mag-invest dito sa bansa natin. Pagdating din po sa Department of Finance, ang tax reform na inihain po ni Secretary Sonny Dominguez ay handang-handa na para mabigyan po ng tax breaks ang napakarami nating mga kababayan, pagdating sa real estate, pagdating sa … iyong may mga kaso po sa income tax.

Ang dami ho, ang dami ho eh. Wala lang sa harapan ko iyong—

EINJHEL: Oo. At saka iyong sa DOLE na rin, Secretary, iyong endo. Iyon iyong isang maganda, opo.

SEC. ANDANAR: Iyan naman ay pinag-uusapan pa dahil marami pong maaapektuhan po na negosyo diyan. Tapos iyong sa drugs, lalo na iyong sa drugs.

EINJHEL: Right, right, oo. Iyong giyera ng ating pamahalaan kontra sa iligal na droga napaka-effective po.

SEC. ANDANAR: Oh ‘di ba. So talagang makikita mo naman na kahit na maraming isyu po na maiingay sa nangyayari—kung maraming ingay ay makikita mo naman na ang taumbayan ay masaya sa ginagawa ng ating Pangulo. Nakikita ninyo sa SWS survey, 84 porsiyento ay naniniwala sa laban sa iligal na droga. Nasa 75, 76 percent ang naniniwala or satisfied sa trabaho ng ating Pangulo across the board.

EINJHEL: Korek.

DK: Iyan ay nangyari sa isandaang araw lamang.

SEC. ANDANAR: Oo, ngayon ang naririnig natin sa international stage, eh doon lang ho iyon. Pero dito sa bayan natin ay sinusuportahan po ng mayorya ng mga Pilipino ang ginagawa ni Presidente Digong. At marami pang iba. Iyong sa next hundreds days, asahan ninyo po ang pagpapalaganap ng mga drug rehabilitation centers sa bansa natin. At nandiyan din po ang fight against corruption na gagawin ng ating Pangulo. At iyong mga proyekto pagdating sa imprastruktura – iyong mga railways, iyong mga highways, ospital. Iyong agriculture para iyong minimithi nating rice sufficiency ay mangyari na.

EINJHEL: Sana nga po.

SEC. ANDANAR: Iyon, madami, maraming aasahan ang Pilipino.

DK: At saka kapansin-pansin, Kasamang Einjhel, noong nakaraan kasi may kinover ako sa Lungsod ng Quezon, sa DAR, Secretary, sa DAR ay may nagkilos-protesta roon. Pero ang kakaiba kasi roon ay imbes na batikos iyong ginawa nila, imbes na kutya, batikos, eh talagang nagkaisa sila at sinabi nila na tama iyong pagkakapuwesto diyan sa—

EINJHEL: Kay Secretary Mariano ‘no.

DK: Kay Secretary Mariano.

SEC. ANDANAR: Dito naman sa DAR, maganda’t nabanggit ninyo iyan. Dahil iyong sa DAR ay ipapamahagi ni Secretary Mariano ang napakaraming lupain na matagal – daan-daang ektarya, libong ektarya. Kasama diyan iyong Hacienda Luisita, kasama diyan iyong mga hacienda sa Bacolod. Madaming under Secretary Mariano na mangyayari. Kaya abangan ninyo po itong the next 100 days.

DK: Hundred days pa.

SEC. ANDANAR: Oo, makikita ninyo iyong arangkada nitong administrasyon ni Presidente Duterte.

EINJHEL: Secretary, last point na lang. Gusto kong kunin ang inyong reaksiyon kasi lumabas po sa pahayagan sa France na binansagan daw po si Pangulong Duterte bilang ‘serial killer’.

SEC. ANDANAR: Alam mo, diyaryo iyon. At siguro gawin nila, mag-distribute sila sa buong Pilipinas ng diyaryo na iyon, kung kaya nila mag-distribute—pero alam ninyo, ano iyan eh, alam nila kasi na si Presidente ay napakasikat. Kung lumabas lang iyong pangalan ni Duterte sa diyaryo, online, lahat, lahat gustong basahin.

EINJHEL: Korek, oo. Sa Japan nga po ‘di ba napaka-famous po ni Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Oo. So lahat talaga nakikisawsaw sa kasikatan ni Pangulong Duterte. Pero, of course, hindi naman natin ito … para sa akin, hindi na namin papansinin ito dahil ano naman ito, parang ang sabi din nila ay para may magbasa lang daw ng diyaryo, online mapindot lang ‘no.

EINJHEL: Gumagamit sila ng mga catchy-catchy words, Secretary, ano?

SEC. ANDANAR: Unahin muna nila iyong problema sa bansa nila.

DK: Oo nga naman.

SEC. ANDANAR: May mga terorista doon eh.

EINJHEL: So, Secretary, any parting message na lang po para sa ating mga listeners para po ng sa ganun ay lalo pa pong mahikayat ang ating mga kababayan na makinig po especially sa mga … sa PTV 4, sa mga mensahe po ng ating pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Tumututok na lang kayo dito sa bagong programa ni Eijhel at DK sa DZXL ‘no. Tayo’y magtulungan lamang para sa kinabukasan ng ating bansa dahil kailangan magtulungan-tulungan tayo para mas mabilis ang pag-asenso po ng bansa natin.

EINJHEL: Ayon. Okay, with that, Secretary, marami pong salamat sa inyong oras at panahon dito po aming programa.

SOURCE: NIB – Transcription