Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRJ – Kasangga mo ang Langit by Rey Langit
16 November 2016

LANGIT: Mr. Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Ka Rey at good morning po sa lahat ng nakikinig ng inyong programa.

LANGIT: Opo. And first is first, Secretary, gusto ko hong marinig mula sa inyo exactly kung papano po ba nagsimula itong, mukhang lumalaking tinatawag na “temperamental brats.”   Itong term na ito eh… papano po ba nagsimula po itong nabanggit doon yata sa column po ninyo?

SEC. ANDANAR:  Salamat sa tanong, Rey. Putting it in context, kasi iyong nasa paragraph kasi na kung nakasulat iyong “temperamental brats” ay ang sinabi ko lang ho doon ay parang iyong mga Amerikano sa America na hindi nila matanggap iyong pagkapanalo ni Donald Trump at nagpo-protesta  sila, at iyong ding mga hindi makatanggap sa posisyon ng Korte Suprema dito sa bansa natin ay magkaparehas. Na hindi nila matanggap iyong outcome nung desisyon ng Korte Suprema – the last bastion of our democracy and the Court of last resort – at doon sa America naman iyong kanilang electoral process. Iyong mga tao po na nagpo-protesta ay kahit papano ay na-undermine nila iyong institution, napapahina iyong institution.

So therefore, sabi ko, iyong mga taong ganoon ay “temperamental brats.” Ibig sabihin ay parang mga ano ba, parang mga… hindi mo lang makuha iyong gusto mo, magra-rally ka na kaagad. So this undermines the institution. But then again, kapag binasa mo kasi iyong buong buod nung paragraph na iyon, hindi naman sa minamaliit ko iyong pinagdaanan ng ating mga kapatid na naging biktima ng martial law. Hindi naman iyon  ang purpose ko, iyong purpose ko lang ay—ang sinasabi ko lang ay very frustrating iyong  nangyayari sa ating  lipunan na halimbawa natalo ka sa eleksyon, sabi mo dinaya ka. Tapos natalo ka doon sa kaso, eh kung itong judge na ito loko ito. Sabihin mo sa SWS survey, mababa ang survey mo, ah bayad ka sa SWS survey na iyan, nagbayad diyan iyong ka-oposisyon. Parati tayong may rason na ganoon na hindi tayo makatanggap.

But anyway, ako naman ay humingi din ng paumanhin doon sa nasaktan  ko na biktima ng martial law na hindi ko naman sila dinegrade, hindi  ko naman ibig sabihin ay  minamaliit  ko iyong kanilang pinagdaanan. I respect them. Kaya nagso-sorry ako doon sa mga nasaktan. My only expression is the expression of frustrations na nangyayari sa lipunan natin na hanggang ngayon eh, ang tagal-tagal na eh ito pa rin away pa rin in Marcos at Aquino iyong humahati ng bansa natin. Anong taon na ngayon, 2016 na, tapos napag-iwanan na tayo ng mga ibang bansa sa ating kontinente, eh ganun pa rin. So frustration lang. But then again, that’s just me, Ka Rey. Because of our freedom of expression, because we are a democracy, eh siguro naman eh kahit na Secretary ka ng kahit anong departamento ay meron ka pa ring karapatan to express your own opinion.

LANGIT: Yes. Well said, Secretary. And  despite na it was taken  out of context ay in-offer n’yo naman ang apologies rito sa naging controversial na remarks na ito, Secretary ano po?

SEC. ANDANAR: Oo. Humingi naman ako ng paumanhin. Kasi, Ka Rey, ganito lang ka-simple iyon eh. Kung ikaw naman iyong reporter, di basahin mo iyong sinulat ko sa Inquirer, tapos tanungin mo si Senator Koko, “Oh, Senator Koko eh temperamental brats daw ho kayo.” EH siyempre, sino ba naman ang hindi sasagot ng—sino ba naman ang hindi magagalit sa tanong na iyon, hindi ba? Pero kung ang tanong mo, “Senator Koko nabasa mo na ba iyong column ni Secretary Andanar na iyong column niya ganito, meron siyang nabanggit na temperamental brats?” Eh siyempre ang sasagutin ng isang tao “kailangan ko munang basahin iyong ano, iyong column.” At kung iyong tanong naman ng reporter ay kung binasa niya iyong buong paragraph eh palagay ko hindi naman ganoon ang magiging reaksyon din ng Senate President.

So alam mo sa bayan natin. Siyempre kung kukunin mo lang iyong dalawang words na iyan, eh masakit talagang pakinggan. Pero kapag binasa mo iyong buong column ko ay maiintindihan mo iyong context ng pagkasulat noon. But then again, kung merong mga nasaktan doon sa “temperamental brats,” kung iyon lang ang babasahin natin, iyong dalawang salita lang na iyon,  eh pasensiya na  po at hindi ko ho talaga intesyon na masaktan kayo.

LANGIT: Aside po rito kay Senator Pimentel eh, nakakuha rin po ba kayo ng ibang reaksyon galing kina Senator Drilon, Hontiveros, Bam Aquino, Leila De Lima, Pangilinan, Grace Poe, Joel Villanueva? Binanggit ko po ang mga iyan, dahil ito po iyong walong apparently nag-adopt doon sa resolusyon po.

SEC. ANDANAR: Wala po naman akong nakitang mga comment. Pero tayo po ay  nakatanggap ng mga negative reaction mula sa ibang grupo, ibang pulitiko tulad ni Congressman Edcel  Lagman, na naintindihan ko rin naman dahil meron siyang kapatid na naging biktima ng martial law at iyong iba pang mga lider ng iba pang mga grupo na against the Marcos burial. So naiintindihan ko sila, of course masasaktan talaga sila sa sinabi ko. Kaya nga ako humingi ng paumanhin, Ka Rey. But then again alam mo, nag decide na iyong Korte Suprema, nag-decide na rin iyong Senado. Ngayon sabi naman ni Presidente Duterte ay hindi naman siya magbabago ng isip, unless iyong korte na ang mag-order.    

LANGIT: Opo. Itong date na iyon eh… are you privy kung kailan po isasakatuparan po ang paglilibing dito sa Libingan ng mga Bayani?

SEC. ANDANAR: Wala po akong impormasyon. Ito po ay mangagaling sa Pamilya Marcos dahil unang-una, puwede naman nilang ilibing ang kanilang miyembro ng pamilya, si ex-President Ferdinand Marcos, dahil ito nga ay napagdesisyunan ng Korte Suprema na hindi naman labag sa batas at si Presidente Duterte ay binigyan na ng go signal iyong PVAO na puwede nang ilibing. So hinihintay na lamang po ang desisyon ng Pamilya Marcos kung kailan.

LANGIT: Secretary, sasamantalahin po namin ang pagkakataon ano po tutal nasa on air po tayo ngayon. Setting aside ito pong nag-apologize na ho kayo at malinaw naman po iyong naging paliwanag po ninyo on your side.

Madako po tayo rito sa pagbisita po ni personality Robin Padilla po rito sa Malacañang. Lumabas na sa mga pahayagan, sa media, ang hinggil po roon sa paggagawad po ng ating Pangulo ng absolute pardon ano po. Aside from that, alam ko ang mga nasa entertainment world ay naghihintay po kung napag-usapan din nina Robin at ng Pangulo ang hinggil po roon sa  nasa listahan po na napasama ang mga pangalan po ng ilang mga taga-showbiz na apparently mukhang ia-appeal ni Robin sa Pangulo na huwag isama sa ia-announce publicly. Iyan po ba ay napag-usapan?

SEC. ANDANAR: Hindi po ako privy doon sa pinag-usapan ni Pangulo at ni Robin Padilla. At kung anuman iyong kanilang napag-usapan doon, ako po ay nakakasiguro na ang Presidente naman natin ay patas naman siyang tao, na he believes in fairness and equality, justice. So pagdating naman sa mga nasasangkot sa iligal na droga, kung talagang ikaw ay peddler nito, wala namang excuse kay Presidente iyon.

Pero sa akin ay …  I’d like to congratulate Robin Padilla for his full pardon na binigay po sa kaniya ng Pangulo. Lahat po ng kalayaan bilang isang mamamayan ay naibalik na po sa kaniya. Ibig sabihin noon ay puwede na siyang makabiyahe, puwede na ho siyang—puwede na siyang makaboto ‘di ba, Ka Rey?

LANGIT: Opo, at puwedeng iboto rin po.

SEC. ANDANAR: Oo, lahat, lahat. So na-restore na po iyong lahat ng kaniyang freedom at kaniyang rights ‘no.  So congratulations kay Kapatid Robin Padilla.

Doon po sa drugs, alam ko kasi, Ka Rey,  wala namang ano… wala namang ini-excuse si Presidente doon. Kung talagang sabit ka, eh sabit ka talaga.

LANGIT: Okay. Pinag-uusapan ngayon ng mga kasamahan natin sa media, Secretary, ang hinggil po rito sa pag-admit ni Senator Leila De Lima na relasyon niya rito kay bodyguard/driver na si Ronnie Dayan. And una kong napakinggan ito sa Pangulong Digong noong kainitan ng isyu na binanggit niya repeatedly ang hinggil po rito sa alam niyang hinahawakan niyang ebidensiya. So ngayon ay na-confirm na. Validated na. Nag-react po ba again ang ating Pangulo hinggil dito?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa po nakakausap ang Pangulo mula noong nagkaroon po nang pag-amin ang Senadora sa isang TV show. Pero ganoon pa man, hayaan na lang ho natin ang Department of Justice kung ano ang gagawin nila at kung talagang mahahanap nila si Dayan. Kasi kahit naman sabihin na mayroong pag-amin eh kung hindi mo naman mahanap din iyong kabilang partido, parang wala rin.

LANGIT: And lastly, Secretary. Doon sa pagbisita po ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Malacañang, I understand ay marami silang napag-usapan at mukhang haping-happy itong si President Ramos nang papaalis na siya sa Malacañang. Kinailangan niyang maglambitin pa roon sa kaniyang sariling sasakyan, eh baka kako malaglag. Sa edad na ni President Ramos ay nakita iyong pagiging hyper niya. Parang nagkalimutan na doon sa mga issues na pinag-usapan lately related po sa China.

SEC. ANDANAR: Alam mo si Presidente FVR ay ganoon lang iyon eh, talagang nilalabas niya iyong kaniyang opinyon sa lahat ng bagay. At bilang elderly statesman natin ay nirerespeto natin si FVR at pinapakinggan natin at si President Duterte naman ay taong bukas po ang isipan na tumatanggap ng constructive criticism. Kaya all is well that ends well. Kahit naman okay na si FVR, kung wala siyang tampo ngayon, I know that in the future kung mayroon siyang makitang hindi tama para sa kaniya ay ilalabas niya rin iyon sa kaniyang column sa diyaryo; at ang administrasyon naman ay tumatanggap ng kritisismo, constructively.

LANGIT: Speaking of kritisismo. Alam ninyo ho nag-post po itong si Governor Imee Marcos doon sa kaniyang site, Facebook, na doon sa mga nagki-criticize sa Martial Law ang dapat daw tanungin ay itong si former General Fidel V. Ramos nung mga panahong iyon.

SEC. ANDANAR:  Ayaw ko nang pakialaman iyong ano… Marcos schisms at iyong sinasabi ni Governor. Eh kasi ako, nagsulat ako, ako’y nabakbakan sa social media kaya siguro magpapahinga muna ako sa reaction.

LANGIT: Gaano kadalas ba iyong inyong rito column sa Inquirer, Secretary?

SEC. ANDANAR: Dalawang beses po, isa Lunes at isa po ay Huwebes. Kaya abangan ninyo po iyong aking column bukas sa Philippine Daily Inquirer.

LANGIT:  Okay. Nice to hear you voice again, Secretary. Maraming salamat po sa inyo and good morning.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Rey, at mabuhay po kayo. Mabuhay ang inyong programa at DZRJ, 8TriMedia. Good morning po. Thank you.

SOURCE: NIB Transcription