Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Jimmy Gil Live
15 November 2016

JIMMY:                                 Secretary, magandang gabi po.

SEC. ANDANAR:              Ka Igme, magandang gabi at sa lahat ng nakikinig ng inyong programa. Good evening, sir.

JIMMY:                         Opo. Sir, tuloy na ba?

SEC. ANDANAR:          Ngayon po, tuloy na tuloy iyong biyahe ng Pangulo sa Peru para umatend doon sa Asia Pacific Economic Conference na gaganapin nga sa Peru on the 17th, ngayong Nobyembre, ngayong Huwebes po iyan. At pagdating po ng APEC madami pong mga activities patungkol po sa Asia Pacific economy. Nandoon po iyong mga miyembro ng APEC, pag-uusapan po nila ang kinabukasan ng APEC, ng iba’t-ibang miyembro kung ano ang maitutulong ng isa’t-isa at meron din pong face time iyong mga Pangulo sa iba’t-ibang mga successful businessmen, kasama na diyan si Mark Zuckerberg. At doon nila pag-uusapan ang kinabukasan ng APEC at ng mundo. At sa ano po… sa dulo ng conference ay magkakaroon ng isang signing of declaration na iyong napagkasunduan doon sa APEC. Kaya mahalaga ito dahil it’s the first time that the President is actually going to the other side of the world.

JIMMY:                         Ano naman ang agenda ng ating Pangulo sa pagpunta niya doon sa APEC. Ano ang kanya talagang tina-target?

SEC. ANDANAR:          Ang agenda po ng ating gobyerno ay to continue to represent the interest of our country; kung ano iyong ating mga economic activities kung papaano ito mapalago pa sa ibang mga bansa, ipaglaban ang ating interest and of course para magpakilala. Kasi ang ating Pangulo ay kakahalal lamang natin and he has to introduce himself to the other side of the world. Alam natin na umikot na po si  Presidente sa ASEAN, o bagama’t hindi pa po tapos iyong  pag-ikot pero ngayon naman doon sa Peru makikilala niya iyong iba pang mga lider ng mundo at posible na magkaroon ng mga pull aside meetings ang Pangulo with the other world leaders.

JIMMY:                         Magkakaroon ba ng pagkakataon na mag-usap sila ng kanyang best friend, si Presidente Obama?

SEC. ANDANAR:          Si Barack Obama. Well, hindi iyon ang talagang priority, ang pakay. Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kung magkakaroon ng pull aside o hindi, whether mag-usap o hindi, ang mahalaga doon ay puwede rin magpakilala ang Pangulo at maipakikilala niya iyong kanyang sarili sa iba pang mga lider doon sa APEC.  

JIMMY:                         How about kay Vladimir Putin ng Russia.  Meron ba, naka-set o hindi?

SEC. ANDANAR:          Wala pa sa schedule, pero we will find out once we get there. Alam mo naman, Ka Igme, sa mga ganoong klaseng conferences ay merong mga pull aside iyon eh. Kapag nagkita yung iba eh, biglang mag-uusap iyong mga iyon, tatabi sa isang sulok at mag-uusap doon – iyon ang pull aside. Minsan sasabihin nun mag-usap nga tayo sa isang kuwarto. So, we will see kung ano iyong mga mangyayari doon sa APEC. Pero what is really good is that the President will now be physically exposed to the other side of the world, in Peru at makilala niya na ng personal iyong iba pang world leaders sa Peru.

JIMMY:                         Ang main concern kasi natin is the economy at itong lumalalang sitwasyon ng terorismo. Will the terrorism subject be taken up?

SEC. ANDANAR:          I am not—ang nakalagay kasi doon sa schedule ay puro economic meetings. Kung pag-uusapan ang transnational crime, terrorism, we have yet to see… maybe it’s possible sa mga pull aside na meeting. Pero doon mismo sa conference… we will see, pero wala doon sa schedule, Ka Igme. Wala doon. Tapos ang—iyon nga eh, nung tumatawag ka ay kasama ko iyong mga former Press Secretary tulad nila Hector Villanueva, Sonny Coloma, nandoon din si Adolf Azcuna, si Cris Icban at si Mike Toledo at Kit Tatad, meron kaming reunion. So nagpatawag ako ng reunion bilang galang na rin sa mga former Press Secretary at pag-aalala din sa mga yumaong Press Secretary.

JIMMY:                         Eh ano ang pinakamainit na tsismis na napag-usapan n’yo naman?

SEC. ANDANAR:          Iyong pinakamainit na tsismis ay ang banat ng ating kasamahang si Kit Tatad sa aming lahat. Pero alam mo maganda, kasi katuwaan lang. We are able to share the experiences, experience nung panahon ni Hector at nung panahon ni FVR, tapos iyong kay Kit Tatad kay Marcos, si Bunye nung panahon ni Arroyo, Sec. Coloma kay Aquino. Actually—

JIMMY:                         Para kang may personal history book niyan?

SEC. ANDANAR:              Maganda at sana makasama ka next time, gagawain natin ito ulit, oo. Kailangan hindi siya Monday, kailangan Sabado para makasama ka.

JIMMY:                         Anyway, hanggang kailan nga pala ang Pangulo sa Peru?

SEC. ANDANAR:          Ang schedule ng biyahe ay 17 to 24. So, ang Peru kung hindi ako nagkakamali sa 19 magsisimula 19, 20. Pero teka muna 20, 21, tapos 22  pabiyahe na pabalik, papunta na nung New Zealand. Tapos may stop over sa New Zealand. Tapos babalik dito 21. Kasi two days lang naman talaga iyong buong… yung talagang Leader’s Summit. Although mahaba iyong APEC, hindi ba merong mga Minister’s Summit. Pero iyong talagang mga lider, mga Presidente, Prime Minister ay dalawang araw lang na magkasama lahat.

JIMMY:                         Iyon bang sa New Zealand, ano iyon, official visit o hindi?

SEC. ADNANAR:          Stop over lang iyon, Ka Igme. Kasi ang haba ng biyahe, well I think 24 to 25 hours iyong biyahe, iyong total.

JIMMY:                         Anyway, Secretary Andanar. Salamat po sa panahong ibinigay ninyo sa amin.

SEC. ANDANAR:          Ka Igme, mabuhay ka at congratulations sa bago mong—bagong silang na bunso. Congratulations po at regards sa lahat ng mga taga-DZBB.

JIMMY:                         Salamat po.

SOURCE: NIB Transcription