Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque By Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)

Event Radio Interview

 

TULFO: Secretary Roque, magandang umaga po, sir.

SEC. ROQUE: Erwin, magandang umaga sa iyong mga tagapakinig. Magandang umaga po!

TULFO: Bilisan ko lang po, alam kung bising-busy kayo. Mamaya may mga press briefing na naman kayo.

SEC. ROQUE: Hindi, Erwin, nandito ako ngayon sa Senado at dinidinig iyong fake news bill ni Senator Poe. Ako naman ay nandito para sabihin na gusto nilang parusahan si Mocha Uson, ayaw nilang parusahan si Maria Ressa. Saan ka naman nakakita na kapag ang fake news ay taga-gobyerno, paparusahan nila; kapag fake news ay Rappler at Inquirer, hindi napaparusahan. Ay naku, kamuntik na akong magmura. Pero nandito po ako ngayon para ipahiwatig ang ating sentimyento bagama’t medyo mahirap po ang posisyon ko dahil ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na ang Presidential Spokesperson ay magbibigay ng kaniyang opinyon sa Senado.

Ewan ko ba kung tama itong ginagawa ko pero hindi ko po masisikmura na ipkukulong nila si Mocha Uson samantalang hindi nila ipakukulong si Maria Ressa.

TULFO: Alam mo, Sec., kilala naman kayo ng taumbayan, ever since, baka nga hindi pa nga kayo congressman noon, hindi pa kayo diyan ay talagang very vocal na ho kayo. Noong abugado pa lamang ho kayo, mga defense lawyer ho kayo, so kilala na ho kayo ng sambayanan na talagang ganyan ho ang ugali ninyo. You speak out what you have in mind or kung ano iyong saloobin kaya hindi kayo puwedeng pigilin diyan na porke kayo ay Presidential Spokesperson na. Pero I agree with you. Ganoon ho ba ang pinapalabas nila diyan, na si Mocha Uson ay paparusahan pero si Rappler hindi. Eh unfair naman ho!

SEC. ROQUE: Hindi po talaga tama iyon. Anyway, iyong desisyon po na bumitaw sa International Criminal Court ay dahil po nilabag po ng prosecutor ang ating consent, iyong ating pagpayag na maging miyembro ng ICC noong… hindi niya sinunod iyong tinatawag na complementarity principle na hindi gagana ang korte kapag bukas naman ang mga lokal na mga hukuman. Kasi po ang ating local na hukuman, hindi po dapat sila nag-exercise ng kahit anong …

TULFO: One question na-raise kahapon, sir, when the President announced nga that we are withdrawing from being a member of the ICC. Sir, may nagku-kuwestiyon na can the President do that without even consulting Congress or approval of the Congress or Senate?

SEC. ROQUE: Nandito na po ako sa Senado—

TULFO: Sige po, okay. All right po. Salamat po. Salamat po. Si Secretary Harry Roque

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource