Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

Event Radio Interview

MERCADO: Unahin natin itong State Department report for the year 2017. Ano po ba ang reaksiyon po ninyo rito sa report na ito?

SEC. ROQUE: Hindi naman po kami nababahala diyan dahil alam naman natin ang samahan ng Presidenteng Duterte at Presidenteng Trump, malapit po ang kanilang samahan. Ang pulitika po nila ay hindi naman nagkakalayo ngayon. At sa tingin ko, hindi prayoridad naman ni President Trump iyong sinasabi ng State Department report. So sa amin, nandiyan iyan, hayaan mo iyan. Pero I doubt kung si President Trump talaga ay ipatutupad iyan.

MERCADO:  Eh tinanggal niya nga iyong last of Secretary of State niya eh. [laughs]

SEC. ROQUE: So iyon nga po ang aming pananaw diyan. So hayaan lang natin nariyan iyan, iba naman pa ata ang dynamics ng Department of State at ni President Trump.

MERCADO: Pero mayroon siyang statement noong araw, sabi niya, Duterte is doing an unbelievable job on the drug problem.

SEC. ROQUE: Tama po ‘no. Kasi mas importante kay Presidente Duterte iyong naging deklarasyon ni President Trump noong siya ay bumisita dito sa Pilipinas, noong ASEAN, na hinahangaan niya ang lahat ng ginagawa ng Pangulo, lalung-lalo na, kasama na rin diyan iyong giyera laban sa droga.

So parang taliwas itong State Department report doon sa sinabi ni President Trump, at mas tinatanggap ni Presidente Duterte iyong naging salita ni President Trump.

MERCADO: Okay, pag-usapan naman natin itong peace talks sa CPP-NPA, Secretary Harry Roque. Ano ba itong 60-day timeframe na ibinibigay ng Pangulo sa mga parties na mag-uusap?

SEC. ROQUE: Opo, eh hindi naman pupuwedeng walang katapusan ang usaping pangkapayapaan. Taon na rin ang inabot niyan ‘no, noong umupo si Presidente; taon na rin ang umabot bago naman itinigil ni Presidente iyan dahil doon sa walang tigil na pag-aatake ng CPP-NPA sa kasundaluhan at mga sibilyan

So, ito last chance na binigay ni Presidente. Ang pagkakaintindi ko, ang pag-uusapan naman daw ay iyong mga root causes daw ng rebelyon. Eh kung ganoon naman ang pag-uusapan, wala naman dapat sa pagkakaiba ng pananaw, na importante ang pag-unlad, importante na mapakain ang taumbayan. At iyon lang pagkakasunduan, na hindi na kinakailangan humigit ng 60 days ang usapin na ito.

MERCADO: Mayroon siya yatang nabanggit tungkol sa posibilidad na kung gustong umuwi ni Chairman Joma Sison.

SEC. ROQUE: Totoo po iyan. Kung gusto niyang umuwi at gusto niyang sumapi dito sa pag-uusap ay hahayaan niyang umuwi iyan ‘no, gagarantiyahan niya ang kaniyang seguridad. Pero matapos siyempre ang usaping kapayapaan – kung walang mangyari – ay aalis siya uli sa Pilipinas ‘no.

MERCADO: Pero itong continuation ng ano is still under the, you know, with the participation of Norway, ganoon ba iyon?

SEC. ROQUE: Hindi na po siguro kasi dito na sa Pilipinas eh. So dito na po siguro iyan, so wala ng third party involved.

MERCADO: With this deadline, 60 days, parang ang impresyon, my impression is that parang last chance na ito? How do you frame it from your end?

SEC. ROQUE: Eh talagang last chance na po ito. Narinig naman natin iyong sinabi ni Mayor Inday Sara tungkol dito sa peace talks na malapit din sa damdamin ni Presidente. Pero bilang isang Presidente, nangako siya sa isang legacy ng kapayapaan bagama’t alam na niya na talagang hindi naman talaga dapat pagkatiwalaan nang todo ang NPA. Siguro huling pagkakataon nang maisara na talaga iyong pinto ng pag-uusap ng kapayapaan kung talagang hindi pupuwede. Pero ito na po iyong huling pagkakataon na sa tingin ko ang CPP-NPA ay alam din iyon.

So wala na dapat paliguy-ligoy pa, 60 days lang. Kung hindi talaga magkakaroon ng kasunduan diyan, eh tatapusin na.

MERCADO: So mayroon bang mga preconditions ito or wala ng mga preconditions?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Iyon pong pagtigil ng pag-atake, pagtigil ng pagkulekta ng revolutionary tax, iyon po ay mga preconditions na hiningi ni Presidente.

MERCADO: How do you feel about? How does the President feel about it, parang the last roll of the dice? Kapag pinag-isipan natin, mayroong pagbabago. Ipagpalagay natin, iyong pagmimiting ni President Trump and Kim Jong-un, iyon bang nagkaroon ng pag-asa. Ganoon din po ba ang tingin ng Malacañang dito sa isyung ito?

SEC. ROQUE: Well, basta ang Presidente po hindi masisisi kung matapos itong pagkakataon na ito ay wala pa ring nangyari ‘no dahil talagang siya lang talaga ang Presidenteng nagbigay ng ganitong prayoridad sa pagkakaroon ng matagalan at makatarungang kapayapaan. At comprehensive naman ang gusto ng Presidente ‘no, sa panig ng komunista at sa panig ng mga Muslim.

MERCADO: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you very much for answering.

SEC. ROQUE: Salamat po at magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB(News and Information Bureau)

Resource