Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon and DJ Cha-Cha (DZMM – Failon Ngayon)

TED: Good morning po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga. Kahit kelan po puwedeng maging ninong.

TED: Sec, ninong sa kasal namin ha, ito iyon ha.

Anyway, Sec, ito lang po. Marami ho ang mga nagtatanong lalo na ho doon sa mga may pending na kumukuha po ng… iyong sa mga marino, iyong kanilang libro ‘no, iyong kung tawagin ay Mariner’s Book ano ho. Kailan daw ho mag-a-appoint ng OIC sa MARINA?

SEC. ROQUE: Well, palagi naman po meron iyan eh, maski wala pong tinatalaga, iyong Deputy ay automatic iyan na nagiging OIC. So wala pong vacuum kahit kailan sa gobyerno dahil meron pong pangalawang pinakamataas na opisyales na talagang nagte-take over hanggang magtalaga ang Presidente.

TED: I see. So meaning, dapat iyong Deputy Administrator ngayon.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Siya po automatically becomes OIC.

TED: Opo, pero wala pa pong aplikante, Sec?

SEC. ROQUE: Well, siguro po nanawagan tayo lalung-lalo na doon sa mga asosasyon ng mga seaman, kayo na po ang mag-nominate. Dahil iyan namang MARINA ay para sa inyo ‘no, hindi po para sa mga barko. So kayo na po ang magsabi kay Presidente kung sino ang tingin ninyo na karapat-dapat na umupo diyan sa MARINA.

TED: Opo, opo, Seaman’s Book pala ang tawag doon. Okay.

So Sec iyon pong sa police kailan po daw ia-announce, iyong mga binabanggit po na tatanggalin po sa hanay ng pulisya?

SEC. ROQUE: Malapit na po iyan, kasi dalawang beses na po sa akin nabanggit iyan ‘no. So ang huling banggit po sa akin nung a-trenta ng Disyembre eh talagang halos patapos na iyong pormal na imbestigasyon ‘no at ilalabas na po talaga iyong listahan na iyan. Kaya naman ang sinabi ko kahapon sa aking regular press briefing, siguro po hindi pa matapos ng Enero at lalabas iyong listahan na iyan.

TED: Sige po, Enero po ng 2018 ha.

SEC. ROQUE: Opo, 2018 po.

TED: Sec. Harry kailan po ang balik po ng ating Pangulo sa Maynila.

SEC. ROQUE: May schedule na po ang Pangulo na isang Cabinet meeting sa Lunes. Pero maski nandito naman po kami sa Davao, nandito po ako ngayon sa Davao, patuloy naman po ang Presidente. Dahil alam n’yo po, nirenovate iyong tinatawag na Paancañang ‘no.

Ang sabi ko nga, nung nakita ko kung gaano kaganda iyong Panacañang, naku hindi na kinakailangang pumunta ng Malacañang ang Presidente. Dahil talaga namang lahat po ng facility na meron sa Malacañang ay meron na rin dito sa tinatawag na Paancañang.

So, tuloy-tuloy naman po ang pagtrabaho ni Presidente. Itong nakalipas na lingo po ay tumanggap siya ng Indonesian Foreign Minister dito sa Panacañang at nagkaroon siya ng parang komperensiya sa PNP para paigtingin pa iyong 911, hindi lang dito sa Davao kung hindi sa buong Pilipinas po.

TED: Opo. Kelan po ang next foreign travel ni Presidente ho sa India?

SEC. ROQUE: Sa India po, dahil meron pong Asean-India Summit. Pero kung hindi po ako nagkakamali, ito ay parang 24, 25.

TED: Nang Enero.

SEC. ROQUE: Enero po.

TED: Sige po. Sec. Harry thank you for your time, sir. And you know, please bring home the durian.

Q: Secretary, future ninong, pasabi na rin kay President ha, na kukunin din namin siya ano po.

SEC. ROQUE: Aba talagang sa akin okay iyan kasi magiging kumpare ko iyong aking amo.

TED: Salamat po Sec. Harry. Have a good weekend sir.
###

Resource