Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)

Event Radio Interview

ERWIN TULFO: ….(recording starts). Roque sir.

SEC. ROQUE: Magandang hapon, Erwin at magandang hapon sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon.

ERWIN: Yes, sir… hingiin ko lang ang reaksiyon ninyo sa—medyo kung—mukhang kanina nakita ko malamig pa ang ulo ninyo, painitin ko lang ng kaunti.

Ano ho ang reaksiyon ninyo, sabi ni Vice President Leni Robredo kahapon na sabi niya nababalot daw ng kadiliman ang ating bansa. Ika nga, iyong sinasabi ni Leni Robredo na parang—iyong ating bansa ngayon daw ay shrouded in darkness ika nga, sir?

SEC. ROQUE: Well Erwin mukhang nakasuot siya ng napaka-madilim na sunglasses, siguro tanggalin niya niya yung shades, kasi wala pong kadiliman ngayon.

Unang una, napakataas po at napakabilis ng paglago ng ating ekonomiya, isa tayo sa pinakamalakas sa buong mundo, halos 7 percent po iyan. Pangalawa, all time high po ang approval rating ni Presidente… since 28 years. Pangatlo, trust rating po ni Presidente all-time high. Pang-apat, 96 percent ng optimism level ng ating mga kababayan na bubuti ang kanilang 2018. Siyempre nandidiyan pa po iyong ulat sa isang survey, third happiest nation in the world ang Pilipinas.

So kung hindi po siya nakasuot lang ng napakadilim na shades, makikita niya po, puro liwanag ang ating lipunan ngayon.

ERWIN: Alright. Kasi raw po ay dagdag niya pa —well actually nagtalumpati siya doon sa harap ng mga kasamahan niyang mga Liberal, nananawagan siya ng pakiki—hindi naman actually pakikibaka. Sinasabi niya in the end, ‘What is right always wins; but what is right will only prevail if you don’t stop fighting for it.’ Iyon ho ang sinasabi, parang ang sinasabi, parang aping api sila, Secretary?

SEC. ROQUE: Naku ano lang po iyan, reklamo ng mga minsan makapangyarihan na pumalpak sa paninindigan sa taong bayan at atat na atat, nagmamadali. Hintay po kayo ng 2022.

ERWIN: Sir isa pang katanungan kasi mayroon hong bumulong sa akin over the weekend ang sabi, ‘Pansinin mo Erwin ha, parang nilalayo ng grupo na ito ng Liberal, nagpapaputok sila ngayon ng isyu against Special Assistant to the President Christopher Bong Go na nangialam dito sa frigate deal. Parang… ang sabi niya pansinin mo, hindi kaya ito ay spin off or ito ay cover up para doon sa mas malaking isyu, iyong sa Dengvaxia na ang nasasauli lamang, ang kayang isauli ng Sanofi Pasteur ay 1.4 eh 3.6 po iyong bili, iyong 2.2 sabi ng Safoni Pasteur, hindi na namin maibabalik iyan dahil naibigay na namin iyan na parang lagay iyan o naibigay niya—naibigay nila, suhol sa mga dating opisyal. Anong basa mo dito, Sec.?

SEC. ROQUE: Well alam mo po, Erwin, sa kauna-unahang pagkakataon bigyan kita ng exclusive—

ERWIN: Sige po.

SEC. ROQUE: Mayroon kasing—consultant ako nung ako ay nasa Kongreso pa at may public relations practitioner. Sinabihan ako na mayroon daw major destab effort na magsisimula daw sa isang mistah sa opisina. So wala namang leak na nangyari pero iyong tanong ni Pia Ranada tungkol dito sa frigate nagsimula talaga diyan sa aking (unclear). So sa tingin ko ito na iyong destab na sinasabi nila at ang sa akin naman  mag-ingat sila kasi unang una napakadali namang depensahan iyang ginawa ni (unclear). Lahat ng reklamo na tinatanggap ng mga opisina dito sa Malacañang iniimbestigahan at nire-refer sa mga line agency, ganiyan din po ang ginagawa ko dahil nga po pinapadaan dito sa akin. Kapag hindi mo po ginawa ho iyon, iyon na iyong violation ng Salonga Law. Dahil kinakailangan umaksiyon ka at sumagot ka doon sa mga liham na nakakarating. Pero hayaan ninyo po, si Presidente kasi ang talagang paninindigan, hindi kailangan mamulitika dahil wala namang eleksiyon.

ERWIN: Correct.

SEC. ROQUE: Pero ngayon po dahil sila naman po ang bumabato, ibabalik na po natin sa kanila lahat iyan mula po doon sa SAF44, papunta po doon sa Dengvaxia, papunta po doon sa livelihood scam, papunta po doon sa kapalpakan sa MRT. Sige po, pagalitan na ako ni Presidente pero ako po ilalantad ko na iyan at talagang ipe-pressure natin ang mga Ombudsman at talagang kasuhan na sila.

Tayo po ay focused sana sa governance, moving on, pero kung talagang wala pong tigil itong ganito, tayo po ay walang itinatago sa gobyerno. Bago pa lang si Presidente ang dami niya ginawa. Alam ng tao na ginagampanan ni Presidente ang kaniyang trabaho. Pero ngayon po siguro pananagutan na iyang mga Janette Lim-Napoles, iyang mga dinadamay ng mga galing sa Liberal dapat iyan isiwalat na at simulan na ang proseso ng paghahain ng kaso sa kanila. Pananagutan na, ipagpaumanhin na po ni Presidente na sinasabi niyang walang eleksiyon. Hindi po ito pulitika, ito po ay pananagutan na. At tinatanggap po natin ang hamon ng mga Liberal—

ERWIN: Alright.

SEC. ROQUE: Katotohanan ang ating ibabato sa kanila kapalit ng mga guni-guni nila at makapaningil dahil nga may mga balakid sa kanilang mga paningin.

ERWIN: Very well said, Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson, magandang hapon po. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE: Magandang hapon po at mabuhay po.

 

 ###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource