Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY:  Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR:  Hello good morning Ka Orly at good morning po sa lahat ng nakikinig ng inyong programa sa Radyo Singko.

ORLY:  Okay. Mukhang masaya kayo ngayon, dahil sa itong latest ng SWS, it‘s taken the last quarter of 2017. Ang interesting dito, it has been… it is a record high in terms of approval rating?

SEC. ANDANAR:  Opo. Tayo po ay nagagalak sa mataas na rating ng ating Pangulo. In fact, it maybe a record high. Ibig sabihin po nito ay ramdam po ng mga kababayan natin ang mga ginagawa po, mga bagong polisiya ng ating Pangulo na nakatutok po sa ating mamamayan.

Now, para po sa amin ay ito ay magsisilbing isang inspirasyon sa Gabinete at sa buong gobyerno na ituloy lang iyong mga reporma na ginagawa ng ating Pangulo at magtrabaho pa para mas lalo pang tumaas itong 70 na net satisfaction rating.

ORLY:  Sa tingin mo, Martin, ang kanyang pinakamagandang appeal, ang pinakamabigat na appeal. What makes him tick, hindi naman siya nawawalan ng ano… meron at merong tumutuligsa sa kanya hindi ba. Marami pa ring bumabanat, pero parang mukhang hindi matinag. Ano ang sa tingin mong dahilan?

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko kasi, Ka Orly, yoong sinasabi ng ating Pangulo at iyong naide-deliver niya. Kung ano po iyong sinasabi ng ating Pangulo naide-deliver niya. For  example, Ka Orly, noong kampanya ay nangako po ang ating Pangulo na tulungan ang mga OFW at bigyan po sila ng sarili nilang bangko. Kahapon po ay inilunsad ng ating Pangulo kasama po kami ang Overseas Filipino Bank. So ngayon po ang ating mga OFW ay meron ng sariling bangko. Ano po ang ibig sabihin nito, iyong mga konsulado po, iyong mga consular offices sa ibang bansa ay lalagayan po ng branches nitong Filipino Overseas Bank at bukod po diyan ay mas madali na pong mag-deposit, mas madaling mag-withdraw, mangutang at iyong rate po para sa ating mga OFW ay mas mababa. Bukod po diyan, sa pagkakataon na ibibigay sa ating OFW na bumili po ng share of stocks sa bangko.

ORLY:  So ito mabilis. In other words iyong kanyang response, tinutupad iyong mga pangako. Pero my impression din is that people like strong leaders, hindi ba ganoon. Lalo na sa rehiyong ito, sa South East Asia, pag nakikita mo iyong mga popular na mga lider, iyong mga lider na matatapang, merong desisyon at saka may follow through, hindi ba parang ganoon?

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, Ka Orly. At matagal na  pong problema sa ating bansa iyong weak  rule of law at ang ating Pangulo ang nagbigay ng solusyon, pinalakas niya po ang ating batas at sa mga Pilipino talaga, they really want order, order ang gusto nila.

Ang problema lang ay sa mga nakaraang administrasyon, ito po ay hindi talaga nabibigyan ng pansin at si Presidente lamang ang nakapagbigay ng order sa bansa natin.

Matagal na pong debate iyan. Ang sinasabi ng mga kababayan natin sa mga sari-sari store, sa kuwentuhan, sa pulong-pulong, sa mga inuman –‘Bakit sa Subic sumusunod sa batas ang mga Pilipino; o bakit sa Davao sumusunod? Pagdating sa ibang lugar ay hindi sumusunod.’Ngayon po ay sumusunod na po.

ORLY:  Pag-nirebisa rin natin iyong mga nagsusulat tungkol sa political theory, si Machiavelli, talagang pag inisip mo iyong debate sa isang lider, mas magaling ba iyong mahal ka o iyong kinatatakutan ka. Is a leader should be feared or loved? Iyang debateng iyan, matagal nang pinag-uusapan sa pag-aaral ng pulitika. Pero lagi na lang nauuwi iyan sa mas maganda iyong kinakatatakutan ka. Hindi kinamumuhian ano; iyong may takot talaga at gagawin kung ano ang dapat gawin, hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, Ka Orly. Idadag po natin iyong debate kung ano bang mas mahalaga – iyong the common good of all or the good of just a few. And of course si Presidente ay sa kanya lamang po ay pantay-pantay ang pagtingin ng batas sa mga Filipino. Mahirap ka man o mayaman, ikaw ba ay may-ari ng malaking kumpanya o maliit na sa sari-sari store ay wala pong excuse, dapat sumunod po tayo sa ating batas.

ORLY:  Maraming salamat, Secretary Martin. Thank you very much for answering our call.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po Ka Orly, Mabuhay po kayo. Thank you po.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (NEWS AND INFORMATION BUREAU)

Resource