INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB/ Balita at Panayam by Alan Allanigue
31 March 2016
 
ALAN: Sec., ang Pangulong Noy ay nagbigay po reiteration nang mahalagang papel na ginagampanan ng mass media, lalo’t higit po pagdating sa truthful reporting, Secretary Coloma, sir?

SEC. COLOMA: Ang batayang prinsipyo na binanggit ng Pangulo ay iyong pagiging mapagkakatiwalaan ng mga kagawad ng mass media. Sabi niya, marami sa mga mamamayan sa buong daigdig ang naniniwala at nagbabatay ng kanilang mga aksyon sa mga iniulat sa mga pahayagan at iba’t-ibang channels of media, including social media — iyong mga online news outlet.

Kaya sabi niya mahalaga na sa lahat ng pagkakataon tumalima ang mga media practitioners sa katotohanan at sa pag-uulat ng naayon sa mga datos at sa mga actual na kaganapan para higit pang mapagtibay iyong pagtitiwala ng mga mamamayan.

ALAN: Opo. At of course, sa ibang usapin naman ano ho. Meron pong nilagdaan na batas ang Pangulo, inaprubahan po niya itong exemption sa Value Added Tax para sa ating mga kababayang mga persons with disabilities, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Ito ay tugon doon sa kahilingan ng ating mga mambabatas na kailangang magtakda tayo ng pambansang patakaran na nagbibigay ng higit pang pagkalinga sa mga mamamayan na may kapansanan o persons with disabilities; at kasama rin ito doon sa konsepto na inclusive growth. Kasi nga iyong ating mga kapatid na may kapansanan, marami silang hindi nagagawa na nagagawa ng mga walang kapansanan. Dapat lang ay bigyan natin sila ng dagdag na pagkalinga para naman mas maging produktibo ang kanilang mga kontribusyon sa ating lipunan.

ALAN: At kahapon po, Secretary Coloma, sir, isa rin sa mga nabanggit ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa open forum nung Public Asia 2016 Conference, nakikita siyang merong mga untapped na mga potentials sa aspeto po ng kalakalan or trade sa pagitan ng Pilipinas at ng India, at layuning i-explore ito pong sektor na ito, Sec. Sonny, sir.

SEC. COLOMA: Ang batayan nung tanong ng isang mamamahayag o publisher mula sa India ay iyong aspeto ng pakikipag-ugnayan ng buong ASEAN sa iba’t-ibang bansa, katulad na rin ng India na kasama rin naman sa taunang pulong ng ASEAN — kabilang sila sa mga dialogue partners ng ASEAN at kinikilala nila iyong malaking oportunidad sa pakikipagkalakalan, pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang ekonomiya ng ASEAN. Kaya’t sila ay nais na magpalawak at magpalalim ng ating ugnayang pang-ekonomiya. At ito naman ay matutugunan din nung konsepto ng ASEAN Free Trade na pinapairal na rin na magpapalawig pa doon sa konsepto One ASEAN Economic Community.

ALAN: Ayon. Okay. Sec, baka may nais pa rin ho kayong mga updates na ipapahayag sa ating mga taga-subaybay nationwide, please go ahead po, Secretary Coloma, sir.

SEC. COLOMA: Kahapon din ay ginamit ni Pangulong Aquino ang pagkakataon para ilatag iyong batayang prinsipyo na kinakailangang matugunan iyong mga hamon sa South China Sea sa isang mapayapang paraan. Dahil iyong digmaan at iyong pagtutunggalian ay hindi magdudulot ng kabutihan sa lahat. Na sabi nga niya, wala namang bansang makikinabang kapag sumiklab ang digmaan at mas mainam para sa pag-unlad at pag-asenso ng ekonomiya yung magkaroon ng maayos at tahimik na pakiki-ugnayan ng lahat ng mga bansa.

ALAN: Well Secretary, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan.

SOURCE: NIB-Transcription