March 19, 2017 – Speech of the President Rodrigo Roa Duterte during his meeting with the Filipino Community in the Republic Union of Myanmar
Speech of the President Rodrigo Roa Duterte during his meeting with the Filipino Community in the Republic Union of Myanmar |
Grand Ballroom 1, Tharaphi Villa 2, Horizon Lake View Hotel, Nay Pyi Taw, Myanmar |
19 March 2017 |
Thank you. Kindly sit down.
Let me just read the acknowledgments. Present here with me, with you this evening: the Acting Secretary Enrique Manalo, si Secretary Emmanuel Piñol, he was the former governor of and mayor of M’lang, governor of North Cotabato. I got him as the Agriculture Secretary because really he’s a farm boy. Alam niya ang arithmetics sa farming and he’s doing great. I’m sure that within the next few months, bumubunga na ‘yung ginagawa niya and I have full trust in him. I am sure that he will improve the agricultural sector of our country. Si Secretary Delfin Lorenzana, he’s of Ilocano ancestry but he grew up in Cotabato City. I first met him nung mayor pa ako, he was the commander of the 2nd Ranger battalion na dinala sa Davao. Doon ko siya… many many years ago. Maganda pa ‘yung buhok niya. Ngayon… Totoo [laughter]. I’m not trying to be funny but talaga pati ako, ang dali… over a period of just a few years, ako may balding ako dito sa talimpuyo ko [laughter]. Then we have Secretary Ramon Lopez, he’s very well known sa business circle. [applause] Dito kayo babawi sa M. E., sa mga, ‘yung mga small and medium industries. Expert siya dito. ‘Yung Go Negosyo ni Joey Concepcion, dalawa ‘yan silang dalawa. Private sector. At kinuha ko siya and kung gagamitin lang ng Pilipino ang pera na pinaghati-hati nating lahat and with the coming aid of, coming from China and Japan, we would be improving our lot in the next 2 or 3 years. May makita na po kayo. [applause] Then we have Secretary Ruperto Martin Andanar [applause], and we have Secretary Hermogenes Esperon, Jr., National Security Adviser ko. [applause] And we have of course Senator Vicente Sotto, Tito Sotto [applause and cheers]. Eat Bulaga hanggang ngayon. [laughter] The long… I think it’s the longest noontime show sa buong Pilipinas, in the world. [ilan?] 38 years. [applause] Just making the Filipino happy. And still pinaka matagal rin na senador, one of the longest and I’m sure that tumatanda na kami, he has a son I think, tatakbo ng konsehal sa is it? Vice mayor sa Quezon City ngayong kuan kasing husay rin ng tatay niya. Nagpapaligaya at nagtatrabaho sa bayan natin. Si Senator Alan Peter Cayetano with the wife, Lani. [applause] Lani, si Mrs. Cayetano is the mayor of Taguig. [applause] Dala-dala ko po nandidito si Director General Isidro Lapeña sa PDEA [applause] at ‘yung Secretary Salvador Panelo, ang Presidential… siya lang ang naiba kulay [laughter]. Ang ganda ng ano niya. ‘Yung kasama ko si Ramon, si Mr. Henry Lim, [applause] si Ms. Tolentino, ang Socials Secretary ko, at patawarin na po ninyo ako kung, if I cannot mention everybody. Now, nung kampanya po, para… mabuti’t, salamat na lang at dumating rin kayo para maintindihan ninyo ang bayan natin at ano ang ginagawa ko pati ‘yung kasama kong mga Kabinete. When I ran for obvious reason is actually because nobody was talking about Mindanao and I was really worried na pag hindi ito na-address, nobody’s doing anything about, puro lang infrastructure, ganun, blah, blah, blah, blah, blah, blah. The usual. Naku, sabi ko, patay ito. Delikado. But what I really promised first was there will be a stop sa graft and corruption at maasahan po ninyo. There will never be graft and corruption in my government. Hindi talaga ako papayag. [applause] Kasi magkahiyaan tayo nito because I promised the people. And when I promise something, kung ano ang sinasabi ko sa publiko, talagang ginagawa ko. Mayor pa ako noon. Pag sinabi kong ganon, ganon talaga. Magkahiyaan na tayo o magkal****-l**** ang buhay ko, but pag nagbitaw ako ng salita, ‘yung mga taga-Davao alam nila ‘yan. And I’m just a[n] ordinary mayor of a small city in Mindanao, nasa Mindanao pa but kung kayong nakapunta ng Davao, if you’ve been to Davao, you would understand what I’m saying. Davao is enjoying at a fast rate of development. And would you imagine, it’s enjoying a growth rate of 9 [percent] economic growth, which is the first time na nakakuha ng ganoon ka. And Davao is really making good. Except for ‘yung terrorism na talagang iko-control natin by hook or by crook dito. But anyway, ang… I fired so many. Marami na po. ‘Yung LTO pati [LTRFB], which is really the prone agencies sa corruption, I have asked about 92 officials to resign. Sabi ko huwag na lang tayong magkaso-kaso, huwag na lang tayong magsigawan, mag- b*** s*** – b*** s*** diyan. You resign because kung hindi, I’ll be forced to file cases against you. And marami pa hong iba. And of recently, even a guy who was with me since 1988, during the campaign when I ran for the first time as mayor, talagang sinabi ko, you leave the government. He was just an appointee for about how many months? Hindi nga umabot ng lima eh. Kaya ang warning ko talaga, of course, itong nandito sa stage wala ito, mga bilyonaryo ito. Sinabi ko na the first whiff, the first whiff of corruption. Pagka medyo may nagsingaw, let’s go separate ways para walang, wala nang duda-duda ang mga tao and I’m committed to really do that. Ngayon, kung mauwi kayo sa Pilipinas, wala na ‘yang bukas-bukas sa mga maleta ninyo, bagahe. I do not, [applause] I have prohibited it. Tsaka the only thing that is lacking, needing, what needs to be done is for the Filipino to be assertive. Do not fall into the trap of the, ‘yung mga corrupt. If you are doing it right all the way, then kung may maghingi o may magpaparinig or even just to you know, suggest, at first instance sabihin mo na, “look, do not mess up with me. I have done… I have nothing to hide.” Kung buksan kayo, huwag kang kumuha diyan ni isa. Usually kasi diyan kung marami kang dala, natural umuwi ka kagaya ninyo, naghihirap dito, ang layo, mahirap ‘yang malalayo. Malayo. For example, like five hours just to travel just to listen to me. I’m sure that there is some.. well, the drawback is the travel. But ang ano niyan is malaman ninyo kung paano dumiskarte ngayon. Sabihan lang ninyo ano, “I will not give you anything.” Pati ‘yung sa mga BIR, Customs, ‘yun ang inuuna ko eh. BIR pati Customs talagang niyari ko and all others would just come naturally and you just say, “look, I do not have to give you anything and do not F with me because” and you can create a scene. Pag ka nagpipilit ka nun, sigawan mo na kaagad, the… ‘yung assertiveness lang. You have to help me. “Ano? Bakit ako magbigay sa iyo?” I-ano mo. And there is an 8888. Television ‘yan, sa PTV 4. Right after the news, may bakanteng isang oras ‘yan, you can text. Sabihin mo ang pangalan mo, sino ‘yang demonyong ‘yan at sabihin mo anong ginawa, magkano at anong oras, anong petsa, ilagay mo. And if you want you can go to Malacañan, ipatawag ko ‘yang… samapalin ko ‘yan sa harap mo. Totoo. [laughter & applause] Nanampal talaga ako eh kaya ganoon. Kaya ngayon marami akong human rights, human rights. Huwag kayong maniwala diyan. [laughter] Totoo may — I will go to that pero ang unahin muna natin ang corruption. Kayo mismo, huwag kayong bumigay. Huwag kang magbigay na tatakutin ka, ganoon. O di sabihin mo, sige. Then all you have to do is you write me a letter. Meron sayong OFW binigay ni ano… I’ll give it to the Secretariat and they will process it. Everything that’s about corruption will be given the first instance of attention sa opisina ko. ‘Yan ang ipangako ko talaga sa inyo. Kasi ako, matagal akong… 23 years mayor ng Davao City. Marami po akong kasalanan. I have had my faults in life but p***** i** ‘yung pera, wala ako diyan. Wala talaga ako diyan. You know, that would be a tragedy. Why? Before I became a mayor, I was a fisacal and at the same time, during, panahon ni Marcos, ‘yung Ombudsman noon was the Tanod Bayan. That’s the predecessor. So I was appointed one of the two Tanod Bayan special prosecutor sa Mindanao. And I used to go to, around Mindanao to prosecute cases. Karamihan na tamaan ko mga local officials pati mga treasurer talaga. Sanay ako mag prisinta ng ano. ‘yung audit ba. It’s a convoluted thing but I had to, you know, learn how to present my evidence one at a time on, in… ‘yung talagang in order. Pero ako ang mag-ano, hindi ako papasok diyan. Not because of anything, kahiya-hiya na ikaw noon nag-po-prosecute tapos ikaw na ang makulong. And hindi ko talaga, wala masyado ako sa pera. Marami akong ano… marami rin akong but of the matter but corruption is… walang dumadating sa opisina, sa table ko na contracts in government and you can ask anybody. Kung kontrata ‘yan sa DTI, doon lang ‘yan kay Mon Lopez. He decides because he is the alter ego. Defense. Ang sa Defense, I’ve been very strict ako sa equipments. It has to be the state of the art because it means the lives of my soldiers and policemen. Walang dumadating na kontrata sa opisina ko. Mostly, I sign appointments, ‘yun lang. And kung merong special case, it’s not about.. it’s about ‘yung ano sa probinsya, away-away ng mga tribal–tribal tapos ‘yung ano the [unclear]. By the way, half Muslim kasi ako, my mother is a Maranao ‘yung nanay niya but my lolo is Chinese, Lam. So kaya ako, medyo I understand. I may not really provide the best solution but I can understand the problem of Mindanao. My father was a Cebuano, galing Danao. So ‘yan ang ano. Corruption, nasa kamay ninyo ‘yan. Do not give in. Huwag kang ano. Pag ka ano…. Kasi ang Customs, they are not, wala nang open-open ng bagahe. Direcho. Tutal dumadaan ng camera ‘yan…. Ay camera, ‘yung x-ray. Sa baba, bago aakyat ‘yan doon sa luggage counter, doon sa conveyor, dumadaan ng ano ‘yan so doon kung may kwestyonable na ano, nakikita na ‘yan. Bakit mo pa buksan? Kaya… ang hindi ko lang madisiplina talaga, hindi taga-gobyerno. ‘Yang mga taxi driver, ‘yung mga 1-2-3 nila, ‘yan ang mahirap because it is not really under… hindi ko man tao, hindi ko masipa. But I can be very strict. In the coming days talagang pipigain ko itong Pilipino. But my ano kasi diyan, ang ano is I have… now we go back to my promises. The second is I will suppress drugs. Itong masasabi ko. This is the statement when I left. My last sentence actually. I promise no corruption, I promised that I will suppress drugs, criminality and try to figure out how to improve Mindanao and to start up the economics of the country. ‘Yan lang. Kaya nung sa debates, if you were listening to the debates during the… ‘yun lang ang sinabi ko. Wala na akong “you know, I really… mga infrastructure.” Eh puro naman corruption. So ngayon dito ako sa droga. Ang sinabi ko, I will do it even if it will cost me my life, my honor and the presidency itself [applause] kasi nakita ko. Ang mga kalaban ko, gusto akong… si Leni, apurado masyadong maging presidente [laughter] tapos ito sila, si Trillanes is a barking dog. He’s just a… you know this guy, he was the one na nag-mutiny. Naalaala ninyo ‘yung sa Makati? Look at this idiot. Nagpa-muti-mutiny, ‘yun palang kaduwagan niya pagdating ng pulis nagsurrender. Ang ginawa, ninakaw ‘yung lahat ng mga twalya sa Peninsula [laughter], mga bed sheets tanang kutsara. At hindi naman umabot ng barilan maski isang putok tapos. I cannot picker for… Kayo ba? Nakita naman niyo ang behavior medyo ano, pareho kay De Lima. [laughter] Sabihin niya political prisoner daw siya. Since when? Since when ako nagpakulong ng oposisyon diyan? Siya ‘yang may… nagpavideo, nakita na ba ninyo ‘yun? [laughter] O siya ‘yung nag.. because… ‘yan ang pinakatragedy natin. It was the Secretary of Justice herself running, trafficking drugs. Kaya sabi maraming patay. Totoo ‘yan. Hindi ko… I’m not trying to deny that in the work… In Davao I said, “Do not destroy my city.” We were struggling then because Davao City was a no man’s land. At alas syete pa ng gabi, kung may taga-Davao dito, they or she or he would tell you, alas syete sarado na doon. So I was struggling against all odds. But I was able to make it developed. Nakausap ko mga komunista. Patayan kami sa droga and it was a very serious problem then but I never knew the dimension nung hindi ako nag-Presidente, buong Pilipinas. Nakita mo by the thousands, by the hundreds of thousands nag surrender doon sa gobyerno. Doon sa Davao, sinabi ko, I will declare war against you because if I feel that you are destroying my city, I will kill you. Correct. Pag ka you are destroying, you deprive me of my son and my daughter at ang kinabukasan, talagang papatayin kita, walang problema ‘yan. Pero ang order ko sa police is go out and arrest them. Ubusin ninyo. Pag ayaw magpa-aresto at lumaban, may mga lawyer man dito, and there is a violent resistance, may baril o ano diyan, kutsilyo, o bato o bat and if you think that you will die, shoot the idiot. Eh alangan… Lahat talaga ng ano bangag ‘yan. Lahat ng, ‘yang nasa droga, bangag ‘yan. Hindi mo malaman. You’d never know the imponderables of the human criminal mind. Anong gagawin niyang sunod and for that, I am… nung nag-Presidente ako ganoon din ang sinabi ko. “Do not destroy my country, it’s the only one that I have. Do not destroy the youth, ‘yan ang kinabukasan namin.” Now, with 4 million addicts, what am I supposed to do? I had to declare war against the, lahat na. The drug lords and the runners and the pushers because I cannot destroy just one then allow the other side of the story to keep on running. Pag may droga, may drug lords, meron talagang runner, maghahanap ‘yan. And the demand dito sa market, “sige maghanap tayo ng supply.” Hindi mo ma— kasi pag ka basag na, pag sumakay ‘yung, it’s the monkey at your back na, in your back. ‘Yan ang tawag diyan basta addiction na kasi i-gaganun-ganun ka, parang may unggoy na gaganun sa likod mo. So may market talaga ‘yan. So kailangan, I have to destroy or kill the drug lords and I have to go after… kasi kung ang droga nasa warehouse lang walang nagpapabili, o di wala. Ang problema, maraming runner, maraming pusher, maraming gumagamit ng kapital nila, kunin lang nila doon sa sinong na-contaminate nila. Sino ‘yung nahawa nila. So I have to destroy both. Sasabihin ng mga pari, ng mga NGO na “mga mahirap ito.” Eh wala akong magawa. I cannot just enforce against the drug lords and then allow the runners to do their thing. Now kapag ka lumaban ‘yan eh wala na talaga. Ang order ko, patayin pag ka lumaban. Eh ang-alang naman pulis ko ang… titingnan ko. I have lost to now ha, almost 37 soldiers and about 32 policemen. Araw-araw ‘yan may isang patay na pulis, patay na sundalo. Drugs. Because sa Mindanao, it’s fueled… ang nagfu-fuel ng ano doon, ang pera, ang shabu. Everybody is encouraged to produce shabu para magkuha ng pera and itong terorismo ngayon ‘yun ang pinaka delikado. kasi ‘yang terrorismo, ang ISIS had already acknowledged [Hapilon] as the leader of the ISIS cell diyan sa… so sabi ko sa military, huwag na natin hintayin na magputukan ang mga sasakyan kagaya ng Syria, Libya, Iraq. In a market place, paputok rito, paputok doon. Ang sabi ko, luluhod tayo niyan. Huwag na natin hintayin na mapasubo tayo. Destroy them now. Kaya ang mga shabu laboratories doon, hindi M-16. Dalawang M-60 pati bazooka. Kaya kung pulis lang doon ma wipe out, magtawag talaga ng military ‘yan, joint operation ‘yan and that was why the military is participating dito sa drugs specifically because it is a national security threat now. Pag binitawan ko ito, I would have consigned my country to the dogs and allow the next generation of Filipinos — Walang mangyayari sa bayan natin. Kaya kung sabihin nila na karapat-dapat lang na mamatay… makulong ako o mamatay ako, okay lang. I will rot in jail for you, for the Filipino. May isa talaga sa atin mag sakripisyo. Kung ako ‘yan eh di pasensya. Pero hindi ko nagsabi na walang namatay. Marami ‘yan, marami kasi. Pero ‘yung sabi na pinatay na isang pamilya, minasa— huwag naman. I am going to prison for the right crime. Huwag naman ‘yang crime na itapon mo sa akin na lahat na lang ng patay doon akin. [laughter] Eh di kung nalaman kong ganun, eh di nag negosyo na ako ng punerarya noon pa para— [laughter & applause] Pero totoo ‘yan sinasabi nila, marami. Marami talagang mamatay. Marami pang mamatay diyan. Sinabi ko, I will not stop. It will continue until the last drug lord in the Philippines is killed and the pushers out of the streets. When? It will take me until the last day of my term, so be it. If I go to prison for that, so be it. It’s my destiny. Maybe God just gave me, “I’ll make you President but you are only good for two years and you will be killed.” Fine. Or, “you are only good for another six months then you get ousted.” I became a President by destiny. Ang mayor ko lang na sa akin si Imee, si Abet, si… ‘yung anak ni Ted Garcia, Bataan pati sa… Isang mayor sa Mindanao. Hindi ko lang masabi yung pangalan kasi bumaliktad dahil sa pag-ibig nung nakaraan namin. Isang.. tatlo lang ang… wala akong congressman, wala akong barangay captain except Davao at wala akong pera. Kayo, Pilipino man kayo. Ano bang… So bakit nanalo ako? Because I was carrying the right message. Alam ko gusto ninyo ang bayan ninyo gaganda. Ang export natin… I made the correct decision. Hayaan mo na ‘yang Amerikano, hayaan mo lang ‘yang mga pro-Americans diyan, hayaan mo na ‘yang CIA kung gusto nila akong patayin. Okay lang ‘yan sige, pasabugin nila eroplano ko tutal marami naman kami. [laughter & applause] Walang problema sa sa akin ‘yan [laughter] basta gagawin ko ang dapat kong gagawin. Ang na-ano, the greatest sometimes mistake even sa military, military ka is miscalculation. Hindi nila… na-miscalculate nila ako. Kaya akala nila siguro takutin nila ako ng preso tapos si Obama titindig sa harap diyan na… sabi ko, naano ako…Pakialam mo? L**** ka. [laughter] You can go to hell. O, tapos sikat pa ako ngayon kasi pi***** i** ko ‘yung mg leader, mga p****** i** ninyong lahat. [laughter] Eh hiningi ninyo eh. Bakit kayo nakikialam? That’s the problem now. This European, EU Parliament. Basahin mo ‘yung ano nila. Tingnan mo ang proposal sa akin. Ang pinag-usapan ako. Tingnan mo ang mga p****** i** niya. Nag-propose sila na lahat na lang ng addicts, wala nang patayan, bigyan na lang. Kung shabu, bigyan ka ng shabu; kung heroin, bigyan ka naman; kung cocaine, bigyan ka ng cocaine, magpunta ka lang sa isang center. You know, you guys. I’ll talk in English. Do not impose your culture or your belief in what would be a government in this planet. Do not impose on other countries, especially us. Ito, ito noon paborito nila itong mga ASEAN countries because may… there’s a death penalty in Indonesia, Malaysia and I’m trying to revive it and I’m trying… as if the other countries of EU walang death penalty. Marami pa rin. Itong mga buang na ’to, hindi ko talaga… why are you trying to impose on us? Why don’t you mind your own business? Why do you have to you know, f*** with us, goddammit. Biro mo, magpo-propose ka. Tingnan mo ‘yung TIME magazine ngayon. Wala nang gender because you can be a he or she, wala nang… look at the cover of TIME magazine. Isang babae o lalaki, wala nang he or she. ‘Yun ang kultura nila. Eh di kayo lang, hindi ‘yan pwede sa amin kay Katoliko kami at there is the Civil Code, which says that you can only marry a woman for me… for a woman to marry a man. Iyan ang batas natin at bakit walang nung— bakit papasok itong mga gender? Wala akong ano. Ang dalawang brother-in-law ko gay. May mga pinsan ako na gay wala akong ano pero huwag… Kung saan ka pinuwesto ng Diyos, diyan ka lang. Huwag mong haluin kaming lahat. Biro mo, ako ang Presidente tapos wala ng — you erase the great divide between a woman and a man. Kaya magdala ako ng babae doon sa bahay ko, lalaki, tapos babae sunod, lalaki, babae tapos… That does — you read the TIME magazine. That’s what you are really trying to… Ano sila eh, ‘yung mga taga-State Department ito ha. It’s not really a question now of country. It’s a question of global citizens. Masyadong ano. Kaya my advice to… I will talk in the coming Summit. By the way, before I proceed any further, allow me to thank the Myanmar government for hosting the Filipinos here to earn a living. [applause] And we acknowledge your humanity to help your Asian brothers who are really pretty hard up also. And we would like to promote the bilateral and the cohesiveness of our organization. It’s high time that we put up something also vis-à-vis ‘yung EU. Ganon na lang. Tutal malayo masyado tayo — we do not have anything to do…They said they will suspend the aid ganon. Sabi ko, you can do. Sabi ko nga sa kanila eh. Para bang kasi noong, ‘yung past administration, whenever they make a report to any forum or venue there, they’d always harp on the human rights violation, a threat that you’d lose the assistance that’s given to you every year. Para bang, sabi ko, it came to a point, repeatedly, Obama said, the State Department said, and then everybody there who’s an idiot. Sabi ko, “You can go to hell. You can eat your assistance.” Sabi ko, “We do not need it. We will survive.” Sabi ko, “From now on I will adopt an independent foreign policy and I will deal with any country that I like which I think can help us.” That’s why I’m here in Myanmar. We can help each other. [applause] And you have helped us in so many ways. My gratitude to you, to the government and the people of Myanmar. Wala akong ano… Ngayon, pumunta akong China. I said, “I come here in peace. I do not intend to impose the arbitral ruling of the China West Philippine Sea. But I would like to tell you now that during my term, there will be a time where I have to confront you about this paper, the arbitral ruling. It will not go beyond the four corners of this document.” Now, kung ang China magkuha na sila ng mga oil, mga uranium or whatever is inside the bowels of the sea, kalabitin ko siya, “Ako man rin ang may-ari niyan.” You claim it by historical right, by judgment I won and it’s mine, but I will not insist on sovereignty or anything like that. It is not within our territorial waters. Kumbaga ano ka, subdivision ka in the family of nations binigyan ka ng sarili mong fish pond. Pero outside of your bakod ‘yan. So it is not within your territory but the area is your entitlement. May priority ka diyan. It has nothing to do with the jurisdictions. Iyong sarili mong fishpond kasi ikaw ‘yung katabi niyan eh eh ‘di iyo ‘yan. So the 200 mile economic zone. So ngayon wala pa man, sige sila lagay ng structure diyan. Ang sinabi ko naman as late as three years ago, you guys were already there… ‘yung mga satellites spy, ours kanila pina-publish nila that there was something afoot there, abrewing. Sabi ko ngayon sa Amerika, “Bakit hindi mo pinuntahan doon? Ikaw lang may kakayanan eh. Ikaw lang ‘yung may maraming eroplano.” Ako nakabili tayo, hindi sa panahon ko, kay Aquino. Idiniliver (deliver) lang noong panahon ko. Buti maklaro. I am not claiming any credit there. Na-deliver may apat ako. By the time I go out of the office, baka gawain kong 12. So tag-3-3-3 para may Air Force tayo. But we have already and we are using it actually. Sabi ko… because hindi ginagamit kasi eroplano ‘yang bomba-bomba. But sa galit ko, sabi ko, “sige, gamitin mo na ‘yan.” So I’ve been trying to do something that’s… we’re doing well actually. So babalik ako malimutan ko. I will not veer away from my topic. ‘yan ang sinabi ko, “we will not insist on anything.” But let me iyan sabi ko sa kanila, double natin lahat ha. China has… Noong pumasok ako doon, sabi ko maglamano lang tayo. I am not asking for anything. Ganun ang pasok ko sa kanila noon. I just want trade and commerce. Wala akong hingiin sa inyong pera-pera ganon. Sabi ng China, o sige, magkaibigan na tayo. Sige, ibigay namin ito. So nag-open up sila ngayon, even tourism. Magdating siguro by the end of the year mga one million ang Chinese na tourists na doon. Noon sinara nila eh. No Chinese would go there. No citizen of that country could go to the Philippines. Ngayon ang pineapple, noon binara nila sa quarantine because doon tayo nakadikit sa Amerika. Lahat ng pineapple walang kita. Sarado. Ngayon, kulang, 100 percent increase sa pineapple importation. [applause] Lahat mangga and they keep on repeating it. Kasi “kung anong maipagbili ninyo, if it is not in good quality we will fix it to be acceptable quality. Ipadala na lang ninyo, kami na ang mag-qualify para sa quality.” Saan ka makakita ng ganon? So we had about 30? 30 billion? All in all? [They promised all in all mga?] Biro mo gawa sila ng dalawang bridge sa Maynila libre, grant. Sobrang trapik masyado sabi nila kulang kayo ng dalawang bridge. Magdagdag kami ng dalawa, gratis. [applause] Ayaw mo pa ‘yan? Ang Amerika magbigay marami pero puro Tonka, iyong laruan na Tonka. Susmaryosep. Bigyan ka armas, bigyan ka armas, magbili ka hindi naman i-deliver kasi ‘yung eroplano walang mga missile kasi baka gagamitin sa coup d’état. Eh, ako na ang nanghihingi, g***. Bakit ka matakot diyan, coup d’état, coup d’état? Eh ‘di aalis ako, kayo ang magpatayan. Hindi ako mag-coup d’état. Kayo ang mag coup d’etat, ano. Iyong gwardiya ko sa opisina ko sige, magshake-hands kayo. Sino ang gustong mag-miyembro ng junta? Ah diyan, linya. I, I, o, kami na ang magpatakbo. O sige inyo na. Uwi na ako sa Davao. [laughter] Coup d’état, coup d’état, ibigay ko sa inyo. Bakit pa magpatayan ang mga sundalo. Kaya ako, kaya tinatanong ninyo kung am I extraordinarily or inordinately proud of being President? I’ll tell you, no. So you ask for another question, another answer? I do not need it at this time of my life. Patakbo-takbo pa kasi ako tapos ngayon naloko na. Binilang six years, mabuang ako niyan eh mayor three years lang gusto mo ng matapos. Well, I should have retired actually. Itong si Inday ‘yung anak ko ‘yung Mayor. Okay man ‘yon kasi talagang maasahan mo. Iyang si Inday maaasahan mo in times of… Makita mo mambugbog pa ng sheriff harap-harapan. Si Inday ang talagang pwede kong maasahan kaya… had it not si Inday pumayag na tatakbo, ayaw na kasing magtakbo iyan eh. Ayaw na talaga niya. Sabi niya, nababastos lang ako dito sa pagka-mayor ko, wala naman akong nakukuha. Eh sabi ko, “Day, hindi ako tatakbo ng Presidente.” Eh sabi niya, “Eh ‘di huwag.” Na-pressure siya marami ng pumasok, talagang pinressure siya para tumakbo. Alam mo ang totoo niyan, nandiyan pa sa file, ipakita mo sa kanila, Bong. Alam mo si Inday, June 30 kami nag — lahat naman public officials. Alam mo pagka-July 1, nag-file ng resignation. Nandiyan kay Bong. Pagka na lang talaga itong si Inday. Para lang tatakbo ako, sabi niya, “O sige, takbo akong mayor.” Nag-oath kami lahat, nationwide iyan eh. Kinabukasan nag-file ng resignation. Sabi niya, “maghanap ka na lang ng mayor mo.” [laughter] Anak ng jueteng talaga itong si Inday o. Nandiyan on file. Tingnan mo. Bong, ipakita mo sa kanila pagdating natin diyan. “Bong, taguan mo lang ‘yan, Bong.” First time ko sinabi sa inyo ‘yan. In public ngayon lang. Well, talagang hindi ako papayag na magtakbo na. Maiwan ko ang Davao, sayang ang pinagod ko. Ayaw niya kasi nakakapagod, nababastos ka daw, manuntok ka pa ng tao, mambugbog ka pa ng sheriff. Pero Inday would be a good — sa Davao. I don’t know in any other office pero maasahan mo si Inday. Under pressure. Kasi kung kaya niya nanay niya paiyakin pati ako, ‘pag ‘yan ang mamu**** i**, tahimik kaming lahat. Ako naman I do not want to you know, anak mo eh. Basta ako tatalikod na lang. So sanay na sanay siya ng ganun. Sumasagot talaga iyan maski noong maliit pa. Pero maaasahan mo in times of ‘yung problema sa tao, maaasahan mo si Inday. I am not praising my daughter because that is what she is. So iyan ang ekonomiya natin, doblado tayo sa China. Ngayon, itong construction diyan, sabi ko nga kung gusto ninyo pigilin, bakit hindi ninyo pinuntahan doon noon? ‘Di ba? Eh sila ‘yung mga aircraft carrier, sila ‘yung may mga battleship. Bakit hindi ninyo pinuntahan doon tapos “hoy, huminto kayo kasi this is international waters.” Of course the entitlement belongs to the Philippines but international waters iyan eh. It’s beyond the 12 mile limit, certainly. Bakit hindi niyo pinigilan? Ngayong nandiyan na, problemahin ninyo kami na ‘sige punta kayo doon, sabihin ninyo amin ito.’ Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng… Tapos ‘yung Human Rights binibira ako. Pero si President Trump okay kami. Okay kami ni President Trump and I can assure him also of our friendship and cooperation. Walang problema ‘yan. Under the Trump administration I will give all, whatever it is. Short of ‘yung sabi ko ‘yung military alliances, ayaw ko na niyan. Hindi natin kaya eh. Hindi natin kaya. Why do we look for trouble? Bakit maghingi ako ng magpunta-punta ako diyan para makipag-away lang? Wala man tayong mga ganon na klase ‘yung nandiyan sa kanila ngayon. They are really almost in parity na sa, tabla na ba, parity na sa armas. Huwag tayong maghanap ng away, hanap-buhay lang. Someday but not now. Militarily, wala talaga tayo. So but we have this I have… I’m facing the communist front, na-suspend tapos ngayon gusto na nilang makig-usap. Eh kasi nag-suspend sila, there were certain provisions that they were arguing about doon sa Rome. Bigla na lang nagsabi itong NPA na, komunista na, ‘yung ceasefire unilateral na diniclare nila, lifted na by February 10 but February 4 they were already killing, slaughtering my soldiers and my police. Kaya tinawagan kong… kinagabihan ang sabi ko, resume tayo. Ngayon sabi nila, mag-ceasefire sila. Sabi ko, well, ako, huwag na muna. Tingnan ko. Bigyan mo ako ceasefire that is reduced in writing so that we can establish the parameters, one. Two, kasi sabi nila pumapasok daw ‘yung military pati pulis sa mga teritoryo nila. [Sa]bi ko, no, no, no, no. [laughs] Ako ang may-ari ng buong Pilipinas, representing the Republic of the Philippines. Hindi ako papayag na may teritoryo na hindi amin. Akin lahat ‘yan. Hindi kayo. It’s not for you to claim. It is my office that would say where lies the boundary of my country. Third is that i-release ninyo lahat ng sundalo ko pati pulis na-kidnap ninyo, pati civilians, mga municipal, pati barangay officials. Fourth is that stop kayong maghingi. Otherwise, giyera tayo. We have been at it for 50 years. Do you want another 50 years? Are you good for another 15 years? Many years ago, I was an apostle of Sison. Kaya ang tawag ko sa kanya, “Sir.” Kilala niyo ako, estudyante niya ako eh. Pero sabi ko, well, kasi full of idealism, bata ka pa. But when you grow up, may pamilya ka na, then you see the reality of it all, ‘yung totoo sa bayan mo. You stop in indulging in ideals alone. You have to let reality sink inside your goddamn gray matter between your ears. ‘Yan ang totoo diyan. So, I’m talking with the… nung na-Presidente ako kasi nga madali akong nakiusap. MILF says we’ll talk. And Nur Misuari said, “Mayor,” Mayor ang tawag sa akin hanggang ngayon. “I will talk to you when ii shall have completed my team.” ‘Ko, right. So medyo stand ‘yan. Ang hindi ko kontrolado ang terrorism. And the greatest problem kung maplantsa ko lahat ‘yan is terrorism and drugs. ‘Yung iba but remember this and I’m addressing the nation right now kasi [unclear] ito international eh. If you do not give to the Moro people, it’s not because ang lola ko… wala ako dito ako sagitna. For after all, I said my father was a Cebuano. If you do not give ‘yung hinihingi nila na structure of federalism, we will never find peace. You know why? Accept the fact that before Magellan came in sa Leyte many years ago, 100 years ahead, Mindanao was part of the Sri Vijaya empire of the Malay race, kasama ‘yan. Naagaw ng Español, tapos naagaw ng Amerikano. And pati tayo, they look at us as the extension of the imperial. Kaya ‘yang unitary type na ‘yan, tayo lang ang nagpaiwan na unitary. Lahat federal set up. And it has deprived, truthfully also the people of Mindanao. We are…we have always been considered the, a distant relative of. Kasi diyan sa Pilipinas, Pilipino man tayo mag-prankahan. Ako lang ang nakalusot, by sheer I don’t know, Diyos siguro. Ako lang ang nakalusot na hindi pili sa Maynila. Alam mo diyan sa Maynila, kung mamatay ang Presidente kung sinong kapalit, ‘yang elite. ‘Yung elite. Nag-aano kamay ko, nag— Mga elite lang, mga politiko na traditional. Tawagin niyong mayayaman ‘yan kung sino. O, magkano ang akin dito? 50 million. Pag mag-abot na ng three billion ‘yan larga tapos partido. Mga elitista, ‘yung sila lang. ‘Yung mga… Anong pangalan nitong p**** i*** grupo na ito? Sila lang ‘yan. Sino… ‘yung anak ni ano, ito, ito, si ano. Maski bobo ka, sige lang. Eh di wala. Puro ‘yung mga, yumaman noon hanggang ngayon, dito barado sila talaga sa akin. Barado sila. Kasi kita mo ang mining, pinagupakan sila ni, sarado lahat. Sabi ko, hindi ako makialam diyan, trabaho niya ‘yan eh. Ang sa totoo niyan, yumaman na. Sino ba may-ari ng mga minero diyan? Do you think—Look at the names of the owners of the— Lahat, pati ‘yung mga TV networks. ‘Yung may-ari ng istasyon, ang mga sister companies nila may-ari ng mga mina. Kaya bakbakan ka talaga. Ngayon, kung maniwala kayo diyan sa kanila, bahala kayo. Basta ako, tahimik, ako trabaho kasi hindi naman ako makapag-re-elect. I do not… I’m not anymore available for any re-election. I just do my duty. Tingnan na lang ninyo pagkatapos. Pero I am… Hindi ako bata-bata ng mga may-ari ng mga istasyon. Kaya bira sila, pati newspaper kita mo. Tapos ‘yung, itong Inquirer pati ABS-CBN, ‘yun ‘yung nagbasura sa’kin 211 million. Itong sabihin ko sa inyo ha. Marami kayong kaibigan. They cannot make it public, maski na sabihin mong gusto mo. They cannot… unless it is really the Ombudsman. Kung may, wala akong perang ganon. Kung sakali man, may maglabas diyan, anybody is authorized in the government pati Central Bank, galing na sa bunganga ko, buksan ninyo. Kung may-ari ako ng ganoon kalaking pera, magre-resign ako bukas. ‘Yan ang guarantee ko sa inyo. Ilabas na nila kung ilabas, tutal maraming kontra-partido na pwesto diyan. Ilabas ninyo kung magkano, kung meron ba akong… Wala akong perang ganon klalaki. Kaya sabi ko… kung ang anak ko si Mayor o ‘yung Vice Mayor o ‘yung anak kong si Sebastian, ang raket niyan babae lang. [laughter] Walang hiya, walang ginawa ‘yan ngayon mag-artista na. [laughter] Oo, sige nung… dalawa na ang apo ko diyan, iba-iba ang nanay. [laughter] Kaya ako naubusan ng pasensya diyan sa—Hindi ko nga malaman kung saan… magtanong ako sa mga security, hindi daw nila alam. Kaya one time, before I ganito, eh tutal covered ng national. Sabi ko, “Hoy Baste, t*** i**, nasaan ka? Magpakita ka.” Kasi nasaktan ako ‘yung anak niya, tinanong ko, “saan papa mo?” “Sa trabaho.” Sabi ko, “love ka ng papa mo pati mama mo.” “Hindi, mama lang.” Diyos ko po. Kaya ako talagang na… maybe I was off my rockers that moment. Mag-init ‘yung ulo ko, sabi ko. ‘Yung pinalabas mo sa mundo, sagot mo ‘yan. Gaya nitong ibang lalaki na. Basta iwanan na lang. Ang babae ‘yung maiwan, ‘yun ang magtrabaho eh. Wala ng suporta, wala lahat. Ako dalawa man asawa ko, pero okay man lahat. [laughter] Oo. Maski pag inauguration nandoon. Dalawang… [laughter and applause] Ano ba problema niyan? [applause] Hindi… No, truthfully it is not really… I hope I do not, I do not mean to offend the women. It’s not about you. It’s about the children. Para sa akin. Kaya maghiwalay-hiwalay, sige maski saan ka, huwag mong galawin ang anak ko, magpatayan tayo. ‘Di ba natin mawala ‘yang marital ano, hiwalay-hiwalay. Walang problema ‘yan. The door is open for you to go out but do not [catch?] with my children. Iba ‘yung anak eh. Tutal, makapag-asawa kayo ulit, pero huwag ang anak. Ang anak talaga sagrado ‘yan. Kaya doon ako nagalit sa… ‘yung sagutin ka na ang mama lang, si papa hindi. Eh nakakaano eh— So ‘yan ang short story ko sa inyo. I’m not delivering a speech, I’m really talking to you. Pag magmura-mura na ako, that’s not a speech, that’s something else. But usually they prepare a speech but I won’t read it because I cannot. Well, hindi ako nagbabasa ng speech. And usually, I said, I’ll just talk to you today, I will not deliver a speech. “Mga kababayan ko, ang ating bansa at ilang araw na ay lalago sa ganito.” [applause] I’m not the type na ganon. I’m just really… mga buwaya, p***** i** ‘to. [laughter] Walang ginawa kung ‘di guluhin ang gob— The best thing is really, if you want the truth. Go home and find out what’s happening to our country. At least makakalakad na kayo. And in the coming days, when I shall have completed the, itong ano, it will be peaceful. And your children can go out and your sister and brother and they will be safe. Ngayon pa lang sinabi ko, nakikinig pa rin ang mga g***. Huwag ko kayong makita sa labas, kasi sa labas, sa Luneta, ang pasyalan para ‘yan sa mga taong matino, para sa mga anak namin. Kayong mga kriminal, huwag kayong magpakita, pagdadampot ko kayo. Mabuhay ang Pilipino! [applause] Ganon talaga. Hindi mo madala ‘yang.. “mga kababayan ko, alam mo it is wrong for you to do that.” Kailan pa ba naniwala ang p**** i**ng Pilipinong, l****. Mga kriminal? Hindi ‘yan maniwala ng ganon. O dito ka sa akin. Ako sanay. Sanay ako sa… In seven days, the very least, ako, tatlong beses ako nag [garbled] sa altar. Hampas ang kamay, nanay ko noon. Child abuse. [laughter] Pwede ko i-demanda ‘yun kaya lang wala pang batas noon. Kung anong mahawakan noon. Maski ano. Kaya ‘yang, kaya, sabi ko, short of really a God-given task. Akong pinag—Kaya sabi ko, sige anong ginawa mo. Sabi ng Panginoong Diyos wala ka namang pera, pero panalunin kita, it’s your destiny. Bakit? Nakikita niya ang sinseridad ko. Eh mga ilang taon kami nagkaharap-harapan diyan sa altar. Sabi ni Jesus, mabuti ka kasi kilala kita. Pareho ang dinaanan natin. [applause] ‘Di man magalit ang Diyos niyan kasi totoo man. O magalit si Hesu Kristo, bakit magalit ka man? Totoo naman talaga nagharap-harapan tayo palagi. Sabi, oo nga. Pauwi na kami galing ako Laos. Itong mga g***ng media. [laughter] Ang unang tinanong, imbes magtanong kung anong nangyari sa kalaki ng gastos nito. You know, I have to go here because we are the host. Chair ako ngayon sa ASEAN Summit. This year. So I have to go around and find out kung ano ang gusto. Para pagdating sa agenda natin, kami doon wala nang debate. Pagdating doon puro papel na lang ‘yan eh. So what do you want to — raise an alarm or voice something, what you want. Ganun ‘yan so I have… pero ayaw ko na mag-travel kasi matanda na ako. Talagang… ayan o, natutulog nga ‘yung iba diyan o. Mga ganung edad, hindi na kami pwede ‘yung ganung travel. Ako rin. 72 na ako this month. Oo. [applause] But I have to do the rounds because it is needed. Being the host, you have to come up with something that is a good, you know, participation. Hindi na kami mag-debate doon. If at all ‘yung interface na lang namin with Russia and America. I am not… Iyong anak ko sa second wife ko na — Amerikana ‘yan kasi citizen. Filipino ‘yung itsura pero doon ipinanganak ‘yon. I have nothing against the Americans except ‘yung… Kay Trump noong pagtawag ko, “President-elect Donald Trump this is Rodrigo Duterte, I’m the…” “Yes, I know — I’ve been expecting your call. You are doing it right. That son of a… they are destroying my country with drugs. That border there in…” Hindi ko na lang isali. “Those guys in the border, they’re… You know this country…” “That is true, Mr. President.” “Yeah, you are doing it right. Keep it up.” [applause] Kaya ngayon tanungin mo, noong previous president masama ako na tao. Ipapakulong nga ako ng buang eh. Ito naman isa ngayon, “tama ka. Gagawin ko nga ‘yan.” Tapos minumura niya ‘yung alam mo na kung sino ‘yung kapitbahay niya doon. Ano ba talaga dito sa buhay? Ano bang asal na gusto ninyong sundin ko? Itong EU, wala ng — ang Canada near into recognizing the human being without a gender. Bili kayo ng TIME magazine ngayon. Iyon ang binabasa ko kanina. God. Nawala na si Adam pati si Eve. Paano na ‘yung istorya sa religion natin noong high school pa tayo? Hindi nga high school, Grade 1. And Adam and Eve… Sabagay kalokohan naman talaga iyon. Saan ka kukuha dito na wasakin mo ‘yung ribs para mag… There has to be another story which is true. I don’t believe in that. I believe in God. I have this deep and abiding faith in God. Somebody controls the universe otherwise [unclear] tayo lahat. But it’s more of a universal conduct. It has nothing to do with… This planet is 5 billion years old or 4 billion sabi ng iba. When was the time ang tao nagawa? Eh kung panahon ng itsura nila caveman, eh di si Adam and Eve parang unggoy? Kaya hindi ako maniwala ng ganun. Pati ‘yung heaven and hell? Huwag kayong maniwala niyan. You know, sabi nila ang Diyos alam niya ang beginning pati end mo. But in the meantime, sabihin din ng simbahan, ah may free will ka. Kalokohan. Bakit gagawa ang Diyos ng tao only to consign the human being to hell? What’s the problem? Why do you have to create man and then create hell? Why not destroy hell and allow men, human beings to be happy? Ang religion kasi that’s the source of the conflict actually of the killings in the world. Because hindi tayo magkaintindihan eh. Alam mo na religion it’s a very contentious one. Sasabihin mo may religion ka yes. Ano ang religion mo? God, period. Ako tanungin mo ako, anong religion mo, Mayor? God. Where is He? Somewhere. I cannot point to space because there is none but there is a God. Iyan ang ano ko. I don’t know if you’d agree with my ano pero hindi makapaniwala eh. Five billion years old. Kailan ang tao na gumising? Noong…Ayaw ko kasi iyan… I do not mean to…Kasi ang asawa ko kasi noong tumakbo ako ang kaya kong i-rent na eroplano ‘yung karagkag, ‘yung mura, wala man akong pera. Kung may mag-donate na medyo malaki, mag-rent ako ‘nung araw para makalipad ako sa ibang probinsiya. Minsan nag conk out, minsan nawalaan ng break. Mabuti’t na lang sa Davao na mataas ‘yung runway. Tuluy-tuloy ang buang pagpuntang dagat. So sabi ng asawa ko, magbasa ka ng… Baptist ‘yang asawa ko eh. Magbasa tayo ng Bible bago ka… para na lang… So magbasa, siya ang magbasa ako ang mag-pray. “Lord, I am about the embark on a journey today and it’s a bit far from this place. I have an airplane which is model 1983. Cessna. Ilang beses na nag…” T*** i**. Wala mang iba. Tapos sabi ko, “Lord, I hope to come back, you know. If I don’t, then please remember my children” Ganun, ganun. Kaya minsan na-late ako, ayaw talaga niya akong paalisin. “Magbasa ka.” Sus ang napili niya, “And David was there with his 20 — si King David has 43 wives…” Ay p**** i**, l**** mabuti pa itong g**** ito naka-43 ako, ayaw ko na magbasa diyan. Minsan, ‘And Moses came down from the mountains…’ Sabi ko sino ang mag-utos sa kanya mag-akyat-akyat doon sa bukid? Bakit hindi na lang maghintay na lang diyan sa bahay niya? Sabi ko, ayaw ko na niyan. Kaya galit iyan sa akin. Pero actually the Bible has —- it’s a recorded history of mankind eh. Beginning? I really do not know. It’s 5,000… sabi ko 5 billion years old ang planet. So when did we acquire that religion? Iyon ang tanong, it’s my philosophy of life. So that you’ll understand me. that I believe in God. I believe in the Filipino. I believe in complying with my promise. I do not believe in takut-takutin nila ako, that would not deter me. I will not be stopped na takut-takutin mo ako. Kung ano nandiyan so be it. That is my, ‘yon ang swerte ko sa buhay. Wala tayong magagawa. The important thing is that someday, ‘yung mga anak ninyo, okay na ang bayan natin. Hindi na sila kailangan umalis para maghanap-buhay. But you know, ang hindi rin natin maano, you have to consider the problems itong simbahan. We are breaching the — we have breached the 100 million — 110 na lang to be safe. And we do not have enough resources actually. Kaya si Piñol is working overtime how to deal with this problem na makakain lang tayong lahat without… Mabuti’t na lang ang Burma, our good neighbors, the good neighbors of the Philippines. We are lucky to be identified in Asia. Vietnam, Thailand, Burma, Laos, nakakabili tayo ng bigas. Walang pahirapan sa presyo. Ang Philippines talaga is overloaded ng tao. Ang problema, ako I am embarking on a talagang… An aggressive birth control. Ano ba naman ‘yang para hindi magtagpo ‘yung dalawang itlog? Ito kasing ang naka-l**** nito itong simbahan. Sabihin nila na iyan wala kayo and always the sanction is, ‘papunta kayo sa impiyerno.’ And they have pictured a place where there is really hell by just the word of it and may parang may burner doon na maluluto ka. Alam mo, kung patay ka, patay ka naman talaga. Itong mga ano sa Katoliko, it’s high time that they let go. Second, iyong even sa mga mahirap. ‘Mayor, wala kaming pambili.’ Sige, sagutin ng gobyerno. Sabi ko, tatlong araw ha. Mahal masyado ‘yan maraming patay na asikasuhin ko. ‘Hindi, Mayor…” Bakit? Kasi sabi daw ng pari for nine days ang kaluluwa ng tao nandito pa. Hindi pa umakyat sa bukid, ah sa kung saan siya papunta p**** i** niya. [laughter] t*** i**. Biro mo ang gastos niyan? Kaya sa bukid, who will foot for the bill? Sa kape para magsugal-sugal diyan tapos magkain. Eh basta wala ng pera itong stupid na Katoliko, ‘yung mag-ganun na… what’s taking you too long to go around? Tanungin kita, ikaw mamatay, eh bakit ka sige pasyal-pasyal dito? Ibigay mo lang ‘to sa… Go na. Tapos iyong ayaw ko… Hindi ko inaatake ang simbahan. Maintindihan ninyo kung bakit. Ganito, pagka Linggo, huwag kang magdala ng patay mumurahin ka ng pari. Hindi ‘yan nag-aano ng basbas ng Linggo. Hanggang Sabado lang pati Monday, ang Linggo wala. Iyong mahirap na sabihin niya dalawang araw lang ang embalsamasyon o di kung Linggo kailangan ilibing mo na. Kasi Friday, nangangamoy na. Pagdating mo doon magalit ‘yung pari. ‘Walang ano.’ Dalhin mo kinabukasan Monday, magbayad ka ng tubig, nangggaling lang man ‘yan sa Pasig River ‘yang p**** i**** tubig na ‘yan. Basbas mo pagalitan ka, ‘huwag mong ipasok ‘yan dito lang, dito lang sa labas kasi mabaho na.’ [inaudible] Hindi nagka-cramps ako kanina pa gumaganon ako. I don’t know, ang calcium ko kinakain ng katawan ko, siguro karma na ito. [laughter] I just had my blood. Eh wala akong panahon eh kasi sabi too late na. Kaya ako, ginaganon ko kasi nagka-cramps. I don’t know may mga doctor man dito. Ang calcium ko kinakain ang bilis. Kaya may cramp ako gumaganon ako kanina. Pero sigurado baka nagalit na rin ang nakikinig diyan. Pero God, if you are God, you kindly be just a little bit just to your creation. Alam mo sobra rin kasi eh. I am telling you this because that is what is contributing to the misery of the Filipino. We are just too many with not so much resources. I have here a visitor, our visitor, si Henry Lim. He has perfected the hybrid kaya mabuti sama-sama siya. Ewan ko kung kunin niya dito. Sabi niya, ilang hektarya lang, mas ang yield and a little bit resistant to… You know why? Marami kasi akong sabihin sa inyo pero walang panahon, magbalik na lang ako dito next month siguro. [applause] We are unfortunate that we… the Philippines is the window of the Pacific. Kaya iyang Central Mindanao na ‘yan wala talaga ‘yan except for the sugar. But that is too far away now. Ilang islands na ang na-break ng bagyo eh. Ang una niyan Samar. So the one thing na viable in Samar mining, coconut if you may. Pero wala talaga silang plantasyon ng saging, tumba ‘yan. Every now and then ang bagyo eh. When the Pacific Ocean heats up, ang unang tatamaan Samar, Surigao, down Davao wala masyado kami. So iyon ang problem diyan. Wala kang maasahan sa Visayas. It’s Mindanao and Luzon, ‘yung malayo-layo, iyan ang atin. Iyan ang kalbaryo ng Pilipinas. We are the window, the first to be hit. So sige lang ‘nak, balang araw doon ka na mag-trabaho sa… We should go for something like less population para ma-manage ang consumption and of course the economy. Pero may eskwelahan, and medical wala talaga. Last December I released one billion para lang ‘yan sa mga tao na hawak-hawak ng reseta na walang mapuntahan. Then another one billion alam mo ano? Ayaw ko kontra gusto ako doon pero iyong community-based rehab ng mga addict. Remember that shabu use, constant use of shabu, six months to one year, alam ninyo mga… sinasabi ng forensics, it shrinks the brain. If the brain is already shrunk, rehab is no longer viable. Remember that. Kaya ako para akong naghuhurimtado dito kasi alam ko eh. Kapag sira na ang bata, lahat na… iyon ang ayaw ko. Isa pa itong OFW. One-third ng mga anak ng OFW are into drugs or somehow contaminated with drugs. Ang statistics naman very high. Iyong mga OFW na ang mga anak usually karamihan ‘yung sa malayo na lugar, they fall prey to victims of criminals. Ngayon, maalala ko, hindi ko pwedeng sabihin sa inyo, kasi it will generate… basta maalala ko na lang. Ang tatay nasa one of the countries there sa Middle East and the other is another country. Tapos nagtatrabaho itong dalawa just to raise the money, to finance, even the, just living, just existing not even living and barely to finance the school. Tapos mahulog lang sa… sa mga anak nila, ginagastosan nila. It’s a tragedy kasi. ‘Yan ang sama, kaya ako galit diyan sa mga durugista. P***** i** diyan ako galit sa inyo. Alam mo na, basahin mo na lang kung anong nangyayari sa ano. There are some things that I would like to share with you but I cannot because… Sabihin ko sa inyo pagbaba ko. Kaya diyan ako galit. P***** i** ninyo. Ang hirap na dinaanan ng nanay pati tatay, just to be separated from the family, from the children is already a tragedy. Tapos ganon, dahil sa droga. Kaya ako galit. Kaya maintindihan ninyo ang rage ko sa… kasi ako anak lang rin ng mahirap. Maybe kung umabot ako sa ganito, Diyos na ‘yun. Kanyang ano na ‘yun, diskarte niya ‘yan. Pero ako… Paano ‘yung mga kababayan ko? Naghihirap doon. Nakita mo… Sabi ko, matulong lang sila. Three to four hours. Kasi pag ganyan hiraman ka ng isang, ‘yung anak na may asawa, hiraman ka doon, mag-trabaho ka. Tapos hiraman ka pa ng sister-in-law. Palinisin ka lahat. Kaya it’s almost uniform ‘yan eh. Wala silang tulog. Three to four hours and maya na sabihin ko sa inyo kung—Kaya talaga ako galit. Talagang as in galit ako. Ngayon, “Bakit ba si Duterte? May anak ba ‘yan nag-droga?” Walang anak ako nag droga— pero nung mayor ako, as a father of a city, I have encountered problems na ganon. Kaya patawarin talaga ninyo ako, talagang mainit ako diyan. Anak ng jueteng kaya kayo na wala, hindi pa pumasok diyan. You can lose your funds and your life. Telling you, stop it. You want people alive? Nobody’s dead? Drop the shabu now and our country will be peaceful tomorrow. Pero kung ganyan pa rin kayo, there will never be. Walang hinto ‘to until the last day kung saan ako nilagay ng Panginoon Diyos. Two years, until two years, last day of two years. Talagang uupakan ko kayo. Wala akong sabi… I promised the Filipino people, it is a covenant, it is a contract between you and me and I will honor it. My God, as I’ve said, even if it would cost me my life, honor, and the presidency itself. Maraming salamat po. |