President Benigno S. Aquino III’s Speech during the meeting with local leaders and the community in Baguio City
Baguio City, Benguet
13 March 2016
 
Okey, maupo ho tayo.

Senate President Frank Drilon; si Secretary Janet Garin ng DOH at si Secretary Mel Sarmiento at si Naidi Monsada — ating mga kalihim ay nandito po. Transport Organizations Baguio Chapter, larga na kay Mar, okey, thank you. Tsaka yung pareho lang ho palang…. Okay, si Aika na kumakatawan sa kanyang butihing inang si Leni; atin pong mga kandidatong nandito kasama natin sa kasalukuyan: si Ina Ambolodto na hindi ho nag-iimagine ng hirap na pinagdaanan, talagang pinagdaanan po niya bilang isang ‘Bakwit’, damang-dama po niya ang ibig sabihin ng isang taong nagipit sa kaguluhan; si Mark Lapid na katulong natin nagpaparami ng turista sa ating bansa na dati’y 3 million, this year almost 6 million foreign tourist arrivals na; Yung malaki hong tanda sa akin nanasa dulo, si Joel Villanueva, napapagkamalan hong professor ko yan kung minsan; siyempre isang butihing kasamahan natin, si Nick Aliping; isa pang congressman, si Ronnie Cosalan, itong si Ronnie, matagal na po natingkasamahan yan, panahon pa ng snap election, batasan election ,andon ka rin yata — interim batasan po ah, hindi po yung regular batasan; Vice Governor PedMayam-o, at yung ibang mga local government officials present; fellow workers in government; ay-ayatek nga kailyan: naimbag nga malem kada kayo amin, Apo.

Sabi ho sa akin kasi pumunta ako ng Baguio mangungumbinsi ako, e ang dami na ho yatang nakumbinsi dito e. Pero naalala ko ho tuloy baka narinig niyo na ho pasensiya na ho pero doon sa hindi pa nakarinig. Kung minsan ho kapag pupunta ako sa isang lugar na marami ng kumbinsido, medyo nagiging mahirap ho, hindi ba? Paano mo kukumbinsihin ‘yung kumbinsido na? Tama ho ba?

Ito hong nangyari nitong araw hong ‘to ano, Martial Law pa e, namatay na po tatay ko. Sa isang lugar don sa Kabisayaan, meron yung dating senador, senador siya noong panahong bago Martial Law e. Tapos dumating siya sa isang plaza dahil may rally tayo doon. Pagdating niya don dinatnan niya, medyo nahuli siya, dinatnan niyang tao — tatatlo. Sabi niya ngayon doon sa emcee, kailangan pa ba ba ako dito — tatatlo na lang ‘yung kausap ko? Sabi niya, “sir mukha hong hindi pa ho nakumbinse ‘yang tatlong iyan. Baka ho kayo ang magsalita makumbinse natin sayang naman.” Ngayon ho, pag ako may pinuntahang lugar tatlo na lang ang kakausapin ko, siyempre hiram lang tayo ng tatlong silya, maski ako nakatayo na lang ‘ho, lapitan mo na lang, di ba, magkwentuhan na lang kayo. E medyo may pagkatraditional na pulitiko po ‘to, nakita ‘yung entablado, nakita ‘yung mic, sinampahan ‘yung entablado — ginamit ‘yung mic para kausapin ‘yung tatlong taong naiwan sa plaza. Kalagitnaan ‘nung talumpati niya, tumayo ‘yung isa umalis. Lingon siya sa emcee, “sir mukha hong talagang kayo na lang ang hinihintay, nakumbinse na niyo, tuloy na po niyo, may dalawa na lang kayong kailangan kumbinsihin”, 100 percent” sabi niyang ganyan, 100 percent na tayo dito. Itinuloy ‘yung talumpati, matatapos na lang ‘yung talumpati, tumayo na naman ‘yung isa, umalis na naman, isa na lang naiwan. Sabi niya ngayon, lingon na naman siya, “ang galing niyo talaga, sir, dalawa sa tatlo hindi nakumbinse, nakumbinse niyo, ituloy na niyo — isa na lang, ayos na tayo.” Natapos ‘yung talumpati, hindi na siya iniwanan nang kahulihulihan, nilapitan niya ngyaon, sabi niya: “brod, siguro naman kumbinsido ka na.” Sagot sa kanya, “sir, sa totoo lang, bago pa kayo dumating kumbinsido na ako. Sa katunayan po ‘yung sound system na ginagamit niyo, akin po ‘yan. Hinihintay ko hong matapos kayo at maiuwi ko na”di ba? Kaya mahirap po talaga kapag pupunta kayo sa lugar na kumbinsido na lahat pero baka meron pa ho tayong mga hindi nakukumbinsi sa labas, sila ho siguro ang gusto kong kausapin, tulungan na lang po niyo ako.

Alam niyo, madalas pag nagpupunta ako sa Baguio, naikukwento ko nung panahon ng kabataan ko, ‘di ba. Ang tatay ko ho kasi napaka, paano ba natin sasabihin? napaka-bising tao. Sa totoo lang ho, ayaw niyang mamolestiya pamilya namin, kaya pag may dadalaw sa bahay, kukulitin ko po siya at kakausapin siya, pinipilit niya na magmadali, matapos sa bahay para meron kaming konting tinatawag na privacy, dadalhin po niya sa opisina niya at doon kakausapin lahat ang gustong kumausap sa kanya. Sa dami naman po nang pinupuntahan niya, pagdating ng gabi, natutulog na ho kami dahil mga bata kami, nag-aaral ho kami ng grade school, ayaw naman niya kaming molestiyahin. So pag minsan, darating siyang maaga-aga, ibig sabihin ho, alas-nuwebe ng gabi. May dala-dala siyang siopao, siomai, gigisingin kami, na kakatulog pa lang. So yung mga kapatid kong babae, habang nakikinig sa kanya nakaganun. Ako naman po ganado akong samahan siya doon sa siopao at siomai — kaming dalawa ho nagkakaintindihan nang husto. Sa Baguio ho, madalas nagbakasyon kami ‘yung mga panahon bago ‘nung Martial Law at pagdating sa Baguio parang kumpletong normal kaming pamilya, di ba. Sabay kayong nagsisimba parati, lahat ng needs: almusal, tanghalian, hapunan, magkasama kayo, dadalhin niya ako para mangabayo o kaya ‘nung panahon na ‘yun, hanggang ngayon meron pa ho ‘di ba, may boating sa Burnham Park.

Naabutan ho ni Ronnie itinuro niya sa akin nung araw, may mga kotse pa diyan, bisekleta at iba pa. So parang pag nandito, talagang tatay na tatay ang papel niya sa amin. Buong-buo doon sa panahon ng bakasyon na kasama namin siya, hindi nagtatrabaho. Dumating ho ‘yung punto siyempre na nagka-edad na rin ho tayo — college, ‘yung Baguio ho, tandang-tanda ko rin dahil dito kami parang ‘nung umpisa doon sa barkadahan namin na trinato kami ng mga magulang namin na ‘yung nasa hustong gulang na. Ibig sabihin po ‘non, pinayagan kami magbakasyon, kami-kami lang magkakabarkada ang magkakasama, dise-otso anyos pataas at para bang ‘yung nakamaneho ka ng Kennon na ikaw mag-isa — ganyan, ang laki na nang nagawa mo. Yung pagluluto ‘yung mga ganyan, di ba? Yung pagba-budget, lahat ho ‘non, parang nagiging adult na kami. So, ikwento ko ho sa inyo isang beses, ‘yung una namin pagpunta dito, sa totoo lang may konting daya ano. Nagluto ho sa bahay namin ‘nung kakainin namin dito, tapos — ‘yung half-cooked, kaya pagdating dito halos ipapainit mo na lang. E pero ang tatay ko ho, binibigyan kami ng pagkakataon Martial Law po e, makadalaw tatlong beses isang linggo. So, parang nauuna naumuwi dun sa mga kabarkada ko dahil dadalawin ko ang tatay ko.

Noong iniwan ko po ‘yung mga kabarkada ko dahil siyempre nagmamarunong kami, magaling na kami, kayang-kaya namin alagaan ang sarili namin — nasa edad na kami. Nagluto po sila ng pagkain, so may dala-dalang de lata, kumuha ng kawali, nilagyan ng tubig yung kawali, ipinatong ‘yung de lata doon sa kawaling may tubig, pinaandar ‘yung gasera. Sabi nila, “yan iinit na ‘yan.” Di uminit nga ho. Hindi naman binuksan ‘yung lata, sumabog ‘yung latang punong-puno ‘yung kisame. Siyempre hindi na namin kinuwento sa mga magulang namin na hindi pa kami ganun kagaling. So, punto ho nito, basta naisip mo ang Baguio, naisip mo ‘yung Benguet, talagang marami hong memories, di ba. Siyempre pati na ‘yung pamimitas ng strawberry na ikaw mismo ang pumitas. Marami ho siguro ‘yung right to passage ‘nung bata ka, pupunta kang Baguio, pupunta ka ng Good Shepherd, kakain ka ng peanut brittle, di ho ba? Pag tanghalian, miryenda — ‘yung strawberry na fresh. Kapag uuwi ka na lang strawberry jam. Nung may edad ka na — strawberry wine. Sila ho, ako hindi pa rin ho ako nainom masyado e. Tikim-tikim lang po ako talaga, yun lang ang kaya ko.

So dagdag ko pa at ito dapat masabi ko bago ko makalimutan, ito hong teleprompter, ano lang ho iyan. Hindi ko ho ginagamit ngayon ‘yan, kaya pasensiya na ‘yung mga writer ko na hindi ko magamit ‘yung sinulat niyong pinaghirapan niyo.

Alam ho niyo, tumakbo akong senador, lumapit ako sa inyo, kumatok po ako sa inyo, ang Baguio at saka ang Benguet — hindi po tayo pinabayaan. Tumakbo po akong presidente: Baguio at Benguet na naman, hindi na naman tayo pinabayaan. 2013, nakiusap na naman po tayo sa inyo at talaga naman po: 9-3 ‘yung ating senatoriables dito sa Baguio at sa Benguet at yun po talaga ang naging final na result kaya muli, sa lahat po nito, siyempre umpisahan ko po muna, maraming-maraming salamat sa inyo pong lahat.

Dito ho ako gagamit ng konting notes. Ano naman ang napala ng Baguio at Benguet nang naniwala kayo sa akin? Alam po niyo, puntahan muna natin ‘yung imprastruktura: tulay, kalsada, at ‘yung mga ganun. Sa DPWH lang po ha, ‘yung hindi pa ‘yung mga — meron ho tayong mga tinatawag na Private Public Partnerships, merong mga ODA. Iyong ginawa ng DPWH sa larangan ng imprastruktura.

Yung pinalitan po natin, ang naibigay po raw sa inyo ay 5.69 billion mula noong 2005 hanggang 2010. So mga limang taon po ‘yan, di ba. Tayo naman po mula 2011 hanggang 2016, ‘yung 5.69 billion nila, ginawa nating 12.08 billion sa imprastruktura.

Saan ho napunta ‘yan? Nandoon na ho ibinalita sa atin ng DPWH ang pagsasakongkreto, pagsasaayos ng Gurel-Bokod-Kabayan-Buguias-Abatan Road, Baguio Circumferential Road-Eastern Link, Ballay-Tabio-Tonoman-Bulalacao-Tawangan-Lusod Road, Ambangeg Junction National Road at marami pang iba.

Diin ko po, hindi lang ho isang sektor ang parati nating tinutulungan, hindi lang po imprastruktura – imprastruktura lang. Kunyari ho… sorry kailangan kong idagdag po ‘to: farm-to-market roads, ang sabi ho sa atin ng DPWH, 200 na po ang farm-to-market roads na nakumpleto natin dito po sa Benguet. Natapos naman po ang irrigation projects nasa 242 na mula 2011 hanggang sa kasalukuyan at nakakapaghatid na rin raw po ito ng — ay! nakadala na rin tayo ng tinatawag na tatlong agricultural tramlines sa Benguet. Tama ba ‘yon Ronnie? Tama, okay. Iyong tramline po, dati bibitbitin mo ‘yung iyong produkto, tatawid ng bundok, pagdating sa kalsada, ‘yung gulay pwede nang salad. Tama ho ba e nabugbog e? Itong tramline ho, maibababa, ilalapit sa kalsada, madadala mo sa merkado, mas perpekto ‘yung itsura, siyempre mas maganda ang presyo, tatlo na po ang nagawa niyan.

At itinuturing pong flagship project dito na mukhang naging kontrobersiyal sa agrikultura ay ‘yung ipinapatayong Benguet-Agri Pinoy Trading Center sa La Trinidad. Ang hinahabol po natin dito ay makatulong sa tinatayang 20,538 magsasaka. Bahagya nang nabuksan daw po ito ‘nung Oktubre at inaasahang maging fully operational sa second quarter ng kasalukuyang taon.

Meron na rin po tayong 37 Shared Service Facilities galing sa DTI Halimbawa po, ‘yung sa industriya ng loom weaving, may itinayong Shared Service Facility para sa Sitio Upper Goldfield Weavers Association noong 2013. Ang kinikita raw po nila kada taon — 100,000 dahil ho dito sa pasilidad na ito, napataas din ang kinikita nila to 141,000 pesos at hindi pa ho kabuuan ng 2014 yun. Siguro naman ho sa 2015 ay di hamak mas malaki ang naiko-contribute niyan.

Puntahan naman po natin ‘yung IT-BPM industry, ‘mga call center at iba pa. Si Mar Roxas ho, baka hindi ho batid ng lahat, siya ang nag-umpisa po nitong industriyang ito sa Pilipinas noong panahon na siya ay kalihim ng Department of Trade and Industry. Ang umpisa pa ho nitong industriyang ito, ang naempleyong diretsuhan — 2,400 na katao. Ang kabuuang revenue po ‘nung panahong iyon — 20 milyong dolyar noong taong 2000.

Nitong 2014, pumalo na po sa 1.07 million ang empleyadong diretsuhan ng sektor na ‘to at ang kabuuang idinadagdag sa ating ekonomiya: 18.9 billion dollars. Ang sabi sa atin ng DTI, palago nang palago ang industriyang ‘to at inaasahan na sa taong kasalukuyan ang diretsuhang empleyado: 1.3 milion. Ang idadagdag sa ekonomiya natin: 25 billion dollars at isa sa pangunahing lugar na sentro ng IT-BPM industry, siyempre po — ang Baguio. [Palakpakan]

Baka may magsabi ho, lalo na ‘yung kalaban natin, o sige si Mar Roxas na ang nag-umpisa niyan e ano naman ang ginawa niyong tulong? Doon ho papasok sila Kuya Joel at saka TESDA. Meron ho silang training para sa IT-BPM [crowd cheering/applause] Iba talaga ‘yung tono nila, Joel. [crowd cheering/applause] Yung kapag napakinggan ho niyo ‘yung jingle ni Joel parang panahon ‘nung 1970’s e di ba? [laughter] Doon parang iba ang dating kaya iyon ho ang pruweba kung sino ang nakakatanda sa amin. Dinadaan lang po niya sa paramihan ng buhok e.

Ang tinulungan na po ng programang ng TWSP ng TESDA or Training for Work Scholarship Program mula 2010 hanggang 2015, nasa 25,314, 7,000 po nito ay napunta doon sa tinatawag nga nating IT-BPM industry. Ang maganda nga po rito ayon sa pag-aaral ng TESDA, noong 2014, umabot na po tayo sa 71.9 percent placement rate para sa graduates ng TESDA. Alam ho niyo nung dumating tayo kasi nasa 28.5 percent, halos ¼ lang nagte-training sa TESDA ang nakakahanap ng trabaho sa loob ng anim na buwan. Sa panahon po ni Joel, halos 72 percent na ang may trabaho hanggang anim na buwan matapos ang training.

Tapos parati ho niyang ibinibida sa accomplisment report, kung minsan ewan ko baka tinutuya niya ako dahil bigyan ko kayo ng sample. Yung slaughtering na sikat na sikat ngayon sa Cavite at iba pang lugar, ang starting monthly salary? Ang starting monthly po ‘nun: 160,000 ng tumutungo sa Australia at saka sa Canada tsaka napakaraming demand. Sabi niya 160,000 iyon. May mekaniko ho silang na-train napunta sa Australia: 250,000 naman po yun.

Merong OFW tayong bumalik sa Pilipinas, nag-aral sa kanila ng massage therapy — after two years kung hindi ako nagkakamali, Joel, nasa apat na spa na naitayo, 35 na ang kanyang empleyado. Yung nasa Coke STAR program naman po. ‘Yung Coke STAR, tinutulungan ‘yung may-ari ng sari-sari store. Okay, may-ari ng sari-sari store, tuturuan ano bang , ano bang– ‘yung budget mo saan mo hahatiin, sa anong produkto, paano mo ididisiplay, paano ‘yung book keeping, paano ‘yung accounting, basta kung ano-anong skills na tinuturo para mapalago ‘yung kinikita niya dun. So meron siyang – tinulungan po sila. Karamihan ng storya ganito: bago dumating ‘yung programa, kinikita nitong aleng ‘to: 800 piso, ‘yung natapos ‘don sa programa –kada araw po ‘yun — nung natapos ang programa: naging 5,000 piso kada araw ang kinikita. Sa limang libo po, i-multiply po natin ng 30 days, lalabas po yata ‘yun ng 150,000. Tama po ba? Okay, so lahat po ng ikinuwento ko sa inyo, lahat po sila ang sweldo nila mataas sa akin, sa sweldo ng Presidente ng Republika ng Pilipinas. Kaya okay lang po ‘yun. Kaya bilib ako talaga kay Kuya Joel, sampu ng ating mga kasamahan sa TESDA, kasama na din ‘yung ginagawa ni Mark Lapid para sa tourism nga, dahil bawat turistang dumating – foreign tourist na dumating sa Pilipinas – tinatayang may isang trabahong binibigay sa mga Pilipino. So mula dating 3 million nga, papunta na tayo sa 6 million ngayong taon. Isipin niyo gaanong kadaming trabaho na ho ang nagawa.

Dyan sa IT-BPM nga ho pala, kaninang sinasabi kong diretsong trabaho. Ano ba ang ibig sabihin nun? ‘Yung nagtatrabaho sa IT-BPM, siyempre kailangan ng – pupunta ng mga tindahan 7-11 at iba pa ‘no? Convenience store, kailangan ng transportation, kailangan ng tirahan. Ang dami hong mga dagdag na trabaho — sumusuporta sa IT-BPM. Kaya factor po 4 and a half to 4, bawat isang empleyado ng IT-BPM, mayroong tatlo hanggang apat na dagdag na trabaho sa ating kabuuang ekonomiya.

Tumungo naman po tayo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sinundan po natin ang 4Ps tila ginagamit sa pamumulitika. Alam po niyo, nag-umpisa mayroong tinatawag na National Household Targeting Survey o sa Tagalog ginawang pangalan Listahanan. Hinahanap natin sino ang pinaka-nangangailangan sa atin pong lipunan at ang lumabas pong resulta dyan ay mayroong 4.6 na milyong kabahayan ang masasabi natin living below the poverty line.

So ‘yung pinalitan po natin, ang inilaan po nila ditong pondo ay sapat para sa — or ang tinulungan lang ay 780,000 bahay o kabahayan. Tayo po, sa taong ‘to, mapupuno na natin ’yung 4.6 million na kabahayan. Ano po ‘yung – alam naman po niyo siguro kung ano ‘yung 4Ps ‘di ba? ‘Yung Pantawid Pamilya. Pwedeng magtaas ng kamay ‘yung may alam ng Pantawid Pamilya dito, kung meron? Okay, mayroon tayong iilan-ilan. Ipaliwanag ko lang ho, ang paniwala po namin kailangan natin isagad ang oportunidad sa bawat Pilipno.

So ‘yung mga hindi ko kayang magpaaral ng anak nila, binibigyan natin ng sustento, ang kondisyon panatilihin mo ang anak sa paaralan. Okay, isa po ‘yun sa pinakapangunahing kondisyon. Anong resulta? Sa tulong po nating ginagawa, sa una pong mga pag-aaral o inisyal na pag-aaral dahil nagkaroon na po ng Listahanan 2, ‘yung pangalawa nung survey, validation nung una. Mayroon na pong 7.7 milyong Pilipino ang umangat na sa tinatawag na poverty line.

Hindi po magtatagal, pati ‘yung tinatawag nating – sila ngayon yung tinatawag na near poor – ay may bago tayong programa para mailayo sila lalo sa kahirapan. Ano ‘yung ibig sabihin ng near poor? ‘Yung nakaangat ka na, may pangtustos ka na, pero bigla na lang nagkaroon ng karamdamang mabigat. ‘Pag may karamdamang mabigat, ubos lahat ng naipon mo o kaya may dumating na lindol o kaya bagyo, ubos na naman ‘yung pinag-ipunan mo, balik ka sa kahirapan.

‘Yun ang susunod na mga programa, ‘yun ang ibig sabihin ‘pag itutuloy natin ‘yung Daang Matuwid, hahabulin natin na ilayo sila nang ilayo sa tinatawag na poverty line.

Sa Benguet po, tingnan ninyo, pag-upo ko sa pwesto — maganda ho pala ganito ‘no, 780,000 – medyo hirap pa ho ako ng konti sa Math, kung papayag ho kayo, ira-round off ko na lang ha, gawin na nating 800,000. Ang probinsya po ng Pilipinas 81. Para madali na lang ‘yung computation, gawin na lang nating 80. Okay lang sa inyo? I-divide natin ‘yung 800,000 sa 80 probinsya, lalabas para pare-parehas — tig-10,000, tama ho ba? Sasabihin naman ngayon ng iba, hindi naman pwedeng pare-parehas, iba ‘yung populasyon. O sige, pero parang on average, sana malapit sa 10,000. Okay.

Pag-upo ko po sa pwesto, bilang ng benepisyaryo niyo dito sa Benguet: 2,151 lang. Ngayon pong 2015: nasa 14, 713 na pong mga kabahayan ang tinutulungan natin dito sa Benguet.

Sa Cebu po na palagay ko naman papayag kayo mas malaking populasyon kaysa sa Benguet. Nung dumating tayo: nasa mahigit 5,600 lang ang kabahayang sakop. Sa totoo lang po, maswerte pa ang Benguet kung tutuusin, dahil ang Bohol po, sa kabuuang populasyon nila: 531 lang ang kabahayan tinutulungan ‘nung ating dinatnan.

At sa Cavite po, nagulat ako nung isang araw natuklasan ko, na nag-umpisa pala tayo yung sa 4Ps, ni isa, zero wala raw ho palang tinutulungan yung 4Ps sa Cavite na ating dinatnan.

Kamakailan po, may lumabas sa survey at ang sabi apat daw sa bawat limang Pilipino ang boboto sa magpapatuloy ng Pantawid Pamilya at ‘di na tuloy nakapagtataka, nagsulputan po ang mga kandidatong umaangkin sa tagumpay ng programang ito, kahit palaging kontra sa Daang Matuwid.

May mga nagsasabi po — gagawin niyang unconditional ‘yung conditional cash transfer. Aba, okay ‘yun, mawawala ‘yung unang C, magiging cash transfer na lang. Sana ‘yung cash transfer mapunta sa kinaukulan. Siyempre itatanong natin, ‘di ba conditional nga e,cash transfer. Pantay ang trato sa lahat ng pwedeng maging benepisyaryo. ‘Pag wala ka ng mga kondisyones, ano kaya ang balak dito? Diktahan na lang, ituturo na lang kung sino isasali. Isama na rin natin – wala nang kondisyon e – isama na natin lahat maski hindi nangangailangan. Okay.

At tila ‘yun yata ang nagsabi ring”dadagdagan ko ang benepisyo niyo, habang babawasan ko ang buwis niyo.” Kaya ho kaya ‘yun?

‘Yung mga may-bahay po dito, pwede ba kayo magdagdag ng mabibili niyo habang babawasan ang budget niyo? Kung meron ho, pakitaas lang ang kamay kung kayang gawin ‘yun. Gagawin ko ho kayong Budget Secretary bukas.

‘Yung isa naman po, magbibigay pa ng sako-sako ng bigas. Minsan ho napapag-isip ako, grabe po mangako yata lahat ito pero wala namang patunay na magagawa po lahat ito.

May isang matindi pang nagsabi, “palalawakin ko ang benepisyo ng 4Ps.” Pero mismong anak niya ang nagsigaw, tila 2013 nung naririnig natin ito kailangan imbestigahan ‘yang programang ‘yan. Ito sa harap ng kaliwa’t-kanang alegasyon sa kanya ng katiwalaan na ayaw niyang sagutin o linawin. Kayo po ba gusto niyo po bang ipagkatiwala ang malaking pondo ng Pantawid Pamilya na nakakatulong na sa marami nating kababayan sa ganitong mga kandidato at sa kanilang mga pangako?

Alam po niyo, sa Daang Matuwid, nasisimulan na nga hong maabot ang potensyal ng inyong lalawigan kung di ng buong bansa pati na rin po ng Baguio. Syempre, hindi naman natin mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa pakiki-hakbang ninyong aking mga Boss ‘no at ang inyong mga lokal na pinuno.

Kung hindi niyo ako binigyan ng mandato, hindi ko kayo mapapangunahan dito. Kung hindi kayo nagtiwala sa akin na kaya nating gawin ‘yung inaasam asam natin, hindi naman natin sinubukan at patuloy lang ‘yung nangyayari sa ating nagtutulak na lumaya sa bansang ‘to.

Sa liderato po ‘no, ng ating butihing Vice Governor Nelson Dangwa kasama siyempre si Nick Aliping, si Ronnie Cosalan, ay talagang wala ng makakaawat sa pag-angat po ng inyong lalawigan at inyo pong siyudad.

Sa darating na halalan po, muling haharap sa sangandaan ang sambayanan. Isa nga po itong referendum Itutuloy ba natin ang maganda nating nasimulan o babalik tayo sa lumang kalakaran?

Ang sa akin po, kasama na natin ang siguradong magtutuloy sa Daang Matuwid. Sa lahat ng kandidato sa akin pong pananaw siya lang ang totoong may “K”: May konsyensya, may kakayahan, may kalinga sa kapwa at nadagdagan pang may Korina, walang iba kundi po si Mar Roxas.

Malamang po kung nung araw pa ay katambal ko na si Mar at siya po ang ating running mate, sigurado po akong mas malayo na ang narating natin. Isipin din po ninyo ‘di ba, ‘pag may mangyari sa pangulo, bise presidente ang papalit sa pwesto. Kung magkaiba ang paninindigan nila, madidiskaril at matitigil ang lahat ng nasimulan.

Ganyang kahalaga po ang pagboto sa isang tandem. Ngayon po, nandito si Aika, napakinggan na po niyo bilang kinatawan ng pambato ng Daang Matuwid sa pangalawang pangulo na walang iba kung di si Leni Robredo. At sino ho ba naman ang hindi hahanga kay Leni?

Alam po niyo, ‘yung buwan ng Agosto po, medyo – aminin ko sa pamilya po namin, medyo tense kami ‘pag dumarating ‘yung August. Bakit po? Siguro nung araw po, muntik na po ang tatay namin dun sa Plaza Miranda bombing — August 21 po ‘yan. Pinatay ang tatay ko: August 21. Nanay ko po yumao rin: August 1. Ako po naambush: August 28 ano. Parang napakaraming nangyayari sa August at nung August 18 po, si Jesse naman po ang pumanaw. Ngayon ho, si Jesse tulad ng aking ama, gusto niyang bigyan ng buhay pribado rin ‘yung kanyang mag-iina. Ayaw niyang isama at idamay sa pulitika.

At nung dumating na panahon nawawala si Jesse, ako bilang kasamahan ni Jesse, bilang masasabi na natin kanyang hepe, obligasyon kong ipaalam sa kanyang mag-anak kung ano ang resulta ng paghahanap natin kay Jesse. At doon lumabas, na halos wala sa amin ang talagang nakakasama ni Leni o matalik niyang kaibigan dahil pinipilit nga ni Jesse na hindi sila idamay sa buhay pulitika.

Ito po ano, at kahit anong bibliyang dalin niyo sa akin, kaya kong ipatong ang kamay ko, at maisabi sa inyo – siyempre nag-aalala ako paano ko ba sasabihin kay Leni, sa kanyang mga anak ang nangyari o ang hindi pa natin tiyak na nangyari pero mukhang negatibong balita.

Paano ko ba papagaanin ang dinadaanan nila bilang Ama ng Bayan? At sa totoo lang ho nagulat ako sa katatagan ni Leni. Hindi ko man ho nakita ni isang luha pumatak, at sa akin po parang damang-dama ko mabigat sa kanya pero iniintindi pa rin niya ang kapwa niya. Ayaw niyang pabigatin din ang stiwasyon ng kanyang kapwa.

Sa tindi ng paghanga, pagkilala, pagtanaw ng utang na loob kay Jesse, napakaraming gustong tumulong sa kanyang biyuda at sa kanyang mga anak. At sabihin ko ho sa inyo, ni minsan, wala tayong napansin na gustong — or sumubok man lang mang-abuso o magsamantala si Leni. Ang dami pong tinanggihan sa mga kusang loob na tumutulong sa kanila at ayaw nga niyang ‘yung – ayaw niyang masira ang pagkakilala kay Jesse — na kung lumagpas abusado sila.

Wala ho siyang balak tumakbong pulitika. Nabanggit ni Aika kanina, pinakiusapan, tumakbo sa distrito niya sa Camarines Sur. Mabigat nga ang kalaban, tinalo. Pwede ho siyang humabol na lang ng reelection, mas madali ‘yung reelection kaysa maghanap ka ng ibang pwesto.

Pero nung tinawag ng sambayanan, nahirapan ang kanilang buong pamilya dinidiskusyon. Ipinaliwanag ni Aika kung bakit, dumating ang punto — nagkaroon ng desisyon. Kung iminumungkahi ng taong bayan, kung kailangan siya ng taong bayan, handa siyang pumasok sa isang mas mataas na pwesto na mas madugo pa – ang sasabihin nating bakbakan at mas madumi ang pulitika dahil ‘yun po ang talagang ugali, yun ang maasahan natin kay Leni, matatag na talagang may malasakit sa kapwa. Kaya ako po, talagang nakikiusap kami sa inyo, dito ho talagang dapat may Mar Roxas na tayo, may Leni Robredo pa tayo, siguradong tuluy-tuloy ang Daang Matuwid.

Kaya ako po talagang nakikiusap ako sa inyo, dito talagang dapat may Mar Roxas na tayo, may Leni Robredo pa tayo siguradong tuloy tuloy ang Daang Matuwid.

Mga kasama, kanina po kausap ko ‘yung mga bagong graduate ng PMA, tinanong nila sa akin: Ano ho ba ang palagay niyo legasiya niyo? Sabi ko, pinakamatingkad na para sa akin, nabago na yata natin ang kaisipan ng ating mga kababayan.

Dito po, hindi po ganoon kalayo sa inyo, dumalaw ako sa Apayao. May nagsalaysay po, sabi nila, ‘yung aming pong komunidad may pagkaliblib ‘pag may nagkasakit dadaan kami sa gubat. Tatahak kami nang dalawang araw na naglalakad para madala ang may sakit sa pinakamalapit na ospital.

‘Yung aming gubat po nagmistulan na ring sementeryo dahil hindi na umabot sa ospital. Sabi niya, ngayon po may kalsada na kami, minuto na lang papunta dun sa hospital.

Nakuha pang magbiro ng ating butihing gobernador Butchi Bulut, sabi niya sa akin: “Nung araw dito sa amin, pagandandahan ng ambulansya.” Sabi ko: “bakit kailangan pagandahan ng ambulansya e iyon lang naman ang paglingap sa kalusugan — maitakbo ka sa hospital.””Noon yun,” ika niya, “ngayon kami na ang referral hospital ng mga karatig lugar o karatig na probinsya.”

Ang dali hong makita ‘yung dati at doon, ‘yung dati at saka ‘yung ngayon, kung gaano – yung sinabi ko sa inyong itinulong sa Benguet, hindi lang ho sa Benguet, hindi lang ho sa Baguio City ‘yan. Bawat probinsya, hindi ho kailangan nakayuko at sabihin: pasensya na kayo at nagkulang ako dahil pwede nating masabi — ang layo na ng naitutulong sa inyo ng gobyerno nasyonal at ang dami nang resulta dahil nga ho nagsama-sama tayo, nangahas tayong mangarap at talagang ginawa natin ang lahat para makamtan ‘yang mga pinangarap natin dati. Sabi po nung taga-Apayao ni minsan po akala nila hindi na titigil silang mananaginip lang na magkakakalsada sila, ngayon may katotohanan na raw po.

Ang tanong: Mayo, ika-siyam ng Mayo, tatanungin tayo saan ba tayo pupunta? Kami ho ang mungkahi natin, ang layo na talaga ng narating natin sa Daang Matuwid. Talagang tumutotoo ako sa pangako ko sa inyong iiwan ko ang bayang’to na ‘di hamak mas maganda sa dinatnan ko.

Ang tanong ho: Sino ba ang nagnanais na isugal natin ang naabot na natin? Kumbaga natututo pa lang tayong lumakad ngayon e, natuto na tayo, patakbo na tayo ngayon, tapos biglang darating tayo ngayon, sasabihin:stop, left turn or right turn, pero pinakamasakit: U-turn.

Kayo ho ba, gusto niyong bumalik tayo sa sitwasyong na ganoon? Bigyan ko lang ho kayo ng isang halimbawa, U-turn. Isa ho sa pinahinto kong proyekto, dredging nung Laguna Lake, okay. Ano hong sabi dun? Sabi nila, kailangan pataasin ang daming tubig na nakukuha nitong lawang ‘to.Mukhang maganda. Paano natin gagawin ‘yan. de-dredge. Okay. Saan natin dadalin ‘yang nakuhang materyales na ‘yan? Kukunin sa isang parte ng lawa, ililipat sa kabilang parte ng lawa. Sabi ko: paano dadami ‘yung tubig dyan kung hindi mo naman tinanggal doon sa lawa, iniwan mo lang, inilipat mo lang ng lugar? Tapos alam ho niyo, para sa pribilehiyo na maglaro tayo ng sarili nating putik, ‘yung Laguna Lake ho kasi kasama sa Pilipinas ‘yan. Para bang may karapatan tayong paglaruan ‘yung putik natin, sisingilin lang tayo ng kaunti, 18.7 billion pesos. Lampas po sa naihatid natin sa Benguet, ‘yung halaga para maglaro ng putik. ‘Yun ang U-turn. Okay.

So babalik ako, panahon ng kampanya, maraming ligawan, pagandahan ng commercial, pagandahan ng slogan ‘no. Pero palagay ko naman ho, iilan na lang ho ang kayang mauto ng nanlilinlang ‘no, pakinggan natin lahat ng kandidato at makikita niyo ang sinasabi ko — lalabas at lalabas ang katotohan.

Kaya palagay ko po, Mayo — sa ika-siyam ng Mayo ‘no, wala naman ho sigurong maayos na mag-isip ang magsasabing halika na: mag-left turn, mag-right turn at mag-U turn. Palagay ko ang isisigaw: ituloy natin ang Daang Matuwid at sa inyo pong pahintulot, pakilala ko po sa inyo ang magtutuloy ng pagtahak natin sa Daang Matuwid, sa aking pananaw: ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas walang iba kung ‘di si Mar Roxas.