Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella
DZRB – “Kaagapay ng Bayan” with Melany Valdoz – Reyes
11 March 2017

Ms. Valdoz-Reyes: Magandang umaga, sir. Kamusta po? 

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Maayos naman. [laughs] Nakapahinga ng konti. [laughs]

Ms. Valdoz-Reyes: Oo nga, sir. Saturday ngayon at weekend. Sir, ang una po nating tanong, hingian po namin kayo ng reaksyon doon sa inihayag ho ng EU. Si EU Trade Commissioner Cecilia Malmström, sabi po niya parang kaiangan i-review ulit ‘yung anti-drug war ni Pangulong Duterte dahil baka makaapekto daw po ito sa trade relation ng EU at ng Pilipinas.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Unang-una po, siguro dapat maintindihan natin na pagpasok ng Presidente eh malalim-lalim na ang kalagayan ng korupsyon, krimen at saka ng iligal na droga ‘no sa Pilipinas. At saka linawin uli natin na pagpasok niya, kaya naman naging malalim dahil maraming mga tao na nasa position of power at saka authority na nakilahok sa krimen na ito, especially sa illegal drugs ‘no.

So kumbaga, malalim-lalim ang hinaharap niya. Ngayon ang gobyerno naman natin, andaming… andami niyang hinaharap na mga challenges lalo na ‘yung mga increasing na terrorist acts sa Mindanao ‘no. At saka ‘yung patuloy na pagkaclash ng ating militar versus NPA.

So pero ang masasabi natin ay maliban — considering anything, hindi naman pwedeng pabayaan ng gobyerno na madis[inaudible] o madelay siya, madiskaril sa kanyang — madiskaril lalo na sa mga threats ‘no. Kasi parang threat ‘yan ng mga international communities sa atin eh ‘no katulad nung sa EU ‘no dahil hindi nila siguro maarok, hindi nila maintindihan, hindi nila makuwan talaga kung ano ba talaga ang nangyayari na… kung ano talaga ang nangyayari dito.

Unang-una, kailangan natin maging safe at secure ang ating bayan at sa ganoon… tapos… at saka pag naandyan ‘yan, susunod din ang lahat ng ano, itong economic growth na hinahanap natin.

Pero po siguro linawain natin ‘no na ang Presidente ay hindi isang diktador, ang ating… ‘yung ating Lehislatibo at saka Judiciary ay independent naman sila at saka… so kumbaga we’re working cooperation with them ‘no.

Ngayon, tandaan po natin na hindi tinotolerate ng Presidente itong mga… katulad ng sinasabing ano… mga extra-legal… mga… mga kaganapan ‘no. Pero tandaan po natin, marami at malalim na po ang rogue cops at mga tao na talagang interesado na… nakatago ‘yung kanilang pinagkakagawa at pagkasangkot and that is why the ano… that is why we would not be surprised kung kaya lumalaki ‘yung ingay kumbaga, ‘yung ingay.

Pero sa totoo lang po ay ang ano ba talaga ang pursuit, ano ba talaga ang habol ng Presidente kundi isang maayos na bayan. Isang bayan na talagang nararapat para sa ating mga Pilipino. At marami ho tayong iba’t-ibang klase ng Pilipino. ‘Yun po. 

Ms. Valdoz-Reyes: Sir, ang Human Rights Watch po ay meron na namang inihayag. Parang sabi po nila, parang nag-e-encourage daw po si Pangulong Duterte ng war crimes doon sa mga recent statements po ni Pangulo. Ano po ang reaksyon ng Malacañang dito sir?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Unang-una po, intindihin natin ano kung saan po talaga nanggagaling ang Presidente. Like recently, sinasabi… kausap niya nga ‘yung mga [anong tawag nito?] ‘yung mga local officials sa Mindanao. Ang sinasabi niya, ‘yun nga,  nagpahayag nga siya na…humihingi siya ng tulong at sabi niya, huwag tayong lalamya-lamya kumbaga. Kumbaga, gamitin natin ‘yung kapasidad at ‘yung otoridad na naibigay sa atin sa kanila upang malabanan.

Kasi unang-una, una maintindihan natin na ibang klase po ‘yung krimen na nangyayari po sa ano, sa let’s say, sa iba-ibang parte ng Pilipinas lalo na siguro doon sa malayo-layo sa Manila. Na ginagamit ang ano, ang kita sa droga para panlaban sa terorismo ‘no at… eh tapos naman, kumbaga nagiging [unclear]. Talagang hindi siya basta’t negosyo lang.

Wala po tayong kinakalaban na ano rito, ang atin pong hinaharap ‘yung atin pong kapakanan. Kumbaga, we are fighting for the existence and for the life of the nation. Hindi po naiintindihan siguro ng ibang tayo ‘yan ‘no dahilan ‘yung kanilang mga… developed sila, iba ‘yung kanilang kalagayan, ‘yung kanilang borders ay single, ‘yung ating kuwan ay… [unclear] porous ‘yung ating borders at ang dami talaga, ang lawak talaga kaya siguro kailangan, kung sino man ang leader ay maging…  needs to be more authoritative at ganoon po pero sa totoo lang po ay ang talagang ano… ang hangad lang po ng Presidente, isang bayan na mapayapa. 

Ms. Valdoz-Reyes: Sir, meron din pong… recently po nagbuo ulit ‘yung Human Rights Commission ng team para imbestigahan naman ‘yung mga bagong alegasyon po. Ito po ‘yung kina Lascañas doon sa so-called Davao Death Squad nung mayor pa si Pangulong Duterte.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Ano po ‘yung tanong doon? 

Ms. Valdoz-Reyes: Ano po ‘yung ating sagot dito, sir?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Ay ang ano na lang po siguro eh kung meron man silang pruweba at meron silang base eh di magsalita sila.

Pero like we said, discredited na po ‘yung si Lascañas at kung sino man ang kasa-kasama niya eh siyempre, kaduda-duda rin ano. So hindi po natin… ang atin po…hindi naman po tayo tulog eh at nakikita naman natin. Alam mo ang Pilipino ay mulat ang mata. Ay kaya lang syempre may mga ano, taong interesadong palakihin ang apoy kung ano man ang naririyan. So ang atin po ay hayaan po natin na gumawa na lang tayo para sa bayan. 

Ms. Valdoz-Reyes: Opo.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Hayaan natin. ‘Yun lang po ang masasabi natin. 

Ms. Valdoz-Reyes: Speaking of Lascañas sir, Lascañas and Matobato, nagpahayag po sila na handa po sila magtestify daw sa local at international court. Dadalhin daw po nila ‘yan sa international court ’yung kanilang pag testify against Pangulong Duterte po. Dun pa din, over Davao Death Squad issues.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Opo. Eh unang-una po siguro eh maintintindihan natin ‘yung mga… tulad ng mga krimen na pinagusapan sa ICC ay ano po ‘yan eh, may kanya-kanyang klasipikasyon ano.

Katulad nung ano, ‘yung genocide, causing serious bodily and mental harm, ‘yung forcing, [inaudible] birth, kumbaga medyo malayo ‘yung kanilang kinakaso. So [laughs] wala naman tayong kinakalaban na ethnic, racial or religious na mga grupo.

At wala naman tayong extra judicial — wala, hindi po applicable sa atin ‘yung extra-judicial killings ‘no… wala, hindi po applicable. Hindi siya state-sanctioned tsaka ang ano po natin, ang dinideal natin dito ay ano, krimen against drugs and dealers and drug addiction and drug dealing so ano po ito, this is something that kumbaga… actually nga police ano ‘yan eh, these are just police [tawag nito?]operations ‘no. Hindi naman sa ano kaya lang, humihingi nga ng tulong ang Presidente ng panibago dahilan sa ‘yun nga ang dapat na ano, na napabayaan ‘no. ‘Yung dating mga diskusyon na talagang lumalim ang problema. Opo, opo. 

Ms. Valdoz-Reyes: Sir, last na lang po sa drug question. Si Cebu Governor Hilario Davide III, parang umalma daw po siya doon sa naging… nagiging pahayag ni Pangulong Duterte. Ano daw po ‘yung basehan bakit nakonsidera ng Pangulo na highest drug trade ang Cebu dito sa Pilipinas?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Hindi po natin alam kung saan nanggaling ‘yung kanyang mga facts and figures ano. Eh kung sa bagay, wala naman siyang binanggit at binitiwan na facts and figures. Ano lang po ‘yun kumbaga ano po niya, summary ano niya, summary judgment niya ‘yun on the locality ‘no. Pero meron po siyang mga sources na hindi po natin alam. ‘Yun lang po ang masasabi natin. 

Ms. Valdoz-Reyes: Sir last question ko na lang po. Si Environment Secretary Gina Lopez ay na bypass na naman ng Commission on Appointments. Siya po ba ay marereappoint ulit ng Pangulo as DENR chief?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA:  Ano po, wala namang nababanggit pa ang Presidente. Nothing official. On the other hand po, ang sentimyento ng Presidente apparently is, ano niya iniintindi niya at ano niya at bukas siya sa mga pahayag ni Secretary-Designate Gina Lopez ano. So nirerespeto ng Presidente ‘yung kanyang pinanggagalingan. 

Naiintindihan din natin kung saan nanggagaling ‘yung mga lawmakers, ‘yung kanilang mga… at saka ‘yung mga critics syempre, may ano. Pero meron din po mga ano, masasabi ko po na ‘yung katulad noong mga sina…  may mga ilang mga nagsasalita rin na may opinyon katulad ni Ms. Monsod. Sinasabi niya na sa totoo lang eh hindi naman ganoon kalaki talaga ang nabibigay ng mining sa ano sa… pero ‘yun ang opinyon po nila ito. ‘Yun ang opinion nila.

So kumbaga, there are varied opinions and it has to be weighed. But as far as I know, as far as we can see, we can tell, the President seems to appreciate the ano, the concern of Ms. Lopez regarding the

environment and as something that [inaudible] natural resources. Kasi po bagong ano po talaga ito — 

Ms. Valdoz-Reyes: So posible sir na mareappoint ulit sir ni Pangulong Duterte si Sec. Gina?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Hindi po natin sinasabi iyon pero pwedeng mangyari iyon. Opo. 

Ms. Valdoz-Reyes: Sir meron pong tanong si Ms. Aileen Taliping, ang ating kasamahan diyan sa MPC. May pahayag po kasi si Senator Leila de Lima, sabi niya nag-aalala na daw po ang kanyang mga supporters sa kanyang kalagayan. Ano po ang reaksyon ng Palasyo?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Ano po ba ang kalagayan niya ngayon? 

Ms. Valdoz-Reyes: Kalagayan niyang siya ay nakakulong, sir.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Ay talagang ano. Antayin na lang niya na matapos ‘yung ano [anong tawag dito?] ‘yung kanyang kaso. Wala siyang dapat ikabahala. 

Ms. Valdoz-Reyes: Siya daw po sir ay nadedepress na at nag-aalala na daw po ang publiko dahil sa pagpapakulong sa kanya. Iyon po ‘yung pahayag ni Senator de Lima. 

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Kasama po iyan sa kanyang kasalukuyang sirkumstansiya. 

Ms. Valdoz-Reyes: Okay. Maraming salamat po Usec. Abella. Happy weekend, sir.   

—END—

Source: PCO PND Transcriber