INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue
10 March 2016
 
ALAN: Secretary Coloma, magandang umaga po.

SEC. COLOMA: Magandang umaga Alan.

ALAN: Sec., doon po sa talumpati ng Pangulong Noy diyan sa anibersaryo, diyan po sa Air Force ceremony kahapon, ano po. Pinaalalahanan niya ang lahat, lalo’t higit ang bagong Air Force Chief, sabi niya, “soar high”. Ibig bang sabihin nito, sir, patuloy din ang pag-a-acquire natin ng dagdag na mga assets para sa ating Philippine Air Force and also the Armed Forces in general, sir?

SEC. COLOMA: Naging tampok na panuorin kahapon sa Philippine Air Force turnover of command iyong fly by ng ating FA-50 jetfighters at iba pang air assets na dito lamang sa Aquino administration nakamit ng Philippine Air Force; at ipinahayag ni Pangulo iyong naging commitment ng kanyang administrasyon sa pagpapahusay ng kakayahan ng Philippine Air Force. Mahigit-kumulang apatnapo’t pitong bagong air assets ang nakamit ng Philippine Air Force. At ito ay mahalagang mga kagamitan para magampanan ng Philippine Air Force ang tungkulin nito bilang tagapagtanggol ng ating himpapawid, Alan.

ALAN: Opo. Sa ibang usapin naman po, Secretary Coloma, sir. Dito po sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagre-require sa Commissions on Elections na i-activate iyong voter receipts feature sa election. Meron pong ilang mga nagpahayag ng pangamba na maaring ma-delay ang pagsasagawa ng eleksiyon na naka-schedule na sa May 9. Any reactions dito po, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Mainam siguro na subaybayan natin ang magiging kaganapan diyan. Sa ating pagkaunawa ay nais dumulog ang Comelec sa Korte Suprema at hingin ang kanilang rekonsiderasyon, dahil sa maaring kumplikasyon na idudulot ng istriktong pagpapatupad doon sa sinasabi ng batas na kinakailangang mag-imprenta ng mga resibo. Siguro mahalaga lang dito, Alan, iyong nakikita natin na ginagawa ang nararapat para maging tapat, maayos at kapani-paniwala ang eleksiyon at bigyan natin ng pagkakataon ang Comelec na gawin iyong nararapat hinggil dito.

ALAN: Okay. Dito naman po, sir, sa magkakatuwang na magkakatulong na efforts para… may kaugnayan po dito sa Zika virus. We understand that even the World Health Organization ay nagpahayag ng concern dito po, para doon sa patuloy na pag-iwas ng nakararami na ma-infect nitong Zika virus. Any updates po sa panig ng ating mga stake holders naman dito sa atin sa Pilipinas, sir?

SEC. COLOMA: Patuloy na ginagawa ng Department of Health ang nararapat bilang pagtugon sa banta ng Zika virus. Mahalaga para sa ating mga mamamayan na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran na maaring pamugaran ng mga lamok na panggagalingan nitong Zika virus. Iyong Zika virus kasi ang carrier niyan iyan ay iyong Aedes aegypti, iyong parehong uri o pamilya ng lamok na siya ring sanhi ng dengue, chikungunya at iba pang sakit, Alan.
Kaya dapat ay panatilihing malinis ang kapaligiran at kapag nakita iyong mga sintomas ng sakit ay magpagamot kaagad, kumunsulta sa pinakamalapit na public health unit o ospital; at iyon nga iyong pagiging maagap ay ang siyang pinaka-epektibong tugon sa banta ng Zika at iba pang mga karamdaman.

ALAN: Well, Sec, sa ibang usapin naman po. Halimbawa, ito pong si Secretary Almendras has also been appointed as the Foreign Affairs Acting Secretary ano ho. Ano pong mga thrust naman… base sa inyong ugnayan with Secretary Almendras, ano pong mga magiging thrust din niya bilang Kalihim ng Department of Foreign Affairs dito sa susunod pang mga buwan ng Aquino administration, sir?

SEC. COLOMA: Kailangan pong isulong sa lahat ng pagkakataon iyong pinakamataas na interes ng ating bansa sa larangan ng ugnayang panlabas. Batid naman natin iyong mga isyu hinggil diyan. Ang pinakatampok diyan ay iyong hinggil sa West Philippine Sea, hinihintay natin iyong magiging pasya ng UN Arbitral Tribunal. Ang isa pa ay iyong patuloy na pag-monitor natin ng lahat ng kaganapan sa buong mundo. Dahil nga sa napakaraming Pilipinong nagtatrabaho at nakatira sa mahigit isandaang bansa sa buong mundo. Kahit na anong mangyari sa kahit anong bahagi ng daigdig, inaalala natin kung merong Pilipino na nandoon at tinitiyak natin na mapapangalagaan ang kanilang kapakanan saan man sila naroon — iyong tinatawag na assistance to nationals, iyan ang isa sa pinakamahalagang trabah0 ng ating diplomatic at foreign service sa kasalukuyan.

ALAN: Secretary, isang puntos pa po. Papalapit na po ang Holy Week at kapag ganitong mahaba-habang bakasyon para sa mga kababayan natin ay marami po ang nagtutungo sa mga lalawigan. Kumusta po ang update na galing sa ating transportation sector, Sec, base po sa inyong ugnayan also with them kaugnay ng kanilang kahandaan in anticipation dito sa pagdagsa na naman ng mga biyahero ngayong Holy Week, sir?

SEC. COLOMA: Kaligtasan ng mga maglalakbay ang pinakapangunahing layunin ng ating pamahalaan sa lahat ng uri ng paglalakbay sa himpapawid, sa karagatan at sa lupa, kasama na sa tren. Kaya’t ito ang isang importanteng inaasikaso ng DOTC sa mga ahensiya nito katulad ng LTO at LTFRB. At iyong pagtiyak din na merong sapat na masasakyan ang ating mga kababayan.

ALAN: Opo. Well, Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan.

SOURCE: NIB-Transcription