Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM / All Ready by Orly Mercado
30 June 2017 (7:09-7:20 A.M.)

ORLY: Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning Ka Orly. Good morning sa lahat ng nakikinig sa programa po ninyo, All Ready, dito po sa Radyo Singko; and happy anniversary.

ORLY: Iyan babatiin ko kayo, happy anniversary. Ang bilis ng panahon ano? Biro mo isang taon na ang ating Pangulo, kamakailan lang eh nandito ka sa amin, tapos biglang one year has passed.

SEC. ANDANAR: One year ago, magkasama pa tayo diyan. Hindi, magkasama pa naman tayo hanggang ngayon. Naririnig ko pa rin iyong boses ko.

ORLY: Very good, very good. Mabuti naman. Itong performance ng Presidente, ano ang feeling n’yo? Does Malacañang feel satisfied, happy about its performance this past year?

SEC. ANDANAR: Well, Ka Orly, sabi nga parang sa Aksiyon Weather lang iyan; one year, but feels like three years. Kasi ako naman, ako’y naging broadcaster din at iyon ang ginagawa natin para mag-review.

Ang kapansin-pansin talaga na napakadaming nagawa ang ating Pangulong Duterte in his one year. In fact, kung titingnan natin, even just the activities for the past year the President lahat ng total activities niya until yesterday was about 1,370 plus, ang total activity niya. So he was averaging four activities a day.

ORLY: Well, he’s certainly not a laid back President.

SEC. ANDANAR: Oo, not a laid back President.

ORLY: Talagang obviously, talagang ito ay ano eh, sabak talaga sa trabaho ito, itong Presidente natin.

SEC. ANDANAR: Oo. Kanya nga, sabi ko kaya siguro nung nawala ang Presidente nung June 12 at ilang araw nagpahinga medyo nagulat ang lahat, kasi hindi nasanay na hindi nakikita bang Pangulo sa TV, sa social media, pati sa napapakinggan sa radyo. But then again if we look at the data, talagang 1,370 plus activities, averaging about 3.6 or 3.7 activities a day. And then, pagdating naman sa mga naging accomplishments, number one diyan iyong more than 35 billion US dollars of commitments – soft loans, grants – na naipasok sa bansa natin. Kanya ngaitong build, build natin ay tuloy na tuloy na, merong mga proyektong mga Mindanao Railways, etc.

Tapos pangalawa diyan iyong war against hard drugs kung saan 1.3 million na mga drug users and sumurender. Mahigit 18 billion pesos worth of drugs na-confiscate, kasama na diyan iyong mga paraphernalia at iyong presyo ng droga sa merkado. Iyong presyo ng shabu ay tumaas na, nangangahulugan na kakaunti na lang iyong supply. Pangatlo diyan ay iyong umupo muli sa negotiating table ang CPP-NPA-NDF bagaman—

ORLY: Iyan medyo merong ano—pero ito hindi pa naman…it has not been scuttled yet, hindi naman ano di ba, buhay pa rin.

SEC. ANDANAR: Buhay pa rin. Ang mahalaga diyan ay tuloy, tapos nabuksan muli. Tapos iyong failed BBL nung nakaaraang administrasyon ay nabuhay din dahil napagbigyan ang iba pang mga sectors ng ating mga Muslim brothers and sisters na makasama doon sa committee na magbabalangkas nito. And then nandiyan iyong mga executive orders, Ka Orly, na napirmahan agad sa political will ni Presidente. So iyong Freedom of Information, napakatagal nang naupo…inupuan ito nung nakaraang administrasyon eh. So sabi ni Presidente kung ayaw ninyo sa Kongreso – sa Senado kung ayaw pumasa diyan—although sa Senado pumasa, pasado sa Senado – kung ayaw sa Kongreso, aba’y pipirmahan ko ito at pinirmahan niya. Task Force on Media Security, kung saan tayo po ay kilalang one of the most dangerous places in the world for journalists before. Kung titingnan mo iyong Reporters Without Borders, bumaba na po iyong—

ORLY: Ranking natin.

SEC. ANDANAR: Bumaba na iyong ranking the most dangerous place, so bumaba na. Tapos kung mare-report din si Usec. Joel Egco about iyong mga strides, iyong mga accomplishments niya. Nandiyan din iyong pinirmahan na Executive Order sa anti-smoking in public.

ORLY: OO, iyong pinatern sa Davao.

SEC. ANDANAR: Yeah. It took a lot of political will; the firecracker ban EO. Tapos iyong lupain sa Hacienda Luisita, Ka Orly, na naipamahagi na mahigit 700 hectares ang naipamahagi ni Presidente diyan. At iba pang mga lugar sa Visayas at sa Mindanao na meron ding…dumadaan din sa Comprehensive Land Reform. At a lot of strides sa Energy, dito sa—sa Department of Transportation, although nagkakaproblema tayo dito sa may emergency tower, pero nakita naman natin just a few days ago – habang nag-i-Eid’l Fitr holiday lahat – ay binuksan iyong limang…ni-launch iyong magiging istasyon ng Clark Railway.

ORLY: Oo. Tren na magmula Tutuban hanggang Clark.

SEC. ANDANAR: Oo, tapos sa NEDA that was presented. And it was also presented in NEDA na magkakaroon din ng panibagong overhauling or restructuring itong mga riles all the way to Bicol, to Southern Tagalog, to Northern Tagalog at kasama rin dito sa ano—sorry, Northern Ilocandia saka kasama rin iyong dito sa Mindanao Railway. And iyong mga infrastructure projects nga na bubuo at magiging sukatan natin para sa paglago ng ating ekomoniya dahil nga it will an inclusive…it will cause inclusive growth to our country. Dahil mabibigyan ng maraming trabaho ang ating mga kababayan.

ORLY: Martin, matanong kita. Ano ang comment mo sa management style ng Pangulo? Ikaw, you work very closely with the President, what is it that impresses you, ano bang problema, meron bang mga negatibo rito? Ano ba ang positibo dito management style ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Ang management style ni Presidente ay in a way binibigyan kami ng elbow room sa buong Cabinet members.

ORLY: Hindi siya micro manager para sa inyo, kada department, hindi?

SEC. ANDANAR: Yeah, he is a macro manager; the President is not a micro manager. But it doesn’t mean na wala siyang mga key performance indicators na sinusubaybayan. It doesn’t mean na walang nagmo-monitor para sa kanya. Monitoring is very important to the President so kaya nga iyong Office of the Cabinet Secretary madalas ay—talagang pinapakialaman ni Presidente kung ano iyong nagagawa, ano iyong hindi.

Kanya ako naman, I can speak for myself that kung ganoon ang istilo ng aking Boss, ako’y matataranta and I’ll be up in my toes and really working para matapos po lahat ng mga naipangako ko, kasi natandaan natin lahat ng mga gusto kong gawin for the department ay in-aprubahan ni Presidente at binanggit sa SONA. Kanya ako, as far as I am concerned sa departamento, I really work hard. At iyon din naman ang mapapansin mo sa ibang mga Secretaries. Because they know that the President really is an action man. Hindi siya iyong puro salita lang. Talagang ginagawa rin niya ang gusto niyang gawin.

Now, the advantage of being a macro manager, I suppose is that meron kaming leeway na mag-manage ng mga tao, tapos kapag nagkamali of course, ako lang ang masisi, di ba, hindi si Presidente. At we really have to work hard and ensure na lahat ng gagawin namin ay talagang gumana at gawin.

ORLY: At the same time, efficiency, effectivity in terms of governance. Pero at the same time, mabigat ang kanyang requirement sa integrity at doon sa corruption, hindi ba?

SEC. ANDANAR: Opo, iyong sa corruption, nasa number iyon. Paalala parati sa amin sa Gabinete that a whiff of corruption ay tatanggalin niya agad. Kanya maganda, kasi he is also a leader that walks the talk and hindi siya iyong kuwento lang. Iyong pinapakita niya talaga na merong resolve at pinapakita niya talaga na meron siyang tapang. Kung talagang kailangan kang tanggalin, tatanggalin ka talaga at kung kailangan kang kaawaan ay talagang maawa talaga sa iyo; very compassionate at the same time. So you have a leader who is more compassionate and who is also strong at the same na hindi magdadalawang-isip na ipatupad kung ano ang tama. Ano si Presidente eh, black is black, white is white. Walang gray.

ORLY: Somos o no somos – are you with me or not.

SEC. ANDANAR: Yes, parang ano lang iyan, parang sino ba iyon pangulo na iyon, I think it’s Harry Truman. I think it was Harry Truman na sabi niya na meron siyang signage doon sa kanyang desk. Sabi niya ‘either you follow me or you get out of the way.’ It sounds like that.

ORLY: Okay, thank you very much at happy first year anniversary, Secretary Martin Andanar at kay President also, we wish him the best.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Orly. At maraming salamat din sa walang tigil na objective reporting dito po sa Radyo Singko. Mabuhay po kayong lahat.

# # # # # #

Source: NIB Transcription