Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Natural by Orly Trinidad and Fernan Gulapa
22 June 2017

Q: Tamang-tama, Secretary Martin Andanar, kasi kanina habang ako ay pabalik mula Makati dito sa Quezon City napag-uusapan iyong one year ng Duterte administration. Kahapon din ay mga lumabas na pong mga balita, iyon pong mga reaksyon na parang hindi naman nagbago ang ekonomiya – ang traffic ay hindi naman gumanda sa kabila ng kaliwa at kanang ginagawa ng MMDA, talagang marami hong mga sasakyan, at pati na rin ho dito sa problema sa MRT. Kaya parang pag sinabing accomplishment eh parang may mga tumutugon, may mga umo-oo—

Q: Di ba sinabi nga ni Senator Trillanes epic failure, lagapak daw si Lolo Digong.

Q: Ano po ba ang reaksiyon po diyan ng Malacañang, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga po dito ay iyong analysis ng ating mga financial experts sa ating Gross Domestic Product o GDP—

Q: Teka lang, Secretary, importante po iyong binabanggit ninyo, aayusin lang po namin iyong signal. Kasi ang nai-intindihan ko yung analysts, yung financial parang—

SEC. ANDANAR: Okay na? So, ang mahalaga kasi iyong sinasabi ng mga financial analysts, Orly at Fernan. Halimbawa, ang GDP ang kanilang speculation ay abot pa rin ng 7%; so mataas pa rin. Ngayon iyong sa tax base natin more than 8,000 points. Dahil nga maraming Foreign Direct Investment na pumapasok dahil doon sa 10-point economic program; iyong build, build Dutertenomics; at iyong mga na uwi ng Pangulo, alam mo nangako ng mga investment ang China at Japan. Alam mo hindi mo talaga mararamdaman kaagad lalung-lalo dito sa Metro Manila, kasi alam na iyong trapik wala naman siguro pong solusyan iyan. Pero makikita naman natin na tuloy-tuloy po iyong pag-construct ng highway at meron ding mga ginagawang MRT. So, hindi talaga mararamdaman ngayon kaagad na iyong daloy ng trapiko ay mag-i-improve.

Q: All right, iyong sa MRT ang pagkaka-alam ko meron na kayong ginagawang paraan. Pero tama ba na may mga kontrata kasi na hindi puwedeng balewalain sa puntong ito kaya hindi magawan ng solusyon iyang araw-araw na lang na ginawa ng diyos ay may problema po ang MRT 3?

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo ang problema diyan sa MRT, lalo na sa EDSA, di ba iyong binili na mga bagon na hindi naman pala akma doon sa riles at napabayaan nung nakaraang administrasyon pa, so may problema talaga. Ngayon, iyon naman ay pinag-aaralan pa ng DOTr, ginagawan nila ng solusyon iyan. Pero kung titingnan natin sa mga accomplishment ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte doon sa State of the Nation Address last year. Ang pinakamaganda nating gawin ay ngayong darating na July 24 ay i-check natin kung ano iyong mga nai-pangako at kung ano iyong mga nai-deliver ngayong susunod na SONA.

Q: Mainit-init pa ito, Secretary Andanar. Si Senador Leila De Lima pinaiimbestigahan sa Senado ang mga naging pagkakamali daw na ipinost ng Philippine News Agency noong mga nakarang araw. Ano ba nag reaksiyon n’yo po diyan?

SEC. ANDANAR: Well, lahat naman tayo nagkakamali, lahat naman ng media entities ay merong ding…ay guilty na, hindi lahat pero halos lahat ay nagkakaroon ng pagkakamali na i-upload iyong balita or mali iyong impormasyon, pero hindi naman ibig sabihin na intentional iyong mga ganoong klaseng pagkakamali. It happens to GMA, it happens to us sa Philippine News Agency, it happens to the Philippine Daily Inquirer na pinakamalaking diyaryo sa bansa natin. But it doesn’t mean na intentional ito, kaya nga meron tayong mga erratum, errata. At siguro ang pinakamahalaga dito na gawin ng Senado – which I really approve of – iyong sinasabi ng Senado na magkaroon ng imbestigasyon ay to separate the grain from the chaff. Meaning number one, kailangan alamin natin kung sino iyong mga organisasyon – kung ano iyong mga organisasyon na fake, ano iyong mga organisasyon na bona fide media organization. Because once we have already identified, and after that we can go to detail kung ano iyong mga istorya na nai-post sa social media.

And I bet you, lahat ng story about na mga fake news ay nanggagaling sa mga organisasyon na…ibig sabihin, hindi pa registered ng SEC, wala silang business permit. So tama itong gagawin ng Senado, tama itong gagawin ng Upper House na mag-i-imbestiga in aid of legislation about fake news.

Q: All right, speaking of fake news, pati ang Malacañang, ang AFP nga, ang PNP ay nabibiktima na rin po ng fake news. So mukhang kinakailangan yata dito mas magpapaigting na rin, hindi ko lang malaman kung papano po magiging aksyon po dito ng gobyerno, sa mga ahensiya po natin na siyang nangangasiwa dito po sa paggamit ng mga internet o ng mga social networking site o kung ano paman iyan na ginagamit po para palaganapin ang mga maling mga balita.

Q: Iyon yung punto ko eh. May panukalang batas si Senador Joel Villanueva kaugnay sa fake news, Secretary.

Q: Iyon ay panukalang batas pa iyon, Kaka. Baka puwede siguro sa Malacañang executive order lang iyan, baka puwedeng may mga ahensiyang maaring itatag, itayo, para at least eh ika nga ay magdalawang-isip iyong mga magpapakalat ng mga fake news?

SEC. ANDANAR: Ito namang ano, itong nauusong fake news, itong term mismo na fake news alam naman natin na ito ay na-magnify lalo kasi sa dami ng mga nag-i-internet na ngayon at iyong mga netizens na nakatutok din sa balita, sila mismo nagko-callout, kino-callout iyong government, kino-callout iyong mga private media, tapos ang kino-callout din iyong mga nagkakalat ng balita na fake talaga from organizations na hindi bona fide media entity. So iyon ang sinasabi ko na, we really have to indentify first kung ano iyong mga oganisasyon iyong bona fide media; kung ano iyong legitimate media organization at kung ano rin iyong hindi legitimate, kung ano iyong fake organization. And one of the ways to find out para at least mapatawag natin kung sino mismo iyong mga nagmamay-ari nitong mga social media accounts sa website na wala namang mga pangalan kung sino ang may-ari o wala namang registration sa Security and Exchange Commission. Because I believe that iyong mga bona fide media na nagkaroon ng error ay hindi naman sinasadya iyan, it’s just a matter of error in the work flow or the procedure inside the company; it is not intentional.

Q: Secretary, reaksiyon lang 21 trips outside of the country iyon bang ginastos daw, sabi ng report na parang mas mataas daw ho iyon sa ginastos sa unang taon nung mga nakaraang administrasyon. Ano po ba nag reaksiyon ninyo dito at ano naman ho ba ang naibalik po dito sa ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga dito, Orly at Fernan, ay tingnan natin iyong cost-benefit analysis. Tingnan natin kung magkano ba iyong naibalik kung gumastos ka ng 300 million pesos sa biyahe, magkano ba nag investment na naibalik? So, in this case, in this case ang naibalik po ay nasa mga 24 billion dollars. Now, kahit sinong negosyante, kahit sinong kumpanya na nag-market ng kanilang bansa o ng kanilang produkto sa ibang bansa at gumastos ng 300 million pesos at pag uwi dito ay merong commitment na 24 billion dollars matutuwa. Kahit po si Chairman Gozon matutuwa pag ganoon; kasi napakadami po talagang nai-uwi si Presidente.

Ngayon number two, merong hong mga intangibles na nai-uwi ang Presidente, ito po iyong growing relationship between our country and the other countries na pinuntahan po ng ating Pangulo, 18 country; iyong people-to-people relationship na hindi po ito mame-measure eh, hindi mo mahahawakan ito but the relationship itself hindi mo malalagyan ng value eh. So ito iyong mga dapat nating tingnan – na ang Pilipinas ay ibinalik ni Pangulong Rodrigo Roa-D0uterte sa mapa, sa radar ng mga Foreign Direct Investors at iba pang bansa.

Q: Sec. ano talaga ang pinag-usapan ng Pangulong Duterte at saka ni Indonesian President Widodo?

SEC. ANDANAR: Wala po ako sa usapan. Pero this has to do with the cooperation, the bilateral relationship between both country pagdating po sa maritime security at fight against terrorism kasama na po iyon sa mga pag-uusapan dapat.

Q: May kinalaman din po ito sa nagaganap na trilateral security meeting – Indonesia, Malaysia, Philippines?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi iyong trilateral meeting kasi na nangyari, iyong pirmahan po na yan. I think last year pa napag-usapan iyan eh, iyong kasunduan ng Malaysia, Philippines at ng Indonesia. Pero, of course, na highlight ngayon dahil nga sa nangyayari diyan sa Marawi.

Q: Panghuling tanong na lang sa akin, Secretary. May mga reaksiyon kasi na baka raw magiging matipid sa mga susunod na biyahe kung ika nga ay iikliin o ika nga ay liliitan iyong ating entourage. Lahat ng mga sumama nitong mga nakaraang biyahe ng Pangulo, lahat naman ito may mga silbi, hindi po ba?

Q: Pati nga mga negosyante kung makakatulong sinasama, pero sagot nila kung magkano ang gagastusin nila.

SEC. ANDANAR: Opo, hindi ho naman magsasama ang Pangulo sa kanyang official delegation na hindi po makakatulong sa kanyang biyahe.

Dagdag ko lang, I can only speak for my department, lahat po ng—ang aking responsibilidad ay para I manage po iyong communications sa Pangulo sa ibang bansa. I go a mile farther by talking to my counterpart sa ibang bansa para magkaroon po ng isang bilateral communications relationship para meron po tayong tulungan pagdating sa communications sa telebisyon, radyo at pagdating po sa internet, sa diyaryo para magtulungan po iyong bansa natin, like for example, sa Singapore, China, Russia and other countries. Kanya po, as far as my department is concerned – iyong pinapatakbo ko po – ay marami po kaming nagawa sa ibang bansa rin tungkol sa pagma-manage sa communications ng Pangulo.

Q: Ano ba ang maririnig natin sa SONA ng Pangulo, Sec?

SEC. ANDANAR: Antayin po natin, magmi-meeting po kami ng Presidential Management Staff, ito po ay kasalukuyang pinaplano itong darating na State of Nation Address. Kasama po iyong production, kasama na po iyong pag-uusapan iyong speech, kasama na po iyong mga successes, accomplishments ng Pangulo natin. Gagawin po nating batayan iyong huling SONA na kung saan doon po inilahad ng Pangulo iyong kanyang plano for the next five years.

Q: All right, sige po. Secretary, maraming salamat. Thank you po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Orly. Maraming salamat, Fernan. Mabuhay po kayo, mabuhay po ang DZBB

##