President Benigno S. Aquino III’s Media Interview during his Visit in Jolo, Sulu
Jolo, Sulu
15 June 2016
PRESIDENT AQUINO: …Iyong Abu Sayyaf sa Basilan, iyong grupo ni Isnilon Hapilon, ang report sa atin nali-limit na ‘yung kanilang movement sa dadalawang barangay na lang ng Basilan. Imbes na dati nga na nagbalak na na gumawa ng terorismo sa NCR para magpapansin sa mga international terrorist groups.

So, siyempre itong dalawang tao hindi naman ganun na kabataan na, alam natin ang dalamhati na dinadaanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nakapanayam natin si Prime Minister Trudeau ng Canada. Kagabi naman ang Prime Minister ng Norway ang kausap natin dahil isa pa sa mga hostages ay isang Norwegian. Humingi ako ng paumanhin sa Prime Minister ng Canada dahil nga hindi lang isa, dalawa na sa kanilang mga kababayan ang namatay. Nagpasalamat din tayo na nanindigan sila doon sa no-ransom policy. Iyong no-ransom, parang ang pananaw ng marami kada may ransom na binayad, dumadami ‘yung hanay ng Abu Sayyaf na gustong makihati sa ransom. Kapag walang ransom, mas mababawasan ‘yung interes na pagsama sa kanilang mga hanay na maiiwan na lang ‘yung core group na mas maliit na ating tinutugis.

(technical/signal problem)

Napagkasunduan ngayong hapon kung paano ire-refine — mula kaninang umaga kung paano ire-refine ‘yung ating operations para successful nating ma-rescue ‘yung lahat ng mga natitirang hostages.

Q: Pwede pa po bang pahabol ng isa? Aware po ba kayo na meron ding ibang effort na ginagawa para ma-release ‘yung hostages as expounded by Secretary (garbled/signal problem)

PRESIDENT AQUINO: Meron din tayong mga private negotiator diumano, sinusubukan nila ring ma-release ‘yung Norwegian in particular. Pero iyon na nga ang polisiya ng ating gobyerno walang ransom. Kapag nag-ransom tayo palalakihin ‘yung problema at mae-engganyo ang iba pa na tumulad dito.

Ngayon para klaro lang, parati nating sinasabi Abu Sayyaf, ang tinitingnan natin dito kasi, merong grupo na nagki-kidnap, kumbaga iyon ang ano nila (expert team?). Itinu-turnover sa Abu Sayyaf para (garbled) at meron namang negotiator na pangatlong hanay. At sa totoo lang, maliban doon sa mismong armadong Abu Sayyaf na tinutugis natin, meron na rin tayong mga naaresto na (signal problem)

May na-aresto na tapos ‘yung iba naman na-identify na dahil sa mga eyewitness testimony at nagsampa na tayo ng kaukulang kaso at hinihintay natin ‘yung mga warrant para ma-serve dito sa mga iba pang suspects diyan sa Samal na kidnapping.

Kasama rin sa efforts dalawang foreign terrorists ang na-neutralize sa mga operations sa Basilan na mga kasama ni Isnilon Hapilon. So marami na ring nagawa na para ma-degrade ‘yung kakayahan ng Abu Sayyaf pati dito sa Jolo para pinipilit natin na ma-frustrate, ‘yung ma-limita ‘yung pinagkikilusan na mga lugar para lalong dumali ‘yung (signal problem)

Q: So I believe po na talagang marami na po ‘yung efforts na nagawa ng government natin to address the issue about ASG. But just the same, you only have two weeks po para tapusin lahat ng problema. Any recommendation, sir, sa incoming administration if you were to speak to the President-elect Duterte, ano sir ‘yung maire-rekomenda ninyo para tugunan iyong problemang ito?

PRESIDENT AQUINO: Well, kung gusto ko mang magbigay ng payo hindi naman kami hinihingan. Naalala ko ‘yung turo ng nanay ko sa akin ‘yung sa unsolicited advice. So baka naman sabihin ‘nung susunod sa akin, siya taga-Mindanao, ako’y taga-Luzon, marunong pa ako kung ano ang dapat gawin dito. Siguro kung may success tayo baka pwede nating ibahagi sa kanya pero palagay ko ang pinaka mas tamang pagkilos mula sa akin, hintayin ko muna kung hingan niya ako ng payo, kung hindi naman okay rin.

Basta under my watch, ipinangako ko pagkatagal-tagal na ‘yung ipapasa kong mga problema dapat malaki na ang binawas or as much as possible lahat na maa-address na problema ngayon tapusin na para hindi na ipasa sa susunod na administrasyon.

Q: And sir based on your assessment po sabi niyo po kanina ang gusto po ninyong mangyari kapag nagpasa kayo ng responsibility sa susunod na administration at least marami ng nabawas. And at the moment sir kamusta po ba? Kung magkakaroon ng transition kamusta po ba? Malaki na po ba ang nabawas based on your assessment, sir?

PRESIDENT AQUINO: Ang hirap na ibigay sa iyo ‘yan na magiging kumpleto ang listahan. Pero ‘yung mga nasabi ko na bigyan kita ng example, for instance… Iyong sitwasyon ng traffic, may parte ng NAIA Expressway na ipinakita sa akin ‘nung isang araw at magagamit na ng July o ng August.

Nakikita naman niyo ‘yung ongoing construction na medyo palapit na nang palapit ‘yung Skyway Stage 3. Kapag pinasukan natin ‘yung usapan ng eskwelahan, minana ko 66,800 na kakulangan. By the first quarter of next year, 185,000 na ang natapos. Siyempre kaakibat ‘non na kakulangan ng teacher, ng silya, libro, nagawa na rin ‘yon.
Sa mga kababayan natin na may problema sa kalusugan, ang sabi ng PhilHealth 93 million na ang naka-enroll. So parang ang pinakamataas dati 51 million, so halos nadoble na natin ‘yung number. Iyong ekonomiya natin 6.9 ‘yung first quarter, inaasahan na ‘yung second quarter baka kasing ganda o mas maganda.

Kapag usapan naman sa panlabas, hinihintay natin ‘yung desisyon ng arbitration at mukhang malapit-lapit na iyon. Ang haba pa ng listahan, AFP Modernization, dati kukuha tayo ng isang C-130 parang impossible dream, apat na ‘yung C-130 natin na gumagana, may panglimang parating.

Tinatarget by July 1 iyong BRP Tarlac sasama na doon sa operations. Iyong silbi niya para kang meron kang floating port. Iyong mga nagpa-patrolya natin na nandun sa Sulu, sa Basilan, ‘yung mga mauubusan ng tubig, mauubusan ng krudo, itong BRP Tarlac can resupply them while at sea.

So ‘yung panahon na nababantayan natin itong ating karagatan (signal problem)… hahaba. Malayo na ang pag-uusap natin sa Malaysia at Indonesia para merong joint patrols dito sa mga common or ‘yung boundary areas natin para ‘yung… imbes na ‘di ba.

May magbabantay tayo, babalik tayo dito sa port, wala ng nakabantay. Para maghalinhinan ang nagbabantay at ‘yung isang parte ‘non magkakaroon ng kumbaga nautical highway para mabantayan nang mas mabuti, ili-limit kung saan pwedeng bumiyahe at lahat ng hindi bumiyahe doon sa highway (signal problem)

Ano pa ba? Ang dami ‘no. Pwede tayong mag-hapon dito. Si PAGASA, kapag sinasabi sa ating may bagyo, alam natin kung saan tatahak, kung saan ang ulan, gaano kalakas ang ulan, gaano kalakas ang hangin, gaano katagal.

Pwede bang i-submit ko na lang sa iyo lahat ng accomplishments para ano kumpleto. Mahirap talagang i-enumerate lahat ng nangyari in the past six years. Baka mas maganda pa ipadala ko sa iyo ‘yung mga nagpasalamat sa nakita nilang pagbabago.

Pero siguro, isa pa nga ano, walang lugar sa Pilipinas, palagay ko naman nasabi ko na noong kampanya, na mahihiya akong balikan dahil pinabayaan. Multiples sa infrastructure, multiples sa 4Ps — kapag sinabing multiples hindi nadagdagan ng dalawang tao, tatlong tao, dumoble, tumiriple.

May mga lugar, malapit dito sa Basilan, zero 4Ps. Ilang libo na ang miyembro ng 4Ps ngayon — at ang haba talaga ng listahan. Thank you.

Q: Good afternoon. Sir our security forces are anticipating na dito sa Jolo ida-dump ‘yung ulo ‘nong latest victim and yet nalusutan pa rin. Anong nangyari, Sir? Is there a breakdown on the security covered here in Sulu based on your assessment?

PRESIDENT AQUINO: Iyong…Dito sa problema na ‘yon ‘di ba paano…Ang pagkapaliwanag sa akin lalo na ‘nung una, parang nagkaroon pa yata ng brownout na unscheduled. Tapos ‘yung kunyari may dala-dala kang bag, supot et cetera, pwede ba nating sitahin ‘yung lahat ng (signal problem)

Sa totoo lang dadaan pa tayo sa korte…(unclear) Baka ‘yung ebidensya ma-(unclear) Bakit ano? Merong tinatawag na probable cause, bakit mo sinita itong taong ito? Kung wala kang probable cause, nasita mo ‘yung ebidensiya nakuha mo, pwedeng lumabas ‘yung tinatawag ng mga abugado “fruit of the poisonous tree.” (garbled)

May laya pa din ang mga tao na gumala dito. Aminin natin na may mga sympathizer sila, aminin na natin na ito ang kanilang ground. At iyon na nga, kung hindi tayo handa, (garbled)…na may bitbit na baka may dala-dalang ulo, parang mahirap yata talagang matukoy kung sino. Tandaan natin kasama na din doon sa paghahatid nila ng lagim ‘yung una, doon sa brownout may nakitang mga naglalaro ng basketball, ibinato pa para siguradong mahanap ‘yung ulo.

So alam natin na propaganda nila ‘yon pero iyon na nga dagdag sa paghahasik nila ng lagim dapat lalo tayong tumibay sa paguusig sa kanila at pagtutugis sa kanila.

Q: Sir, are you satisfied with the security coverage by our forces here?

PRESIDENT AQUINO: You know, I understand the difficulty ‘no. Kapag ka — balikan nga natin. Umiikot doon sa mga kung saan heavily influenced na mga barangay. Parang may kamag-anak sila doon, doon sila lumaki, alam nila yung terrain.

Iyong ipinakita sa ating mga ebidensya ay hindi naman — paano ba… Parang baliktad na baliktad ng urbanidad. (signal problem) ‘Yung tinatawag na triple canopy jungle na iba-iba ‘yung taas ng puno. So nagiging takip ‘yung iba-ibang heights doon sa mga nasa ilalim niya.

So hindi ganon kadali talaga dito. At meron ka ngang portion ‘nung population na sympathetic sa kanila. May portion na kakuntyaba nila.

So wala ‘yung mga — hindi ganon kadali na makahanap ng mga informant. Pati ‘yung mga rewards para dito sa mga tinutugis ng Abu Sayyaf, medyo malalaki na talaga ‘no. Atin at tsaka may foreign pa. Pero mukhang walang natutukso doon sa laki ng mga reward, dahil siguro nakikibahagi doon sa mga ransom na nabayad noong lumipas.

Q: Did you ever consider declaring Martial Law in ASG areas?

PRESIDENT AQUINO: Yes, in Sulu in particular. Pero ‘yon na nga ano ‘yung may assessment na ang dami nating pwersang gagamitin just to implement Martial Law here.

Parang walang guarantee na magkakaroon ng positive results. Baka magkaroon pa ng negative results. Baka magkaroon ng dagdag na simpatya doon sa mga kalaban.

Q: Kailan po ‘yun assessment?

PRESIDENT AQUINO: Mga probably in the last three weeks. Last three weeks. Naalala niyo itong palapit nang palapit itong deadline diumano at tsaka yung hinahabol tayo nang habol na kapiraso lang nakakapuslit itong mga kalaban. Namimiss natin sila. May mga instances kasi na naaabutan natin ‘yung tinatawag na harboring area, mainit yung pagkain, parang nakasindi pa ‘yung sigarilyo pero nakalusot pa rin ‘yung mga kalaban.

Q: Good afternoon, Mr. President. Sir, yung question ko lang is your assessment doon sa operations ng pulis at military sa Sulu during the past six years? Because in the beginning you wanted the Abu Sayyaf to be, you know, finished and yet we’re seeing them at this moment e dalawang linggo na lang po kayo bago bumaba sa pwesto. Thank you, Sir.

PRESIDENT AQUINO: Well, ipaalala ko lang sa inyo. Maaga pa sa ating termino sinabi ko sa inyo na ang sundalo at tsaka pulis sa buong Pilipinas, eksaktong numero ‘nong 1986. Bakit significant iyon? Population natin ‘non 50 million e. Ang population natin ngayon over 100 million.

So you’re asking the same number of people to guard double the population, number one.

Number two, hindi lang naman ‘yung Abu Sayyaf ang ating threat group e, ‘no. At ito nga ‘nong magpapansin sa mga international terrorist groups, sinubukang gumawa ng karahasan sa NCR, kasama na rin ‘yung Cebu, na-thwart ‘yun. So are our forces performing well? I think so.

Ngayon, ang problema na nga, itong sa ransom na issue, grabe ang nakukuha nilang resources and then can buy sympathy and we are in their place of origin. Dito sila, ‘di ba? Nandito lahat ng sympathy sa kanila, nandito ‘yung knowledge of terrain, lahat ng advantages nasa kanila.

Pero having said that, hindi naman style namin na mag-ano e, mag-palusot o mag-excuse. Alam nating ‘yung problema, tugunan natin ‘yung bawat aspeto ‘nong problema. At ulitin ko nga sa inyo, ‘yung grupo sa Basilan na nag-iisip na ng karahasan sa NCR, ngayon hindi na nakakakilos nang malaya doon sa lugar nila sa Basilan, dadalawang barangay na lang ang kaya nilang pag-ikutan.

Yung ating kasundaluhan, kapulisan, hindi lang dito sa law enforcement at saka sa security operations. Ang dami ring nangyaring mga bagyo sa panahon ko na sila ang ating mga first responders.

Meron din tayong mga international concerns katulad ng West Philippine Sea. Meron tayong (signal problem) sa buong mundo. And again, with exactly the same number of forces that we had in 1986, about 30 years ago. Okay, dagdag ko lang doon, siguro baka may follow up question: “Bakit hindi mo? (signal problem)

If I’m not mistaken this year mas malaki na binabayad natin sa retirado kaysa sa active, ‘yung meron kasing batas panahon ni Ginoong Marocs kung saan may automatic indexation. Ibig sabihin ‘non ‘pag yung active tumaas, yung retirado tumataas rin.

So isang example na ibinigay sa akin, may lieutenant general, nag-retire 2000 yata, or ’98 yata, one of those years, 33,000 ang pension niya noon or 31,000, ngayon nasa 83,000 na.

Okay. Now, pag nag-hire tayo nang dagdag na hindi pa naayos ‘yung pension system, palalakihin natin nang palalakihin ‘yung problema na sa ngayon pa lang ang tinataya ng GSIS para magkaroon ng pension system para sa ating — sa AFP pa lang yata, hindi pa kasama ‘yung pulis — 4.3 trillion pesos.

Iyong national budget nasa 3 trillion, yung kailangan sa pension nila, 4.3 trillion. So ‘yun ang isang issue, kailangan mapasa ng Kongreso ‘yung pag-amiyenda ng batas na ‘yan, para makaya ng estado na sustehan ‘yung ating security sector.

Q: Sundutin ko lang, sir. ‘Yung binabanggit niyo pong refinement kanina sa gagawing operasyon. Can we know what is the — give us a glimpse will there be a major changes sa operation ng tactical operations ng military at pulis dito sa Sulu? Kasi nabanggit niyo po, sir, naisip niyo ring mag-declare ng Martial Law in the past three weeks, so can you elaborate?

PRESIDENT AQUINO: You know, I’m very limited with what I can say. I’m sure they have sympathizers who will watch you and who will give them (the tips?) (signal problem) including the hostages. So I think ‘yung (signal problem) Basta ang (unclear) nito, we hope we are more focused and therefore increase the chances of resolving this situation successfully.

Q: Sir, magandang hapon po. Unang-una po, sir, nabanggit niyo kanina nakipag-usap kayo kay Canadian Prime Minister Trudeau at ang sabi niyo humihingi kayo ng paumanhin. Nakapag-usap din po kayo sa leader ng Norway, ano pong nasabi niyo sa kanya, paano po tumakbo ‘yung inyong pag-uusap?

PRESIDENT AQUINO: Humingi lang siya ng mga updates dito, ano ba ang nangyayari ngayon? Tinatanong niya ‘yung probability ng successful resolution sa conflict.

Tinanong rin niya, parang sinubukan ko naman ipakita sa kanyang ‘yung tamang (signal problem) Ipinaliwanag ko ‘yung mga problema. Naintindihan niya. I think he said something to the effect na “we understand the Philippines how complex this problem is”.

Nag-salita rin siya na ‘yung government sabi nila “no ransom”. Sabi nila, “but we do not have control over the private individual”.

Nag-alok nang kung anong assistance raw na pwede nilang ibigay, hingin lang raw natin, ipagkakaloob nila, tulad rin ng Canada.

Siguro gusto ko lang ipagdiinan doon na itong dalawang leader na nakausap natin ‘yung napaka-lawak nang pang-unawa na imbes na nagsabi na lang ng galit, ng sama ng loob, nagsisihan, talagang ipinadama sa atin ‘yung pakikiisa nila sa atin sa pagresolba nitong problemang ito at saka ‘yung kahandaang tumulong. So pwede nating masabing pare-pareho nating problema ito at hindi tayo nagiisa sa paghanap ng solusyon dito.

Q: Sir, finally, may mga reports na alam ko ‘yung Canadian government talagang strict ‘yung adhenrence nila sa no-ransom policy at ang government ng Norway ganun din pero sinasabi nilang hindi nila ma-control ‘yung mga private individuals perhaps. May previous releases ang Abu Sayyaf, sir. Merong reports na may nagbayad ng ransom. I’m referring to the Indonesian hostages, sir. Totoo po ba ’yun?

PRESIDENT AQUINO: ‘Yung alam mo parang, katulad ng may report na ganun for instance doon sa Malaysian pero kasama rin ‘nong report kung meron mang transaction hindi nangyari sa Pilipinas.

Alam mo naman, (garbled) sa lahat ng tanong doon sa AMLC at sa pagmomonitor nga nitong mga transaction na ‘to. So kulang pa ang nagagawa ng — ‘yung batas na nage-empower sa AMLC. Nirerapaso ng ating Kongreso ‘yun.

So, I have no personal knowledge that in the case of the Indonesian nagkaroon. I understand ‘yung, ‘yung assurances from their government, their government didn’t pay.

So can I say that there was no other people who paid? I don’t know. But as far as we know, the government of Canada did not, the government of Indonesia did not, and I assume the Malaysian government also did not also.

Pero meron bang iba? Especially when it happens outside of our borders, I have no capacity to monitor the same.

Q: Isa na lang, sir. Meron po bang sinet (set) na bagong deadline ang Abu Sayyaf, would you know, for the Norweigan hostage?

PRESIDENT AQUINO: Wala akong… Walang umabot sa akin na ganung balita.