INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Allan Allanigue
14 June 2016
ALAN: Kahapon po napabalita na naman itong pagpugot ng ulo ng Abu Sayyaf dito sa kanilang Canadian hostage, si Robert Hall. Ano po ang reaksyon at tagubilin naman ng Malacanang sa mga concerned agencies ng ating pamahalaan, Sec?

SEC. COLOMA: Alan, magbibigay ako ng isang pahayag ngayon.

ALAN: Opo, please.

SEC. COLOMA: We strongly condemn the brutal and senseless murder of Mr. Robert Hall, a Canadian national, after being held captive by the Abu Sayyaf Group in Sulu for the past nine months. We extend our deepest sympathy and condolences to his bereaved family.

We thank the Canadian government for their steadfast support and understanding which has been extremely helpful in our determined efforts to end this decades old problem.

We truly regret that our people’s cherished tradition of extending gracious hospitality towards foreign nationals has been marred by a small band of criminals whose despicable actions have been abetted by the extortion of ransom from their previous victims.

For the past two months, the AFP and the PNP have waged continuing military and law enforcement operations that have degraded the capability of our enemy and limited their movements.

This latest heinous crime serves to strengthen our government resolve to put an end to this reign of terror and banditry.

Iyan ang aking pahayag, Alan.

ALAN: Opo. Well, Sec, sa ibang usapin naman po. Ngayon po ay ikalawang araw na ng klase, School Year 2016-2017. Base po sa feedback na pinagkaloob sa inyo ng DepEd at iba pang mga ahensiya, kumusta po ang monitoring sa school opening ngayon pong kasalukuyang school year, sir?

SEC. COLOMA: Ang pahayag ni Secretary Brother Armin Luistro kahapon — ayon sa isang banner headline ng isang broadsheet — ay the best school opening. Iyan ay naipahayag niya pagkatapos niyang magtungo sa isang paaralang o ilang paaralang kahapon, kung hindi ako nagkakamali ay kasama niya ang incoming Education Secretary si Professor Leonor Briones. At ito ay isang mahalagang kaganapan, Alan, dahil kahapon ay nagsimula iyong Senior High School Program bilang ganap na pagpapatupad sa ating K to 12 education reform program. Matagal nang naantala itong programang ito. Naiwan tayo kabilang ang dalawa pang bansa na hindi sumusunod sa pandaigdigang na labindalawang taon nang basic education. Kaya’t napakahalaga iyong hakbang na tinatahak natin ngayon para sa kaganapan nitong K to 12 program.

Bagama’t batid din naman natin hindi naman flawless, marami pa ring mga dapat na plantsahing mga problema, malakas naman ang kumpiyansa ng ating pamahalaan sa pangunguna nila Brother Armin at DepEd na malalaktawan ang mga panimulang suliraning nararanasan sa kasakuyan.

ALAN: Opo. We understand, Secretary, na maliban dito sa ating mga public high schools all over the country, maganda rin ang turnout ng mga nag-enroll sa Grade 11 maging sa mga private schools. Merong mga colleges at universities na nag-offer din ng Grade 11 for this school year, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Ganoon na nga, Alan. Dahil sinikap at patuloy pang sinisikap ng DepEd na maging matagumpay itong paglulunsad ng Senior High School, iyong dalawang taon na karagdagang pag-aaral, na kung saan hindi lang iyong traditional na curriculum ang puwedeng piliin. Maari ding pumili ng science and technology track. Meron din iyong sa arts at iba pang mga option na puwedeng mas magiging matatag na batayan o pundasyon para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

ALAN: Opo. Nabanggit po ninyo itong iba’t-ibang mga tracks na puwedeng tahakin nung estudyante. So in effect, kapag siya po ay graduate na ng Grade 12, eh more or less, may taglay siyang kaalaman at kakayahan na maaari na niyang magamit para makapagtrabaho kung sakaling hindi man siya kaagad magtuloy ng kolehiyo, Sec. Sonny, sir ano po?

SEC. COLOMA: Lalung-lalo na kung ang tinutukoy natin ay iyong magpapatala doon sa Tech-Voc o Vocational Technical Program, kahalintulad nung pagsasanay na binibigay ng TESDA sa kanilang iba’t-ibang programa. Ito ay magiging tuwirang hakbang para sa mas kaaya-ayang kinabukasan nila. Mas maagang pag-qualify sa mga high-quality at highly-remunerative jobs.

ALAN: Opo. Well, Secretary Coloma, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat, magandang umaga, Alan.