Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Radyo Singko/Punto Asintado by Erwin Tulfo
25 July 2016

TULFO:  Magandang umaga po, Secretary Martin Andanar, sir?

SEC. ANDANAR:  Good morning, partner. Good morning sa lahat ng nakikinig ng Radyo Singko. Mabuhay po kayong lahat.

TULFO:  Parang talagang nakaka-miss iyong boses mo, para ka lang nasa bahay at magpo-programa. Anyway, sir, congratulations po. Alam ko, isa kayo dito sa tumulak nga rito at bumulung-bulong kay Pangulo whether itanggi mo man o hindi ay isa ka sa bumulung-bulong diyan kaya naaprubahan itong Freedom of Information. Pero, Sec., paki-explain nga po para sa ordinaryong mga kababayan natin na nakikinig diyan na ano  ang impact nito sa kanilang buhay, itong Freedom of Information na isang Executive Order pa lang, Sec?

SEC. ANDANAR:  Well, ganito lang ka-simple iyan, partner ‘no. Naalala mo noong mga bata pa tayo at tayo nagmamasid sa gobyerno – hanggang ngayon pa naman – at noong tayo ay wala pang trabaho sa media ‘no, tingin natin eh … merong nakapaskil doon na P3 million projects ang DPWH at itong project na ito ay hatid ni barangay captain o ni konsehal, ganoon, etc; tapos ito iyong pondo, three million. And then after six months, pangakong matapos, hindi pa rin natatapos; napako  pa rin. Tapos hindi natin makita iyong impormasyon, gusto nating malaman kung saan napunta iyong pera; ano na ang estado; ano ang stage ng proyekto. Kahit anong tanong natin doon sa ating barangay hall o sa DPWH Provincial Office ay walang binibigay na impormasyon.  So mula ngayon, starting the day when it’s being implemented at kapag lumabas na iyong IRR nito ay puwede na po ninyong malaman at masuri kung saan napupunta iyong mga proyekto na iyan at iyong paggastos.

TULFO:  So iyon po ang ibig sabihin noon. Other than the expenditures, Sec., sa pondo ng isang ahensiya, for example, DPWH, ano pa ba ang ilalaman o ano pa ba ang mga dapat  ilalaman nito? Anong maipapakita? Ano ang makikita ng kababayan natin, asahan sa FOI?

SEC. ANDANAR:  Well, asahan po natin na mas magiging bukas ang ating Executive branch of government. Iyong lahat ng mga departamento sa ilalim po ng ating Pangulong Duterte, maging iyong mga ahensiya at mga Government-Owned Corporations, iyong mga impormasyon na gusto ninyong malaman ay makukuha n’yo po – puwera na lang doon sa nakalagay sa Exceptions. At iyong sa mga exceptions po, malinaw na itong mga exceptions ay may kinalaman sa national security ng bansa natin at sa financial security po naman ng ating merkado. More than that, walang problema, ilalabas po ang impormasyon; unless din na maaapektuhan po ang right of privacy ng isang mamamayan.

TULFO:  All right. So ang itutukoy po nito, Sec, ay iyong pondo for example, binigyan ng … iyong mga bidding na iyan, sir, so makikita na natin, makukutinting na natin kung magkano ang gagastusin, sino ang mga nanalo, sino ang mga sumali. Is this correct, Sec. Andanar?

SEC. ANDANAR:  Opo. Malalaman po natin iyong magiging resulta ng isang bidding. Of course, iyong bidding proper ay hindi natin puwedeng pakialaman iyan, otherwise malalaman nung ka-bid niya kung anong presyo niya. Pero pagkatapos po noon ng bidding ng Bids and Awards Committee, at kung iyong isang contractor ay mayroong nakitang medyo anomalya doon sa bidding o merong isang private citizen na nakita na bakit ganito, bakit nanalo itong tao na ito, wala namang ibang contractor diyan ay puwede niyang bulatlatin, buksan iyong history at iyong current bidding process at iyong mga nananalo sa bidding sa isang ahensiya.

TULFO:  Sir, pakiulit lamang. May narinig ho ako sa inyo, iyong sinabi ninyo kanina, ‘Of course, hindi natin puwedeng pakialamanan iyong bidding dahil malalaman ng “kabit” niya.’ Kabit ba iyong sabi n’yo, sir?

SEC. ANDANAR:  Hindi. (Laughs)

TULFO:  Pasensiya na, sir, medyo … ito kasing engineer, itong headphone ko hind pala naisaksak. Kabit ba ang sabi n’yo?

SEC. ANDANAR:  Kabilang sa bidding.

TULFO:  Ah, ka-bidding. Akala ko kabit, sir. Sabi ninyo kabit eh, ka-bid pala. Sorry, sir, sorry.

But anyway, sir, moving on, Sec, nasa diyaryo din ngayong umaga at kayo ho ay in-interview ng ilang pahayagan at sinabi ninyo, kayo ho ay napaluha doon sa magiging talumpati ng Pangulo. Bakit ganoon, Sec? Ano po ba ang nilalaman ng kaniyang iso-SONA, sir?

SEC. ANDANAR:  Actually, in-edit ko pa iyon eh. Hindi lang nga naluha, hindi lang umiyak, naglupasay pa ako sa loob ng kuwarto noong wala pang tao.

TULFO:  Naglupasay pa kayo, sir, ha?

SEC. ANDANAR:  Oo. (Laughs) Hindi, puwera biro, walang ganoon. Binoto ko po ang Presidente dahil mayroon akong mga anak. Nakita ko iyong ganda ng ibang bansa, iyong mga kalye nila, iyong kanilang mga side street ay puwede pong pasyalan ng mga anak mo at alam mong makakauwi pa sa hotel mo. At isa po sa mga rason kung bakit binoto ko po ang ating Pangulo ay dahil po for the reason na gusto ko po, one day, I want to be able to see my daughter, my son na mamasyal, maglakad mag-isa  at makakauwi  po nang wala po akong alalahanin na may mangyari na sa  kanilang masama.

Now, noong binasa ko po iyong speech ng ating Pangulo, I realized na it’s really not just about the President; not about you, Erwin; it’s not about me; not just about our kids, our children. But it’s really about the next generations of Filipino. So kumbaga, ipinakita po ng Presidente na hindi siya taong ngayon lang na napakakitid ng utak at napaka-short iyong kaniyang goals ‘no, short term goals. Long term goals po ang ating Pangulo. Iniisip niya po more than anyone of us here – ang ating watawat, ang ating bandila, ang  ating bansa. Kaya ako, medyo sabi ko ibang klaseng Presidente talaga ang mayroon tayo. At mayroong panawagan ang ating Presidente na it’s about time for us to take the cudgels, every Filipino citizen. At dapat ay maging patriotic po tayo, mahalin natin ang ating watawat, ang ating bansa dahil nag-iisa lang.

TULFO:  So what you’re saying, Sec., parang ito iyong picture na after six years, by 2022, ito iyong itsura ng Pilipinas? Is that what you are saying dito sa talumpati na  ito?

SEC. ANDANAR:  Yes, after six years, after 12 years, after 20 years, the President really wants the country  to experience the progress that we deserve. And  ipinakita po ng Presidente na hanggang sa kaapu-apuhan, hindi  lang ng Presidente maging mga … tayo, tayong dalawa, Erwin, pati iyong mga kasamahan natin sa Radyo Singko  ay ma-experience na, na maranasan na iyong talagang progress, iyong pag-asenso na we all deserve, this country deserves dahil ilang taon na po ang lumipas at napag-iwanan na tayo.

TULFO:  Siya lang ho yata ang gumawa ng talumpati nito, and yet ilang beses niyang prinaktis? When I was there, nagkita ho tayo sa Davao noong Sabado, prinaktis niya yata after  the meeting. Tapos Sunday early morning, I think mga 2 o’clock, before we parted ay sinabihan niya si Secretary Bong Go na magpa-practice sila ulit. Bago matulog yata ay papraktisin niya pa dahil hinahanap niya iyong kopya. I don’t know, baka sa sobrang practice, Sec., ay baka memorize na niya iyong kaniyang talumpati, 38 minutes, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:  The speech has gone more than 20 revisions already, at hanggang late last night ay mayroong—hindi naman late, mga alas-siyete kagabi, mayroong mga nagpapadala sa akin na mga secretaries ng kanilang mga inputs. So,  I’m assuming also, I’m sure na at this very hour mayroon pa ring mga pagbabago na ginagawa sa speech. At hands on po ang Presidente sa kaniyang speech na siya mismo ang nag-author.

TULFO:  Will it be in Tagalog, English or may  kasamang Bisaya, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR:  Well, noong huli po naming rehearsal ay puro English po. Iyong “salamat po” iyon lang ang Tagalog.

TULFO:  May mga … siyempre alam natin ang Pangulo na nag-a-adlib kadalasan  iyan. So,mayroon bang mga lines doon, Sec., na medyo funny iyong line n’ya o serious talaga itong 38 minutes na ito?

SEC. ANDANAR:  Talagang seryoso, partner. Pero inaasahan din natin ang Presidente na mag-a-adlib ‘no. Thirty-eight minutes plus the clapping and plus the possible adlibs, baka umabot po ito ng isang oras.

TULFO:  Ayun, all right. So, Sec, mamaya ay ikaw ay nakabarong so kasama si Mrs. Andanar. Finally makikita na ng publiko si Mrs. Andanar mamaya.

SEC.  ANDANAR:  Oo, makikita n’yo po kami naka-business attire.

TULFO:  Pati si Misis.

SEC. ANDANAR:  Oo, pati si Misis [naka] business attire.

TULFO:  Anyway, Secretary Martin Andanar ng PCO. Sir, good luck and mabuhay ka, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  I’ll see you soon, partner. Maraming salamat. Mabuhay ang Radyo Singko.

##

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)