July 10, 2017 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
Radyo Pilipinas – Baletodo by Ed Versola |
10 July 2017 (11:13 a.m. – 11:17 a.m.) |
VERSOLA: Kaya ko po kayo tinawagan, sir, kumusta po iyong paghahanda ninyo sa darating na ikalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte? SEC. ANDANAR: Okay naman. Mayroon tayong mga napagkasunduan with the PMS, they will provide a brochure with photos of the President and iyong mga successful…iyong mga na-implement po na mga proyekto. So it’s a brochure with photos, that will be the visual aid of our guests in the gallery. So iyon po iyong na-approve. Klaruhin ko lang ha: Ito po’y brochure; hindi po ito projector. VERSOLA: Para lang ito iyong magiging batayang kopya ng mga darating doon? SEC. ANDANAR: Oo, it’s a visual story telling. Pero klaruhin ko lang: This is a brochure. This is not a projector. It’s not projected; kasi hindi pa na-approve iyong sa projector. Sa ngayon, iyong approved, iyon brochure. Iyon pa lang, okay. VERSOLA: Mas mabuti na po iyon, maiuuwi nila at mababasa nila nang tama. SEC. ANDANAR: Oo. VERSOLA: Ikalawang tanong ko, Secretary Andanar. Sir, you made mention na kailangan ng isang adlib o interpreter during the speech of the President. Why? SEC. ANDANAR: Ito iyong suot ng mga diplomatic corps na headphones. Kasi kung matatandaan mo last year, minsan nagbi-Bisaya si Presidente, minsan nagta-Tagalog. So kung ikaw ay diplomatic corps, miyembro ka noon, paano mo maiintindihan ‘di ba? Hindi mo maiintindihan. So pinag-usapan namin na kailangan mayroong isang interpreter na marunong sa Bisaya at Tagalog para habang…halimbawa, nagbabasa ng speech tapos biglang nag-Tagalog, nag-Bisaya, mayroong mag-i-interpret automatic kung ano ang sinabi ni Presidente para maintindihan. Iyon po iyong mga bago doon. VERSOLA: Iyan ay first time na mangyayari dito sa atin ano ho? SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung nangyari na ito dati, sa mga dating SONA. But this is really just a— VERSOLA: Para mapabilis ang pag-unawa. SEC. ANDANAR: Oo, iyong headphone ‘di ba tapos iyong mga members ng diplomatic corps, lahat sila, ang dami nila – Russian, Korean, Chinese, Japanese – mayroon silang headphones na masusuot. Tapos mayroong booth doon sa gilid kung saan nandoon iyong interpreter na magsasalita. We are just discussing now kung ito ba ay completely English interpretation o magkakaroon ba ng interpretation in Mandarin or in Nihongo. So iyon ang pinag-uusapan namin ngayon. So definitely, there will be an interpreter. And thirdly, magkakaroon po ng sign language interpreter din para sa deaf, mute natin na mga kababayan. VERSOLA: Kasi ako, ilang SONA na rin ang dinaluhan ko, wala akong nakitang interpreter. SEC. ANDANAR: Iyon, you will be in the best position to know that, Ed. So iyon, but apart from that, the entire SONA will be simple as usual. The President does not encourage fashion shows, etc. VERSOLA: Iyan pa ang isa eh ‘no. Sakit ng mayayabang noon na pulitiko iyong magpakita ng mga branded na mga gowns at saka—naku, Diyos ko, Panginoon ko. So wala na po iyan? SEC. ANDANAR: Well, wala din naman iyan, I think, we discouraged that also last year. So ganoon din this year, we also discourage that because the President is really a simple man. VERSOLA: Kaya siguro magiging napaka-simple at malinaw sa mga dadalo ang magiging second SONA ng Pangulo. Now, I know you are in a meeting, my final question is: Prepared na po ba ang Malacañang na magbigay ng information sa Congress para sa extension of Martial Law, if I may? SEC. ANDANAR: Hindi pa po, hindi pa po. Wala pa ho kaming— VERSOLA: Ah wala pa sa inyong ano … okay. SEC. ANDANAR: Oo, wala po. So it will be the President and it will be, of course, members of the Armed Forces of the Philippines that will determine that kung kailangang i-extend. VERSOLA: I know you are in a meeting, sir, but thank you very much for allowing us to get in touch with you. SEC. ANDANAR: Salamat, Ed. Mabuhay ka. ## |
SOURCE: NIB Transcription |