Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Bagong Pilipinas by Greco Belgica / PTV 4
03 July 2017

SEC. ANDANAR: (coverage cut) since naging outstanding naman tayo sa war against hard drugs with more than 80 billion pesos na mga drug paraphernalia at droga at 1.3 surrenders. Since nakalikom si Presidente ng more than 35 billion US dollars para sa mga investment dito sa Pilipinas at iba pang mga Foreign Direct Investments. At dahil na rin sa ipinakitang political will sa pamimigay ng mga lupain ng Hacienda Luisita at marami pang mga hacienda sa buong Pilipinas. Ang nais siguro natin dapat pagtuunan ng pansin, Greco, iyong burukrasya natin. Ito iyong mga ipinaglalaban mo noon sa kampanya, iyong mabilis na aksyon ng burukrasya. Gusto rin ng Presidente na 72 hours lang ang pag-release ng mga dokumento o pagbigay ng serbisyo sa tuambayan na alam lahat natin na it could not be overnight, kasi we have 7,100 islands and we have the whole bureaucracy to really change iyong kultura di ba. So, I think we have to focus on that.

Number, two, I think we also have to focus dito sa peace process, dahil alam naman natin na—bagaman outstanding iyong effort ng ating pamahalaan sa peace process na ito with the CPP-NPA-NDF, pero kailangan din siguro nung kabilang partido na talagang magbigay ng 101% para matuloy na ito. Iyong dalawa na iyon and then iyong pangatlo, Greco, iyong pagtuunan natin ng pansin iyong mga big infrastructure projects na expected mag kick in ngayong 2018.

So, iyon yung tatlo na iyon, kasi kung meron kang peace and order, meron kang mabilis na burukrasya, tapos meron kang mga infrastructure na gumugulong ay makakamit natin iyong ating pagbabago na inaasam-asam na poverty alleviation. Kasi kung meron kang proyekto, meron kang trabaho. Meron kang trabaho, makakabili iyong taumbayan ng kanilang gusto at iikot ang ekonomiya and that will make us the tiger economy that we are aspiring for.

GRECO: Sec, ang isa ho sa medyo—siyempre ang pressing issue natin ngayon iyong sa Marawi, sir. Ano ho ba ang future nito, meron ho bang katapusan na ito sa lalong madaling panah0n?

SEC. ANDANAR: Iyon ang ating inaasahan, dahil sabi nga nga ng ating mga kasamahan sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na malapit na ito and they are advancing fast. Kailangan natin itong matapos agad because kawawa naman iyong ating mga kababayan who wants to go back to their location, to their homes—actually wala nang homes kasi sira na, di ba. So, para mag-rebuild at mag-rehabilitate and that is what the President wants. Lalung-lalo na si Presidente at ilan sa amin sa Gabinete na may dugong Maranao na malungkot dito. Kasi hindi naman kasalanan ng mga Maranaoan iyon eh, iyong Maute lang naman pati iyong mga ISIS-leaning, pero nadamay na lahat. But, kita naman natin na ang resolve ng Presidente, no negotiations with the Maute and talagang uubusin itong mga ito hangga’t sa matanggal sila, mapa-alis sila diyan sa Marawi o kumbaga mabura sa mapa itong mga Maute.

GRECO: Sir, marami hong nagtatanong, sir. Kumusta ho ba talaga ang kalagayan ng ating Pangulo? Alam naman natin na malakas siya, pero para lang manggaling sa inyo, sir.

SEC. ANDANAR: Salamat Greco sa tanong na iyan. Nais ko lang sabihin na ang ating Pangulo po ay malusog, ang ating Pangulo po ay very fit to run the country, wag po kayong mag-aalala. One year has passed, napakadami pong pagbabago na na-implement ng ating Pangulo sa buong bansa at marami pa rin pong pagbabago ang inaasahan natin sa hinahangad. At alam natin na ang ating Pangulo din ay kailangang magpahinga minsan. So sana ay intindihin po natin, kapag ang Pangulo ay nagpapahinga, kitang-kita naman natin 1,355 activities ang pinuntahan ng Pangulo in his first year in office. Ibig sabihin po niyan an average of almost 4 activities a day. Iyong 116 na bakasyon sana ng isang pangkaraniwang Pilipino, 76 lang po ang ginamit ng Pangulo doon sa 116 at ang 76 na iyon, marami pang mga private meeting na hindi natin alam kung sino ang kausap niya. So sa makatuwid eh, nagtrabaho pa rin si Presidente. So, we really see it undeniable na our President is a workaholic at ginagawa ito lahat para sa ating bayan. So, don’t worry. The President is in the pink of health.

GRECO: Sir, pero ito ay alam naman natin lahat ang nagawa ng ating Pangulo. Sir, so kung ganyan siya ka-busy anong oras kayo nakakapag-meeting, anong oras kayo nag-uumpisa, anong oras kayong natatapos?

SEC. ANDANAR: Ang buong Gabinete naman ay structured in terms of clusters at ang PCOO halimbawa ay miyembro ng halos lahat ng cluster. So, kami-kami nagmi-meeting kami, nagtatawagan kami, technology helps us so much. Tapos meron kaming Cabinet meeting twice a month so doon kami nagkaka-meet. Unless talagang mahalaga iyong aming…iyong talagang urgent iyong matter na kailangang i-discuss sa Presidente, then we go to meet. Kung hindi naman urgent at kaya naman namin—because the President really, Greco, hindi naman siya micro-manager; macro manager and he gives us enough elbow room to work and to decide for ourselves. Kaya wala pong problema sa oras.

GRECO: Sec. Mart, sa huling tanong, sir. Ang dami pa hong umaasa sa mga pagbabagong mangyayari pa sa mga darating na panahon. Iyong iba siyempre medyo naiinip dahil sa burukrasya, sir. Sir, ano po ang message ninyo sa taong humahanap pa at naniniwala pa sa marami pang pagbabago sa ating pamahalaan, lalung-lalo na po roon sa mga complaints nila, sir?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Greco, natural na iyan, iyong trapik natin complaint talaga iyan, kasi napakabigat po ng problema na iyan, mabigat ang trapiko, mabigat ang problema, dahil nga sa hindi naman overnight iyong pagpapaganda o pagkukumpuni, pagdadag ng kalye. Actually wala nang kalyeng madadagdag, flyover na lang. Iyong pag-a-ayos ng ating MRT; mga minana nating problema iyan. So kitang-kita n’yo naman na si Secretary Art Tugade ay kumpleto po sa solusyon. Talagang we are going through the process, meron pong proseso sa batas na sinusunod iyan at hindi lang po tayo puwedeng gigiba ng kalye, giba dito, giba doon. Hindi puwede kasi, diyos ko po, katakot-takot na kasong dadaanan ng ating Secretary ng DOTr kung gagawin niya iyan. So we are going through a process. If you see the plan is there. Kung sa budget naman nandiyan din, walang problema. Kaunting pasensiya na lang ho at ito po ay masosolusyunan din natin, because kung anuman ang meron ang ating administrasyon ngayon, iyon po ay iyong political will at iyong plano kung papano maibsan iyong trapiko sa Metro Manila. But like what the President said during the campaign, hindi po ito overnight solution. There is no silver bullet solution to this. We will all have to sacrifice.

GRECO: Thank you, very much, Sec. Mart and we are hopeful and supporting you all the way. Ang ganda ng ginagawa ninyo rito sa PTV 4. Boss, any last words.

SEC. ANDANAR: Well, gusto kong maiparating sa ating sambayanan na, let us keep on praying for our brothers and sisters in Marawi and the soldiers in Marawi. Sana matapos na ito sa mas madaling panahon para we can start rebuilding the once beautiful city of Marawi. Iyon lang po maraming salamat, Greco.

##

SOURCE: NIB Transcription