January 28, 2016 – Sec. Coloma’s Press Briefing Transcript
PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA |
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang |
28 Jan 2016 |
QUESTIONS AND ANSWERS Patricia de Leon (CNN Philippines): Sir, on the recent Transparency International Report where the Philippines slipped in the corruption perception index despite the anti-corruption efforts of the government. With only five months away, sir, how is the government planning to turn this perception around? SEC. COLOMA: What is more important than perception is reality. The reality is that for the past five years, the Philippine government has instituted major reforms that have strengthened the governance structure of our country. We have initiated the heightened public accountability of government agencies through the mandatory requirement that all government agencies must maintain websites that are accessible to the public. These websites contain vital information on major decisions made by various departments and agencies of the government. Major procurement transactions as well as how they have spent their budget. We are confident that the reform programs that have instituted by the government are strongly taking root and these gains will be sustained. Perceptions are based on various things but we are more concerned about sustaining the reality of a well established framework for good governance. Reymund Tinaza (Bombo Radyo): Sir, kahapon po sa reinvestigation ng Senado sa Mamasapano encounter nabigyan-diin muli ‘yung matagal na napag-uusapan na parang rivalry even agawan ng credit saka even ‘yung posibleng agawan or pagtatago ng impormasyon dahil nga sa pabuya na malaki minsan between the PNP and military kapag may mga high value targets operation. Sir, moving forward, meron ba tayong parang i-institutionalize na parang system within the military and PNP para maiwasan na mangyari ito otherwise magpapatuloy lang din ito kung hindi ma-correct ‘yung medyo malinaw na problema nito withing their ranks? SEC. COLOMA: Isa sa mahalagang aral ng Mamasapano ay ‘yung kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya. At sa daloy ng mga kaganapan, sa aking obserbasyon ay nabubuo ‘yung mas matibay na pakikipagugnayan sa pagitan ng AFP at PNP upang huwag nang maulit ang mga malulungkot na kaganapan doon sa Mamasapano at kahalintulad na pangyayari sa ating bansa. Mr. Tinaza: Sir, how do we tend to remove ‘yung issue ng AFP being compromised doon sa operation dahil nagkaroon ‘yung issue of distrust kaya itinago apparently ni SAF Director Napeñas before ‘yung operation nila and vice versa ganun din ‘yung nangyari kaya hindi rin nakapagbigay ng proper rescue and support operation from the military? SEC. COLOMA: Well, pansinin natin na ‘yung so-called “compromised” ay personal na opinyon ni Director Napeñas at ito ay tinutulan nang mariin ni Pangulong Aquino sa pagbibigay sa kanya ng tagubilin hinggil sa kahalagahan ng koordinasyon. At pansinin din natin na ‘yung importanteng dahilan na naging problematic na doon sa operasyon ay ‘yung sinabi niyang “time on target” nga ano na dahil nga doon ay hindi nagkaroon ng coordination. So we need to distinguish between the personal views of Director Napeñas and the institutional moorings of the PNP and the AFP na kung saan ay makikita naman natin ‘yung firm commitment of the President and the senior officials of the Department of National Defense, the DILG as well as the leaders of the AFP and PNP na patatagin ‘yung mga mekanismo ng koordinasyon at ‘yung pagiging maayos ng kanilang pagganap ng kanilang tungkulin. Mr. Tinaza: Sir, last from my end sa isyu na ito. Kahapon din lumabas din ‘yung US apparently playing a key role doon sa ganitong mga high value target operation being the source of the reward money. Is this regular that the US or any foreign country would have the discretion to what unit of the PNP or the military would pursue or conduct the operation of their target? SEC. COLOMA: Linawin natin, ang overriding objective ng pamahalaan ay ‘yung counter terrorism at ‘yung pagpapairal din ng kaayusan sa ating bansa. We have overarching national security objectives. At iyan ‘yung malaking larawan kung bakit mayroong umiiral na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa Estados Unidos at ito ay nasa ilalim ng mga umiiral din na kasunduan. Iyong Visiting Forces Agreement, at ngayon may EDCA na tayo. Sumusunod at tumatalima tayo doon sa mga patakaran hinggil diyan. Mayroong nagtanong kahapon at ang aking tugon ay ‘yung bigger picture na tinitingnan natin dito ay ‘yung counter terrorism campaign at ‘yon ay sakop ng pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa. Hindi naman ito simple police operation. Leo Navarro-Malicdem (Brigada News): Good afternoon, sec. Mamasapano pa rin po. Maraming senador ‘yung naniniwala po na “replay” ‘yung nangyari kahapon pero may mga nagsasabi rin po na hindi mailalantad ang katotohanan under the administration unless may lumabas daw po na whistleblower o kaya naman daw po ay utusan ng Pangulo ang kanyang mga tauhan o ‘yung mga involved na ilantad ‘yung katotohanan. Your reaction, sir? SEC. COLOMA: Sa lahat ng pagkakataon, tumalima ang adminsitrasyong Aquino sa katotohanan. Naging hayag ang aming posisyon, walang ikinubli at lahat ng mga opisyal ng Armed Forces at Philippine National Police at ng pamahalaan ay sumagot sa lahat ng katanungan na naihain sa iba’t ibang pagsisiyasat hinggil dito. Kaya’t hindi ko alam kung saan pa nanggagaling ‘yang mga alegasyon na ‘yan. Ms. Navarro-Malicdem: May reaksyon na po ba personal ang Pangulo doon po sa isa sa mga pahayag po ng resource person kahapon sa Senate investigation na tumanggi ‘yung mga SAF members na pumasok doon sa area kung saan nangyayari ang bakbakan, ‘yung nagpaparescue… I just forgot the name po ng isang survivor sa SAF na hiningan pa po ng reaksyon si Director Marquez kasi parang ang sabi ng grupo ay ayaw nilang pumasok sa bakbakan. SEC. COLOMA: Ang tinutukoy po ay ‘yung testimonya ni Sergeant Jaranilla na tinanong ni Senator Trillanes dahil ayon kay Senator Trillanes noong nakaraang executive session ng senado ay naihayag na ‘yung obserbasyon ni Sergeant Jaranilla. Bago noon may ipinakitang video clip na ‘yung V-150 ng AFP ay traversing ‘yung isang highway doon malapit sa area of encounter at ayon sa pahayag ng AFP doon naka posisyon ‘yung mga naghihintay na kumpanya ng SAF. At ayon doon sa narinig kong pahayag, ang sabi ni Sergeant Jaranilla ay tumugon sa kanya ‘yung mga nandoon na kagawad ng SAF na hindi sila na… Tinanong kasi sila, “Bakit hindi kayo magpunta roon?” Ang narinig niyang katugunan ay hindi na dapat sila magpunta roon—something to that effect. Ms. Navarro-Malicdem: May personal na pong rekasyon ang Pangulo dito, Sec., or nakarating na po ba sa kanya na may ganoon pa lang insidente? SEC. COLOMA: Sa lahat nitong mga kaganapang ito ay sinikap ng Pangulo na mabuo ‘yung larawan ng naganap doon. Sa aking palagay, kasama na ‘yan, ‘yung anong nangyari doon sa remaining forces. Bahagi din ito ng testimonya ni Secretary Roxas dahil sinabi niya doon sa kanyang pagkaalam din ay more than 300—almost 400 na ‘yung nai-deploy doon ni former SAF Director Napeñas. At so far ang pinag-uusapan pa lang doon sa mga text messages na pinagpapalitan ay patungkol lamang doon sa dalawang kumpanya, ‘yung main effort na 84th at ‘yung blocking force na 55th. Kaya tinatanong din ni Secretary Roxas at that time, “Anong nangyari doon sa mahigit na tatlong daan na naghihintay?” Iyan ‘yung naging topic ‘nung segment ng pagtatanungan kahapon in which Senator Trillanes asked for Sergeant Jaranilla to give a testimony. Victoria Tulad (GMA-7): Good afternoon, Sec. Sir, sabi po ni Senator Marcos yesterday lumalabas po na nag-fail ‘yung SAF operation because nakialam daw po si Pangulong Aquino and then alam daw po ni Pangulong Aquino lahat ‘nung tungkol sa operasyon. And ‘yung third observation niya is, may stand down order daw from the President. Your reaction? SEC. COLOMA: Unahin natin ‘yung ikatlo. Saksi ang bansa, tinanong ang lahat ng mga nandoon, lahat ng nandoong opisyal, lahat ng nandoon AFP at PNP at mismong si Director Napeñas mismo, iisa lang ang sagot nila: Walang ganoong order. Wala silang narinig at walang ganoong ibinigay at walang ganoong sinundan na order. Kaya sa aking pananaw, bilang saksi doon sa pitong oras na pagsisiyasat kahapon, epektibong natugunan at napabulaanan ang mga alegasyon ni Senador Enrile sa pagdinig kahapon. Isama na rin natin ‘yung alegasyon ni Senador Marcos. Naisawalat ang kawalan ng kaalaman ni Director Napeñas sa tunay na sitwasyon ng kanyang mga tropa sa Mamasapano. Ito ‘yung binanggit ni Pangulo sa mga nakaraan niyang talumpati ‘yung “lack of situational awareness” at ang seryosong kakulangan ng koordinasyon sa pagitan niya at ng AFP na naging sanhi ng kapahamakan ng mga nasawing SAF 44. Pakiulit ‘yung first two. Ms. Tulad: Nag-fail daw ‘yung operation sir dahil nakialam si Pangulong Aquino and he knew everything daw po. SEC. COLOMA: Okay, doon sa nakialam at he knew everything. Ang ipinirisenta ni Director Napenas sa Pangulo ay ‘yung concept of operations at ‘yon ‘yung extent na nalaman niya, ‘yung mga plano nila. Iyong sinabing nakialam, ibig sabihin ay gumawa ng bagay na nakabalam, di ba, sa operasyon. Ano kayang specific action ang tinutukoy niya hinggil doon? Ang malinaw lang naman dito ay ang sumusunod: Una, inutusan siyang magcoordinate. Hindi pakikialam ‘yon. Iyon ay guidance na napakahalaga nanggagaling mismo sa Pangulo ng Pilipinas. Hindi ko narinig si Director Napeñas mismo na nagsabing itinuring niyang pakikialam ito. Ang pangalawa, ay ‘yung tungkol sa mismong galaw ng operations. If you will recall nag-testify si PNP Chief Director General Marquez that as then Director for Operations walang buong operation plan na nasa kamay ng national headquarters ng PNP. At sinabi din niya ang kanyang puna doon sa Oplan Exodus, walang malinaw na—well, walang mga patakaran o guidelines hinggil sa pag-abort na dapat naging bahagi ng contingency plan. Ang sinabi ni Director Napeñas hinggil dito, meron daw pero sila lang ang nakakaalam. So kung sila lang ang nakakaalam, e ‘di hindi alam ni Pangulo. So contradiction ‘yan doon sa paratang. At sa aking palagay, iyan din ‘yung nagbunsod kay Senate President Drilon para sabihin na kung merong nag-compartmentalize e si Director Napeñas mismo, kinompartmentalize niya ‘yung kanyang nalalaman sa kanyang sarili kaya’t naging ganoon ‘yung overall attitude niya hinggil sa koordinasyon at ‘yon na ang nagbunsod na rin doon sa pagkakaroon ng kapahamakan sa kanyang mga tropa. Ms. Tulad: Sir, on the BBL. Yesterday po sabi ni Deputy House Speaker Balindong na dead na ang BBL. SEC. COLOMA: Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa liderato ng Congress at ng Kamara. Mainam na hintayin natin mismo ang payahag ni Speaker Belmonte hinggil dito. Ms. Tulad: Sir, today po merong mga senior citizen na nag-rally, hinihiling po nila ‘yung SSS pension hike nga po. SEC. COLOMA: Batid natin kung ano ang pinanggagalingan ng kanilang kahilingan at sa maraming pagkakataon ay naipaliwanag na rin ng pamahalaan ang mga mahahalagang kadahilanan kung bakit hindi resonable at mainam ‘yung panukalang batas hinggil sa P2,000 annual increase. Hinihiling namin ang kanilang pag-unawa sa mahalagang konsiderasyon na kinakailangang mapanatili ang estabilidad at katatagan ng SSS fund dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat ng mahigit na 30 milyong kasapi at ito ang pinagkukuhanan ng buong hanay ng mga benepisyo ng SSS; at isa lamang doon ‘yung tinutukoy nating pensyon. Roices Naguit (TV-5): Sir, short follow up lang doon sa Mamapasano. Nandoon po kayo yesterday doon sa kabuuan ng hearing at marami rin pong mga Gabinete ‘yung nandoon na ipinatawag na hindi rin naman po natanong. Si Senator Poe, bilang chairman din po ng committee, na rin po ang nagsabi na wala naman pong bagong impormasyon na lumabas doon sa hearing. So sang-ayon po ba kayon doon sa obserbasyon po ng marami nating kababayan na parang nasayang lang daw po ‘yung isang buong araw at ‘yung resources ng government doon sa pagdinig kahapon at parang lumalabas na in-accommodate lang talaga ‘yung request ni Senator Enrile? SEC. COLOMA: Para sa amin kami ay tumugon sa isang imbitasyon upang ipakita na nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan ang Ehekutibo sa Senado at sa Lehislatura. Sila ay nagsabi na ito ay ‘in aid of legislation.’ Sana nga makapagsagawa sila ng legislation tungkol dito. Isa sa mga points na naihayag ay ‘yung pagtatakda ng specific disciplinary measures with regard to officials and personnel of the Philippine National Police. I think Senator Trillanes pointed out yesterday na ‘yung hindi pagkilos ‘nung mga kumpanya ng SAF na nandoon that were sent to be the reinforcing elements, sa kanyang palagay, kung sa military discipline rules ang… Kung ang military disciplinary rules ang umiral ay maaaring subject sila to court martial. Pero dahil walang kahalintulad na proseso na nasundan baka puwedeng makita ng ating mga mambabatas kung paano mapupunan ‘yan puwang na ‘yan sa ating mga batas para hindi na maulit ang nangyari sa Mamasapano. Ms. Naguit: Sir, meron na rin po bang response from Congress doon po sa apela ni Pangulong Aquino remember doon sa PNP anniversary na to review ‘yung specific provisions sa PNP law na tungkol nga po doon sa parang hindi pagsunod sa utos daw ng ilang mga… SEC. COLOMA: Kasama na nga ‘yon doon sa concept na maaaring in aid legislation ay tukuyin nila kung ano ang dapat na gawin. Nakita nila ‘yung mga hindi maayos na kaganapan doon sa pagsasagawa ng operasyong ito para hindi na maulit. Kung magaganap ‘yan magkakaroon ng kahulugan ‘yung sinasabing isinasagawa ’yung pagsisiyasat in aid of legislation. Joel Egco (The Manila Times): Sir, good afternoon po. Sir, sa kabuuan po, how would you describe yesterday’s hearing? Na-exonerate po ba ang — well, this is in relation to Senator Enrile’s allegation against the President ano po — na-exonerate po ba si Pangulo dito? Masasabi po ba nating wala naman talagang naipakita na matibay na ebidensiya si Senator Enrile? SEC. COLOMA: Sa aking palagay nga wala ng — meron siyang binanggit na walong punto na in summary gusto lang niyang palabasin na si Pangulo ang may pananagutan doon sa — o si Pangulo ang naging sanhi ng mataas na number of casualties pero sa pananaw ng pamahalaan, ito ay bunsod ng mga kilos at pagpapasya ni dating SAF Director Napeñas in his capacity as the commander of the operations ng Oplan Exodus. Una, hindi siya nakipag-coordinate; pangalawa, hindi niya inabort ‘yung operations samantalang may mga klarong kondisyon na dapat inabort at hindi niya binigyan ng supisyenteng pagturing ‘yung kapakanan ng kanyang mga tropa dahil naipakita rin — ulitin ko lang ‘yung lack of situational awareness niya. Meron pa ngang larawan doon 4:14 in the afternoon and General Galvez testified that it was at that time that he himself told General Napeñas that his troops had been killed in the battle e nakita naman natin ‘yung itsura at demeanor ni Director Napeñas doon sa larawan na sa pananaw ng AFP showed that he lacked a sense of urgency, hindi siyang handang pangunahan ang kanyang mga tropa. He did not have a mindset of a commander seriously concerned with the welfare of his troops at masyado niyang minaliit ‘yung pagiging seryoso ng sitwasyon. Lahat ng mga ito ay mahalagang responsibilidad ng isang commander. Mr. Egco: So, sir, nakahanda po ba ang pamahalaan na mag-sampa ng kaso, magpursige ng kaso against General Napeñas? SEC. COLOMA: Sa aking pagka-alam ay mayroon ng pagsisiyasat na isinasagawa ang Office of the Ombudsman sa kasalukuyan. Mr. Egco: Sir, lastly, last point, may binanggit po si Director Napeñas na “comprised ‘yung AFP”, hindi po ba nababahala kayo sa gobyerno na may ganung claim, na meron daw bobombahin ‘nung Oplan Wolverine, 15 minutes ibagsak ‘yung bomba nagtakbuhan na ‘yung mga tao parang may tipster sa loob? SEC. COLOMA: Sa aking binanggit kanina, Joel, that is the personal opinion and assessment of Director Napeñas that does not necessarily reflect the situation , the overall situation. As far as we are concerned ay patuloy naman ‘yung masinsin na koordinasyon, patuloy naman ‘yung unified action ng ating security forces. Marami tayong coordination mechanisms that are in place. Meron tayong Cabinet security cluster, meron tayong National Intelligence Coordinating Agency. Marami namang levels ito ng koordinasyon. Maipunto ko rin kahapon bilang — pinabulaanan din ni National Security Adviser Cesar Garcia ‘yung sinasabing compartmentalization. Ang sabi nga niya itong operasyon na ito ay mino-monitor ng kanyang tanggapan dahil pansinin natin ito ay naganap na malapit doon sa pagdalaw ng Santo Papa at isa sa mga mino-monitor na threats ay galing doon sa JI with which Marwan is identified. So hindi totoo ‘yung paratang na insulated lang ito, compartmentalized, Pangulo lang ang nakakaalam ng lahat. Ito ay bahagi ng buong intelligence situation na aktibong mino-monitor ng buong pamahalaan. Ms. Navarro-Malicdem: Sec, may plano daw pong dumalaw sa West Philippine Sea o sa bahagi ng West Philippine Sea ‘yung Taiwanese President. Nakadalaw na po. Hindi po kaya ito makadagdag sa tension or may implikasyon po ba ito, sir, sa mga claims ng mga bansa? SEC. COLOMA: Kung anuman ang plano o aksyon ng iba, hindi natitinag ang posisyon ng pamahalaan hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Code of Conduct of Parties in the South China Sea. At ang nais nating maisapinal na Code of Conduct ay ‘yung magiging legally binding ito sa lahat ng mga partido na mayroong maritime entitlement claims sa South China Sea o West Philippine Sea at mahalaga dito ‘yung pagpapairal sa mga prinsipyo ng freedom of navigation, freedom of overflight, at respeto para sa international law, lalung-lalo na ‘yung International Convention on the Law of the Sea. Mr. Tinaza: Sir, doon po pala sa plano ng… Meron po kasing kahilingan si Senator Drilon sa COMELEC na i-postpone muna ‘yung ballot printing pending the decision of the Supreme Court doon sa mga pending disqualification cases against some presidential aspirants. Ano po ang posisyon dito ng Palasyo? Hindi rin ba kayo nababahala na baka naimprenta na saka lang may lalabas o kaya kapag may nanalo na saka lang may ilalabas ang COMELEC. SEC. COLOMA: Ang COMELEC ang siyang may mandato sa ating Saligang Batas na tiyakin ‘yung pagdaraos ng maayos at kapani-paniwalang eleksyon at sa aming palagay ay ginagawa ng COMELEC ang tungkulin nito. At mainam na hintayin na lamang natin ang magiging pagpapasya at pagkilos ng Commission on Elections. Mr. Tinaza: Sir, meron ba kayong komento doon sa naging pahayag doon sa oral argument ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat daw ‘yung mga korte ay magkaroon ng proteksyon sa mga interes ng mga foundlings. Hindi ba kayo parang nababahala or wala bang epekto ito sa kandidatura ni dating Secretary Mar Roxas considering na lumalabas na parang pumapanig ito sa makakalaban niyang si Senator Grace Poe? SEC. COLOMA: Ang Korte Suprema ang siyang magbibigay ng pagpapasya hinggil sa disqualification cases na sangkot si Senador Grace Poe. At katulad ng dati na nating naipahayag, umaasa tayo kaisa ang sambayanan na ang magiging pasya ng Korte Suprema ay makatuwiran at makatarungan. Catherine Valente (The Manila Times): Sir, can we get po the Palace statement on the recent growth in the country’s GDP based on the data released by the PSA, the Philippine economy grew 6.3 percent in the fourth quarter from a year earlier much faster daw po than the market expectation. So ano po ang masasabi ng Malacanang? SEC. COLOMA: Sa aking pagkaalam ay naglabas na ng pahayag si Secretary Edwin Lacierda at ito ay naipadala na sa mga kagawad ng Malacañang Press Corps. Bilang paglalagom ng naiulat ni Secretary Balisacan, ikinagagalak ng ating pamahalaan na sa nakaraang buong taon ay nakapagtala tayo ng 5.8 percent GDP growth at sa ikahuling quarter—fourth quarter of 2015, ay nakapagtala tayo ng 6.3 percent yata ‘yon at ito ay bunsod ng malakas na domestic demand at ng patuloy na kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating bansa. Ito rin ay humantong sa pagkakaroon natin ng pinakamataas na six-year average GDP growth of 6.3 percent na pinakamataas simula noong 1978. At kapansin-pansin na ito ay hindi dulot ng tinatawag ng NEDA na unsustained borrowings. So may kongkretong batayan ‘yung pagpapatatag ng ating ekonomiya, nakakapaglikha ito ng mas maraming pagkakataon para sa ating mga mamamayan. At kapag naipagpatuloy natin itong tinatawag na high growth trajectory ay malaki ang pag-asa na makakapasok ang Pilipinas sa hanay ng mga high income countries by the year 2030. Mr. Tinaza: Sir, pero hindi naman ikinalungkot or ikinasama ng Malacañang dahil apparently lumalabas na medyo mas mababa ito kumpara sa target natin na year-ender na, ‘yung the year growth na 6.0 percent and even sa 2014, nakapagtala tayo ng 6.1 percent. So medyo bahagyang bumaba compared sa previous growth natin? SEC. COLOMA: Kinikilala natin na mayroon ding mga external and internal factors na nakaapekto sa overall performance ng Philippine economy. Patuloy tayong matututo sa mga aral na ibinabahagi ng mga kaganapang ito, katulang ‘nung pagresponde sa El Niño phenomenon, ‘yung patuloy na pagpapalakas ng mga sistema ng pamahalaan para mabawasan ‘yung mga instances of underspending at ‘yung pagpapalakas pa ng iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya para sa pangkalahatan ay higit na maipataas pa natin ‘yung GDP growth. Importanteng bahagi rin dito ‘yung layunin natin na hindi lamang ‘yung growth at dapat ay maging inclusive growth at napansin natin na maging sa Camara de Representantes mayroon ng inisyatiba na magkaroon ng particular na batas para maging permanente ‘yung Conditional Cash Transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Dati kasama ito sa annual budget, doon sa panukalang batas ay gusto na nila itong gawing permanenteng programa. Nagpapakita lamang na lumalawak ‘yung suporta para doon sa prinsipyo ng pagtatamo ng inclusive growth. |
SOURCE: Presidential News Desk |