President Benigno S. Aquino III’s Media Interview at the Presentation of the Agreement for the Bulacan Bulk Water Supply project
Provincial Capitol, Malolos City, Bulacan
15 January 2016
 
VETOED SSS PENSION HIKE

Aurea Calica (Philippine Star): Good morning, sir. Are there any other options being considered to raise the pension of SSS retirees?PRESIDENT AQUINO: Well, mayroong mga kino-consider pero baka dapat bigyan ko muna kayo ng idea ano ba talaga actually ang SSS para klaro dahil mukhang nawala sa pinag-uusapan e, okay. Bawat pisong kontribusyon ng member nagkakaroon ng benepisyo at may range mula anim na piso hanggang 15 piso. So parang may obligasyon ang SSS na i-invest ‘yung kanilang pondo para makuha ‘yung pambayad sa pagdating ‘nung may mga pension at iba pang mga benefits.Ulitin ko nga, pisong kontribusyon mo, ‘pag kinuha mo na ‘yung benepisyo mo from six to 15 pesos for every peso na ang kailangang ibalik. Nag-compute si Cesar Purisima nang madalian sa five percent na interest rate—nag-mo-money market, et cetera—kakailanganin natin ng kulang-kulang—sa current, ano, wala pa itong in-increase—mga 120 years na i-invest nila at current interest rate regime para mabayaran ‘yung obligasyon ng SSS.

Now, ‘yung P2,000 na pension—napag-usapan na pero gusto ko lang ipagdiinan—ang maaapektuhan niyan 2.15 (million) na mga pensyonado, ang maaapektuhan positively; negatively na maaapektuhan ‘yung others doon sa 30 million. Ngayon, taon-taon lumalaki ‘yung contribution, dumarami ‘yung benefit package. So sa unang taon, ang kinikita ng SSS nasa range ng 30 to 40 billion doon sa kanilang mga investment—investment reserve fund ang tawag. ‘Pag kinompute (compute) natin ‘yung 2.15 million-times 2,000 pesos-times 13 months, lalabas ‘yon na kulang-kulang 56 billion pesos. Fifty six (billion), kung 30 (billion) ang kinita, 26 (billion) ang deficit kada taon—doon sa unang taon pala—or 16 (billion) kung 40 (billion) ang kinita.

Ngayon, alam naman natin ‘yung stock market pumalo na dati ng 8,000. Ang stock market ngayon nasa bandang 6,400. ‘Yung valuation ng holdings ng SSS siyempre bumaba na rin doon sa market niya. Nagtaas ng interest rate regime sa America. Ibig sabihin ‘non—sa Star ko yata nabasa kanina—‘yung ‘capital flight’ na sinasabi, ‘yung hot money, bumabalik na ‘yung pondo doon sa tinatawag na mga high income countries tulad ng America. Babawas ‘yung umiikot dito sa ating stock market so may negative pressure na naman doon sa ating holdings ng SSS.

Bottom line, unang taon, 16 to 26 billion; susunod na taon, may plus-150,000 na yatang dadagdag doon sa mga nag-pe-pension, mas malaki. So ang suma total po nito, ‘pag um-oo tayo doon sa pension na hinihirit nila, pinag-aralan na ‘yung actuarial studies na sinasabi, ang mga matitirang buhay ng SSS bago siya mabangkarote 11 taon. E napalaki na natin ng dagdag na tatlong taon, umabot na tayo ng 2042. So babalik nga ako dito, ang tanong: matutuwa ‘yung 2.15 million, mapapahamak ‘yung 30 million, tama ba ‘yon? Tama ba ‘yung pagbabantay natin ng pondong ito na maitupad ‘yung ipinangako sa bawat miyembro na mayroon kayong mga benepisyo. So doon nagmula ang desisyon natin na kailangan i-veto itong measure na ito dahil hindi kayang isustena ‘nung ating SSS system.

May other benefits? Inaaral. Kaya ba natin ng P500? ‘Yung P500 tila baka babalik tayo… Kung ang dinatnan natin ng 2039, baka bumalik tayo sa 2039. So ‘pag dinagdagan natin maski P500, babawasan na naman natin ‘yung life ‘nung ating pondo. Ngayon pinapasigurado ko sa kanila ‘yung computation, dapat mag-pro-project ka rin, ano. Ano ba ang halaga nitong mga ini-invest natin? Siguro para mas maidiin ko lang, ano, ‘pag may ku[lang]—may deficit, ‘di ba, 16 to 26 billion saan kukunin ‘yon? Ibebenta mo ngayon ‘yung mga assets mo tulad ng stocks na may dibidendo kang kinukuha. So ‘yung pinagmumulan ng pagbayad pagdating ng obligasyon ng SSS, ‘di ba, babawasan mo pa rin. ‘Yon ang magpapamadali hanggang ‘yung parang may constant na ina-assume diyan. ‘Yung value ng holdings baka constant. Maski—hindi natin masasabing magiging constant ‘yon. Babawasan mo ng, ‘di ba, 15 taon ‘yung buhay. So ‘pag wala tayong ginawa… ‘Pag pinayagan natin ito at wala tayong ginawa, ano ‘yung kukunin ‘nung mga pensyonado ng 2028 at 2029?

So kailangang pag-aralan nang mabuti ‘yan. Ulitin ko lang, ‘yung pisong ipinasok mo, may benepisyo kang anim hanggang 15 piso. ‘Yung diperensya kailangang kitain ng SSS. ‘Nung ginawa ‘yang programang ‘yan, mataas na mataas ‘yung interest rate na nakukuha ng SSS. Alam naman nating mababa ‘yung naging interest rate regime ngayon. Ang gobyerno nakakakuha na ng concessional loan na one percent. So ‘pag kinompute mo—‘yung five percent ‘yung computation ng 120 years e—sa one percent, mas magaling si Cesar (Purisima) mag-compute sa akin kung gaano katagal para mabuo ‘yon. [to Sec. Purisima: ‘Times five siguro, ano?’] Simple arithmetic, hindi ‘yung compounding ‘nung interest, lalabas na… ‘Yung 120 sa five percent, e ‘di 600 years para mabayaran ‘yung current na obligasyon sa ganitong klaseng interest rate regime.

Ms. Calica: Sir, if I’m getting you right, it’s not yet the end of the road for the measure but it has to be studied carefully and mayroong reports din na…

PRESIDENT AQUINO: The particular law, I vetoed. They can overturn the veto by a two-thirds vote. But at the same time, ulitin ko lang, hindi kapritso ito. Pinag-aralan at ibabangkarote mo ‘yung SSS ‘pag pinasukan ito by 2027. At siguro naman maski sino naman ang mamamahala ng gobyernong ito, importante na may commitment ang estado—in this case, the SSS na agency ng gobyerno—na ibigay sa’yo ‘yung benepisyong ipinangako sa’yo. Ngayon, gagawa tayo ng mungkahi na matutugunan ‘yung isang grupo at so sorry na lang doon sa lahat ‘nung ibang sasali sa sistema mula itong taon na ito, ‘nung naging batas ‘yan, hanggang 2027—‘yung nahuling babayaran. Pagkatapos ‘non bahala kayo o bahala na si Batman. Hindi naman yata tama ‘yon.

Baka pwede ko lang ipagdiinan: May mga nagtatanong, eleksyon, negative votes—ganyan-ganyan. Siguro mas magagalit… Parang mas mali namang magalit sa akin ‘yung doon sa kabuuan ng 30 milyones na ‘yon kaysa itong two million na ito. So sana tingnan lang natin ano ba ‘yung facts. Ulitin natin, piso, hindi naman ibabalik sa’yo ‘yung piso; ang ibabalik sa’yo anim hanggang 15 piso. Kailangang kitain ‘yung diperensya; saan kikitain ‘yon? Tapos dadagdagan pa natin ‘yung obligasyon, hindi lang six to 15, ‘pag pinasok itong P2,00o-times 2.15 million-times 13 months.

Ms. Calica: Sir, last na lang po. There are reports saying that the senators failed to give you the sister bill of this proposal that you vetoed. What can be done about that?

PRESIDENT AQUINO: Well, baka pwede nilang repasuhin, ano… Pero ang tanda ko… [to Sec. Purisima: ‘Yung pending 41 percent, ano?] Ibibigay natin ulit, ano, at desisyon nila. Sila ang gumagawa ng batas. Bibigyan natin ng benepisyo ang 2.15 (million), hindi ‘yon ang kabuuang miyembro ng SSS, okay. Hihingan natin ng dagdag na kontribusyon na (sa) isang nakita kong study 41 percent increase in contribution by all members. So—at hindi natin ni-ru-rule out ngayon na baka kailangan nga ‘yon para mapahaba pa ‘yung buhay ng pondo. Pero ‘yung maliwanag, ‘yung naipasa, dagdag na payout ng SSS na unang taon pa lang ng implementation ay mag-de-deficit na tayo ng between 16 to 26 billion pesos.
Nikko Dizon (Inquirer): Sir, still on SSS. So you’ve been called heartless, callous, walang malasakit not only by politicians but also by the pensioners because 2,000 pesos would go a long way for them and while, at the same time, SSS officials get fat bonuses. How do you reconcile these two views, sir?

PRESIDENT AQUINO: Well, teka muna, puntahan natin ‘yung bonuses. Dumadaan sa GCG, mahabang proseso ‘yan. Nag-improve ba ang SSS? At mayroong… Hindi ko dala lang ‘yung table ngayon pero ipapakita na hanggang 2011 mayroong deficit taon-taon ang SSS. Mula 2012 hanggang sa kasalukuyan, naging positive na ‘yan, at kailangan mo ng positive dahil ‘di ba may babayaran kang multiples ‘nung ikinontribute. Hindi naman ‘yung contribution lang ang pinaghahati sa lahat, ‘di ba?

Now, ‘heartless.’ Mayroon namang other mechanisms ‘yung government para doon sa pinakatalagang nangangailangan. ‘Yung nabasa ko pambili raw ng kanyang maintenance medicines. Mayroon namang tulong ang DOH, mayroon din ang PhilHealth—ang tanda ko—sa pagtulong diyan; mayroon tayong other social nets. So, babalikan ko lang, siguro… Ama ng bayan ako e. Wala namang pinagkaiba (‘yon) sa ama ng tahanan, ano. Mayroon tayong pondo ngayon, uubusin natin ngayon, bahala na si Batman bukas? Or dapat bang paghandaan natin ‘yung bukas?

Ang paniwala ko, bilang ama ng bayan, ‘di ba hindi naman ‘yon ‘yung tugunan mo lang ang kailangan ngayon. Kailangan mong mapagplanuhan ‘yung darating na pangangailangan. So ‘heartless’ ako ngayon; kung (sa) 2027 nabangkarote ‘yan, ‘yung 30 million or more—by that time siyempre more than 30 million—ang magsasabi naman careless ako and heartless at the same time. Pinabayaan ko silang… ‘Yung pinangakuan at sinigurado kong mapapako ang pangako ng estado sa kanila.

So ganoon din e. Dinala ako sa sitwasyon at kung talagang pinag-aralan sana, ano, na… Hindi naman iba ‘yung facts na tinitingnan namin e. Pero, ‘yon nga, may choice ngayon; pwede akong magpapogi, tulungan ‘yung endorsement ko sa lahat, at total naman 2027 baka nakalimutan na ako doon ay hindi na ako masisi. Sisisihin na lang ang kung sino man ang namamahala sa atin doon. Pero tama ba ‘yon na dadalhin ko ang taumbayan sa direksyon na magiging kapahamakan nila. Sana, ano, tingnan po ninyo ‘yung tiningnan kong datos at sabihin ninyo kung mali ‘yung aking reasoning dito. Kung mali, bakit ‘di ko babaguhin ‘yung kilos ko? Pero kung tama naman po, huwag tayong mag-isip ‘nung pakinabang natin ngayon na katumbas ng problema natin bukas.

Ms. Dizon: Yes, sir. So you’re confident that there won’t be any backlash pagdating sa 2016 elections?

PRESIDENT AQUINO: I’m sure ‘yung mga kalaban natin ang pipilitin na babalikan na naman ito. Pero palagay ko naman ang nakakarami sa ating kababayan, titingnan ‘yung datos ulit. Hindi magpapadala na basta’t may nagsabing ganito at ganyan. Tingnan, ano. ‘Yung lahat ng kabataan nating kakapasok sa labor force ngayon, payag sila; (sa) 2027 tagilid na. Contribute ka nang contribute wala ka namang mapapala. E baka naman, ‘di ba, bata ang populasyon natin at… Pero tingnan ninyo ‘yung ibang matanda at ‘yung nasa gitna nilang lahat, mali ba ‘yung sinasabi ko na ipasok, tulungan ang porsyento—ano ba ‘yon? One out of 15 ang tutulungan, ipapahamak mo ‘yung 14 others.

Ulit ha, hindi biro ‘yung 16 to 26 billion yearly deficit at hindi natin masasabing hindi mag-i-increase ‘yung deficit na ‘yon. Malamang mag-i-increase dahil may plus… ‘Yung automatic 150,000 new pensioners every year. So baka ‘yung 2027 may pagka-optimistic pa ‘yon. Siguro ganoon na… ‘Di ba, isipin ninyo, sarado ang SSS at wala na tayong pagkukunan ng lahat ng benepisyo. Baka pwede nating tingnan ‘yung mga ekspiryensya sa ibang bansa na ang tawag nila ‘pay as you go.’ May ipinangako sa empleyado at pagdating ng taon na bayaran doon magkakandarapang maghanap kung paano bayaran.

‘Yung America na napaka-progresibong bansa ang dami nilang states na namomoblema paano nga ba babayaran lahat itong mga ipinangako sa kanilang manggagawa. So sa atin hindi ganoon, mayroon tayong pambayad. Kailangan tayong maging masinop para matupad ‘yung pangako ng estado sa lahat ng mga mamamayan na mayroon kayong mapapala ‘pag ‘yung, ‘di ba, mag-contribute kayo mayroon kayong benepisyong makukuha sa takdang panahon. Hindi naman pwedeng pangakong bahala… ‘Di ba, ‘yung nasa alapaap mo lang kukunin ‘yung pondo; hindi naman nag-i-imprenta ng pera ‘yung SSS. Kailangan i-invest ‘yung kanilang pondo para matakpan ‘yung difference ‘nung contribution at saka ‘nung payout.

SWS SURVEY

Ms. Dizon: Sir, I’ll move on to the next topic, ‘yung sa SWS survey. They released their latest numbers now. Is it a cause for concern to you that Vice President (Jejomar) Binay and Bongbong Marcos are the ones who are practically gaining numbers?

PRESIDENT AQUINO: Well, it’s a snapshot right now, so parang wala pa tayo sa talagang kampanya. So ‘yung mga issues na dapat nilang tugunan ay hindi pa nila tinutugunan so para bang… Hindi naman ako pollster pero baka naman may parte na rin doon na, ‘di ba, walang naalalang negative sa kasalukuyan ‘yung mga natanong. Pero pagdating ng eleksyon hindi pwedeng iwasan ‘yon o ng kampanya mismo. Hindi nila pwedeng iwasan. Kailangan harapin lahat ‘nung mga isyu. At siguro parang, ‘yung sa ating mga kandidato, may consistency doon sa numbers. So we think that there is nowhere to go but up.

Ms. Dizon: Sir, taking up lang doon. Is the administration ticket planning to raise the issues against Senator Marcos like the revisions in Martial Law and Vice President Binay’s corruption allegations?

PRESIDENT AQUINO: Well, may malaking parte po na gusto namin sana positive na campaign, which is ang ‘Daang Matuwid’ may mga benepisyong idinulot sa taumbayan at ang tema nga namin “ituloy ang daang matuwid.” At ang magkakampanya para sa amin lahat ng benepisyaryo ng lahat ng mga programang ipinatupad natin sa loob ng ating panunungkulan. So doon gusto namin sanang dalhin ang talakayan doon: Kaya ba ninyong pantayan o higitan ang nagawa namin? Kung kaya ninyong higitan, e ‘di kayo dapat ang mamuno sa atin. Kung hirap kayong ipaliwanag kung paano ninyo papantayan man lang, e baka naman mas sigurado tayo sa mga kandidatong iminumungkahi namin na totoong magpapatuloy at magpapalawak ng benepisyong napala ng ating sambayanan.

COMFORT WOMEN

Ms. Dizon: Sir, may ipinapatanong lang po si Celerina kasi…

PRESIDENT AQUINO: ‘Yung favorite topic ko yata ‘yan. Ah, hindi? Okay.

Ms. Dizon: Sir, will you raise po the issue of the comfort women with Emperor Akihito during his visit two weeks from now?

PRESIDENT AQUINO: ‘Di ba ‘yon ang una mong tinanong yata sa akin simula ‘nung tayo ay nagtanungan—one of the (questions)—saka ‘yung bones, ‘di ba? Alam niyo ‘nung ako’y kongresista pa at, siyempre, hindi naman lahat ng kilos ko orihinal sa akin. For instance, at the time ang ating Secretary of Foreign Affairs ‘nung panahon ni Erap si Domingo Siazon. So ‘nung nagkaroon ng pagkakataon na kasama ako sa Japan, lumapit ‘yung ilang ating mga comfort women at sinabi, pwede bang isulong ‘yung aming causa? At ang sagot sa akin ni… Isa sa mga nilapitan ko nga ‘yung ating Secretary of Foreign Affairs at the time, si Domingo Siazon nga at sabi ko, ‘wala ho ba tayong paraan para balikan itong isyu na ito?’ Ang sagot niya sa akin, bago pa raw ‘yung time niya, mayroon tayong kasunduan sa bansang Hapon—kasama doon ‘yung reparations—na supposed to be saklaw na lahat itong mga isyung ito. So parang ang ibinahagi sa atin ‘nung panahon na ‘yon ay tapos na raw ‘yung obligasyon ng Japan na, ‘di ba, ‘yung kailangan nilang gawin. Pero wala namang mawawala na pwede nating imungkahi na tulungan din tayo sa pagpapasaayos dagdag doon sa mga ginawa na natin para sa ating mga comfort women.

Ms. Dizon: Yes, sir, because there were developments in South Korea.

PRESIDENT AQUINO: Sila never yatang nagkaroon ng kasunduan tungkol doon. So ‘yung reparations, baka hindi pa ako tao ‘nung napag-usapan ‘yon, mga 1950s. So ‘yon ang pormal na sinagot sa atin ng kalihim ng ugnayang panlabas noong mga panahon na ‘yon.

JAKARTA BOMBING

Roices Naguit (TV-5): Good afternoon, Mr. President. May we know your directives following the bombings in Jakarta and have you received similar threats or reports on possible terror attacks dito po sa atin?

PRESIDENT AQUINO: Well, the last report I read says walang credible threat. Kayo naman aware kayo, doon sa social media in particular, mayroong mga umaangkin na miyembro sila ng ISIS. To date, mayroon tayong dalawang… Sa aking pagkakaunawa, may dalawang Pilipino—pero i-cla-clarify ko, ano—itong dalawang Pilipino na ito, isang Saudi Arabian, kung tama ang tanda ko, isa naman Lebanese. Half-Filipino sila pareho, okay. Sinubukan ng taga-Saudi Arabia yata na sumali sa ISIS at itong sa Lebanon mayroon ding some… Hindi ko maalala ang lahat ng detalye. Bottom line, silang dalawa never tumira sa Pilipinas, okay. So nandoon lang.

Ngayon, having said that, malaki ang population natin sa Middle East—one to two million. Marami na raw ang na-radicalize ‘nung Internet. Siyempre, magiging prudent tayo dito na pipilitin nating makipag-ugnayan sa kanilang intelligence agencies at ‘yung ating intelligence agents themselves ay binabantayan itong mga komunidad natin para makita nga kung nagkakaroon ng impluwensya itong ISIS.

Having said that, mayroong mga miyembro ng ASG ang nag-pledge, kung sino-sino ang naglalabas ng bandera ng ISIS at sinasabi ‘kami ISIS.’ May mga report na parang malapit na raw i-recognize ‘yung isang [—] dito. Pero batid naman ninyo tulad ko na ‘yung mga nagsasalita nito ‘yon din ‘yung mga dati nang kalaban ng estado tulad ng ASG; na bago nito ay kasali raw [sa] al-Qaeda na sumali rin doon sa Jemaah Islamiyah… Ngayon na ISIS ang sikat, ISIS naman sila. Bukas ‘pag may bagong grupo iba na naman ang pangalan nila.

Now, ano bang directives natin? Matagal na tayong nag-ha-harden, ‘yung tinatawag na hardening of sites. For instance, malapit na ‘yung anniversary ng Mamasapano. Nagpunta ako ng Zamboanga City dahil ang Zamboanga City hardened pero may nakalusot na pambobomba doon. Paano nakalusot ito? So inalam natin ‘yung facts at nagkaroon ng mga corrective action para hindi maulit ito. Ngayon, sa tulong nito, tayo open society, 100 million ang population natin dito, pagtutulungan ng gobyerno at saka ng sambayanan ang magdadala sa atin sa kaligtasan. ‘Di ba, parati tayong nakikiusap kasama ‘nung hardening of sites gawin nating aware ang ating mga kababayan. Mayroon bang mga suspetsosong aali-aligid diyan? Mayroon bang, ‘di ba, pati ‘yung packages, ‘yung mga bag na iniiwang unattended? ‘Pag tayong lahat… Sorry ha, kung mali ‘yung phraseology ko, pero parang kung tayo magpapabaya bilang sambayanan, kung tutulog-tulog tayo…

Parang ‘yung example ho siguro dito ‘yung ostrich, ano. ‘Nung dumating raw ‘yung leon, tigre, et cetera, ibinabad ‘yung ulo sa ilalim ng buhangin para wala siyang nakikita, wala hong problema. E hindi ho pwede ngayon ‘yon. Nakita naman natin ang mga atakeng ginawa sa Paris, sa America, sa Indonesia; may banta rin sa atin. May credible threat? Mayroon ba talagang tukoy na threat? Wala. May general threat? Oo. Hindi naman tayo immune sa nangyayaring problema ng extremism.

Pero lahat nga ng ating mga ahensya sa law enforcement, sa intel ay talagang nakatutok doon sa problemang ito at pinipilit nating ma-thwart lahat ng potensyal na problema. So mula doon sa ‘saan ba pwedeng mag-radicalize’ hanggang doon sa pagsasaayos ng kabuhayan dito ng mga kapatid na baka ma-radicalize para, ‘di ba, hindi na sila ma-attract doon sa ganoong ideolohiya at saka pilosopiya.

Ms. Naguit: Sir, just a short follow up. ‘Yung pag-raise po ng heightened alert is that connected to the Jakarta bombing, too?

PRESIDENT AQUINO: Well, ‘yung… Kahapon I was actually… I met with the Chief of Staff and the Director General of the PNP and also the NSA was there, present in the same meeting, at ‘yung… Basically, wala silang fini-feedback sa akin na mayroong imminent threat. Pero walang mawawala sa atin na paalala sa lahat na kailangan tuloy-tuloy ‘yung pagbabantay natin. Siguro ‘nung tayo’y kasama, bahagi ng nagbibigay seguridad sa ating ina, ang problema ‘nung nagbabantay kailangan 365, ‘di ba, 24/7 alerto. Pero ‘yung trabaho talagang walang nangyayari medyo pwedeng maging boring. ‘Yung kalaban mamimili ng isang araw. So kailangan ‘nung namili ‘yung kalaban ng araw na ‘yon, tayo namang nagbabantay ay kasing active, kasing alert at ‘yon ang pinipilit natin. So paanong nagsabing heightened alert? Ipinapaala sa lahat na mayroon tayong obligasyon dito sa tinatawag na hardening ng sites.