Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZME – Beautiful Life with Coney Lopez and Leo Palo
07 January 2017

LOPEZ:                                    Okay, umpisahan na natin ang ating kuwentuhan, Leo, Secretary Martin.

PALO:                                      Speaking of President Duterte, ladies and gentlemen, siyempre isa po sa bukadora ng Pangulo. Kapag sinabing bukadora ay mouthpiece of the President, siyempre Press Secretary Mart Andanar eh Presidential Communications. Kaya—actually, magiging Press Secretary. Aayusin na, tama ba ako, Secretary? From PCOO to …

SEC. ANDANAR:                     Babalik na sa Office of the Press Secretary.  Ngayong Lunes ay pag-uusapan po namin ito sa Gabinete at ipapaalam ko sa Pangulo na i-revert sa Office of the Press Secretary dahil—

PALO:                                      Anong dahilan?

SEC. ANDANAR:                     Dahil, number one, mas prestigious iyong Office of the Press Secretary.  Kahit saan ka magpunta sa buong mundo kapag sinabi mong Press Secretary ay naiintindihan agad kasi nakasanayan na. Kung ikukumpara mo sa current name na Presidential Communications Operations Office, maraming paliwanagan.

LOPEZ:                                    Yes. Ako, magtatanong ako ha. Again, iyong tanong tanong, huwag muna sa pulitika. Let’s talk about life. Let’s talk about the realities ng buhay dito sa ating bansa, sa ating buhay-buhay, iyong everyday life natin, okay. Siyempre nandito si Secretary Martin. Si Secretary Martin ang pag-usapan natin. All right, Secretary Martin, you’re very young and we know that. You were born in 1974, correct? Ayan. So anyway, you’ve been on TV, radio—

SEC. ANDANAR:                     More than 23 years.

LOPEZ:                                    Twenty-three years. So kumbaga, ito ang stage mo. Very comfortable ka in front of the mic, correct?

SEC. ANDANAR:                     Yes, masasabi ko kasi ito po iyong hanapbuhay ko eh, bread and butter. But this is really my passion.  Radio is my passion. I started at the age of 17. Lahat ng mga pinagdaanan ng mga radio anchors, katulad ni Leo, ay napagdaanan ko rin. Katulad ng graveyard shift, katulad nung sumusuweldo kami—

LOPEZ:                                    Five hundred.

SEC. ANDANAR:                     Two thousand five hundred naman. Two thousand five hundred, hanggang nag-3,000, nag-4,000.

LOPEZ:                                    May itatanong ako sa’yo. Big shift kasi ‘di ba, big shift, from being sa radio, sa TV na kung saan may mga boss-boss kahit saan ‘di ba. Now, iyong pinaka-boss mo is the highest person in the land, kumbaga. Anong pakiramdam ng isang batang Martin Andanar na bigla-bigla ay napasama sa Gabinete ni Presidente Digong?

SEC. ANDANAR:                     Of course, talagang nakaka—

LOPEZ:                                    Proud ka ba, proud?

SEC. ANDANAR:                     Nakaka-flatter. Very honored to serve President Duterte, not only he’s Mindanaoan – ako’y taga-Mindanao din po – kung hindi siya ho ay isa sa pinaka… well, pinakamagaling na mayor sa buong Pilipinas.

LOPEZ:                                    Correct.

SEC. ANDANAR:                     At the same time, pinakamataas na mandato na nakuha sa history ng ating presidential elections. At lahat ay excited po para sa Pangulong Duterte dahil alam naman po natin na ang kaniyang political will ay ganoon po kalalim. And he does things and he makes things happen. Iyon talaga iyong perception sa kaniya ng tao, dahil sa nagawa niya sa Davao na ang kanilang ekonomiya ay tumaas ng nine percent – pinakamataas sa buong Pilipinas. And Davao is one of the safest cities to live—

LOPEZ:                                    Correct.

SEC. ANDANAR:                     So kung talaga iyong shift po ng ano ko, ng buhay, my life, is 180 degrees.

LOPEZ:                                    Kumbaga, turn around ‘di ba.

SEC. ANDANAR:                     Oo, turn around talaga.

LOPEZ:                                    Okay question, additional po doon sa tinanong ko. How is it to work with the President? Ano ba siya? Kasi parang ang gulu-gulo niyang kausap kung minsan. Parang he says one thing and means another, ayan.

SEC. ANDANAR:                     The President is a very impatient man, and he says that. He is impatient na for change to happen. Kaya sabi niya matanda na siya kailangan niyang … we Filipinos, we deserve the country that we hoped for. Halimbawa, iyong bansa na gusto nating maging Singapore, maging Hong Kong, ganoon tayo kaunlad, we deserve to be there kaya nagmamadali si Presidente.

                                                Now, what is the feeling of working with him?  It feels good. It feels great, exhilarating kasi nagmamadali nga si Presidente. As if you are on a roller coaster ride, 300 kilometers per hour, kasi gusto niya talagang umangat na ang bansa natin. So, very exhilarating, very exciting, grabe ang pressure because he is a man of action so therefore, iyong mga secretaries din niya, iyong mga alter egos niya, should also be men and women of action. And in my observation, working for the President – in the Cabinet – napansin ko na ang commonality ng lahat ng mga in-appoint ni Presidente ay action-oriented men and women.

LOPEZ:                                    Ayon, yes po. And being in this kind of industry, I’m sure sanay ka doon.

SEC. ANDANAR:                     Yes.

LOPEZ:                                    Deadlines, ratings, lahat ‘di ba.

SEC. ANDANAR:                     At saka iyong … alam mo kasi kapag galing ka sa private sector—

LOPEZ:                                    The discipline is …

PALO:                                      Actually, nabanggit ni Secretary iyong pressure. Well, iba ang pressure nang nasa private ka, iba ang pressure ngayon na nasa—gaano katindi ang pressure?

SEC. ANDANAR:                     Para sa akin, Leo, akala ko noon noong nasa news ako, akala ko iyon na ang pinakamahirap.

PALO:                                      Yes, exactly.

SEC. ANDANAR:                     Kasi gumigising ako ng alas tres ng umaga para mag-morning show. So iyong oras natin mahaba eh. Ang pinagkaiba kasi, long hours pa rin pero ang pinagkaiba nito is that you are responsible for the communications of the highest office of the land, nabanggit ninyo kanina. Number two, what makes it extra special is the promise of the President ng pagbabago sa bansa natin. So, extra pressure iyon. Tapos iyong pangatlo doon, is you are spending taxpayer’s money. You, ikaw Ma’am Coney, tapos si Leo, lahat ng mga nagtatrabaho diyan, cameraman natin, nagbabayad ng buwis. Now, you cannot waste a single centavo to unnecessary projects, unnecessary activities. So mas pressuring para sa isang taong gobyerno.

LOPEZ:                                    Yes. At saka ngayon because you’re with the government, iyong SALN mo, nakabuyangyang iyan, lahat and all ‘di ba. Kumbaga parang monitored ka, tinitingnan ka namin. Pero again ‘di ba kung minsan, dito kasi sa PIlipinas, there is that wrong notion na kapag ikaw ay nasa gobyerno ‘di ba parang feeling—

PALO:                                      —bossing. Pinakamayaman.

LOPEZ:                                    Feeling, alam mo iyon, you can do anything. Do you feel the same way?

SEC. ANDANAR:                     Iyon ho ang gustong baguhin at binago na ni Presidente. Iyong dahil ikaw iyong nasa gobyerno eh parang naghahari-harian. We are here as public servants, to serve the people. Iyong posisyon ko po, it’s a position of power. It has so much responsibility. At dahil nga position of power siya, dapat pag-iingatan kasi we can command so many things, especially in our agencies. But iisa lang po ang objective namin eh, ang objective lang po ay iyong pagbabago na sinasabi ni Presidente. Ito po iyong, number one, law and order; number two, peace and order and inclusive peace, including iyong the countries outside – our neighboring countries. And number three, is reduction of poverty, from 21% to 14%.

                                                Ang trabaho ko naman, Coney, is to be able to communicate the policies of the President not only to a select market – in Metro Manila or in Cebu or major cities – but to be able to communicate kung anuman iyong mga polisiya ng gobyerno hanggang doon sa purok. And that’s how I see my work as the Secretary of PCOO: to strengthen the communications arm of the President, the agencies kasama po diyan iyong PTV 4, Radyo ng Bayan, Philippine News Agency, PIA—

LOPEZ:                                    To direct all these institutions directly under you. 

SEC. ANDANAR:                     Nandiyan ho lahat ng institution na iyan. Mayroon pong iba na kailangan talaga ng major overhaul. Kung sa makina pa sira na iyong mga piston, kailangang palitan na ang mga piston. So mayroong ganoon. Iyong iba naman ay top overhaul lang ang kailangan, hindi masyadong sira. Iyong iba major, iyong iba change engine.

PALO:                                      So ibig sabihin, for now, bilang PCOO Secretary, ay ibig sabihin lahat ng nasasakupan mo, what kind of reform, what kind of overhaul ang gagawin mo kasi hindi biro iyon?

SEC. ANDANAR:                     Magandang tanong iyan. Kunwari sa Channel 4 at saka iyong PTV, sabi ko gusto natin maging mala-BBC. So you can already imagine what you want to happen. It’s a tall order pero kayang gawin. We have the talent in the Philippines. And kung may talent ka, ibig sabihin niyon kayang patakbuhin iyong ganoong klaseng organisasyon. We have the money in government na puwedeng suportahan iyan.

                                                So ito sabihin ko sa’yo, Leo, Ma’am Coney, we were starting broadcasting PTV, when we came in, at 20,000 watts, with a maximum power of 60,000 watts. Twenty lang ang tumatakbo for the longest time.

PALO:                                      Bakit, anong nangyari?

SEC. ANDANAR:                     I cannot explain why. So noong pumasok si Dino Apolonio, iyong in-appoint ni Presidente na General Manager—si Dino Apolonio, by the way, was my former colleague sa TV5 at TV Broadcast Executives. He was with ABC in the States, CBS, NBC.

LOPEZ:                                    So hindi mo matatawaran iyong kaniyang experience.

SEC. ANDANAR:                     So last night, the good news is PTV 4 is running at 50,000 watts.

LOPEZ:                                    Wow.

PALO:                                      Iyon oh. Congressman Pichay nanginginig ba kayo? Hindi kasi kami 25 ngayon. Very promising ang DZME, mga kababayan na nakikinig sa atin ngayon, sinasabi na po iyan ni Congressman Pichay that we’ll be—

LOPEZ:                                    Fifty thousand.

SEC. ANDANAR:                     Congratulations sa DZME dahil nasa number 6 na kayo sa survey.

PALO:                                      Thank you. Thank you.

SEC. ANDANAR:                     Alam ko kung gaano kahirap po ang umangat sa survey lalo na sa mga…iyong mga Nielsen. It takes a lot of hard work. Si Leo nakikita ko every morning. I watch him on Facebook.

PALO:                                      Nanunood ka ba noon?

SEC. ANDANAR:                     Kasi minu-monitor ko kung binabanataan ako nito eh. [Laughter] Congratulations to DZME and the team. I know you will go a long way with Congressman Butch Pichay at the helm. Congressman Butch Pichay is a good businessman. Taga-Surigao iyan, taga-amin iyan eh. So anyway—

PALO:                                      Hindi halata ‘no.

SEC. ANDANAR:                     Idol ko iyan si Congressman Butch eh.

LOPEZ:                                    May hawig naman sila. Makinis ang mukha nila.

SEC. ANDANAR:                     We go to the same dermatologist. [Laughter] Kasi ganito ‘no so PTV, okay, mayroong Radyo ng Bayan, that’s our national radio. Did you know that we have four AM stations in Metro Manila and we have one FM station. Soon, dalawang FM stations na. Iyong isa 87.5 FM, the frequency is reserved for government at iyon nakuha natin 87.5 nationwide. Puwede rin siya doon sa broadcast, emergency broadcast etcetera, puwede ring magamit kung anuman iyong mga nakuha ninyong mga sakuna. At pag-iisahin natin iyong dalawang istasyon na ito – Radyo ng Bayan pati iyong PTV – gagawin nating People’s Broadcasting Corporation. So that it’s integrated, hindi sayang iyong pera, imbes na dalawang news room, isang news room lang.

LOPEZ:                                    Yes, parang economy of scale kumbaga—

PALO:                                      Kasi kung gagawin mo iyan baka naman mawalan ng trabaho iyong iba.

SEC. ANDANAR:                     Nadagdagan pa nga eh.

PALO:                                      Ah okay.

SEC. ANDANAR:                     Nadagdagan ng mga tao. Tapos with the PBC na being—kasi binabalangkas na sa Congress iyon at saka sa Senado. Sa Senado ang ating principal author po doon ay si Senadora Loren Legarda. Magandang umaga po, ma’am. At sa Kongreso ay si Congressman Alfred Vargas. Congressman, good morning po.

LOPEZ:                                    Hello po. Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:                     So silang dalawa iyong nag-aano nito, nagtatrabaho para ma-enact ito at kung mangyari, People’s Broadcasting Corporation. And while this is happening, na binabalangkas sa Kongreso, ay nila-lobby po naman natin, kinakausap natin si Secretary Ben Diokno, si ES Medialdea at Congressman Karlo Nograles na ibigay na iyong hinihingi naming supplemental budget – Congressman Butch Pichay  — na 1.4 billion. Itong 1.4 billion, ito po ay ilalagay sa Mindanao Broadcast Hub. So ngayon—ang Mindanao, for the longest time, marginalized island, napabayaan, wala masyadong grasya na nakakarating. Ngayon, we will have the presence of PCOO thru the Mindanao Broadcast Hub which will open the door to a Salaam television at Lumad TV. Iyan po ang mga plano natin.

                                                Mayroon ding Philippine News Agency. Improving the Philippine News Agency; making it a competitive wire agency in the Philippines. Eh kasi wala naman tayong … andiyan may mga Reuters, may mga AP, AFP. So iyong PNA i-improve natin. Pati iyong PIA ay i-improve din natin sa pamamagitan ng pag-strengthen… strengthening the presence of government information officers all throughout the country.

LOPEZ:                                    Okay, question. Ito, it’s a tall order as you have said, anong timeframe ang pinag-uusapan natin dito para ma-accomplish itong napakalaking gusto mong mangyari na ito para sa …

SEC. ANDANAR:                     Within ano, within—kapag binigyan po tayo ng budget, ma’am, 2019. By this year, may 87.5 na, ma-improve natin iyong mga gamit. Bibilhin mo lang naman iyong mga gamit tapos nandiyan na iyan. Programming, madali na lang iyan. Magbubukas tayo ng ibang mga AM stations natin na … mayroon na tayong frequency pero walang transmitter. Three years, ma’am, three years makukumpleto natin lahat ito within three years.

LOPEZ:                                    Okay. Kunwari nasa Congress tayo, Secretary Martin. How will you justify bakit kailangan mo iyang budget na iyan? Bakit kailangan mo lahat iyang mga sinasabi mong mga stations na iyan and all? Bakit, ano ang maitutulong niyan sa bansa?

SEC. ANDANAR:                     We have … mayroon tayong mga siyudad where—cities that are in strife, may giyera – Jolo, Sulu; Basilan. Ang problema kasi you do not win the war against terrorists by just pulling your gun, shooting, using bullets.  Importante po na you win the hearts and minds of the population. Napakahalaga po ng ganoong klaseng pag-iisip. Hindi lang naman puro ito giyera, bakbakan; communication is very important. Communication is not a one-way process. It’s a two-way process. At para maintindihan din ng taumbayan kung ano iyong mga programa ng ating gobyerno, you have to have an effective communication platform for the government.

                                                Halimbawa na lamang po, according to the data, only 24% of the population in the ASEAN understands the true meaning, the basic knowledge… has the basic knowledge of ano ang Association of Southeast Asian Nations Summit 2017. Twenty-four percent lang ang nakakaalam, pare. So, sino ba ang naatasan dito para ipaliwanag sa publiko, eh di iyong Communications. Now, if we do not have the technology, if we do not have the means, if you are weak on the air, if you are weak on line and if you are weak on print and if you are weak on the ground, do not expect a learned citizenry.

PALO:                                      Actually, Ma’am Coney, with due respect kay Secretary Andanar. Last ASEAN Summit na tayo ang nag … 1999, 2006, tayo ang nagho-host, alam mo sa totoo lang, hindi talaga alam ng ordinaryong mamamayan what is ASEAN. Kaya this time around mukhang iyon ang gagawin.

SEC. ANDANAR:                     Iyon ang gagawin natin. First day of the year na trabaho, ikot kaagad. Media blitz tayo. Mayroon tayong mga in-assign para sa online, sa TV, sa radyo, sa diyaryo. At iyong mga nag-iikot, mayroon kaming mga road show na gagawin sa mga probinsiya. Ipapaliwanag sa mga tao kung bakit mahalaga ang ASEAN. Association of Southeast Asian – ito basic lang, there’s 630 million people in the ASEAN region. Bakit  kailangan pag-isahin? Dapat pag-isahin ito para iyong mga bawat bansa natin, we can collectively work so we can compete with other continents and other regions. We can compete with China. We can compete with the United States, with the Americans. We can compete with Europe. Iyon po ang dahilan noon. Mas madali po ang kalakalan.

                                                The business that is drawn from the ASEAN is worth $2.5 trillion a year, at malaki ang kikitain ng bawat bansa, at kailangan maintindihan ito ng bawat Pilipino. What is the ASEAN Integration, bakit may integration? Marami po. Tayo,  Pilipinas, we are very dependent on OFWs, more than eight million na OFWs. At iyon mga anak ng mga OFWs din, gusto nila maging OFWs, magtrabaho sa ibang bansa. If you understand the ASEAN integration, then you will know na mayroong specific universities and colleges in the Philippines na nakapag-register doon sa kanilang … sa ASEAN education. At iyong kanilang mga diploma ay accredited, kinikilala, sa Singapore, sa—iyong sa mga ganoong bagay na dapat ay alam ng bawat Pilipino. So why is this important? It is important for all of us because it’s a global community; it’s a global market.

PALO:                                      Alam mo, Secretary, Ma’am Coney, dapat itong ASEAN Summit na ito, siguro isa sa suggestion ko diyan is Tagalugin iyong mga proyekto, iparating sa grassroots. Sa barangay mismo alam nila, ano ba ito? Ano ba ang ASEAN na ito? Para saan ba ito? Hindi naman kami mabubusog diyan.

LOPEZ:                                    Ako po, Leo, Sec. Martin, ang nakikita ko po sometimes iyong komunikasyon kapag hindi mo ito naipaabot nang maayos kung minsan doon nagugulo eh. I think even with the Cabinetry ng President ‘di ba, kapag walang tamang koordinasyon, iyong komunikasyon nila, kung minsan may sinasabi iyong isa, iba naman iyong—I mean, it happened to the President more than twice or thrice ‘di ba during the time na nag-uumpisa kayo ‘di ba. Na kung saan the President is saying something tapos iyong ibang—

SEC. ANDANAR:                     You know the reason why, Ma’am Coney? Because there is not enough institutional memory or bureaucratic memory that will guide the entire government. If you have a good bureaucratic memory, institutional memory, a strong communications in the bureaucracy, every agency, kahit sinong presidente ang i-upo mo diyan, papalit, tuluy-tuloy iyan.

LOPEZ:                                    Ano ito ha, observation ko lang, Secretary Martin. Kunwari po ako ay tatawag sa isang government agency ano, say for instance, Bureau of Customs na lang kunwari. Tatawag ka sa isang department, may itatanong ka lang sa kanila na ano po ba ang number o local ng ganitong—the same department siya ha. One division, ibang department lang. They cannot say it. Hindi nila maisagot kung paano mo iyan kontakin, kung paano mo iyan tawagan. They don’t even know—siguro dapat mayroong isang sistema ang gobyerno na kung saan, ‘Oh, puwede kang tumawag dito.’ And mind you ha, Secretary Martin, most of the telephones of the government are not working. Bakit? Ring lang nang ring, walang sumasagot. Anong rason doon? Now that you’re in the Communications department, I think this should be something na ayusin kasi, I mean, you’re in the 21st Century, my God ‘di ba. Time na para kapag tumawag ka ay may sasagot sa iyo.

SEC. ANDANAR:                     Tama kayo, Ma’am Coney. Ironically, we are the call center capital of the world. At iyon ang trabaho ng call center. Kung talagang organized tayo—at puwede mai-call sa 8888, doon tayo nagsimula eh. 8888 tatawag ka, may rereklamo ka, mag-launch. Call center iyan. Call center ang magpapatakbo niyan, so magandang suggestion iyan na magkaroon tayo ng isa ring pag-aaral sa pagsagot ng mga ahensiya ng gobyerno.

LOPEZ:                                    And besides, this is just one basic service. I mean, I don’t need to go your office considering the traffic, bakit hindi na lang ako tatawag kasi matatrapik pa ako. Magku-contribute pa ako sa dami ng trapik ‘di ba.

SEC. ANDANAR:                       One of the strides doon sa PCOO, Ma’am Coney, alam na ni Leo ito, is iyong talagang trinabaho po natin ang pagpirma ni Presidente ng Freedom of Information, Executive Order #2. Iyong Freedom of Information, puwede na kayong pumunta sa … tawagan ninyo ang ahensiya, alamin kung ano iyong kailangan ninyong malaman sa ahensiya as long as it is under the Executive branch. And number two, kung kayo po ay walang oras na tumawag o pumunta doon, you can check the website – foi.gov.ph. We are working very fast. And iyong binigay po ninyo na suggestion, na iyong observation ninyo, I’ll make sure na makarating iyan sa Gabinete. So at least we can think of a solution kung papaano maging responsive—

LOPEZ:                                    Grabe, maaano ka talaga. Sa traffic—

PALO:                                      Iyong ganoong klaseng question din. For example, nagmamadali ka, along the way kailangan may sumagot dito sa agency na ito. Iyong agency na iyan, kapag walang nasagot, tapos talaga iyon… sira iyong transaction mo kung ikaw businessman o businesswoman.

LOPEZ:                                    And, Secretary Martin, another thing. Just like kung minsan, siguro puwede mo rin itong pag-isipan din ano. Kanina we had a program, “Masagang Ani, Masagang Buhay,” it’s all about the farmers. Okay, ‘di ba ang mga farmers kung minsan reklamo nang reklamo, ‘walang ayuda ang gobyerno, ganiyan-ganiyan.’ Pero mayroon naman pala. Unfortunately, there is no information dissemination facility na talagang nag-iisplika sa mga taong ito, “Oh, mayroon palang ganitong puwedeng ibigay ang gobyerno.” Maaano ka eh, matatawa ka na ang farmers hindi niya lahat alam iyon, so reklamo pa rin siya nang reklamo.

PALO:                                      Iyon ang magiging trabaho ni Secretary Andanar, dahil nasa kaniya ang PIA, nasa kaniya PNA na nagbibigay ng information coming from that agency for example, DENR, Department of Agriculture ‘di ba. May mga PIA ano ka diyan eh.

SEC. ANDANAR:                     Tsaka si Secretary Manny Piñol is very hard working. Madaling kausap, madali siyang kausapin. Plus the fact that Secretary Piñol was a broadcaster at mamahalin niya, so mas madali niyang maiintindihan iyong mga ganitong klaseng concerns. I will bring this up to Secretary Manny Piñol para—it’s not only about showing the agricultural programs sa government channel. Using DZME, using other radio … kasi iyong farmers naman kung saan-saan nakikinig iyan. Hindi lang naman isang istasyon iyan ‘no so magandang suggestion.

LOPEZ:                                    Isa pa habang nandito ka, abusuhin ko na ang pasensya mo.

SEC. ANDANAR:                     Ilista mo iyong sasabihin ni Ma’am. Naka-record.

LOPEZ:                                    Again also, iyong—nawala tuloy iyong …

SEC. ANDANAR:                     Habang iniisip po iyan, gusto ko rin pong i-plug iyong ASEAN Summit 2017, chairman po ang Pilipinas ngayong taon na ito. There will be three major events. Isa sa Abril, isa sa Agosto, isa sa Nobyembre. With the ministers sa Abril; with the heads of state ng ASEAN sa Agosto; and with the head of state sa Nobyembre kasama po iyong East Asia.

PALO:                                      Puwede ba nating sabihin, Secretary, iyong mga lugar o hindi na muna?                       

SEC. ANDANAR:                     Ang alam ko Metro Manila. Pero si Ambassador Paynor, siya iyong mayroon talagang detalye as the chairman of the National Organizing Committee. Ang launch po ng ASEAN Summit 2017 ay sa Davao ngayong January 15. Nandoon po kami, nandoon po si Presidente. Doon po magki-kick off iyong ASEAN activities so there will be more than 100 ASEAN ministerial meetings all over the country.

PALO:                                      This is going to be big… thousands media.

LOPEZ:                                    Showcase nanaman ang Pilipinas.

SEC. ANDANAR:                     Showcase ang Pilipinas. Mayroong …libre iyong exposure sa mga media, kinu-cover nila.  So tayo sa gobyerno, we will show the best of the Philippines. And ang panawagan sa publiko is also to cooperate with the government. Kailangan best foot forward din tayo, iyong sa publiko. Ipakita natin kung gaano tayo ka-disiplinado. Kasi alam naman natin na [hindi] confined sa isang lugar iyong mga summits. Siyempre lalabas iyong mga iyong mga iyan eh. Lalabas iyong mga media. Iyong ibang mga ministers gustong lumabas doon sa area, so let’s show them how disciplined we are and how hospitable Filipinos are.

PALO:                                      Secretary, bago diyan, bakit sa Davao?

SEC. ANDANAR:                     Alam mo ang Presidente natin ay naniniwala sa ano eh sa decentralization ng gobyerno, ‘di ba. So the President is just walking his talk, na matagal nang centralized, imperial Manila, it’s about time na maramdaman…and having it in Davao is a symbol na iyong gobyerno ay nilalabas natin sa Maynila; mayroon din sa Davao. Kaya nga ito scattered all over the country.

LOPEZ:                                    Ako, I agree with that, Leo. Kasi kung minsan parang sobrang nandito na lahat sa Manila, ‘di ba. So again, ang Pilipinas naman is not just Metro Manila. May Davao, may Ilocos.

PALO:                                      At saka basag na iyong dati na kapag sinasabi na kapag nag-rally ang Manila eh akala mo iyong Manila ay buong Pilipinas na agad.

LOPEZ:                                    So ano ang paghahanda ng ating gobyerno?

SEC. ANDANAR:                     Naku, marami po. Marami pong paghahanda ang ating gobyerno doon sa summit proper, doon sa mga ministerial meetings. Talagang makikita natin na ang leadership ni Presidente Digong sa region ay makikita dito sa ASEAN 2017. Kaya abagan ninyo na lang po kung ano ang—

PALO:                                      Secretary, kilitiin kita ng konti. Magkano ang pondo para dito?

SEC. ANDANAR:                     Ang pondo sa buong NOC, kasama na kami doon, I understand, nasa 15 billion. So Communication is 1.9 billion. Kaya nga sabi ko, noong tayo ay umupo at nag-transition kami ni Secretary Coloma, pinaliwanag niya sa akin. So when I learned na iyong PCOO iyong magiging chair ng communications, ang sa isip ko kaagad ay kung papaano makarating sa bayan, maintindihan kung ano ang ASEAN. So we had APEC last year.

LOPEZ:                                    And it was a successful.

SEC. ANDANAR:                     Successful, but I’m not sure kung naintindihan ng masa.

PALO:                                      Kasi iyong driver, iyong konduktor, iyong mga vendor, ano ba iyong ASEAN na ito? Para saan iyan? Hindi naman nakakain iyan, eh parang ganoon. So ano ang epekto nito at ano ang gagawin ninyo ito ang challenge?

SEC. ANDANAR:                     Iyon ang challenge natin. Kaya ako ay iikot din sa mga radio stations—

PALO:                                      Napansin ko ho.

LOPEZ:                                    And I think the bigger challenge is to make them understand, not just understand but appreciate kung ano iyong gagawin? Bakit sila pupunta, ang ASEAN?  Bakit nandito sila something like that.

PALO:                                      Secretary, sa sampung bansa, kung hindi ako nagkakamali, ng ASEAN, kasama ba dito ang China, ang US, ang—

SEC. ANDANAR:                     Okay, mga sampung bansa iyang ASEAN at mayroong East Asia, di ba. Kasama talaga iyong China and Russia… iyong America. So mayroong Russia, Australia at iyong sa lugar na ito… iyong ibang mga bansa. So the ten plus. Iyong ten plus iyong mga bansa.

LOPEZ:                                    Okay, another question na ‘no, sa tingin mo ba—okay, iyong may answer or not, di ba. Tungkol doon sa West Philippine Sea pagdating ng ASEAN Summit—

SEC. ANDANAR:                     Malinaw naman doon sa naging pahayag ni Presidente na hindi siya lalabas doon sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration for the West Philippine Sea. Hindi siya lalabas doon sa desisyon na iyon. Pero ang gusto ni Presidente soft landing kasi nga gusto niyang makipagusap sa China at nangyari na nga iyon nung pumunta siya sa China.

PALO:                                      Yes, yes.

SEC. ANDANAR:                     Tayo din naman nakinabang din tayo doon sa economic growth ng China, because it’s undeniable that for the first time in history, the Philippines has become very, very important geographically in the world—

LOPEZ:                                    Correct, yes, oo. Bigla tayong napunta sa landmark—

SEC. ANDANAR:                     Oo. Nasa gitna tayo ng trading route eh. Where iyong some trillion and trillions of dollars ang dumadaan doon sa—

LOPEZ:                                    Strategic—

SEC. ANDANAR:                     Oo very strategic. So it’s undeniable na napakahalaga ng Pilipinas for China—

LOPEZ:                                    Or the US.

SEC. ANDANAR:                     Or the United States and the other world powers ‘no.

LOPEZ:                                    Yes.

SEC. ANDANAR:                     So, ang sa atin lang naman bakit hindi tayo nakikinabang economy wise sa China and yet for example ang America, mayroon silang rivalry ng China pero nakikinabang sila economy-wise eh, mayroon silang magandang economic trading. Ganoon din po ang Malaysia, ganoon din po ang din po yung Indonesia; because the relationship of countries—or both countries does not only rely on one issue.

LOPEZ:                                    Yes.

SEC. ANDANAR:                     Mayroon silang economy—

LOPEZ:                                    Talagang multi faceted, ika nga.

SEC. ANDANAR:                     Yung kung mayroon man tayong konting gusot doon sa pinagaagawang bato o yung sa Spratlys, that’s one issue. Pero marami pa, marami pang—

LOPEZ:                                    To consider—

SEC. ANDANAR:                     And we you should be thinking wisely and that—

LOPEZ:                                    The bigger picture.

SEC. ANDANAR:                     Di ba at iyan po ang ginawa ni Pangulong Digong kaya nga ngayon mayroon tayong more than 50 billion pesos worth of investments coming from China.

LOPEZ:                                    Okay, may itatanong ako, Secretary Martin. Kasi kung minsan ‘di ba siyempre ikaw iyong taga paghatid ng balita ke masama iyan, ke mabuti yan—

SEC. ANDANAR:                     Dalawa kami ni Leo eh. [laughs]

LOPEZ:                                    Okay so ano ba iyan, do you talk to the President kung ano ang sasabihin mo on a particular matter or paano ba—paano ba ang sistema ninyong dalawa—

SEC. ANDANAR:                     Oo naman, oo naman. Kung mayroon pong mga kailangang kailangang klaruhin na mga statement ng Presidente, we go to the President and we talk to him. O kung kaya naman ipaliwanag ng mga inner circle ng Pangulo like ni Secretary… Special Personal Assistant to the President Bong Go at yung mga inner Cabinet officials, then we go straight to them. Kapag hindi kaya nila, then we go to the President and we ask him.

LOPEZ:                                    So was there any instance na nagki-criss cross ka? Ito pala iyong gustong sabihin ni Presidente iba iyong nabanggit mo sa publiko.

SEC. ANDANAR:                     Hindi naman, wala naman na ho.

LOPEZ:                                    You are very, real very careful on that, I’m sure.

SEC. ANDANAR:                     Very careful but the President really is always five steps, ten steps ahead of all of us. And if you are a person with that character na you follow religiously the Art of War ni Sun Tzu the elements of surprise. Then, normal lang iyon na kahit sinong pinakamalapit na hindi—eh talagang si Congressman Butch Pichay, I’m sure si Congressman po bilang isang political figure, mayroon din siyang mga hindi sinasabi sa mga staff niya—

LOPEZ:                                    Yes, oo.

SEC. ANDANAR:                     –bigla na lang niyang sasabihin sa Congress because he wants it, he wants to keep—you know, the President keeps his cards close to his chest.

LOPEZ:                                    So are you telling us that the President is following the Art of War ni Sun Tzu?

SEC. ANDANAR:                     Oh yeah.

LOPEZ:                                    Eh, di bakit ano naman na niya iyon Secretary Martin—

SEC. ANDANAR:                     It’s been—ilang millennia yung Art of War na sinusunod ng mga magagaling na Heneral, mga negosyante. So iyon… iyong element of surprise is very important.

PALO:                                      Siguro balikan ko lang ng kaunti iyong ASEAN. Are you expecting Donald Trump to come?

SEC. ANDANAR:                     Noong nag usap sila ni Presidente, ‘di ba in-invite siya ni Presidente, Donald Trump said that he will check his schedule. Okay, so hindi natin puwedeng pangunahan. But I’m sure that President-elect Donald Trump is considering—pero ngayon mayroon pa silang inaugural sa January 20—

PALO:                                      Tanong ko lang, is he going sa inaugural? Pupunta ba si Presidente?        

SEC. ANDANAR:                     Hindi, kasi hindi siya customary kasi domestic ano yan, activity. Sila sila lang yan eh—

LOPEZ:                                    Hindi siya International—

SEC. ANDANAR:                     Iyong Ambassador natin will be there.

PALO:                                      Secretary ano—

SEC. ANDANAR:                     The Ambassador-designate is Babes Romualdez.

LOPEZ:                                    Question, Secretary Martin. Working with President Digong is like ba tiptoeing on the thin glass o paano ba siyang katrabaho?

SEC. ANDANAR:                     Hindi naman. Si Presidente kasi ano siya eh, he gives elbowroom to his Cabinet. So ito at ito iyong plano mo titignan ko tapos I will give you elbowroom to work, to work hard—

LOPEZ:                                    So he delegates work—

PALO:                                      Alam mo, Ma’am Connie, isa iyan sa mga pinag-usapan namin ni Sec. Andanar, minsan. Sabi ko nga, kung matapos na ang TV doon sa one-on-one interview with the President, tayong radyo magkakaroon din siya ng one-on-one interview with the President.

LOPEZ:                                    Oh, talaga. Wow, so for that thank you. Kung hindi naman dito Sec., sa Beautiful Time (laughs)—

SEC. ANDANAR:                     Gawin natin—

LOPEZ:                                    Okay, magdadasal ako for that.

PALO:                                      Anyway, Secretary, medyo… alam kong mag-iikot ka pa sa ibang radio station—

SEC. ANDANAR:                     Mayroon pang isa.

PALO:                                      Ah, mayroon pang isa. Eh, baka mayroon kang nais sabihin sa aking mga kababayan lalo na dito sa ASEAN Summit launching na ito. Ano ang magiging epekto nito sa ating mga mamamayan lalong lalo na sa mga grassroots at bilang PCOO chair—

SEC. ANDANAR:                     Salamat, Leo, salamat Ma’am Connie at salamat din kay Congressman Butch Pichay at sa mga nakikinig at nanunuod po sa atin dito sa DZME. Unang una ay tayo po ay nagpapasalamat sa mataas na suporta na ibinigay ninyo sa ating Pangulo, sa rating, sa huling Pulse Asia survey, 83 percent po ang inyong tiwala sa Presidente at iyan po ay very, very, excellent ‘no. Iyong ganoong klaseng kataas na pagtitiwala ninyo sa Presidente at tayo po ay nananalangin na tuloy, tuloy ang inyong pagsuporta at dahil the job of changing this country for the better cannot be done by only 30 Cabinet members, kailangan po iyong hundred plus million Filipinos to support the President para mas madali po.

                                                Now, with the ASEAN Summit 2017 tayo po iyong Chairman ngayon, ipakita po natin sa buong mundo kung gaano tayo ka-disiplinado, gaano tayo kagaling at tulungan po natin iyong ating gobyerno para maging successful po ito ang ASEAN 2017. Iyong kick off po natin ay ngayon darating na akinse ng Enero at ito po iyong tema ng ASEAN 2017 “Partner to change, engaging the world.” Ito po iyong mga pag-uusapan: people oriented and people centered initiatives, peace and stability, maritime security and cooperation, inclusive, innovative-led growth – yang sa negosyo.

                                                ASEAN resiliency, ito po iyong mabilis na pagbangon natin kapag mayroon pong mga kalamidad, bagyo, etcetera at iyong ASEAN as a model of regionalism, na tayo nga po ay naniniwala sa ASEAN centrality meaning we are also anchoring the growth of the Philippines to the growth of the ASEAN para mas mabilis ho, January 15 na po iyon sa Davao City ang launch. At kami po ay magkakaroon ng road show, so we will be there in the cities where you are. At darating din po iyong PIA para ipakita po sa inyong iyong mga polyetos na nabanggit po ni Leo kanina, you can also check our Facebook account – Presidential Communications sa Facebook para makita ninyo po iyong mga videos or go to DZME, listen to Leo’s program at kay Ma’am Connie, go to the station PTV4 at Radyo ng Bayan.

PALO:                                      Eh siguro naman ang PCOO ay gagawa ng mga polyetos na  kahit papaano maintindihan talaga doon sa grassroots what is ASEAN, ano ito para sa atin.

LOPEZ:                                    Para naman Leo sinabi mo na hindi marunong mag-Tagalog iyong ibang Pilipino.

PALO:                                      Ay hindi, kasi iyong ibang Bisaya… iyong masyadong Waray na Waray…

LOPEZ:                                    But anyway, maraming maraming salamat Secretary Martin Andanar. Good luck sa lahat ng endeavor. We know na medyo talagang mabigat ang trabaho ng isang—

SEC. ANDANAR:                     Sobra.

LOPEZ:                                    Yes ‘di ba, ng isang Secretary Martin. But knowing you ha, we know you got flying colors.

SEC. ANDANAR:                     ‘Pag nakikita ko po si Congressman Butch Pichay isa pong nakapa-respectful na—

PALO:                                      Narinig mo ba Congressman Butch ang sinabi niya? Pareho pala kayong doktor.

LOPEZ:                                    Well anyway, magbibilin lang kami. Pakisabi naman kay Presidente Digong na ang Pilipinas kasi, ang taong… mga mamamayang Pilipino talagang umaasa sa pagbabago. We know we cannot do it, alam mo maraming Pilipinong umaasa talaga na mabago ang Pilipinas from the previous… you know, previous administration… since time immemorial pa na naganap. Ngayon lang talaga tayo nakaramdam ng… alam mo iyong pagbabago. Sana magtuluy-tuloy. Sana magtuluy-tuloy at sana mag-trickle down iyong tinatawag na… doon sa mga mamamayang nakalubog sa baba, hindi iyong sa mga matataas lang na…yung mga negosyo, ‘di ba?

SEC. ANDANAR:                     Yes, tama po.

PALO:                                      Okay sir, ako po’y nagpapasalamat din kay Ma’am Connie dahil kahit papaano’y naging guest ko na ‘to. Thank you Ma’am Connie, thank you po sa lahat ng sumubaybay.

SEC. ANDANAR:                     Good morning po. Salamat po.

LOPEZ:                                    ‘Ayan, thank you very much ladies and gentlemen, Secretary Martin Andanar. Thank you, thank you.

###

source:  Transcription NIB