Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
BRIGADA News
07 January  2017/8:41-9:20 A.M.

Q:                                                           Magandang umaga po, at siyempre dito sa Brigada News 7, Happy New Year na pala sa inyo.

SEC. ANDANAR:                            Good morning. Happy New Year, Rey and Rocky.

Q:                                                           Yes po. Pogi pala si Secretary sa personal, ‘no

SEC. ANDANAR:                            Thank you. Thank you, thank yo0u. Sa lahat ng nakikinig po sa Brigada FM, magandang umaga po sa inyong lahat. At salamat sa pagkakataon na tayo po ay puwedeng mag-promote ng ating mga programa sa gobyerno dito po sa inyong himpilan.

Q:                                                           Opo, welcome po iyan.  Anyway, ito muna. Mamaya din, Secretary pala, kasi iyong ating mga ka-Brigada sa  iba’t-ibang himpilan ng buong Pilipinas may mga gustong itanong din sa inyo, bigyan  din natin ng pagkakataon. Pero ito muna,  Brigada Rocky. Unahin ko muna siguro kasi napapanahon, nandito ngayon, ngayong araw, Sec, isasagawa iyong naval exercises kasama iyong Russian Navy. Kahapon personal na binisita ni Pangulong  Rodrigo Duterte iyong barko na nakadaong ngayon dito sa bansa. Kumusta naman Sec, iyong  kanyang naging  pagbisita doon?

SEC. ANDANAR:                            Okay naman ang pagbisita. Alam mo,  iyong  pagdalaw naman ng Russian  ship dito sa bansa natin, I believe this is the second or the third time na nakabisita. So, this is part of their  routine. At alam naman natin na ang ating Pangulong Duterte ay maganda iyong kanyang pakikitungo kay President  Vadimir Putin ay kay Prime Minister Medvedev. At ito rin ay gawa na rin ng independent foreign  policy ng ating  Pangulo na  siya po ay bukas sa pakikipag-diyalogo sa iba’t-ibang bansa na wala  ho tayong  dating ganung kalakas na  relationship pagdating sa, lalo na sa economy. Alam naman natin na ang Russians  ay nangako ng  posibilidad na  2 billion  dollars worth of trading, especially sa agriculture.

Q:                                                           Pero may nababanggit din during sa—during nung pagbisita nung barko na sinasabi Sec. na parang bibigyan din tayo ng mga gamit pang-digma, parang may naririnig tayong ganoon?

SEC. ANDANAR:                            Everything is a possibility, Ley. Lahat naman itong mga ino-offer sa atin ng mga bansang mas nakaka-angat sa atin ay bukas naman  po ang Pilipinas, ang gobyernong Duterte para  tanggapin iyong mga ayuda na binibigay po sa ating bansa.

Q:                                                           Papano, Sec hindi maiwasan ‘no, particular  itong mga sinasabi natin,  iyong laging  sa mga plano,  magagandang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte, may nagsasabi na iyong pagbisita daw ng Russian ship na ito ay posibleng magdulot ng mas lalong pag-asim sa relasyon ng Pilipinas sa iba  pang mga bansa?

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman. Hindi naman iyon, kasi ang pagiging independent naman ng ating Pangulo pagdating sa foreign policy ay ito naman ay masusukat natin lalung-lalo na pagdating sa  ekonomiya at saka trading. Kasi kung matatandaan, ang sabi po ng Pangulo as far as  military is concerned, magiging independent siya.

Q:                                                           Opo, nabanggit ninyo, sir iyong pakikipagtungo natin sa iba’t-ibang bansa. Hindi ba gaganapin dito iyong ASEAN? Kumusta na iyong preparation pala natin doon?

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat sa katanungang iyan. Ang ASEAN 2017,  tayo po ang chairman  ngayong taon na ito. It’s going to be a great, a  fantastic  year for everyone, lalo na dito sa Pilipinas, dahil tayo po ay mabibigyan ng pambihirang pagkakataon na  puwedeng i-showcase natin ang ating bansa sa  daan-daang media na manggagaling sa  iba’t-ibang bansa, and also to show  the other ASEAN nations, sampu po iyan. Singapore, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Laos, Thailand. Myanmar, etc. Maipakita sa kanila kung gaano kagaling   ang Pilipino. Now, papano natin maipapakita? Dahil we are hosting the 50th anniversary of the ASEAN, or the Association of Southeast Asian Nations,  and  it’s the golden anniversary at marami tayong pagkakataon na maipakita sa kanila kung gaano tayo ka-galing, at galing mag-host at gaano kaganda ang Pilipinas. Because there  will be more than 100 ministerial meetings sa  buong Pilipinas, at tatlong major events: isa sa Abril,  isa sa Agosto, at isa sa  Nobyembre, kung saan kasama na iyong East Asia; mga members po ng East Asia, which means Japan, China. Nandiyan po iyong Australia, nandiyan po iyong New  Zealand, nandiyan po iyong America, Russia.

                                                                Now, bakit mahalaga ang ASEAN? Bakit tayo nag-i-ikot at nagpapaliwanag sa iba’t-ibang himpilan kung  ano iyong kahalagahan  ng Association  of Southeast Asian Nations? Miyembro tayo nitong Association of Southeast Asian Nations, ASEAN, sampung bansa sa buong ASEAN. There are  630 million  people in the ASEAN region, kaya po pinagkaisa ito.  At  isa nga sa tema nito ay  pagdating sa economy, dahil  kung tayo ay nagkakaisa sa ASEAN, mga bansa nito mas malaki iyong posibilidad, mas malaki iyong chance  natin na makipag-negotiate, makapag-bargain, makipag-kalakalan sa mga bansang mas malaki sa atin. Katulad po ng China, tulad po ng America, tulad ng continent  ng Europe. Kaya mahalaga na magkaisa tayo. This is a very important—630 million people in the ASEAN region  now united in the ASEAN region, merong 2.5 trillion dollars worth of trade that happens every year, at dapat tayo  ay makinabang din dito  para mas lalo tayong umasenso.

Q:                                                           Okay, standby Brigada Gen San at Brigada News FM Davao. Maya-maya pupuntahan natin sila. Pero sundutin lang natin, sir. Kasi hindi  ba iyong binabanggit natin iyong preparation ng ASEAN. Nung nakaraan yata, hindi ba nung nagpasa ng budget, parang kinukuwestyun  bakit  malaki daw iyong budget na nilaan natin dito?

SEC. ANDANAR:                            Oho. Ang alam ko ang budget kasi nito ay last year, panahon pa ni Presidente Aquino, na-prepare itong budget na ito.  So, it’s really like this, hindi naman  biro iyong mag-host ka ng isang ganitong klaseng summit ‘no. Best foot forward for the nation, it’s our chance to showcase, it’s  our chance to  promote our country to the rest of the world. The same way na ganun din po sa Miss Universe.   Kaya iyong darating na katapusan ng Enero,  the opportunity lies   in promoting the country because the candidates ng iba’t-ibang bansa na Miss Universe will be going around the country as well. Imagine mo may mga media doon, maipapakita ng halimbawa, CNN o maipapakita ng NBC at iba pang mga international network  at magazine ang ganda ng mga isla ng ating bansa.

Q:                                                           Pero, Sec. some of the  major events sa summit na  ito ay gaganapin outside  Metro Manila. May mga lumalabas na issues na kaya daw ito napili na lugar, para  at least, mas  safe sa mga banta ng…siymepre ngayon terrorismo or iba pang mga  threat ng bansa?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo iyong ganoon naman, the security of the delegates  is a  primordial concern. Alam naman natin na ang problema  ng buong mundo talaga na kinakaharap, number one ay iyong threat ng terrorism. Wala namang  excuse iyan; nangyayari nga sa  France, kung sana-sana nangyayari ito eh.

Q:                                                           Tama po.

SEC. ANDANAR:                            And very  porous  iyong bansa natin. That’s why the primordial,  also, concern  is for us to ensure the security  of the delegates of the different countries na  kalahok dito sa ASEAN 2017 Summit.   

Q:                                                           Okay, ito na papasukin muna natin.  Dahil naka-standby ngayon iyong Brigada News FM GenSan, Secretary. Dahil may katanungan si Brigada Joel Inuqui ngayon nasa—mula po sa live and direct ha, diyan sa Brigada News from, GenSan. Brigada Joel, go ahead for your question.

JOEL:                                                   Secretary Martin Andanar, sir. Magandang umaga po sa inyo. Ito po iyong aming katanungan sa Brigada News FM General Santos City. Meron po bang direktiba ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa Region 12, lalo na po sa PNP at AFP na kailangang paghandaan ang posibleng paghigante ng teroristang grupo matapos napatay ang local ISIS Tokboy Maguid?

SEC. ANDANAR:                            Joel, maayong  buntag kanimo. Talagang kasama naman ito   dahil our country is in a state of lawless violence, at hindi  pa naman  ito nali-lift, dahil nga sa mga  terrorism  acts na nangyayari sa ating bansa, nung nangyari  sa visayas, hindi ba meron ding nagkaroon ng—

Q:                                                           Sa Hilongos.

SEC. ANDANAR:                            Sa Hilongos bombing doon, at ang mga suspect naman doon ay may kinalaman  daw sa droga. At ito ay hangga’t sa  merong threat sa ating bansa  ay naka-implement po itong order na ito at hindi mali-lift. Now, pagdating po doon sa inyo sa Region 12 ay tuloy-tuloy pa  rin po iyong  heightened security ng kapulisan at ng Armed Forces  of the Philippines.

JOEL:                                                   Mataas  pa rin  ho ba ang banta ng  terrorismo sa  Mindanao, particular in Mindanao  kasunud ng pagkamatay nitong local bomb expert maker na  si Tokboy Maguid?     

SEC. ANDANAR:                            Like what  I mentioned, ang sinabi nga ni General Bato  de la Rosa na ang threat to terrorism, since nasa heightened alert tayo ay  tuloy tuloy pa rin. Hanggang ngayon si Bato ay nandiyan sa General Santos to ensure that mataas po ang morale ng ating kapulisan diyan, and to also to show the public that the Philippine National Police is on top of the situation.

Q:                                                           Isingit ko lang. Kahapon yata, Sec., nagkaroon ng command conference diyan sa Malacanang together with the President. Napag-usapan po ba Sec. kasama iyong preparation dito  lalo na iyong pagkakapatay kay Tokboy?

SEC. ANDANAR:                            Siguro napag-usapan iyan. Iyong pagkapatay kay Tokboy, kasama   rin diyan iyong continuous war against illegal drugs. And the other matters na napag-usapan, it’s highly confidential.

Q:                                                           Magtungo naman tayo, Sec sa Brigada News FM diyan sa Davao, nasa linya po natin si Brigada Jun de Camo. Jun, go ahead?

JUN:                                                     Maayong buntag kanimo Secretary Martin andanar, sir. Ito pong katanungan naming  idto sa Davao Region. Reaksyon ng  Palasyo  regarding sa pag-amin ng New People’s Army sa pagpatay sa tribal leader na  si Cupertino Banugan  at dalawang kamag-anak nito   sa may Caraga region, Davao Oriental. Pinatay daw nila ang nasabing tribal leader bilang pag-depensa sa kanilang mga sarili. Any comment on this,  Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Oho, pagdating po sa isyu ng CPP-NPA-NDF at iyong mga   pag-amin nila sa kanilang  mga  ginawang  hakbang, ito po ay pinapaubaya ko ngayon sa kalihim  natin, Jess Dureza  at Kalihim Bebot Bello. Alam naman   natin na very touchy  itong mga isyu na ito, pag nag-comment  ho tayo, because  we have na ongoing peace negotiation.

JUN:                                                     Follow up question lang po, Mr. Secretary. Update lang po sa napabalitang  pagbebenta sa IBC 13 since ang dalawang intresado na bibili nito ay taga-Davao region na sina Dennis Uy at ang  Davaoeno na business man na si William Lima.  Totoo po  ba ito, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Oo, totoo po na intresado si Ginoong Uy at si Ginoong Lima. Pero so far iyong nakikita  kong  order… what do you call this… offer, ay nanggaling po sa grupo ni Governor Chavit Singson.

JUN:                                                     Thank you very much, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Daghang salamat.

Q:                                                           Maraming salamat Brigada  Jun De Camo diyan sa Brigada News FM, Davao. Standby pala Brigada News FM Cebu, Brigada News FM, Daet. Dahil ito muna dako muna tayo mga ka-Brigada, Sec.,  ito  may tanong din iyong Brigada News FM, Cagayan  De Oro, Si Brigada Bernie Cabusao, nasa linya. Brigada Bernie, go ahead.

BERNIE:                                              Maayong kabuntag, Mr. Secretary Andanar, sir.

SEC. ANDANAR:                            Mason buntag, Bernie, kumusta  naman diyan sa CDO.

BERNIE:                                              (Dialect) Napag-usapan  na ninyo iyong tungkol sa ASEAN atsaka Miss Universe. Ano po  ba ang maaring asahan  o maitutulong sa mga  probinsya o mga maliliit  na bayan  dito sa ating bansa  nitong  ASEAN Summit. Utay-utay nga matabang sa mga gagmay nga mga probinsiya o gagmay nga mga lungsod diri sa ato. Kay mo ra, Manila ra man, Cebu (unclear, dialect) siguro.

                                                                Ika duha, Mr. Secretary, sa gaganaping Miss Universe, bakit  ilang mga lugar lang sa Pilipinas ang bibisitahin? Sana sa DO Tito na katanungan, Department  of Tourism, pero  ikaw man ang nandiyan, ikaw na lang  tatanungin ko. Mga lugar, iilan lang ang mga lugar na bibisitahin ng mga kandidato: Davao, Cebu, Batangas. Bakit hindi sa   Cagayan? Hindi kami nasali, na white water rafting capital of the Philippines itong  Cagayan de Oro. Mr. Secretary?   

SEC.  ANDANAR:                          Hometown ba, hometown ba. Ang gagawin ko diyan sa  pangalawang  tanong ay number one, talagang dapat sa Cagayan de Oro  ay merong Miss Universe na talent portion, kasi alam natin sa Cagayan de Oro  mahilig sa  mga beauty contest iyong mga kababayan natin sa Cagayan de Oro. Alam mo naman.

BERNIE:                                              Pia Wurztbach from Cagayan rin; Cagayan si Pia.

SEC. ANDANAR:                            Si Pia Wurtzbach. Dapat tanungin din si Pia bakit hindi niya nilapit na makasama iyong Cagayan de Oro. Iyong ano diyan, may kilala  ako diyan sa Cagayan de Oro, iyong si Mr. Sean Moreno, na mahilig din sa mga Miss Universe, mahilig sa mga Binibining Pilipinas. Personally, alam ko kasi iyong  kapatid ko naging Miss Cagayan de Oro. Pero ang gagawin ko lang Bernie, kausapin  si Secretary Wanda Teo at tatanungin ko sa kanya ngayong Lunes kung bakit mangilan-ilan lang, at hindi  napili ang CDO. Sigurado ka wala giud ang CDO, wala’y activity dyan?

BERNIE:                                              Wala’y activity, at least makakita pu mi.

_____:                                                 (Dialect)

BERNIE:                                              (Dialect)

SEC. ANDANAR:                            Ano iyong unang tanong, nalimutan ko tuloy iyong tanong mo.

BERNIE:                                              May maitutulong  ba sa mga maliliit na probinsya itong ASEAN Summit?

SEC. ANDANAR:                            Okay, ganito kasi iyan, kailangan maintindihan ng ating mga kababayan kung ano talaga iyong ASEAN. Alam mo ba, Bernie, na sa  buong ASEAN, batay sa datos, 24% lang  ang nakaka-alam kung ano talaga ang ibig sabihin at ano iyong basic information  about  the Association of Southeast Asian Nations. So  kailangan maintindihan natin kung anong mapapakinabangan  ng Pilipinas. Merong 2.5 trillion  na dollars na trading na nangyari sa loob ng ASEAN. Meron ding 630 million people in the ASEAN region. Ito po dahil isa lang tayo, meron tayong merkado ngayon na puwede nating pagbentahan ng mga  produktong Pilipino dahil tayo ay very active member  of Association of Southeast Asian Nations.

                                                                Ito ay mahalaga para sa atin, dahil merong ASEAN integration, dahil tayo din po ay umaasa sa ating mga OFWs at marami pang mga  Pilipino na gustong lumabas ng bansa. For example  kailangan maintindihan, malaman natin kung ano ba iyong mga colleges, universities dito sa Pilipinas na ang mga diploma ay kinikilala doon sa ibang bansa sa ASEAN. Kasi kung doctor ka sa Pilipinas, puwede kang makapag-practice ng medicine  doon sa Singapore, alam ba ng lahat iyon. Alam ba lahat ng abogado, kapag abogado ka ng Pilipinas ay puwede ka ring maging abogado ng Singapore? Iyong mga  ganitong klaseng mga  impormasyon ang dapat malaman at iba pang mga opportunities  para sa manggagawa, sa mga empleyado na gustong mag-negosyo. Ano iyong mga negosyo na  puwedeng pasukin, at ganun din iyong mga negosyante, na kung ano iyong mga negosyo na puwede nilang dalhin  sa ibang bansa, sa Vietnam, sa Cambodia, sa Laos para mas  lalong lumago  ang kanilang negosyo.

                                                                So ano ang magiging pakinabang nito sa  ordinaryong Piliino, eh of course iyong ekonomiya, tataas. yong trabaho, puwedeng madagdagan ng trabaho natin and iyong ating competiveness  sa buong ASEAN region ay makikita natin kung saan tayo puwede. 

Q:                                                           Sa ngayon diretso tayo diyan sa Visayas. Brigada News FM Cebu. Maka-standby na Brigada __si Atty. Juryl Patinio, Birgada Juryl, go ahead.

ATTY. JURYL:                                 Magandang  umaga, Brigada national, ito po si  Brigada Atty. Juryl. Iyong  katanungan  lang po naming ito sa Cebu para kay Secretary Andanar, eh kalian po ba magsimula itong  project implementation sa bus rapid transit dito sa Cebu? Kailan po magsimula iyong project implementation sa bridge sa Cebu to Cordova, and then bridge sa Cebu to Bohol, bridge sa Cebu to Negros. Iyon lang po ang katanungan namin dito sa Cebu?

SEC. ANDANAR:                         Hindi ko masasagot iyong  eksaktong  petsa kung kalian magsisimula iyong mga infrastructure projects na iyan dahil ito ay  naiintindihan ko nasa  pangangasiwa  ng either DPWH or nung DOTR. Pero just the same, Brigada  Cebu kakausapin ko, istoryahun nako silang duha, Secretary Tugade and Secretary Villar, sa Monday  doon sa Cabinet meeting. Pero what  I can assure the  Filipino public is that 2017 will  be a very… will be a year that will have heavy infrastructure  projects in our country. At ang ibig sabihin ng infrastructure projects, mga kalye, mga tulay, mga railroad, etc  na gagawin ng atign gobyerno na makakalikha ng trabaho at magiging mas inclusive ang economic growth ng ating bansa, meaning kasama po  si ordinaryong Juan, Maria at Pedro dahil mabibigyan na po sila,  matagaan sila ug trabaho.

ATTY. JURYL:                                 Sobra na po kasing trapik dito po sa  Cebu, may nakikita na po ba kayong solusyon po dito, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Ang rinig ko nga, iyon ang sinabi din ng Waze  application. Isa sa pinaka-traffic na, hindi na Manila, ang pinaka-traffic Cebu na sa buong Pilipinas.

ATTY. JURYL:                                 Number one na kami dito.

SEC. ANDANAR:                            Number one problema sa traffic, hindi lang Cebu, pati Cagayan de Oro nagkaka-trapik na rin. Well, ibig sabihin niyan umuusbong  ang ekonomiya ng ating mga lalawigan, pero of course it poses a problem sa gobyerno dahil kailangan nating  masolusyunan iyong trapik na iyan para mas guminhawa at  mas lalong bumilis pa ang takbo ng ating ekonomiya, dahil alam naman natin na  kada oras  ang trapik merong karampatang  equivalent amount of money that is wasted kasi nga iyong mga investor  ayaw mag-invest dahil trapi. And, of course, the cost of doing business  ay tumataas dahil sa  dulot ng  mabigat na daloy ng trapiko.

Q:                                                           Maraming salamat Brigada News FM Cebu. At ito lastly, tunghayan natin iyong katanungan ng Brigada News FM, Daet Dito naman  tayo sa Luzon area, nasa linya  natin si Brigada Jigs Buñag  para sa kanyang katanungan. Brigada Jigs, go ahead with your question.

JIGS:                                                     Yes Magandang umaga, Sir Rey at diyan sa Brigada News FM national. (Dialect) napapakinggan  po kayo sa buong Camarines Norte at sa apat na himpalan  po ng Brigada dito po sa buong Bicol region. Secretary, nakapagkomento po ang Pangulo natin sa  usapin ng nasa Amerika po si VP Leni habang pinadapa po ang Bicol particular po iyong Naga na hometown niya at ang Camarines Sur ng bagyong Nina. Sa mga nakalipas naman pong araw ay bumawi po ang Pangalawang Pangulo, at nagsagawa  po ng mga relief operations  sa Camarines Sur.  Sinagot din po niya ang mga komento sa kanya,  at pinagdiinan pa po niya na wala na po siyang magagawa raw kahit ano pang gawin, sadyang may magkokomento pa rin ng hindi maganda. At ituloy ko na lang po iyong katanungan ko, Secretary. Okay lang po ba?

SEC. ANDANAR:                            Sige po.

JIGGS:                                                  Normal naman po siguro na  unang babanggitin talaga ng Pangulo na ang nagpa-planong magpabagsak  po sa kanya  ay ang LP dahil nga sa  pangalawang Pangulo  ang – o iyong pangalawang  pangulo po natin ay taga-LP. Ngunit wala naman daw pong kakayahan si VP Leni, at kakaunti na rin daw po ang nakaupong taga-LP ngayon sa Kongreso. At pagkatapos po niyan, Secretary ay mukhang tahimik na po ang Malacanang sa isyu na po na iyan. Pangatlo po, Secretary, palibhasa  facing Pacific po ang Bicol region, kami po iyong tagasalubong ng  mga bagyo, eh malungkot na balita po  talaga na binawasan  po iyong national budget pagdating po sa calamity fund. Kaya ho tuloy, iyong  Miss Universe na activity sana sa Legazpi  ay hindi na matutuloy, dahil 10 million daw po ang gagastusin doon ay ilalagay na lang daw po sa pagtulong sa mga nasalanta, Secretary.      

SEC. ANDANAR:                            So doon tayo sa unang tanong, Jigs. Ang sabi mo iyong  reaksyon ng Palasyo sa   sinabi ng Pangulo nung  dumalaw siya diyan at iyong  absence ni Vice President Robredo nung nangyari iyong bagyo, tama ba iyong gusto mong reaksyon ko?

JIGGS:                                                  Yes, sir.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo, ang ating Pangulo naman  ay nagtatrabah0 halos 24/7 na. Ang ating Pangulo ay alam natin na he is a very hands on President. Nung pasko a-24 ng Disyembre, Christmas eve at nakasanayan natin na ang mga Pangulo ay nagbabakasyon na, pero nakita natin si Pangulong Duterte na dumalaw po doon sa mga mahihirap nating kapatid na may cancer sa Davao  City. At marami nga ang  naluha doon at naantig ang damdamin dahil sa ginawa ng Pangulo.

                                                                Nung a-25 ay  dumalaw po ang Pangulo doon  sa pinangyarihang pagsabog dito sa may Hilongos, tapos nung  a-26 ay dumiretso po siya diyan sa inyo. Pagkatapos ay kausap po iyong mga  taga-Davao, mga barangay captain, wala pong tigil ang trabaho ng ating Pangulo. In fact, nagpunta pa po ng Cotabato, If I am not mistaken dahil meron ding pagsabog na nangyari doon. So ang ating  Presidente, Jigs ay very hands-on.

                                                                Now, doon po naman  kay Vice President Leni Robredo, iyong kanyang  report na siya ay nasa Amerika, alam  mo wala na po akong pakialam kung ano iyong gagawin ni Vice President dahil hindi  ho naman  si Vice President ang amo ko. Ang aking responsiblidad ay para lamang magsalita  para sa ating Pangulo, at wala nang iba.

                                                                At doon sa second question.  Ano nga iyong pangalawang question   mo?

JIGS:                                                     Iyong LP daw po  iyong pinagmumulan ng plano?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, kasi hindi naman mapagkaila na even sa social media  makita natin na  maingay iyong grupo nila, at iyon naman talaga ang lumalabas. It’s not secret na alam naman ng lahat iyan na hindi sila masaya sa  pagkatalo ng kanilang kandidato. So ang masakit lang ho ito ay meron ho talagang mga  tao sa bayan  natin na   hindi matanggap iyong pagkatalo at hindi rin nirerespeto ang ating Saligang Batas na  nagbibigay po ng anim na taon na mandato sa isang nahalal na Pangulo. At porket hindi nanalo iyong kanilang gusto, eh dahil nasanay sila sa kaka-people power ay gusto nilang gawin ito. Merong ganoong  mga  tao sa ating lipunan, hindi ko lang alam kung sino itong mga  ito, baka ako naman  ay ma-accuse na  finger pointing just anybody.  Pero merong mga sector sa ating lipunan na ganoon, na talagang  hindi matanggap. Kaya ang bansa natin nalulugmok eh, kasi kapag hindi gusto sisipain, magpe-people power outside the constitutional ano measures  ang ginagawa dahil hindi sinusunod iyong Saligang Batas. Tapos ngayon hindi basta si  Presidente Digong  eh, ito ay taliwas naman sa gusto ng taumbayan na  kahapon lang   lumabas iyong  Pulse Asia,88% gusto si Presidente, tapos merong maingay na gusto ouster, ouster. Pati iyong  appointment ni  Mocha pinapakialaman.

                                                                Alam mo, nagbigay tayo ng mandato sa isang Pangulo. We should trust the wish of the President whoever the President appoints  in the  government in any appointive position. Kaya nga natin hinalal na Pangulo iyan eh, para patakbuhin ang bansa, tapos papakialaman natin. But anyway, it’s a democracy, and in a democracy meron talagang iba-ibang opinion, meron talagang discourse, merong mga debate-debate. Pero hindi  po tayo magpapatinag. We will follow the orders of the  President, and we will run  they country the way that the President thinks best to run the  country. Susunod lang po tayo sa ating  Presidente. At ang pangatlong tanong, ano nga iyon?

JIGGS:                                                  Iyon pong  natapyasan po iyong pondo ng calamity  fund, napunta po sa DPWH. Kaya ho tuloy, katunayan iyong Miss Universe, iyong activity ng Miss Universe sa Alba, hindi na  po matutuloy  dahil 10 million daw po ang gastos doon, so puwedeng ilagay na lang nila doon  sa mga nasalanta po ng bagyo.

SEC. ANDANAR:                            Aalamin ko iyan, kasi hindi ko naman hawak dito iyong budget, at kailangan nating malaman  iyon sa NDRRMC; kailangan  nating malaman diyan sa—kung sino iyong mga ahensiya na  naatasan  o parating naatasan  pagdating sa recovery ng isang nasalantang lugar. So let me  find out, Jigs, by Monday.

Q:                                                           Maraming salamat, Brigada News FM Philippines at mga ka-brigada. Ito, Secretary, with your indulgence, siguro dito naman  tayo sa  mga katanungan sa ating  mga text live. Kasi nagtatanong  dito kanina binabanggit  daw ninyo  iyong tuloy-tuloy hands on  talaga si  Mr. President  natin, at talagang  iba’t-ibang lugar kung saan kailangan  ng  siyempre, dagdagan iyong mga  morale, lalo na iyong mga nabibiktima ng mga bombing. Iyong nagtatanong dito. Pakitanong po kay Secretary Andanar. Kumusta daw po iyong health condition naman niya, since binabanggit niya kanina na talagang hands-on iyong ating President. Kumusta po ngayon si President Duterte?

SEC. ANDANAR:                            Ang ating Pangulo po ay healthy, he is  in the pink of health, at kaya niyang patakbuhin ang ating bansa. Kaya niyang gampanan ang kanyang  tungkulin, bilang Pangulo ng Pilipinas. ‘Wag po kayong mag-alaala, at si Presidente  po ay nakapagpahinga ng New Year. So ngayon ay full of energy po ang ating Pangulo  para  harapin ang lahat ng mga suliranin  na kakaharapin po natin ngayong 2017.

Q:                                                           Iyong ano pala, bago ko makalimutan. Hindi ba may tinanghal pa siya bilang  ano, Man of the Year?

SEC. ANDANAR:                            Man of the Year nung China Newsweek. Kasi nga naniniwala  nga iyong mga kapit-bansa natin na  si Pangulong Duterte ay kakaibang lider. Siya ay rock star talaga, kahit saan magpunta, punta ka ng Japan, punta ka ng Laos, punta ng Cambodia, Vietnam, Singapore, Brunei, Indonesia, lahat ng ASEAN, pati iyong mga  sa labas ng ASEAN  ang tingin  ho talaga kay Pangulong Duterte ay isang malakas at matatag na pinuno ng bansa.  

Q:                                                           Pero ano po iyong  nagiging reaksyon ni President pag nakakarinig siya ng ganyan?

SEC. ANDANAR:                   Ang Presidente kasi natin Lee, hindi siya iyong pinagmamayabang niya iyong mga ganyan, sarili niya. Kung sa Bisaya pa, hilas ba kaayo. So he is not comfortable. Ayaw nga niyang makita iyong mukha niya sa poster eh. Kaya ano, ito po ay mga binibigay na parangal sa ating Pangulo at iyong   mga appreciation na binibigay sa kanya ng mga magazine. At ito po, itong mga ito tulad ng  Man of the Year ay ano, of  course, he is thankful  and appreciates it, pero hindi  niya  masyado ito sineseryoso.

Q:                                                           Maisingit ko lang, Sec., bago ko hingin iyong mga  naging accomplishments naman ng  Presidential Communications Office  ngayong 2016 at iyong mga  upcoming plans para sa 2017, dito muna, Sec., kumustahin ko lang iyong Freedom of Information natin. How is it doing now?

SEC. ANDANAR:                            Ang  Freedom of Information natin, Executive Order No. 2 na pinangunahan po ng inyong tanggapan na Presidential Communications Operations Office ay tuloy-tuloy po ang  ating  objective ay lahat ng  mga ahensiya ng gobyerno ay sumunod na po  dito. I understand mga 120, 130 ng mga ahensiya – or 70% na ng mg agencies ang sumusunod po dito.

Q:                                                           Iyong workforce ng PCO, lahat ba nagke-cater lahat ng mga katanungan na gustong makuha? Kasi there was one incident na parang mga sa PCIJ said, iyong sinasabi nila iyong request nila tungkol dito sa allegedly nangyayaring extra judicial killings and all, at iba pang mga issues. Parang humingi yata sila ng request sa inyo ng documents, na sinasabi doon na dapat daw within 15 days makuha nila iyong mga documents na iyon pero inabot daw ng 40 days something, hindi pa rin nailalabas?

SEC. ANDANAR:                            Iyon, hindi ko masyado alam, hindi ako pamilyar sa istorya ng PCIJ. At kung ang hinihingi nila ay sa EJK, so that must be the Philippine National Police. Ang trabaho po ng PCOO as far as Freedom of Information is concerned, ay para i-implement iyong executive order. At kami po iyong lead dito, so meaning puwede po tayo mag-sanction, magbigay ng mga administrative sanctions sa mga ahensiya na hindi sumusunod. So aalamin ko iyan iyong 40 days ba iyan. Ang hindi ko alam kung was that requested before the implementation of the executive order for (unclear),so kailangan nating malaman kung before or after siya.

Q:                                                           Tama, tama.

SEC. ANDANAR:                            Siguro ang pinaka-ahensiya na sasagot diyan ay iyong Philippine National Police, but let me look into that.

Q:                                                           Eh, maiksi lang ito Sec., kasi maraming nagte-text sa akin, nanonood sa live, regarding iyong dito po sa appointment ni Ms. Mocha may sinabi daw si Secretary Abella na hanggang September 30 lang iyong appointment sa kaniya. Is it normal na may parang contractualization, may ano lang—

SEC. ANDANAR:                            Hindi ako pamilyar masyado sa panuntunan ng MTRCB—

Q:                                                           Okay.

SEC. ANDANAR:                            So, I can’t answer that question ‘no.

Q:                                                           O sige, Sir, oo.

Q:                                                           Iyong ano na lang, Sec., last thing on my part, iyong naging accomplishments ng Presidential Communications Office last 2016, at iyong coming plans niyo na aasahan namin .

SEC. ANDANAR:                            Iyon po, iyong Executive Order Number 2, iyong Freedom of Information na pinangunahan po ng inyong tanggapan, PCOO. Ganoon din po iyong Administrative Order Number 1 creating the Presidential Task Force on media security. Ito po iyong first time na mayroon pong isang task force na assigned po sa seguridad ng ating mga kasamahan sa media, na alam naman natin na maraming namamatay na mga kapatid natin sa media dito sa Pilipinas. Kaya siniguro po ng Pangulo na ito ay maging AO Number 1 para po matuunan ang problema ng ating mga kababayan lalong lalo na iyong nasa media. Nandiyan din po iyong ating pakikipag-ugnyan sa iba’t ibang bansa. At tulad po ng mga China, Japan, Singapore, Malaysia at Cambodia, Brunei ay mayroon po tayong mga ginawang bilateral agreement para matulungan po ang ating mga ahensiya katulad noong PTV4, Radyo ng Bayan at PNA, Philippine News Agency at PIA. Ito po ay dahil kailangan po natin makipagtulungan sa ating counterpart sa mga bansang mas nakakaangat sa atin, so mayroon po tayong strong relationships sa kanila at marami pang iba.

Q:                                                           Okay.

Q:                                                           Alas nuebe disisiyete mga kabrigada, nagpapasalamat tayo sa Sec. Secretary Martin Andanar, maraming salamat po sa pagbisita dito po sa Brigada News FM. Baka may mensahe pa si Sec., sa mga taga pakinig natin?

SEC. ANDANAR:                            Okay.               

Q:                                                           Inuubo na ho.

SEC. ANDANAR:                            Oo, inuubo ako. Lei, Rocky salamat sa mga tao—Weng, salamat, sa lahat ng nakikinig sa Brigada FM, Congratulations at mataas po kayo sa ratings.

Q:                                                           Thank you po.

SEC. ANDANAR:                            Inuubo ako ulit. Huwag po nating kalimutan na sa a-15 na po ng Enero ang take off ng ASEAN 2017 sa Davao City. Magiging exciting po ang taon natin sa Pilipinas dahil napakaraming activities po, pangyayari at ito po ay exposure pa sa ating bansa. Suportahan po natin ang ating Pangulong Duterte at suportahan po natin ang programa ng ating gobyerno. Magtulungan po tayo para mas mabilis pong umunlad ang ating bansa. Salamat.

                                                                         ##

source:  Transcription NIB