Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
DZAR – By Mike Abe
07 January  2017
MIKE ABE: Secretary, good morning, welcome po sa SMI news.

SEC. ANDANAR: Good morning, Mike. Salamat at magandang umaga po sa lahat po ng nanunuod po sa atin sa buong Pilipinas, sa buong mundo, sa Facebook, sa mga OFW po. Magandang umaga diyan kung umaga diyan, hapon o gabi, kung ano pong mga oras diyan sa inyo. Kumusta po kayo?

MIKE: Tamang tama iyan. Ang atin pong mga kababayan sa ibayong dagat, Secretary, OFW (unclear) eh nandiyan, talagang intact sila. Hindi sila bumibitiw, hindi sila nawawala sa pagsuporta sa Duterte administration. Sa katunayan Secretary, tapos na iyong 6 months, tayo po ay nandito na sa bagong taon. At napakarami ng spokesmen ang Pangulong Duterte. Hindi iyong gabinete ha, hindi iyong gabinete, iyong followers ‘di ba? Iyong OFW, iyong mismong supporters ng Pangulong Duterte, iyan po iyong spokesmen. Anong tingin mo doon, Secretary?   

SEC. ANDANAR: Mike, salamat at na bring up mo ito dahil totoo naman talaga na hindi mapagkakaila na talagang dehado tayo pagdating sa international media. At kung who takes the cudgels for the President, for the government, kapag dehado po kami sa International media, walang iba kung hindi iyong mga kababayan nating mga OFWs—

MIKE:  Correct, correct, correct.

SEC. ANDANAR: — na sila na lang mismo ang nagiging ambassadors, walking ambassadors of the President, Rodrigo Duterte kaya nagpapasalamat po tayo sa mga kababayan natin at sa walang tigil na pagsuporta. Hindi lang overseas maging dito sa Metro Manila, sa Pilipinas, dahil sa huling survey na lumabas nga sa Pulse Asia, umabot na sa 83 percent ang approval rating ng ating Pangulo sa Pulse Asia. Hindi pa ho kasama iyong SWS diyan. At very good din ang survey para kay Presidente, more than 80 percent ang naniniwala po sa ating Pangulo.

MIKE:  Alam mo Secretary, napakaganda ng ganiyang rating, ng ganiyang sitwasyon dahil ang taas taas ng morale ng ating Pangulo. At ikaw bilang Press Secretary bilang head ng Presidential Communications Office, hindi ka mahihirapan na ilapit sa bayan, sa taong bayan, sa lahat ng mga listeners at viewers ang totoong nangyayari, at natatanggap kaagad ng taong bayan.

SEC. ANDANAR: Oo tama iyan, for example na lamang iyong walang tigil na pagputakte ng programa po ng ating Pangulo ng war against illegal drugs. Walang tigil po iyong international media sa pagbira sa atin, pero makikita naman natin sa survey na naniniwala po ang 84 to 85 percent of the population sa war against illegal drugs. So nangangahulugan lang din, Mike, sa palagay ko naman eh ang iyong political thinking, iyong social thinking ng ating populasyon, ng ating electorate ay mature na, hindi lang sila iyong basta basta nakikinig sa mga reports left, na report sa kanan, sa kaliwa, sa harapan, kung hindi tinitignan talaga nila kung ano iyong epekto sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas. At iyong mga nasa Philippines, umepekto  sa kanilang pang-araw araw na buhay—

MIKE: Correct, correct. At sabi ko nga, kaya ibang iba itong ating Pangulo, Secretary. Sa observation namin na before and  during election, at itong nandito na tayo, nandiyan ang ating Pangulo. Ang taong bayan iyong—ito talaga ang Presidente ng taong bayan.

SEC. ANDANAR: Ito talaga.

MIKE: Hindi katulad noong iba, hindi ko na po babanggitin ang pangalan, presidente ng political party, ‘di ba? Eto, eto, tao kami ang naglagay sa kaniya, kaya tao rin ang nagbabantay sa kaniya, tao rin ang nagtatanggol sa kaniya kaya sa side mo hindi ka masyadong nahirapang ilatag ang lahat ng mga gustong gawin ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Hindi naman talaga mahirap ilatag, Mike, pero maganda’t nabanggit mo iyan dahil marami akong mga nakausap na mga kaibigan at mga… iyong mga acquaintances, sabi, “Oh, Secretary Andanar, ang trabaho mo ang pinakamahilig magtrabaho sa Gabinete.” Ang sagot ko naman, “Hindi naman mahirap ang trabaho kapag ikaw ay naniniwala sa amo mo.” Naniniwala ka sa boss mo, hindi mahirap. At kung ang sinasabi naman ng boss mo ay mula sa kaniyang puso, mas madali ding i-translate iyong mga sinasabi or ipaliwanag sa taong bayan, kaya’t hindi po mahirap magtrabaho sa isang Pangulo na ang puso ay para sa pagbabago na nais ng taong bayan, kaya’t isa ho ito sa pinakamadaling trabaho. Ito po ay taliwas sa sinasabi ng kababayan natin na mahirap. And now maging spokesperson ni Presidente, hindi po, hindi po mahirap dahil kami po sa Gabinete, kaming lahat ay naniwala kay Pangulong Duterte the same way na 83 percent of the population ay naniniwala po sa ating Pangulo.

MIKE: Iyan ang pinakamaganda diyan, eh iyong nandoon ang power ng tao, itong 83 percent napakataas po noon—

SEC. ANDANAR: Madami—

MIKE: So ilang milyong Pilipino iyon hindi ba? Ang mahirap kung bagsak ang rating iyan, ayan, hirap ka dyan.  Pero sa taas ng rating eh lahat iyan kakampi.

SEC. ANDANAR: Eh ang ibig sabihin niyan, sa isang daang milyong Pilipino, 83 million ang naniniwala.

MIKE: Iyon na nga iyon.

SEC. ANDANAR: Eh, iyong balance noon na 17, alam ko nahati pa iyon eh. Mayroon pa ngang undecided doon.

MIKE: Kaya naman Secretary, lahat ng pinupuntan ng Pangulo, lahat ng pinupuntahan ninyo dito sa labas ng bansa, kitang kita iyong suporta ng taong bayan. At ultimo iyong international community nandiyan. Kaya’t iyong mangilan-ilan lang na mayroong negative ang pagbasa nila, pero natural lang sa isang bansa iyan sa ano mang mga programa. Hindi naman 100 percent ay support eh, ‘di ba laging mayroong constructive na pagpuna, pero constructive din naman ang kanilang sinasabing puwedeng gawin, pero nakakatulong at hindi naman puwedeng walang oposisyon.

SEC. ANDANAR: Iyong hindi lang maganda kasi, Mike, hindi maganda iyong nagki-criticize ka constructively tapos at the same time nananawagan ka ng ouster. So parang hindi na ba tayo nagsawang mga Pilipino na puro ouster dito, ouster left, ouster right, eh tapos eh, even… the fact that you want somebody removed from office outside the constitution is unconstitutional—

MIKE: Illegal talaga.

SEC. ANDANAR: Illegal talaga. Ang problema kasi sa ating bayan, Mike, mayroong mga mangilan-ilan doon sa ating lipunan na alam mo iyon na mayroong hindi makatanggap ng pagkatalo—

MIKE: Iyon na nga.

SEC. ANDANAR: Impatient, kung hindi nila nakukuha iyong gusto nila, gusto ouster agad, gusto retire agad. But you know, we should follow the rule of law na constitution. Sa Amerika, halimbawa, kung mayroong ginawa si Barack Obama na hindi gusto ng tao, ouster na agad. Eh, hindi naman ganoon eh ‘di ba? Hindi naman ganoon. So it is the first time in history na mayroon po tayong isang Pangulo na malakas po ang kaniyang political will sa… for the first 6 months napakadami pong nagawa ang ating Presidente na natalo po iyong ibang mga nakaraang administrasyon sa first 6 months.

MIKE: Lahat ng record eh nabura.

SEC. ANDANAR: Oo, halimbawa na lamang nasa mesa na ulit iyong ating MILF, MNLF na mga kapatid natin—

MIKE: Sa peace talks.

SEC. ANDANAR: CPP-NPA-NDF, pagbalik nila sa peace talks. Eh, di ba, ang tagal, tagal napurnada iyong peace talks ng CPP-NPA-NDF, kasama iyong Philippine government—

MIKE:  At ngayong month na ito nagre-resume lahat ng usapan dahil iilan sa ating CPP-NPA, di ba, pati nga iyong sa Bangsamoro at iyong MILF, sabi ni Secretary Dureza mag-uusap sila ngayon.

SEC. ANDANAR: Iyan ang pangako ng ating Pangulo na siya ay tumatakbong Presidente last year, na peace in the land; peace and order. Business na po iyan. Iyong pangalawa, law and order. Ang bansa po natin ay napakahina po ng the rule of law, weak rule of law. Wala pong halos sumusunod sa batas natin noon, walang natatakot. And ito ay binaliktad 180 degrees ni Pangulong Duterte—

MIKE: Correct.

SEC. ANDANAR: Natatakot na po ang tao sa batas, nirerespeto na po. We obey the law. Case in point. New Year,

MIKE: Oo, nabawasan na ang mga—64 ayata or 74?

SEC. ANDANAR: Nabawasan iyong mga… nabawasan iyong mga nababawasan ng daliri.

MIKE: At saka napuputulan ng paa.

SEC. ANDANAR: O nabubulag. May sumusunod sa batas. Mayroon tayong more than 1 million who surrendered na mga drug users and drug pusher, mga 70,000 na drug pusher. At this is record breaking. And all of these accomplishments ay naaayon ito sa gusto ng Pangulo na magkaroon tayo ng law and order.

Pangatlo is the  reduction of the poverty rate

MIKE: Importante, marami din.

SEC. ANDANAR: From 21 percent to 14 percent. Ngayon nakita natin, iyong growth rate po natin 7.1, 7.2, isa sa pinakamabilis na growth rate sa buong daigdig. Sasabihin na natin na mayroong kinalaman si Pangulong GMA, Pangulong Noynoy Aquino sa pagtaas ng ekonomiya, pero ang pag-increase o usbong ng ating ekonomiya ngayon, sinasabi ng Fortune magazine na malaki ang tulong ni Presidente Duterte, kaya napakalakas. That’s why our neighboring countries, iyong mga ekonomista po natin sa Indonesia, dito sa Malaysia at sa Singapore, sa Japan, sa Europa, kung saan mayroong nagtatanong, “Ano ba ang mayroon ang Pilipinas kung bakit napakabilis ng ekonomiya nila, iyong pag-angat?”

MIKE: Alam mo ang isang sagot diyan, Secretary, sabi na, palagay ko naman hindi masama, hindi lang iyong takot ng tao sa batas eh, iyong takot ng tao kay Pangulo. Iyong takot ang taong bayan na gumawa ng mali kay Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR: Well—

MIKE: Iyon iyon

MIKE: Kasi nga alam mo naman iyong mga (unclear) napakatapang ng mga statement kasi ng Presidente; napakatapang.

SEC. ANDANAR: Dapat naman talaga ang leader ay sinusunod, sinusundan at kinakatakutan. Eh, kasi kung ikaw naman ay leader na papatay patay at parang hindi ka naman nirerespeto ng tao—

MIKE: Mababalewala rin.

SEC. ANDANAR: Anong mangyayari doon sa anti-corruption drive mo, doon sa mga lahat ng drive mo para malinis iyong burokrasya. At saka, Mike, nga pala ‘no—

MIKE: Sige, sige.

SEC. ANDANAR: Kung mamarapatan ninyo lang po. Tayo po ang Chairman ngayon ng—

MIKE: — ng ating ASEAN. Okay—

SEC. ANDANAR:  — ngayong 2017. So napakahalaga po nito dahil kailangan kasi malaman ng taong bayan kung ano ba itong ASEAN. Batay sa datos kasi Mike, 24 percent lang ang nakakaalam ng basic—

MIKE: Kung ano iyong ASEAN—

SEC. ANDANAR: Mayroong basic knowledge of ASEAN. So imagine 80 percent (overlapping voices), di ba?

MIKE: (unclear)

SEC. ANDANAR: So imagine 80 percent, di ba? So imagine mayroong almost 80, or kung 24, mga 76 percnet  ang hindi nakakaintindi, hindi alam kung ano ang ASEAN that’s 76 million Filipinos

MIKE: Correct. Majority.

SEC. ANDANAR: Majority.

MIKE: Majority ng Filipino hindi alam ano ang ASEAN.

SEC. ANDANAR:  Kaya nga ang                                                                                                                                                                                                                                             ating opisina, Presidential Communications Operations Office, we are tasked to accept the challenge na at least by the end of November, kung kailan iyong pinaka-final na ASEAN Summit, maintindihan ng more than 50 percent of Filipinos kung ano ang ASEAN. ASEAN is very important, my friend, kasi mayroon pong 630 million population ang buong ASEAN. Itong ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) comprised of 10 countries, kasama ang Pilipinas, kasama ang Indonesia—

MIKE: Yes.

SEC. ANDANAR: — Singapore, Malaysia, Brunei, Vietnam, Lao at Myanmar, Thailand. And itong mga bansa po na ito ay miyembro ng ASEAN. Now the reason why nagkakaroon ng isang malaking organisasyon tulad ng ASEAN na kailangang magkaisa at solid, para mas maka-compete ang isang bansa ‘no, itong Pilipinas, sa mga bansang malaki tulad ng China, mas maganda iyong bargaining power—

MIKE: Alright, alright.

SEC. ANDANAR: Kasi mayroon tayong 630 collectively.

MIKE: Napakalaking … 630 million. Alam mo, Secretary, kaya tayo… ang ASEAN ay malaki sa Amerika, alam mo kung bakit? Kasi ang Amerika 360 million lang eh so mas malaki lang po iyong ASEAN kaysa sa US. Iyong buong population ng US 360 million lang iyan.

SEC. ANDANAR: Oo, tama eh, kaya nga mayroon—

MIKE: Mas malaki tayo.

SEC. ANDANAR: Kaya nga doon sa (unclear) summit, mayroong ASEAN plus East Asia na kasama iyong Amerika, Russia, UK, Canada, iyong ibang mga bansa na—

MIKE: Iyong palagi sa atin.

SEC. ANDANAR: So iyong plus, iyong plus ‘no. Kasi nga  sabi ni Mike 330 million—

MIKE: 360 million ang Amerika.

SEC. ANDANAR:  Amerika. Tayo 630. Siyempre kung ikaw iyong Amerikanong negosyante, at mayroong kang ginagawa, halimbawa, gulong, eh kailangan mong ibenta iyong doon sa 630 million.

MIKE: Hindi sa Amerika lang. (laughs).

SEC. ANDANAR: Hindi sa Amerika lang. Ngayon mahalaga na tayo ay integrated sa ASEAN, and we work closely with the ASEAN, and our President exercises the leadership that he has this year, para din makita ng buong ASEAN at buong mundo kung gaano tayo kadisiplinadong mga Pilipino—

MIKE: Wow.

SEC. ANDANAR:  Tayo host eh.

MIKE: Correct, correct.

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba? So nandyan na tayo.

MIKE:  Big challenge sa atin lahat iyan.

SEC. ANDANAR: Big challenge iyan, mayroong mga 100 ministerial meetings all over the country. Ano itong mga ministerial meetings? Ito iyong, halimbawa, trade and industry, communication—

MIKE: Correct.

S0EC. ANDANAR: DPWH. Mag-uusap usap iyong mga minister kung papaano pa mas lalong pagandahin iyong relationship ng ASEAN, at paano pausbungin pa ang negosyo.

MIKE: Correct. (unclear), maisingit ko lang… kaya rin tayo gusto ng lahat ng mga bansang iyan pati doon sa 630 million sa buong Asia, 102 million Filipino iyon.

SEC. ANDANAR: Oh ‘iyon.

MIKE: Oh ‘di ba ang laking market niyan?

SEC. ANDANAR: Malaki iyon.

MIKE: Kung ikaw ang negosyante bakit ka pupunta ng ibang maliliit na lugar?

SEC. ANDANAR: Halimbawa na lamang—

MIKE: Oh tama nga, tama nga kasi Secretary—

SEC. ANDANAR: … 103 million.

MIKE: Yes.

SEC. ANDANAR: Sabi ng Population ay… iyong nasa statistics office, by the end of this year 105—

MIKE: Oh iyan na.

SEC. ANDANAR: So mayroon kang tatlong milyong baby—

MIKE: Oh edi iyon na nga—

SEC. ANDANAR: Oh kung gatas ang negosyo mo.

MIKE: Oh edi buhay na buhay ang negosyo eh pero ang Pilipinas ay pinag-aagawan sa totoo lang. Ito, balitang business talaga, at iyon naman ang totoo, pinag-aagawan ng maraming mga bansa, pinag-aagawan ng maraming kapitalista kasi nga napakalaking market ng mga Pilipino.

SEC. ANDANAR: Correct.

MIKE: ‘Di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, eh kung mayroon kang 3 million na bagong—

MIKE:   Baby

SEC. ANDANAR: Baby, sanggol o hindi lang naman gatas iyon eh, ang daming diaper noon. (laughs). Parang pulbos ‘di ba?

MIKE: Eh isipin mo lahat iyon business na nandidito, puwede sa labas.

SEC. ANDANAR: At saka iyong vitamins.

MIKE: Oo marami talaga—

SEC. ANDANAR:  Oo ang dami.

MIKE: Kaya ang Pilipino ay gustong gustong maging kaibigan ng lahat ng lahi. (laughs). ‘di ba? Iyan ang  kabutihan noong ASEAN.

SEC. ANDANAR: Alright.

MIKE: Kailangang ma-establish iyong—ang Pilipino hindi dahil sa ano lang, akala nila hindi… underdeveloped ang Pilipinas, hindi. O sige, sabihin na natin under developed tayo, pero maraming business dito kasi nga maraming nangangailangan. Maraming—

SEC. ANDANAR: At saka huwag ka, 7 percent ang growth rate ng Pilipinas, isa sa pinakamabilis—

MIKE: Iyan.

SEC. ANDANAR: — sa buong mundo.

MIKE: O kita mo. Kaya talagang magandang pagkakataon ito. Mula po January, mula po ngayon taon na ito, itong buwan—month na ito hanggang November halos 1 year talaga itong 2017 diyan tayo naka-focus sa ASEAN family.

SEC. ANDANAR:  January 15, Mike, iyong launching sa Davao, at tapos, by April, iyong first Media Summit, tapos August, iyong heads of state sa ASEAN, tapos November iyong heads of state plus the other countries naman.

MIKE:  Oo.

SEC. ANDANAR: Napakalaking opportunity ito para sa bansa natin na i-showcase ang kagandahan ng ating bansa sa buong mundo – kung gaano ka-orderly, gaano ka-disiplinado para maipakita natin sa kanila kung bakit malakas ang ating ekonomiya – 7 percent – para mas marami pa tayong mahikayat na mga negosyante para mag-invest dito.

MIKE: Tama.

SEC. ANDANAR: Last year more than, ilang billion na, more than 70 billion pesos ang—

MIKE: Ang pumasok—

SEC. ANDANAR: Pumasok sa bansa natin, nahikayat ng Pangulo. Mayroon pa tayong mga infrastructure spending this year.

MIKE: Correct.

SEC. ANDANAR: So mas lalong bibilis pa iyan. And with the International media na magko-cover sa atin—

MIKE: Iyong mga delegates.

SEC. ANDANAR: Pero ang sa akin lang, ang panawagan ko sa mga Pilipino lalo na iyong nasa Metro Manila kung saan gaganapin itong ASEAN is that we also have to help government by showing everyone that we follow the law. We follow traffic rules.

MIKE: Correct.

SEC. ANDANAR: Tapos disiplinado tayo kasi lalabas at lalabas iyong mga minister doon sa area na iyon eh.

MIKE:  Correct.

SEC. ANDANAR: Ngayon pupunta… parang bang minsan punta ng Quezon city, punta ng Caloocan, (unclear). “Okay ang mga Pilipino, talagang disiplinado, they really deserve our investment.” So we have to cooperate with our government para mas lalong maging maganda ang perception ng ibang bansa sa Pilipinas.

MIKE: At para mabawasan iyong negative image natin, ang image sa labas parang akala mo ang gulo ng Pilipinas, parang walang pag-asa ang Pilipinas, pero pag nandito na sila doon nila makikita. Unang una iyong ating mga isla ay napakaganda, so pabor na pabor din ito sa turismo. Kaya pabor din ito kay—sa Department of Tourism itong ASEAN na ito, dahil iyong delegates ay napakarami at maiikot nila iyong Luzon, Visayas, at Mindanao. Maipagmamalaki nila, “Hoy, ang ganda pala ng Pilipinas.” Baka akala ninyo matapang lang iyong ating Pangulo. Ang akala nila matapang lang ang Pangulong Duterte, hindi. Hindi lang tapang, maganda talaga ang Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Oo safe na safe—

MIKE: Correct.

SEC. ANDANAR: — na puwede nang maglakad na kahit na gaano na dala mo iyong cellphone mo, hindi hahablutin ang cellphone mo. Masarap ang pagkain, hoy sabi ko nga pala sa—sabi ko nga pala doon sa organizer ng media si Usec. Noel po ito, iyong tinutukoy mo doon sa media center natin—

MIKE: Oo.

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong lechong baboy, at saka lechong—iyong mga ado-adobo diyan para matikman nila. (laughs).

MIKE: Mga Pilipino po talaga.

SEC. ANDANAR: Oo para sabihin nila tama pala si Anthony Bourdain na ang atin ang pinakamasarap na lechon, Cebu—

MIKE:  Oo nga.

SEC. ANDANAR: Pinakamasarap na adobo sa lugar na ito—

MIKE: Oo correct, correct.

SEC. ANDANAR: Sisig parang masarap doon sa may Angeles.

MIKE: Doon tayo kukuha ng mga imported na mga pagkain pa niya, iyong local lang at pag ka na-promote iyan pinababalik-balikan. Eh kita mo iyong adobo hindi naman kilala sa iba iyan pero lahat ng nagpupunta dito kumakain ng adobo hinahanap. Iyong kumakain ng balut?

SEC. ANDANAR: Oo.

MIKE: Oo binabalikan nila dito. Iyong mga showbiz personalities na nasa Hollywood, pag kumain ng balut dito, pagdating dito hinahanap iyong balut eh. Bakit hindi natin pakain ng balut iyan.

SEC. ANDANAR: Mayroon nga sabi noong isang kaibigan ko na Italyano eh. Sabi, “When I ate the balut, I felt the feathers, so what are the feathers for? Sabi ko, double purpose iyan. O isa, matikman mo, iyong lasa iyong pangalawa pang-dental floss. (laughs).

MIKE: Kaya iyan marami siyang puwedeng gawin. Anyway, maganda po iyong aming pag-uusap. Marami pa ho kaming itatanong, idi-discuss kay Secretary Andanar, iyong tungkol sa ASEAN. Naku, hindi lang ho iyong business eh. Marami hong dala iyan. Nabanggit ko na iyan sa pag—sandali iyong tourism. Marami pa hong iba. Break lang po kami sandali, at sa amin pong pagbabalik ang lahat ng iyan, live po ninyo itong mapapakinggan dito po sa SMNI News channel, SMNI Sonshine Radio with Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Office, Office of the President. Sandali lang po.

MIKE: … po sa ating lahat at maya-maya po ay aming tatanggalin po ang mga tawag at tanong ng amin pong mga sister station. Alam ho ninyo, may mga sister station ang DZAR, SMNI, itong Sonshine Radio sa Davao, Cebu, Cabanatuan, Dagupan, Pangasinan at iyong iba pang mga station natin. Muli atin pong kasama, live po ito dito sa studio ng SMNI News Channel dito po sa ACQ Tower, sa Guadalupe, Makati City, Metro Manila… si Secretary Martin Andanar.

At pinag-uusapan po namin siyempre, iyong ginagawa ng ating kasalukuyang pamahalaan at iyong matinding hamon sa ating lahat, hindi lang po ang gobyerno ang ating aasahan dito sa ASEAN Summit dahil mahalaga ang coordination ng taumbayan po dito, dahil nga iyong… para tayo ay higit na makilalang iba tayong tumanggap ng mga guests, iba tayong tumanggap ng mga bisita natin ano.

Alam ninyo iyong ASEAN Summit na iyan, napakalaking delegate po iyan. Oo, at iyan ay pinag-uusapan sa buong mundo. At ang masuwerte po, tayo ngayong taong ito, tayo po ang host country ano ho, ang ating gobyerno. Kaya naman tayo walang gagawin kung hindi suportahan iyan at ating alagaan, bigyan natin ng proteksiyon ang lahat ng mga delegate na ito para sila mismo ang magpo-promote pagbalik nila sa kanilang mga bansa, ano ang mayroon sa Pilipinas na kakaiba kung sakali nga nababalitaan nila na akala nila magulo, akala nila kung ano, hindi ah. ‘Pag nakita nila, iyon ang magpapatunay kung ano ang nangyari ‘di ba Secretary, sa ating bansa?

SEC. ANDANAR: Tamang-tama, talagang eksakto ang iyong intro.

MIKE: Thank you. Okay, so ‘ayan ho sa mga nakikinig po sa atin, mga taga-Davao at saka may mga Hong Kong pa. By the way, iyan ang Jose Maria College ano ho at iyong ating iba pang mga listeners diyan.

Secretary, kanina napag-usapan natin iyong about business, tourism, nabanggit natin tourism sa ating pagpasok ng ASEAN. Ano pa iyong ibang magiging positibo na epekto ng kabutihan po sa ating lahat?

SEC. ANDANAR: Isa sa mga themes natin Mike, ay iyong people-oriented and people-centered initiative. Ito iyong mga initiative na papalakasin natin ang ating mga… ang health program para sa ating mga kababayan, mga kababaihan, elderly. Ito na iyong pagpapaganda ng ating mga… pagpapalakas ng ating mga batas para matulungan iyong ating mga laborers, etc. Nandiyan din iyong peace and stability, ating giyera kontra iligal na droga at iyong ating giyera kontra korapsiyon, at nandiyan din iyong maritime security and cooperation. Dahil alam natin na problema po iyong terrorism, iyong mga piracy, iyong mga kidnapping sa…

MIKE: Sa isla.

SEC. ANDANAR: Oho sa isla, sa karagatan. And of course iyong ASEAN resiliency, ano ito, iyong mabilis na pagbangon ng ating bayan o ng ibang mga bayan, information exchange – ‘pag mayroong mga bagyong dumadaan, papaano nakakabangon, paano mag-prepare at papaano maging ano… mabilis na pag-aksiyon kapag mayroong mga bigla na lamang… ‘kala mo calamity, signal number 3, iyon pala 4 na pala. Parang iyong nangyari sa Yolanda hindi ba?

At iyong… again, iyong ASEAN as a model of regionalism – na kung gaano kahalaga iyong centrality ng ASEAN dito sa ating rehiyon. So dapat naniniwala tayo doon sa centrality, meaning kung gaano kaimportante ito para sa existence ng isang bansa na located doon sa ASEAN region.

MIKE: Opo, at nabanggit ninyo Secretary bakit—tanong noong ating Cabanatuan, Secretary nabanggit ninyo iyong tungkol sa calamity. Kasi ang bilis ngayon, talagang iyan ang problema natin. Kung sa kalye, tayo iyong highway na dinadaanang madalas ng typhoon, ang Pilipinas ‘di ba?

SEC. ANDANAR: EDSA, EDSA tayo noong typhoon.

MIKE: Oo correct, kaya nata-traffic din iyong mga typhoon sa atin. Anyway iyon iyong mabigat Secretary, so ‘pag na-establish natin sa kanila na tayo naman ay naka-ready diyan, tayo po ay nagkakasundo diyan, makukumbinsi sila kung paano sila tutulong at paano in case na kailangan natin, nandiyan kaagad sila.

SEC. ANDANAR: Oo, kasi kaniya-kaniyang experience iyan eh. Halimbawa sa calamity, alam natin na tayo nga ang dinadaanan. Pero pagdating ho sa East Asia naman kasama na iyong Japan, actually iyong Japan isa sa pinakamagaling umaksiyon kapag mayroong mga earthquake, di ba… bagyo, kumpleto sila eh.

MIKE: Kumpleto. Parang iyong tsunami noong araw ‘di ba, ang bilis nilang naka-recover.

SEC. ANDANAR: Hindi, saka nakita mo naman iyong sa… Sendai ba iyon? Iyong sa Japan na tsunami. Kahit na nagka-brownout na’t lahat ay mayroon pa ring broadcast sa TV. Alam mo kung bakit, kasi—

MIKE: Mga warning-warning.

SEC. ANDANAR: Iyong NHK TV. Iyong NHK TV, mayroon silang 3,000 cameras scattered all over Japan. Tapos, mayroon silang mga standby generators doon sa mga camera nila. Kaya kahit na mag-brownout sa isang lugar, nagka-tsunami, nagkaroon ng bagyo, tuluy-tuloy iyong broadcast.

MIKE:                                                   At ang broadcast nila, siguro lahat parang advisory/warning.

SEC. ANDANAR:                            Warning by the use of technology. Katulad sa pinuntahan namin ang  sa Tokyo. Halimbawa lumindol, tapos iyong digibox mo connected ka sa NHK, tapos patay iyong digibox mo, walang view. Iyong digibox mo mismo ang magbubukas ng TV mo, ilalagay ka doon sa channel para makita mo kung anong nangyayari.

MIKE: Automatic, ang bilis.

SEC. ANDANAR: Automatic, ganoon. So, we can learn so many things from other countries also.

MIKE: Eh sa Japan, napakadalas ng earthquake diyan kasi iyan talaga ang problema nila. Pero dahil nga sa mayaman sila at matindi ang technology nila, nakapag-update sila.

SEC. ANDANAR: Nakapag-update.

MIKE: Secretary, si Roger Codnita po ng DWAY ng Cabanatuan Sonshine Radio ay may tanong po sa inyo, iyong aming station manager. Roger, good morning.

ROGER/SONSHIE RADIO-CABANATUAN:      Yes sir, good morning Padreng Mike at sa ating magiting na Secretary, Secretary Andanar. Happy New Year po sa inyong dalawa at para sa mga libu-libong nakikinig. Ang tanong ko po kay Secretary ganito po. Unlike other ASEAN countries Secretary, ay very vocal po ang Duterte administration sa pakikipag-alyansa sa bansang China, sa ekonomiya at pati na rin siguro sa militar. Hindi kaya ito maaapektuhan ng laban ng buong ASEAN region sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands kontra China?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa tanong mo Roger. Naikot po ng ating Pangulo ang ASEAN region specifically 8 countries, except for Myanmar pati Thailand kasi kamamatay lang ng kanilang hari, eh hindi puwedeng magkaroon ng bilateral. So anyway, nandoon po tayo noong inikot ng Presidente ang mga bansang ito, at isa po ang napansin kong commonality ng halos—na majority ng mga ASEAN neighbors natin. Although mayroong iba na magkasalungat doon sa pagdating sa issue ng West Philippine Sea, eh ang mga bansang nabisita, halimbawa Malaysia, they understand that ang relasyon ng isang bansa sa isa pang bansa ay hindi nakadepende sa isang issue, kundi nakadepende doon sa napakaraming mga opportunity at issues.

So halimbawa may West Philippine Sea ka na issue, tapos mayroon ka namang education exchange; mayroon ka namang business trading, etc. Kung mapapansin mo, iyong mga bansa na mayroong problema, halimbawa sa China pagdating doon sa agawan sa Spratlys at iba pang mga…  oo, tulad ng (unclear) at ang iba pang mga lugar sa dagat na nasasakupan nila, mayroon silang malaking economic trade relations with China. The same way that the United States, although nagkakabanggaan itong world superpowers, mayroon silang malakas na economic trade. So how come, hindi tayo puwede?

So ang Pangulong Duterte, noong sinabi niya na independent foreign policy at tayo’y makikipag-usap sa China, sa Russia – ang ibig sabihin po nito ay trading, economic trading talks within these two countries. So that’s why I do not believe na ito po’y makakaapekto dahil matagal na po itong ginagawa ng ibang bansa.

MIKE: Tama iyan. Thank you Roger, si Roger ng Cabanatuan for Sonshine Radio. Secretary , itong ASEAN talaga ay napakahalaga at magiging dapat mas active talaga dito ang paghahatid ng mga information, kung ano ang magandang kabutihan nito at puwede nating gawin lahat. Actually pati iyong mga local executive dapat maging active rin Secretary, kung paano rin ayusin iyong kanilang mga lugar kung sakaling may mga delegates na pupunta roon di’ ba? Maipakitang matino at maayos iyong kanilang mga cities, iyong kanilang mga probinsiya.

SEC. ANDANAR: Oo. Sa tourism na lamang eh, kung papaano mo ima-market ang sarili mong probinsiya, iyong sarili mong siyudad. Ako nama’y sigurado na iyong mga mayor natin, gobernador ay magagaling naman, at alam naman nila kung papaano nila i-market. Pero ito iyong mga oportunidad ba Mike, na nandito na iyong mga delegado ng iba’t ibang bansa, nandito rin iyong media ng ibang bansa, it is a sign that we also have to put our best foot forward at i-market ang sarili natin. Promotion din, mayroon naman tayong… iyong mga city, mga probinsiya, kaniya-kaniyang diskarte ‘di ba? So this is really going to be a big year for the Philippines and for our President Rodrigo Duterte dahil on his 7th month ay siya na po ang… the Chairman ng ASEAN 2017.

MIKE: At saka—anyway Secretary, sa issue naman po ng security. Kumusta po ang paghahanda ng Department of Interior and Local Government, ng Philippine National Police o ang lahat ng mga security personnel na ide-deploy o i-a-assign dito?

SEC. ANDANAR: Puspusan po ang paghahanda pagdating sa security. Alam naman natin, pagdating sa usaping terorismo, ito naman ay—

MIKE: Problema ng mundo iyan.

SEC. ANDANAR: Problema ng mundo, international problem at ang ating bansa ay hindi naman excuse diyan ‘no. So ang ating kapulisan, ang ating Armed Forces of the Philippines, ang ating status ngayon, nasa heightened alert tayo at nasa… iyong dineclare (declare) ni Presidente noon na state of lawless para mas lalong matulungan ang kapulisan para ma-manage ang seguridad ay nandiyan naman. So, makakaasa naman lahat na everything is under control.

MIKE: Tama iyan, at kaya ko natanong iyon kasi Secretary ako naniniwala… ewan ko kung iyon din ang basa mo at nasa Malacañang. Iyong campaign laban sa illegal drugs ay napakahalaga, kasi iyong mga gumagawa ng mga krimen, lahat iyan mga adik eh – ultimo iyong carnap—ng nagka-carnap, adik iyan. Iyong kidnap-for-ransom, gumagamit din ng drugs iyan at iyong mga bank robberies, iyong malalaking holdup syndicate na iyan, mga adik din ang iba diyan. So noong kampanya laban sa drugs na nabawasan iyan, nabawasan din iyong ibang krimen, ganoon na lang iyan Secretary.

Well sa isyu naman po ng ano, siyempre importante communication, security, accommodation, diyan tayo. Kasi alam mo napakaraming mga delegado nito. Iyon bang ating mga hotel, ang ating mga magagandang lugar dito, ready pa sila? At siyempre ang private sector, involved dyan.

SEC. ANDANAR: Oo, ready’ng-ready naman. Siniguro naman ito ng ating gobyerno, na National Organizing Committee sa pangunguna ni Ambassador Paynor, na i-situate iyong ating mga delegado sa lugar kung saan maraming magagandang hotel. Marami tayo diyan sa Roxas Boulevard, bagong hotel din ang… mga 5-star hotel. So, wala hong problema pagdating sa accommodation ng ating mga delegation ng iba’t ibang bansa.

MIKE:  Ako, taga-Quezon City noong araw. Alam mo Secretary sa Quezon City ‘di ba, halos mabibilang mo lang sa kamay mo, mangilan-ngilan lang ang hotel diyan, ngayon ang dami. Sa Timog, Morato at kung saan-saan diyan, maging diyan sa area ng Cubao, ang dami nang mga hotel na bago. Malalaki ha, as in 5-star o 3-star hotel, dati wala iyan. So Quezon City pa lang iyon, siyempre sa Metro Manila ito at sa Davao lalo na, ang gaganda ng hotel sa Davao. Pupunta rin yata ng Cebu.

SEC. ANDANAR: Oo, mayroon ding… kasi 100 ministerial meetings ito eh. So iba’t ibang lugar sa buong bansa. Sa Tagaytay, Baguio…

MIKE: Isa pa Secretary, dahil kasi ikaw iyong PCOO talaga so ang lahat ng mga information na security, accommodation, iyong ating communication, sana lahat iyan. May mga WIFI ba Secretary? Importante iyong Internet. Anong plano diyan?

SEC. ANDANAR:  Importante ho iyan. Kung ano iyong paghahanda noong last APEC, we have a very good preparation, iyon din po ang paghahanda natin at sisikapin nating higitan pa. Kasi alam mo naman, eh there’s no way but up ‘no. Tapos pagdating naman sa communication, sa paglahad ng impormasyon sa mga nangyayari doon sa, halimbawa sa mga event, seminar, etc., ang in charge po diyan pagdating sa mga substantive ay ang Department of Foreign Affairs, si Undersecretary Enrique Manalo.

MIKE: Ah okay. Well, tungkol naman sa ating mga airport. Kasi talagang magbibiyahe iyan, domestic at international dito sa buong Metro Manila, sa ating mga airport, maaring iyong Clark magamit, sa Cebu International Airport, ang Davao, sa ganiyan iyong mga gagamitin, lalo na itong Metro Manila.

SEC. ANDANAR:  Oho lahat ho, talagang kasado na ho tayo para sa ASEAN 2017.

MIKE: ‘Ayan, okay. So January pa lang po ay ready na pala tayo sabi ni Secretary. Kaya iyong pagsuporta ng taumbayan, proyekto na pinakamahalaga, ang ayusin natin ang ating pagtanggap sa kanila lahat. Dahil bawat isang bansa ang dami ng delegado po niyan Secretary ‘di ba? Ang daming kasama niyan eh, iyong mga minister nila, cabinet secretary nila, lahat iyan may mga staff, iyong iba kasa-kasama pa minsan ang pamilya. So lahat iyan naka-check in saka magbibiyahe. Mayroong malayo sa event pero nagsha-shopping kung somewhere, may mga ganiyan eh. ‘Di ba, pupunta sa mga mall natin na maayos, kaya dapat iyong mga anak or pamilya noong mga opisyal, baka akala ninyo walang kinalaman. Kung minsan, iyon po iyong nakakadiskubre ng kakaiba, so dapat bigyan din ng proteksiyon iyon.

SEC. ANDANAR: Bigyan ng proteksiyon, at itong mga detalye na ito ay ibibigay sa atin ni Ambassador Paynor o sa mga lahat ng sasali, sa organizing committee, sa pag-organize ng mga seminar saka mga convention, etc. Lahat, as in mga… unilaterally by January 15 onwards.

MIKE: Well Secretary, iyong ASEAN ang ating napag-uusapan pero mayroon tayong isang papalapit na isang international event – iyong ating Miss Universe.

SEC. ANDANAR: Naku, oo.

MIKE: Naku eh, January 30—

SEC. ANDANAR: Iyon ang paborito mo, ‘di ba? 

MIKE: Marami, sigurado iyan. Darating yata next week iyong mga candidates.

SEC. ANDANAR: Mga kandidata.

MIKE: O kaya sila po, nakahanda na iyong ating gobyerno.

SEC. ANDANAR: Oo, ang mga kandidata pupunta sa iba’t ibang lugar. Wala lang sa harapan ko kung saang mga lugar.

MIKE: Pupunta ng Ilocos, pupunta ng Davao ‘di ba parang… kung hindi ako nagkakamali pupunta pa yata sa lugar namin sa Batangas.

SEC. ANDANAR: Ah, ganoon.

MIKE: Oo, nasama doon sa listahan noong isang araw. Nabasa ko na kuwan…

SEC. ANDANAR: Pupunta ka?

MIKE: Ah, susundan ko rin iyon ‘pag (laughs). Okay, so ready na para ho sa Miss Universe na gagawin, January 30. Anyway Secretary, may tanong po si William Valencia ng DYAR Cebu, Sonshine Radio Cebu ha. William, ito iyong aming station manager sa Cebu. William, good morning.

WILLIAM/SONSHINE RADIO CEBU:   Yes good morning, ka-partner Mike. Kay Secretary Andanar, Secretary ng PCOO. Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Maayong buntag, William. 

WILLIAM/SONSHINE RADIO CEBU:   Sir ano bang, para sa gaganaping na ASEAN meeting o summit dito sa ating bansa, ano iyong magiging partisipasyon ng Visayas at ano ba iyong mga schedules na nakahanda para naman dito sa Cebu, sa mga areas dito sa Visayas mismo?

SEC. ANDANAR: Wala sa harapan ko ho iyong schedule William, pasensiya ka na. Ang mayroon lang sa akin iyong mga general schedule, like for example ang magiging first summit, mangyayari ngayong Abril. Tapos iyong second sa Agosto, at iyong last will be on November. Pero ang gagawin ko, ay kukunin ko iyong schedule mismo kasi wala pang pinapasa sa amin ang National Organizing Committee pati ang DFA. Pero once I get the copy, ipapadala ko dito kay Mike.

MIKE: Saka hindi Secretary, singit lang ako. Babalik ka naman dito eh. Definitely babalik si Secretary, kasi serious po itong pagtutok talaga dito sa ating ASEAN Summit William.

WILLIAM/SONSHINE RADIO CEBU:   Ah, okay. Para sa kapakanan naman nitong mga kapatiran natin, mga partners natin dito sa Cebu, ka-partner (unclear) Secretary Andanar.

MIKE: Oo, tama iyan. William anong tingin mo, naka-ready ba ang mga taga—handa na ba ang mga taga-Cebu? Itong event na ito, mahaba-haba ito ha, from January to November.

WILLIAM/SONSHINE RADIO CEBU:   Handang-handa na nga Partner Mike, talagang handa na nga ang Cebu sa unang leg ng gagawing… sa sinabi mo kanina na Miss Universe Swimsuit Competition na gagawin nga dito sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

MIKE: Okay. William, thank you. William Valencia mga kaibigan, ang amin pong station manager ng Sonshine Radio diyan nga po sa Cebu. Dahil ang Cebu alam mo naman Secretary, isa sa mga mayaman at napakagandang lugar dito. Talagang iyong mga delegadong iyan, lahat ng delegates na iyan matutuwa ‘pag nakarating doon.

SEC. ANDANAR: Oo, nandiyan iyong magagandang mga beach ‘di ba, magandang… iyong mg sutokil, ‘di ba? Kilawin, humba, kilawin at ano iyon… suho, (unclear), kilawin, ano, iyong tinola.

MIKE: At saka, pati iyong environment dyan maganda. Ang gaganda ng mga beaches diyan, lalo na iyong—banggitin ko na, iyong Shangri-La Hotel ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Naku, hindi pa ako nakakapunta diyan.

MIKE: Ako, nakapunta na ako diyan.

SEC. ANDANAR:  Nakapunta ka na diyan?

MIKE: Nakapunta na ako diyan. Matagal na, noong bago pa. Hindi na ako nakabalik, Napakamahal eh (laughs).

SEC. ANDANAR: Hindi ka nakabalik?

MIKE: Eh hindi na ako bumalik doon, kasi sobrang mahal nga. Pero ang ganda naman kasi. Alam ninyo iyong Shangri-La Hotel na iyan, ang tabi dagat ‘di ba? Kung gusto mo mag-ano, mayroong swimming pool doon. Kung gusto mo naman dagat, diyan ka lang, tabi-tabi lang. Kung gusto mo ng tabang, doon sa gilid. Gusto mo ng maalat, doon sa banda roon.

SEC. ANDANAR: Kung gusto mo tamis…

MIKE: Oo, diyan sa gilid-gilid…

SEC. ANDANAR: (Laughs)

MIKE: Hindi ko ho kakilala may-ari niyan, pero noong bago kasi may nag-imbita sa amin diyan eh. Sabi ko ibang klase itong Cebu, ‘ayan ang dami nang mga malalaking hotel ngayon ‘di ba? Ang laki.

SEC. ANDANAR: Naku, parang gusto kong makapunta sa Shangri-La.

MIKE: Saan ka ba nagpupunta roon? Baka doon ka sa ano…

SEC. ANDANAR: Doon lang ako sa mumurahin (laughs).

MIKE: Sa kanila, ang dollar kasing usapan doon (laughs). Hindi ka pala makakabalik kapag konti ang dollar mo.

SEC. ANDANAR: (Laughs)

MIKE: Pero, tamang-tama doon sa mga delegates hindi ba? Naku, pati nga itong mga Miss Universe ano, ‘pag nagpunta roon matutuwa talaga. Sigurado iyan, eh dalawa ang lasa ng tubig diyan, tabang at saka maalat.

SEC. ANDANAR: Oo (laughs).

MIKE: Hindi lang po iyong danggit ang maalat doon ha, iyong matamis-tamis mayroon din doon. Alam ni Secretary—

SEC. ANDANAR: Alam ko matamis doon, mangga. Iyong mangga (laughs).

MIKE: Sige. Anyway… well alam ninyo ito hong aming pagkikita at saka pag-uusap na ito ni Secretary, kasuwal na po ito. Pero nandoon po iyong layunin naming iparating sa inyo ang mga nangyayari, na sa loob ng nakaraan pong six months ng ating pamahalaan, ng ating Pangulong Duterte. At ito, full time na talaga dahil itong buong taon ay gobyerno na po ng ating Pangulong Duterte talaga, dahil kasi nababanggit ni Secretary na kalahati lang noong taon sa inyo saka iyong budget hindi ba, kaya nga hindi kayo gaanong nakagalaw. Kaya ito mula January 1 hanggang 31 ng December, kayo na ito eh.

SEC. ANDANAR: Ito na iyon.

MIKE: Buong gobyerno, buong budget, lahat ng power, lahat ng gustong gawin, puwede nang magawa.

SEC. ANDANAR: Puwedeng-puwede na. Makikita ninyo na talaga—

MIKE: (Unclear) na kayo lahat, pati ikaw kasi tapos ka na sa CA. Full time… kung sa (unclear) may dalang baril, mayroon na siyang (unclear), eh mayroon pa siyang lisensiya. Nasa kaniya na lahat ng power sa PCO ‘di ba?

SEC. ANDANAR: (Laughs)

MIKE: Natawa si Secretary. Babalik at babalik ka rito kapag may time ka.

SEC. ANDANAR: Oo naman.

MIKE: Kung gusto mo kapag may bakante ka, mag-co-host ka rito.

SEC. ANDANAR: Puwede.

MIKE: Para iyong nakuha niya sa Malacañang, ikaw na mismo magbabalita sa amin.

SEC. ANDANAR: Walang problema. Natawa nga ako eh, in-interview ako ni… si Aira Panganiban sa Inquirer, pagkatapos si Den Macaranas. ‘Di in-interview ako, “Secretary, ano ba iyong masasabi mo doon sa sinabi ni DSWD Secretary Taguiwalo doon sa humihingi ng libreng gamot doon sa one billion?” “Sandali lang ha, tatawagan ko lang. Ipo-phone patch ko.” (Laughs) Parang naging reporter.

MIKE: Naging reporter ka, tsakanagsalita ngayon.

SEC. ANDANAR: Pero ngayon ha ito, “Secretary Taguiwalo live ho tayo. Kasama natin ngayon si Aira… ah ito iyong tanong.”

MIKE: Hindi na nakatanggi sa iyo dahil ikaw na rin iyong tumawag sa kaniya.

SEC. ANDANAR: Hindi na ho.

MIKE: Ang importante… iyon iyong advantage mo Secretary, iyong sa pag-ano, iyong established ka sa media before na nandiyan ka. So alam mo iyong buhay namin, alam mo iyong buhay ng industriyang ito kung paano iyong… paano i-deliver ang balita, paano hanapin ang balita at ano ang epekto ng nagkakamaling balita o iyong alam mo na, marami nang ganoon. So, kaya napakadali mong harapin ito kung papaanong itama or paano i-manage talaga iyong dissemination ng information ng buong gobyerno (unclear) talaga.

SEC. ANDANAR: Oo nga, and sa atin naman Mike eh trabaho lang tayo. Eh binigyan tayo ng tiwala ng ating Presidente at ang taumbayan, ito’y public service at para… kami sa Communications naman basta trabaho lang nang trabaho. Kung anong utos ni Presidente, gawin lang nang gawin para at least mabilis iyong pagbabago na gusto natin.

MIKE: Actually iyon naman talaga kailangan, hindi naman pupuwede kasing… hindi katulad noong—ayaw ko nang banggitin kung sinumang nakaraang administration, parang ‘pag walang inuutos iyong presidente, ayaw gumalaw noong Gabinete, iyon ang mahirap. ‘Di ba noong ikaw nasa media ka pa, ‘di ba napapansin natin na… madalas napapansin ko iyong ang dami nang sinabi ng Pangulo, iyong Gabinete hindi pa gumagalaw. Ay kay Presidente Duterte hindi puwede iyon.

SEC. ANDANAR: Hindi puwede.

MIKE: Naku, tatawagan ka, “Martin anong nangyayari?”

SEC. ANDANAR:  He will call you out. Huwag mong hihintayin na tatawagan ka ni Presidente.

MIKE: Iba na iyon ‘pag tumawag iyon.

SEC. ANDANAR: Naku ‘pag tumawag iyon—

MIKE: Hindi ka makakapagkape.

SEC. ANDANAR: Magtago ka na.

MIKE: Sabi na nga ba eh.

SEC. ANDANAR: Hindi, kasi kaya… si Presidente kasi ay napaka-workaholic, action-oriented.

MIKE: Madaling araw nagtatrabaho pa rin.

SEC. ANDANAR: At sinabi niya sa mga speech niya, “I am impatient. Matanda na ako, I’m impatient.” Gusto niya mabilis ang takbo ng gobyerno. Kaya ‘pag in-assign sa iyo, noong unang kinausap ako ng Presidente ay sabi niya sa akin, “Alam mo Martin, hindi naman ako iyong micro-manager. Pinapabayaan ko, gawin mo iyong trabaho mo, diskarte mo, bahala ka na.” So kung ikaw nakikita mo ang Presidente, Diyos ko nagtatrabaho hanggang madaling araw, eh mapapahiya ka ‘pag hindi ka gumalaw.

MIKE: Pangit iyong si Presidente nagpe-press conference ng madaling araw, tulog ka ‘no.

SEC. ANDANAR: You are here, we are all here to solve the problem of the President and the problem of the nation. Wala kami dito, mga cabinet member para madagdagan ang problema ni Presidente. Iyon, to solve his problem at…

MIKE: Tama iyong sinabi mo, ako nadinig ko rin iyan eh. Kasi noong nagpupunta ako doon, madalas nababanggit na niya, “Ako, ayaw ko nang tinatawagan ko pa iyong mga tao,” kahit iyong sabi niya sa city hall, iyong mga taga-Davao, “hindi ko na kailangang tawagan iyang mga iyan. Kusa silang gagawin kung anong gagawin nila.” So sa inyo, ganiyan din ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi iyon ang ugali ng Presidente. So ako naman sa PCOO, ang ginagawa ko ay ginagawa na iyong trabaho ko five steps ahead, ten steps ahead. Oo, para at least iyong mga inutos sa akin Presidente, iyong mga… nagawa na. Kumbaga ano na, talagang ginagawa na para ‘pag nagtanong siya, ‘ayan na kaagad iyong… So far, hindi pa naman ako tinatawagan.

MIKE: Kasi kapag tinawagan, eh iba na iyon. Kapag tumawag ay may problema saka talagang iba maririnig mo. Iba ang maririnig mo. Kumusta ba iyong ano, ito ha, para naman malaman din ng ating mga viewers at sa ating mga nakikinig. Iyong kapag gabinete, ibig sabihin iyong cabinet meeting, siyempre siya ang nagpe-preside diyan. Ano, naging smooth naman iyong… na coordination ng lahat?

SEC. ANDANAR: Ang Presidente po talaga sa cabinet meeting, doon siya nagha-hands-on. Pinapakinggan niya bawat presentation ng cabinet official kahit na mga numbers na iyan. Alam mo iyong, minsan ‘di ba sa presentation aantukin ka lang ‘pag sobrang… puro number na eh. Pero si Presidente grabe, talagang binabasa, pinapakinggan, binabalikan, tinatanong. Ano talaga siya…

MIKE:  Obligado na ikaw—halimbawa ikaw cabinet secretary, iyong cabinet meeting asahan mo lang na ikaw ay… kailangan naka-ready ka roon.

SEC. ANDANAR: Oo, kasi mayroong schedule iyan ‘di ba. I-present mo na lahat, at ‘pag nag-present ka siguraduhin mo na well-researched iyong ginawa mo, talagang pinag-aralan nang husto.

MIKE: Kasi baka tanungin ka.

SEC. ANDANAR: Oo, tatanungin ka. Eh ‘pag wala kang masagot, naku magtago ka na.

MIKE: O kaya ‘pag hindi mo nasagot, ibig sabihin ang gumawa niyan tao mo lang na hindi mo ni-review.

SEC. ANDANAR: Na hindi mo ni-review. So kailangan alam mo ang lahat ng…

MIKE: Mag-CR ka muna ‘pag nagkamali uli ka dahil iba na ang dating noon.

SEC. ANDANAR:  Huwag ka nang bumalik (laughs).

MIKE: Huwag ka nang bumalik, next meeting na lang (laughs). Pero iba eh, hindi katulad ng—alam ko iyan kasi noong araw nag-cover din ako ng Malacañan. Iyong ibang presidente na pinuntahan namin diyan, parang ilang beses nagagalit iyong presidente, iyong secretary nakangiti lang eh. Eh parang kay Presidente, ‘pag si Presidente nagalit, hindi ka na makakangiti.

SEC. ANDANAR: Hindi, kasi talagang… ano talaga si Presidente eh.

MIKE:  Iba ano.

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong purong jokes, mayroon ding time for seriousness.

MIKE: Hindi ba puwedeng wala iyon ‘no?

SEC. ANDANAR: Hindi…

MIKE: Actually iyon naman ang kailangan natin. Kaya, alam ninyo ito, iyong sad story na po ito, kaya lang namin binabanggit kasi para lang ma-establish namin sa inyo na, katulad noong sinabi kanina at lagi kong binabanggit iyong sa aming broadcast araw-araw, iba kaysa iba si Pangulong Duterte. Kasi nakilala ko ‘tong nasa Davao talaga na… ‘di ba iyong kaniyang salita kasi may laman eh. At saka…

SEC. ANDANAR:  Command. Command talaga, command.

MIKE: Oo, aksiyon, dapat may development.

SEC. ANDANAR: Walang eche-bureche. Wala eh, no beating around the bush.

MIKE: Correct. Kaya iyong cabinet meeting na iyon, kaya pala inaabot kayo ng ilang oras ano.

SEC. ANDANAR: Nagsisimula ng alas dos, natatapos ng mga alas diyes y media/alas onse.

MIKE: Halos six hours, ganoon kahaba.

SEC. ANDANAR:  Dati kasi ang plano once a month, pero ngayon ang nangyayari nagiging twice a month na eh.

MIKE: May mga emergency pa.

SEC. ANDANAR: Oo.

MIKE: Pero iyon naman mabuti, alam mo kung bakit? Kinokonsulta ng Presidente sa gabinete ang lahat. Hindi naman maganda iyong lahat ng ibang gabinete hindi pa alam. Ibig sabihin nagde-decide lang ang Presidente, pangit ‘di ba? Parang i-implement na, hindi alam ng iba. Ito, ikinokonsulta ang lahat.

SEC. ANDANAR: Kinokonsulta lahat, oo.

MIKE:  Kaya napapadalas iyong… lately naalala ko noong nakaraang mga pamahalaan eh, minsan ang Malacañang reporter naghahanap, walang cabinet meeting. Hindi alam kung anong nangyayari. Well, so anong tingin mo? Iyong pagpasok mo sa pamahalaan Secretary, ibang-iba ito kaysa noong nasa media ka.

SEC. ANDANAR: Definitely.

MIKE: Iba iyong responsibilidad at saka ano?

SEC. ANDANAR: Pero ang pagkakaparehas lang Mike, kasi ang media vocation siya ‘di ba? So, it’s really hard work, dedication sa trabaho at public service. So ganoon din naman sa gobyerno, dedication. Ang pinagkaiba lang nito ay iyong sinusuweldo ko eh taxpayers’ money. So parang… hindi parang, mas mabigat ang responsibilidad ko.

MIKE: Mga kababayan kasi iyan.

SEC. ANDANAR: Sa taumbayan, hindi naman ‘to ano eh, hindi naman sa private…

MIKE: Hindi katulad ng private, ilang boss lang ang iyong papakisamahan diyan.

SEC. ANDANAR: Pag lalakad ako, ikaw pinapasuwelduhan mo ako eh. (unclear) Kahit saan ako magpunta, ikaw nagpapasuweldo sa akin.

MIKE:  Iyan iyong mga boss, mo ‘di ba? Sabi nga ng ating Pangulo, ‘di ba sinasabi ng Presidente, “Eh kaya ko ipinamimigay iyan eh sa taumbayan naman iyan. Hindi naman akin iyan. Bakit ko…” ‘Di ba, parang bakit niya naman itatago, may mga ganoon hong pagkakataon. Pero Secretary, iyong… alam ko ho si Secretary ho napaka-busy nito, pinagbigyan lang tayo. Actually, nag-e-extend na tayo ng ilang minuto. Isa pang… bago ito. mayroon akong isang tanong. Secretary, iyong style ng Pangulo medyo iba kasi nga sa gabi or madaling araw nagtatrabaho eh. Ano bang—paano na-a-address ito ng PCOO? Papaano ito nasusubaybayan ninyo, eh mas madalas na siya weekend nasa Davao, so medyo malayo.

SEC. ANDANAR: Hindi, mayroon po tayong manpower adjustment. Pinag-aralan naman iyan, na mayroon tayong assigned sa gabi, mayroon sa araw. Tapos with our technology na rin Mike, mas madaling i-monitor ang mga statement ni Presidente. Alam naman natin na ang PCOO ay nakipag-partnership officially with Facebook, kaya lahat ng sinasabi ng Presidente sa mga talumpati na naka-live sa TV, ay live pati sa Facebook. Mga 40 million Filipinos nagpe-Facebook…

MIKE: Iyong iba nagpa-Facebook na madaling araw pa lang, nakikita nila live eh.

SEC. ANDANAR: Oo, tapos nasa cellphone, minsan sa Sonshine naka-live, minsan da ibang mga istasyon naka-live. So madaling… sa technology, tapos adjustment and schedule of manpower.

MIKE:  ‘Ayan, okay. Samantala mayroon lang hong tanong dito mula sa DWFI, Sonshine Radio sa Santiago, Isabela. Sa darating po na ASEAN Summit, sana po ay palakasin daw po ang ugnayan ng bansa saka po ASEAN member-countries, hindi lang iyong trading ano, (unclear) sa agriculture raw po. Okay naman siguro.

SEC. ANDANAR: Hindi, okay po. Okay po talaga iyan. Noong nandoon po tayo sa Cambodia at nag-usap po si Pangulong Duterte at si Prime Minister Hun Sen ay napag-usapan nila iyong ano, iyong ugnayan, iyong exchange of technology, pagdating sa—

MIKE: Sa technology at agrikultura.

SEC. ANDANAR: Sa ano, sa agriculture, rice. Tapos kasi sabi nila, nakuha namin iyong ano namin, iyong rice namin, iyong mga variety sa IRRI. Mayroon silang hinahanap na isang variety na hindi na nila ma-trace kung saan, pero ang IRRI lang ang mayroon. Humihingi sila ng ganoong klaseng… at the same time, tayo din naman ay humingi ng tulong kapag kinapos tayo sa bigas, na huwag sanang tumigil iyong kanilang mga stocks para sa ating buffer stocks.

MIKE: Kasi iyang tanong na iyan, sa ating Sonshine Radio sa Isabela, iyan naman ang priority sa Isabela. Talagang iyan ang hanap-buhay ng mga farmers, iyong technology kailangan ding ma-upgrade iyan eh.

SEC. ANDANAR: O technology. At doon po rin na si Secretary Manny Piñol ay puspusan ang kaniyang pagtatrabaho para ma-solve na itong ating rice sufficiency problem sa bansa natin.

MIKE: Okay. Well, hindi na ho tayo masyadong magtatagal pa dahil marami pa hong lakad si Secretary. Alam ko ho, kanina pa hong madaling araw ito umalis ng bahay at umiikot-ikot dahil nga po gusto niyang maiparating sa taumbayan ang lahat ng mga ginagawa ng gobyerno at mga paghahanda para ho sa ASEAN Summit. Samantala, salamat sa mga taga-Quezon City at Cagayan de Oro, Valenzuela, Japan, Texas… aba… Nagoya, sa Japan iyan, Kuwait, Saudi Arabia, okay, Singapore, iyan po iyong mga nanonood sa atin.

Secretary, dahil alam ko hong masyadong busy nga po kayo, ganoon pa man, anong plano po ninyo? Talagang itong year, na itong 2017 at saka itong tungkol sa ASEAN Summit, gagawin talaga ninyo iyong… madalas na ho talagang paglapit sa mga media network?

SEC. ANDANAR: Opo. Ang plano ko ho this year sa PCOO, well, ang inyong lingkod po ay bibisita sa mga radio stations… mayroon akong naka-schedule na, nakalaan na 3 times a week na, parang bibisita sa studio (unclear). O tapos, ganoon din po sa provincial station, mayroon po tayong roadshow ng PCOO para ma-explain iyong ASEAN, para ma-explain iyong FOI, ma-explain iyong (unclear) on media killing…

MIKE: Marami, ang dami pa.

SEC. ANDANAR: Lahat po ng mga programa ng PCOO, nilalapit po namin iyong PCOO, Presidential Communications Operations Office sa taumbayan para malaman ninyo kung anong nangyayari sa Palasyo.

MIKE Tama. Saka hindi lang itong ASEAN, iyong nabanggit mo (audio disrupted) lalo na iyong issue ng death penalty na pag-uusapan, na maraming dapat gawin diyan. So alam mo, welcome ka rito sa SMNI Secretary.

SEC. ANDANAR: Salamat. Salamat.

MIKE: Nandiyan naman si partner Hannah sa Malacañang na araw-araw na nakasama mo rin sa Malacañang, iyong aming reporter. So, at anytime na gusto mong pumunta rito, welcome. Banggitin mo lang sa kaniya at ready kami rito.

SEC. ANDANAR:  Sige po.

MIKE:  Hihinaan namin ang aircon sa susunod na pagbalik mo. Nilalamig, inuubo tuloy si Secretary. Secretary hindi na ho namin… anyway, si Secretary Martin Andanar po, ito parang barkada lang namin kasi ang tagal na ho namin sa media, nagkasama pa kami doon sa kanilang network. Kaya talagang kaswal na kaswal ho ang aming pag-uusap, pero mahalaga ito para sa ating lahat, para sa inyo, ang posisyon po ng Presidential Communications Office, pinakamahalaga halos sa atin iyan, sa buong gobyerno. Kasi sabi ko nga iyong ibang cabinet secretary, ibang departamento dapat sa kaniya rin manggagaling ang mga announcement niyan, ang mga balita maliban doon sa kanilang mga sariling mga spokesperson.

Secretary panghuli na lang. Anong message mo, anong gusto mong sabihin? Hindi ito una/huli, ito po’y masusundan pa Secretary sa amin pong mga viewers/listeners po ng SMNI News Channel at ng Sonshine Radio nationwide/worldwide.

SEC. ANDANAR:  Simula lang po ito, gaya po ng sinabi ni Mike, masusundan pa itong pagbisita natin dito sa SMNI. At tayo po’y nagpapasalamat sa taumbayan sa suporta na binigay ninyo po kay Pangulong Duterte – 83% sa Pulse Asia at napakaano po, talagang nakakataba ng puso ang inyong suporta. Ito’y nagpapakita lamang na naiintindihan po natin ang taumbayan na hindi po kaya ng isang Pangulo, hindi po kaya ng tatlumpung cabinet members ang baguhin ang buong bansa. kailangan po 102 million Filipinos para tumulong, to rally behind the government para mas mabilis iyong pagbabago na inaasam-asam natin.

At huwag ninyo pong kakalimutan na sa January 15 na po ang launching ng ASEAN sa Davao City. Kung gusto ninyo po ng mga impormasyon about ASEAN, mayroon po ngayon sa Facebook page ng Presidential Communications, at makikita ninyo po doon ang iba’t ibang video, at puwedeng i-share ninyo po para mas lalong maraming Pilipino po ang makakaalam kung ano ang programa ng gobyerno para sa ASEAN 2017. Maraming salamat po.

MIKE: Thank you. Si Secretary Martin Andanar po ng Presidential Communication Office po – siyempre, Office of the President.

SOURCE: NIB Transcription