PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA 
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang
07 Jan 2016
OPENING STATEMENT

Magandang hapon sa inyong lahat.

The Department of Energy is coordinating efforts to ensure continuous and reliable power supply in Mindanao. According to Secretary (Zenaida) Monsada, an additional capacity of up to 600 megawatts will come on stream in the first half of this year starting with the additional 150-megawatt thermal power plant of the Aboitiz Group, which the President will inaugurate tomorrow.

Also according to Secretary Monsada, on the bombing of transmission towers, the operations of 14 out of the 15 towers have resumed. The provincial government of Lanao del Sur led by Governor (Mamintal) Adiong is working with other concerned local government units, as well as the National Grid Corporation of the Philippines to beef up security for these transmission towers and to address right of way issues with land owners where these towers are located.

We note that the power supply for the Mindanao region is derived from a combination of sources including the existing hydroelectric power plants. The power grid in the region is not solely dependent on these transmission towers, which are connected to the Agus-Pulangi hydroelectric power plants

I am now ready for your questions.

QUESTIONS AND ANSWERS

Nel Maribojoc (UNTV): So, sir, hindi naman po tayo naniniwala na magkakaroon tayo ng problema sa darating na eleksyon dahil we have four months to go dahil dito sa problema nga po sa suplay ng kuryente sa Mindanao?

SEC. COLOMA: Kasama ‘yan sa programa ng Department of  Energy, ‘yung pagtitiyak na mayroong sapat at maaasahang suplay ng kuryente, lalong-lalo na sa panahon ng eleksyon. (Kung) maaalala natin naisagawa ‘yan noong 2013 at isasagawa muli sa 2016.

Ang mahalaga lang doon sa aking pahayag, unawain natin ‘yung power situation sa Mindanao na mayroong hydroelectric at mayroong hindi hydroelectric. Iyong tinutukoy na itinumba at naibalik na mga tore patungkol lang ‘yon sa hydroelectric. Iyon lamang po ang dapat nating maunawaan.

Roices Naguit (TV-5): Sec, just a Malacañang reaction, sabi po ni Senator Grace Poe dapat na daw pong palitan or sibakin ni Pangulong Aquino si DOTC Secretary (Joseph Emilio) Abaya because of his “shortsightedness” and “incompetence.” Sabi po niya tatlong taon nang nagtitiis ‘yung mga commuter at masyado na raw pong mahaba ‘yung panahong naibigay kay Secretary Abaya pero wala pa ring nangyayari at maanomalya rin daw po ‘yung agreement sa MRT?

SEC. COLOMA: All Cabinet secretaries serve at the pleasure of the President and their performance is continually being assessed by the President as Chief Executive. Pertaining to the day-to-day problems faced by commuters in Metro Manila, the President has tasked the DOTC and other concerned agencies to address these problems with effective solutions. Additional transport infrastructures are also being built and planned to provide long-term solutions for the benefit of our citizens. 

Ms. Naguit: Sir, sabi niyo po ina-assess ni Pangulo ‘yung performance ng bawat Cabinet secretary, so can we say na since hindi pa naman po niya sinisibak si Abaya, e satisfied pa po siya at kuntento doon sa trabaho despite po ‘yung mga criticisms and ‘yung concerns ng mga commuters?

SEC. COLOMA: Iyan ang batayang prinsipyo na ang Pangulo bilang Chief Executive ay siyang pinuno ng buong pamahalaan kabilang na ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon. Lahat ng mga pinuno ng kagawaran ay alter ego ng Pangulo at ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Iyong pananatili nila ay nasa pagpapasya ng Pangulo.

Ms. Naguit: Sec, can you confirm if nasa loob po ngayon at ipinatawag daw ng Pangulo si Secretary Abaya and ano po ‘yung agenda?

SEC. COLOMA: Sa buong panahon ng kanilang pagpupulong nandito ako sa NEB (New Executive Building) at naghahanda ako para dito sa ating briefing. Kukunin natin ‘yung impormasyon.

Patricia de Leon (CNN Philippines): Sec, just a reaction on the recent statement of DOH (Department of Health) Secretary (Janette) Garin, she said that the budget for contraceptives was scrapped despite the RH Law. Any reaction on this, sir?

SEC. COLOMA: Ayon kay Secretary Garin, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa lahat ng stakeholders hinggil sa pagpapatupad ng mga layunin ng RH Law. Ang Department of Health na ang gagawa ng mas komprehensibong pahayag hinggil diyan.

Leo Navarro-Malicdem (Brigada News): Sir, confirmation lang po kung sino-sino ‘yung mag-o-oathtaking mamaya?

SEC. COLOMA: Kukunin natin ‘yung impormasyon dahil wala sa aking kamay ngayon.

Reymund Tinaza (Bombo Radyo): Sir, I understand you just sent us the confirmation of the appointment of the new Bureau of Immigration commissioner, vice Siegfred Mison. Sir, meron ba kayong detalye kung what was the reason why Commissioner Mison was being replaced by a new commissioner?

SEC. COLOMA: Ang naipahiwatig sa atin ay ‘yon lamang hinggil sa opisyal na paghirang na isinagawa kahapon kaya meron na tayong bagong BI commissioner. At tinukoy natin ito ‘nung mga nakaraang araw na ‘yung performance ng BI commissioner ay subject sa evaluation ng Department of Justice na may supervision hinggil dito, at ‘yung pananatili ng mga presidential appointees katulad ng BI commissioner ay nasa pagpapasya rin ng Pangulo.

Ms. Naguit: Sec, update lang po doon sa gagawing protesta ng gobyerno kasi yesterday nagpalipad naman daw po or nagsagawa na naman daw po ng test flight ang China doon sa kanilang artificial island na itinayo doon sa disputed part ng West Philippine Sea.

SEC. COLOMA: Patuloy na pinag-aaralan at pinaghahandaan ng DFA (Department of Foreign Affairs) ang hinggil sa bagay na ‘yan at hinihintay natin ang kanilang update. 

Catherine Valente (The Manila Times): Sir, can you confirm po reports that at least three Filipinos sir among those arrested in Saudi Arabia for terrorism daw po. May confirmation na po tatlong Filipino daw po ‘yung naaresto sa Saudi Arabia for terrorism?

SEC. COLOMA: Kailangan nating alamin ang correctness or validity of that report. Wala pa tayong kumpirmasyon.

Ms. Valente: Sir, ‘yung sa meeting kahapon iyong about sa measures, naumpisahan na po bang pagplanuhan kung ano po ba ‘yung magiging measures na gagawin if ever po doon sa nangyari po sa Saudi and Iran na conflict po?

SEC. COLOMA: Unawain natin na sa lahat ng lugar na merong Pilipino at ang ating mga kababayan ay nasa napakaraming bansa, meron nang umiiral na standard policies and procedures dahil bahagi ito ‘nung  assistance to nationals ng ating pamahalaan. Nariyan ang ating mga Embahada, Consulada, meron ding mga tanggapan ‘yung ibang kagawaran katulad ng Department of Labor (and Employment). At sa ating pinag-uusapang lugar, ang Middle East, meron na tayong mga naging recent experiences under the current administration kabilang na ‘yung nangyari sa Libya at sa Egypt. 

Kaya patuloy na pina-fine-tune at ina-update ‘yung mga plano na dati nang naihanda para tiyakin na ito ay magiging epektibo kung anuman ang sitwasyon na maganap at patuloy na mino-monitor ng DFA ito. Sa kasalukuyan naman ang kanilang overall assessment ay hindi pa naman nagwa-warrant na magsagawa ng—o magpatupad ng anuman doon sa alert levels na nasa ating standard procedures.

Kaya iyon ang tinukoy kahapon para ‘yung bawat kagawaran na mayroong partisipasyon diyan ay makapag-update, fine-tune, improve ‘yung kanilang mga patakaran at mga plano. Ang importante dito ay matitiyak natin ‘yung kaligtasan at kagalingan, safety and well-being of all of our citizens, dahil marami silang nagtatrabaho sa Middle East at pinakaraming bahagi ‘non ay nasa Saudi Arabia.

Lei Alviz (GMA-7): Sir, komento lang po doon sa isang pag-aaral na pumapangalawa daw po ‘yung Pilipinas sa bilang ng mga pagpatay sa human rights activists?

SEC. COLOMA: Patuloy na tinutukoy ng Commission on Human Rights ang mga naiulat na karahasan at insidente ng pagpaslang laban sa mga kinikilalang tagapagtaguyod ng human rights. Sa ilalim ng Aquino administration, ilang mahahalagang hakbang na ang isinagawa upang maitaguyod ang karapatang-pantao kabilang na ang pagbubuo ng isang Human Rights Victims’ Claims Board para bigyan ng karampatang kompensasyon ang mga naging biktima ng Martial Law.

Ms. Alviz: Sir, may statement din si Senator Chiz Escudero, kasi kahapon po sa briefing sinabi po ni Secretary (Edwin) Lacierda na parang lahat naman po ng isyu kaugnay doon sa Mamasapano encounter ay lumabas na po sa mga imbestigasyon. Sinabi po ni Senator Escudero na paano daw po malalaman kung may bago kung hindi po magsasagawa ng hearing po ‘yung Senado?

SEC. COLOMA: Sinabi ni Secretary Lacierda na hinahanap natin kung meron pa ngang bagong matutuklasan at iyan ay bilang komentaryo dahil batid natin na noong panahong sinisiyasat ito ay nagkaroon na rin ng malawak na talakayan iyan. Iba’t ibang mga pagsisiyasat ang isinagawa. Merong BOI ‘yung PNP, pati ‘yung Commission on Human Rights meron din silang ginawang pag-aaral, ‘yung MILF meron din silang report, ‘yung House of Representatives kalalabas lang ‘nung kanilang ulat. Iyong Department of Justice naman meron ng mga sinisiyasat na mga indibidwal na implicated doon sa kaganapan sa Mamasapano. Kaya’t ang mahalaga dito sa lahat ng ito ay malaman ‘yung katotohanan at magawaran ng katarungan. 

Sa lahat ng pagkakataon, ang ating pamahalaan ay naging tapat at makatotohanan. Hinarap lahat ng mga tanong at sinagot ang mga ito, at mismong si Pangulong Aquino ay ilang beses na humarap sa bansa para tugunan ang mga kuwestyon na nailahad. Most recently, noon lang Setyembre, siya na mismo ang nagsabi na may mga bagong usapin na nais niyang matukoy and within the same week ay natalakay ito. Nagpapakita lamang na sa lahat nga ng pagkakataon, hinarap at hinaharap ng pamahalaan ang katotohanan at iyan ang mahalaga diyan sa kaganapan sa Mamasapano.

Ms. Alviz: Sir, may koordinasyon na daw po ba para doon sa pag-uwi po ni Miss Universe Pia Wurtzbach? Will she pay a courtesy call to the President?

SEC. COLOMA: Wala pa tayong impormasyon hinggil diyan.

SOURCE: Presidential News Desk