Interview with PCO Secretary Martin Andanar
DWIZ / Bitag / isumbong mo kay Tulfo by Mon Tulfo
04 January 2017 / 9:57-10:06 A.M.
TULFO:                                                 Secretary Andanar, magandang umaga.

SEC. ANDANAR:                              Hello, good morning. Happy New Year.

TULFO:                                                 Happy New Year, Mr. Secretary. Ito atang puspusan—itong taong ito, puspusan ang magiging kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, Secretary?

SEC. ANDANAR:                              Sa naging pangako ng Pangulo nung kampanyahan – criminality, corruption at droga.

TULFO:                                                 Ito ngayon ang balita namin ngayong taon na ito ipaiiral niya iyong kanyang pangako na aalisin o bawasan iyong korapsyon?

SEC. ANDANAR:                              Opo. Ang gagawin po ng Pangulo sa taong ito ay talagang puspusan ang kampanya dahil ito po ay talagang kasama sa kanyang pangako at alam naman natin na kada-speech ng Presidente ay kasama po iyong korapsyon. Nakita  natin na iyong drug apparatus ay malapit nang magiba at ngayon naman ay susunod na iyong pangalawang…iyong kampanya ng Pangulo naman laban sa mga corrupt na opisyal, na maipakita sa publiko na meron talagang political will itong gobyernong ito. At ang ating Pangulo, he does not mince words and  he walks his talk, iyon lang po iyon. Ito po ang ginawa niya sa Davao; ito po ang gagawin niya sa buong Pilipinas.

TULFO:                                                 Meron po ba siyang mga ahensiya na tinutuunan ng pansin sa kampanya laban sa korapsyon?

SEC. ANDANAR:                              Lahat po ng ahensiya, sir Mon, ay tinututukan ng Pangulo. Kaya nga iyong ating tanggapan, itong Presidential Communications Operations Office, kasama po iyong opisina ni CabSec Jun Evasco ay tayo po ay nakikipagtulungan sa pamamagitan ng 8888 na ating programa para doon magsumbong ang taumbayan. Ito ay bukas sa publiko, kung meron po iyong mga report of on corruption i-report po ninyo doon at aaksyunan agad ang mga tauhan ng Presidente at kayo po ay makakaasa na ang pangako ni Presidente, tulad ng pangako niya laban sa illegal na droga, ganyan din po ang gagawin natin sa kanyang pangako na masugpo na itong korapsyon sa ating bayan, para ang pera ng bayan ay mapunta talaga sa mga tamang proyekto para sa ikauunlad ng bansa.

TULFO:                                                 Pero base sa aking experience ang pinaka-corrupt po na mga ahensiya ng gobyerno ay ang, number one ay BIR, Bureau of Internal Revenue. Pangalawa, Bureau of Customs. Pangatlo po, Land Transportation Office. Iyan po ba ay pagtutuunan ni Presidente ng pansin itong mga ahensiyang ito?

SEC. ANDANAR:                              Opo, sir Mon. Wala pong excuse ang mga ahensiyang iyan, kanya dapat ay iyong mga nagpa-plano, nagbabalak po na ipagpatuloy iyong kanilang mga gawain ay maghanda na po kayo dahil meron pong katapusan ang lahat. At alam n’yo naman, sir Mon kayo po, you have the ear of the President at siya ay makikinig talaga sa inyo at ito po’y sinabi n’yo rin sa kanya kung meron kayong mga impormasyon na mga opiyales na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang happy-happy dahil sa kanilang mga tiwaling ginagawa at ito po ay counter-productive sa ating bansa na gusto ng pagbabago. Kaya makakaasa po ang publiko, sir Mon.

TULFO:                                                 Secretary, iyong ang kurapsyong iyan abuso kasi sa gobyerno,  corruption din ho iyan eh, iyong mga abuso ng mga empleyado. Kagaya  nung sa PNP mga kaibigan na marami pong…hindi lingid sa atin na maraming pulis na abusado. Ano ho ba ang gagawin ni Pangulo dito, iyong mga reports na mga pulis na tiwali na nambubugbog, namamaril na walang dahilan?

SEC. ANDANAR:                              Ang gagawin po diyan ay kakasuhan po sa Napolcom, sir Mon. At alam din po natin na si General Bato Dela Rosa, bilang alter-ego ng ating Pangulo, ay ganun din po ang kanyang political will na para maipatupad ang lahat ng gusto ng Pangulong pagbabago tulad po ng ginawa nila sa Davao City. At nakita naman natin, sinampolan na tayo n gating Pangulo nung nakaraang taon sa war against illegal drugs. Nakita na rin natin na meron pong mga brod ang Pangulo sa BI na may kaso at nasampolan din po ni Presidente. Wala pong sinisino ang ating Pangulo; kung kayo po ay merong ginawang masama at guilty po kayo, kayo ay talagang haharap sa tamang ahensiya na para mag-imbestiga sa inyo. Kaya po ang babala po ng Pangulo ay hindi naman natigil kada speech ng Presidente, binabanggit niya ayaw niya ng corruption sa Gabinete, ayaw niya ng corruption sa mga ahensiya at ito talaga ay gagawin ng Presidente. Wala pong kinakatakutan ang ating Pangulo, sir Mon.

TULFO:                                                 Ayon, walang kinikilingan, walang pinapanigan, ika nga, Secretary?

SEC. ANDANAR:                              Opo, opo. At saka ano po, sir Mon, siguro sa pamamagitan  ng inyong programa sa radyo, alam naman  po natin na…like what I said earlier, that you have the ear of the President, kung meron po kayong reports, you  can go straight to the President  or kung kayo po ay maraming ginagawa ay puwede n’yo pong ipasa sa akin ang mga report ninyo para sigurado pong makakarating sa ating Pangulo iyong mga reklamo po.      

TULFO:                                                 Maraming salamat, Secretary Andanar. Meron pa pong isa lang. May mga…siguro doon sa dahil sa mabilisan iyong mga desisyon, nagkamali ata ang Pangulo sa mga pagpili ng  ibang opisyal. May mga opisyal na alam na natin, wag na nating banggitin, na hindi karapat-dapat na napunta sa kanilang mga puwesto. Ayaw ko nang banggitin dahil—let them defend themselves, first. Pero ano po ang gagawin ng Pangulo kaya dito sa mga ito?

SEC. ANDANAR:                              Well, alam naman natin na lahat po ng ina-appoint ng Pangulo, they go through a stringent process of screening. Now, hindi naman ibig sabihin niyan ay hindi natin titingnan ang bawat performance ng isang head of agency or ng presidente. Lahat naman po  ito  ay tinitingnan natin ng maigi kung magpe-perform talaga on hindi at kung hindi naman nag-perform ng maayos ay hindi naman magdadalawang-isip ang ating Pangulo, ang ating gobyerno na palitan sila. Ngayon kung meron pong mga reports na hindi po  ginagawang—mga ginagawang masama  po ng ating mga bagong taong gobyerno ay huwag po kayong mag-atubiling i-report po sa 8888 o sa tanggapan ko at aaksyunan po natin kaagad iyan at atin pong sasabihin sa Presidente at sa mga taong nakapaligid po sa kanya para ma-review  agad ang kanilang mga  appointments.

TULFO:                                                 Mr. Secretary, ano po iyong mga ahensiya na papalitan ng Pangulo iyong mga heads, iyong mga hepe?

SEC, ANDANAR:                              Batay po sa huling interview kay Presidente nung December 29, ang sinabi niya po magkakaroon po ng minor na balasahan, pero dito lang sa Department of Foreign Affairs. At ito naman ay matagal nang sinabi ng Pangulo nung siya ay nanumpa, na si Secretary Jun Yasay ay temporary lamang dahil ang puwesto talaga ay para kay Senator Alan Cayetano. Kaya iyon po ang binanggit ng Pangulo na magkakaroon po ng changes. Kung saan po ilalagay si Secretary Yasay, iyon po ang hindi ko alam.

TULFO:                                                 Ayon. Wala na bang iba, iyong mga corrupt agencies? Iyan sa DFA wala namang corruption diyan eh, menos kung meron man. Pero iyong mga corrupt agencies wala po bang mga minor changes or major changes… sa Customs po halimbawa?

SEC. ANDANA:                                 Iyan po ang aabangan natin, Sir Mon. Abangan natin ang susunod na mga kabanata, dahil alam naman natin tulad ng sinabi ni Presidente na its only been six months at iyong mga bagong appointees ay less pa iyong possibility na sila ay nakapag-corrupt dahil sa six months pa lamang. Pero alam naman natin na ito po ay ongoing at binabantayan natin lahat. Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ay na-appoint ay nandoon na iyong buong full trust and confidence. At full trust and confidence can dwindle depending on your performance. Kaya iyon po ang ating babantayan, sir Mon.

TULFO:                                                 Maraming salamat, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:                              Maraming salamat po, sir Mon at mabuhay po kayo.

##

source:  Transcription NIB