Interview with Lanao del Sur Vice Governor Mamintal Adiong Jr.
DZRB Kaagapay Ng Bayan
27 May 2017

Q: Sir, kamusta po ang Lanao del Sur? Paki-larawan po natin sa ating mga taga-subaybay. Kamusta po kalagayan ninyo diyan po? 

VICE GOV ADIONG: Ang Lanao del Sur, ang lahat ng munisipyo dito, peaceful na ho. Wala man nangyayari. Pero ang Marawi City ngayon ang under siege. 

Ngayon, sa mga oras nito, dire-diretso pa rin ang pambobomba ng ating mga military sa loob ng Marawi City proper… ng Marawi City para linisin ang buong Marawi City. 

Q: Okay. Sir ‘yung karahasan ba dito lang sa Marawi City talaga? So ‘yung ibang bayan diyan sa ano, hindi, hindi naman ganon, hindi apektado?  

VICE GOV ADIONG: Naka-confine ngayon ang problema sa Marawi City. Sa mga kalapit munisipyo, wala namang, wala namang nangyayari kasi ang mga kababayan natin na naninirahan dito sa Marawi City, nag-evacuate na sa mga iba’t ibang munisipyo dito sa Lanao del Sur. At ang karamihan ay bumaba na ng Iligan. 

Q: Okay sir. So meron pong ginagawa naman ng paraan itong local government in coordination siyempre doon sa ating militar para ma-confine lang talaga sa Marawi at hindi maapektuhan po ‘yung ibang lugar diyan? 

VICE GOV ADIONG: Ina-update naman kami ng AFP at PNP kung anong hakbang ang ginagawa nila kung sakali mang lalabas na sila ng Marawi City. 

Sa ngayon, ang putukan nasa loob lang ng Marawi City. Sa ngayon, maraming bomba na ang hinulog sa loob ng Marawi City. 

Q: Sir, meron ba tayong mga kinatawan ng local government na nakikipag-communicate doon sa panig ‘nong mga bandido? 

VICE GOV ADIONG: Walang nakikipag-communicate sa kanila. Hindi… Unang-una ‘no, hindi kilala kung sino itong mga ‘to. At ito’y mga bata. Nakikita lang sa mga picture na nagsi-circulate ngayon sa Facebook… mga bata. 

Kaya hindi… hindi namin alam kung sino. Kaya… At, walang gustong pumasok ngayon sa loob ng Marawi City dahil sa nangyayaring putukan ngayon. 

Q: Kumusta sir ‘yung ano, ‘yung tulong from national government? Nakakarating po ba diyan sa inyo? 

VICE GOV ADIONG: Sa ngayon… magmula kagabi may dumating ng tulong na nanggaling sa national government, nanggaling sa ARMM.

Sa national government, nandiyan sa Region 12 at mga tao namin ngayon at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, nasa Iligan, doon ginagawa lahat ang mga relief goods, binababa dito.

At sa mga nadadaanang mga munisipyo, kung nasaan ang mga evacuees natin from Marawi City, binibigyan na sila ng supply doon. Then ‘yung iba sa loob ng kapitolyo. Dito ang, dito ang kontrol, kontrol sa kapitolyo. 

Q: Sir, ang kapitolyo niyo diyan sa Lanao del Sur? 

VICE GOV ADIONG: Hello, hello? 

Q: Saan po sir ‘yung kapitolyo po ninyo diyan sa Lanao del Sur po sir? 

VICE GOV ADIONG: Magkalapit kami ng… halos dikit ang AFP compound brigade at ang kapitolyo. 

Q: Sa Marawi City sir? 

VICE GOV ADIONG: Oo, sa Marawi City. Siya ‘yung pinaka-safe na lugar dito ngayon. Sa nangyaring kaguluhan ngayon, dito lahat pumupunta ang mga evacuees natin saka dalin sa Iligan saka ‘yung mga katabing munisipyo na hindi apektado ng mga ano, kaguluhan. 

Q: Doon sa Mindanao ano, Mindanao State University, tama ba sir? 

VICE GOV ADIONG: Ang Mindanao State University about two kilometers from capitol.

Q: Mabuti naman sir na katabi pala ng kapitolyo ‘yung AFP, ‘yung military camp, ‘yung military camp po. 

VICE GOV ADIONG: Oo.  

Q: Sir, so hindi niyo na… Ano po ang gusto niyong ipanawagan, sir, sa national government? O okay naman po ‘yung, ‘yung mga sa relief goods, et cetera po.

VICE GOV ADIONG: Ang relief goods natin na nanggagaling sa national government ngayon, siyempre ang laking pasalamat natin sa national government, lalo na sa ating Presidente sa lahat ng tulong na inaabot niya. Nandon ngayon sa Iligan. 

Para i-repack ‘yung mga supplies na dumating sa Iligan at ibababa dito at idadaan sa mga munisipyo kung nasaan ang atin mga evacuees from Marawi City.

Q: ‘Yung mga ano sir natin diyan, ‘yung mga ospital, kumusta naman po?

Q: Oo nga. 

VICE GOV ADIONG: Ang ospital natin ngayon, isa sa mga pinakamalaking ospital, Amai Pakpak Memorial Medical Hospital, sarado ngayon kasi na retake na natin ‘yun, na-recover natin ang Amai Pakpak Hospital. Then ang problema natin ngayon ang mga doktor natin nagsialisan na.

‘Yung mga nurses natin, nagsialisan na. Kokonti na lang ngayon ang mga doktor na nandito ngayon sa Marawi City.

Q: Meron ba, sir, tayong mga emergency ano diyan, emergency medical teams?

VICE GOV ADIONG: Meron. Kokonti lang dito sa Marawi. Pero halos lahat ng doktor natin nasa Iligan na at sa mga kalapit… sa mga munisipyo ng Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Q: Sir sa pagtaya ninyo. Marami pa bang residente ‘yung mga tunay na residente ng Marawi City na nandiyan pa rin, na hindi pa nakakalikas po?

VICE GOV ADIONG: Meron. Kokonti na lang ang…  mga, nagdedepende ‘yan sa nagte-text sa’min, nagte-text sa’min kung meron pang nasa loob. Pero meron pa rin, meron pa rin.

Q: Madami-dami pa ba po?

VICE GOV ADIONG: Hindi natin ma-estimate kung gaano karami ‘yan. Pero meron pa rin na mga nagte-text.

Q: Kumusta naman sir ngayon ‘yung daloy ‘nong mga sasakyan from Marawi to Iligan halimbawa?

VICE GOV ADIONG: Wala tayong problema sa [garbled] bababa sa Iligan. Pero, ang problema natin ngayon masyadong heavy ‘yung traffic diyan pababa ng Iligan at paakyat ng Marawi City. Umaabot ka ng, may umaabot ng lima hanggang 10 oras ‘yan. Ang layo lang ng Marawi from Iligan is 40 kilometers.

Q: Pero inaabot na ng three hours ngayon po?

VICE GOV ADIONG: Three hours, three to five hours six hours.

Q: Oh my—Oo, sa traffic ‘no.

VICE GOV ADIONG: Oo, sa traffic. At marami rin naglalakad.

Q: Ay sir, ‘yung tungkol kay ano nga pala, kay Isnilon Hapilon, kumpirma, may info ba sir kayo diyan kung kumpirmadong nandiyan sa Marawi?

VICE GOV ADIONG: Tungkol sa problema diyan, wala po tayong info. Inaalam pa natin ang info sa mga military natin, kung nandito ba talaga si Isnilon Hapilon.

Q: Ayon. Sir, maraming salamat po sir.

VICE GOV ADIONG: Sige. Maraming salamat din.

Q: Maraming salamat sir. At ingat po kayo. Good luck po. 

VICE GOV ADIONG: Sige po. Sige po. Maraming salamat din po. 

— END — 

source: PCO PND Transcriber