Interview of PCOO Assistant Secretary Ana Marie Banaag
PTV – Bagong Pilipinas by Jules Guiang and Dianne Medina
29 June 2017 (7:34 AM – 7:40 AM)

MEDINA:                                            Asec. Banaag, personally, congratulations po sa inyong ahensiya. Kami rin po mismo dito sa PTV ay nadama po namin ang mga pagbabago from PCO. Pero coming from you, Asec. Banaag, ano po ang mga highlights ng PCO po for this one year po ng administration?

ASEC. BANAAG:                            Yes, Dianne, thank you for that. And of course, I congratulate our Secretary and all the undersecretaries and assistant secretaries, all the heads of our agencies for making it through the challenges in the past months. And of course, siguro maganda rin na ang ating mga kababayan ang mag-assess sa atin kasi siyempre sasabihin natin kung ano ang mga nagawa natin, but at the end of the day, sila kung naramdaman ba nila ang presensya natin. Sila pa rin ang mag-a-assess kung kinaya ba natin ang kanilang ekspektasyon.

                                                                But at our end, ang masasabi po natin, sa mga nagawa natin in the past months, the PCOO had been very active sa social media. Not only that, we’ve been active in partnering, in reaching out with other agencies para po matulungan ang ating mga ahensiya na iparating sa ating mga kababayan kung ano ang mga polisiya ng ating gobyerno na puwede pong makagtulong sa kanila, at kung papaano nila ma-access ang mga programa ng ating pamahalaan para po sa ating mga kababayan.

                                                                And of course, the Dutertenomics and we’ll be having Yakap Sambayanan or Kilos-Sambayanan for the social programs of our government that makaka-access po ang ating mga kababayan gaya po ng mga health care benefits, medical assistance, paano po nila maa-access itong mga programang ito ng ating pamahalaan. And of course, on top of that, other than the freedom of information, may mga policies po na ginagawa ang office po ni Assistant Secretary Kris Ablan tungkol po sa social media. And of course, itong mga ginagawa po natin para sa ASEAN 50, tayo po ang nangunguna sa communication side po na maipamahagi kung ano ang ASEAN sa ating mga kababayan at ano ang mayroon sa ASEAN na puwedeng … what is it to them. Ano ang makukuha nila dito, ano ang mapapala nila dito at paano nila maa-access kung mayroon mang mga programa pa ang ASEAN para sa ating mga kababayan na nandito at nasa ibang Asian countries.

GUIANG:                                            Okay. Asec., perfect po na  nabanggit ninyo na iyong ASEAN kasi isa nga po ito sa mga highlights ng 2017 na talagang very aggressive nga po ang PCO sa pagdala ng ASEAN sa iba’t ibang mga isla ng Pilipinas. Nagkaroon po kayo ng mga road show. Puwede ninyo po bang ibahagi sa ating viewers ngayon iyong mga ginawa ninyong road shows po?

ASEC. BANAAG:                            Yes, Julius. Maraming road shows ang ASEAN para we can reach out sa ating mga kababayan. Hindi lang road shows, may mga kasamahan po tayo sa PCO na pumunta sa mga isla, mge eskuwelahan, mga communities, mga barangays po para maipamahagi kung ano ang ASEAN at ano ang maitutulong ng ASEAN sa kanila. Halimbawa, tayo, iyong mga kababayan natin, kamag-anak natin na nagtatrabaho sa Thailand o sa ibang ASEAN countries, ano ang mayroon doon na mga partnerships or mga agreements ng ating bansa with them na puwedeng makabenepisyo sa kanila, Julius.

MEDINA:                                            All right. Babalikan ko lang iyong sinabi kanina ni Asec. Banaag doon sa social media. Tiningnan ko ngayon ang Facebook ng Presidential Communications, one million na ang kanilang followers. And even sa PTV, talagang marami na rin ang nagpa-follow.

GUIANG:                                            Nag-shoot up lahat.

MEDINA:                                            Nag-shoot up lahat really from the start of this administration. Now, Asec., alam po namin na napakarami na pong mga pagbabago sa mga attached agencies – PTV, sa Radyo Pilipinas, PNA, PIA. Ano pa po ang mga future plans po ninyo para po mas mapalakas ito pong mga public information outlets po ng pamahalaan?

ASEC. BANAAG:                            Yes, Dianne. Si Secretary Andanar ay napaka-strategic niya sa pag-iisip ng kung anuman ang puwede niyang gawin at puwedeng gawin ng ating mga director generals sa ating mga ahensiya. Like this time—this year ay 70thanniversary ng Radyo Pilipinas. So sila Director Aportadera, si DDG Carlo ay napakahusay nila na mag-handle din kung papaano natin mai-aangat ang Radyo Pilipinas. Ang dating Radyo ng Bayan po ay Radyo Pilipinas, RP1 na po siya. And marami tayong ginagawa, like FM1, 87.5 na iyan ay isang istasyon covering the whole of the Philippines.

And of course, doon sa mga ginagawa po natin na  … iyong mga promise po ng ating Pangulo at ni Secretary Andanar doon sa Cordillera Hub, natapos po iyan noong Pebrero. And of course, soft opening sa Davao, PTV Davao. And of course, other than that, tinitingnan din po ng ating opisina kung papaano matutulungan ang ating mga ahensiya at, of course, kung papaano matutulungan ang ating mga kasamahan na nagtatrabaho sa ating mga ahensiya. Kasi, tayo naman po, kung wala tayong mga kasamahang nagtatrabaho, hindi magiging successful po ang ating organisasyon.

GUIANG:                                            Asec. Marie, maraming, maraming salamat po sa inyong panahon at siyempre for being very hands-on dito sa PTV at sa lahat ng mga attached agencies. And of course, on behalf of Bagong Pilipinas, thank you so much for making this show here. So maraming salamat po sa inyong support po mula po sa PCO.

                                                                Muli po, nakapanayam natin via phone patch, mula sa Presidential Communications Office, walang iba kung hindi si Asec. Marie Banaag. Thank you so much, ma’am.

ASEC. BANAAG:                            Thank you, Jules. Thank you, Dianne. Magandang umaga po.

                                                                                ##

SOURCE:  TRANSCRIPTION NIB